Tahimik na nagpapahinga si Caramel sa maluwag at marangyang kwartong pansamantala niyang tutulugan. Kasama niya roon ang tatlong kasambahay, dalawa sa mga ito ay may edad na, halatang sanay na sa trabaho, habang ang isa nama’y mas bata sa kanya ng limang taon, medyo nahihiya pa at palaging nakayuko.
Sa kwartong iyon muna siya magpapalipas ng gabi. Kinabukasan, inihanda na ang paglipat niya sa isa pang bahay na pagmamay-ari pa rin ng mga Misuaris, doon nakatira ang baklang si Fourth. Naalala na naman niya ang baklang iyon. Diyos ko talaga! Hindi man lang siya sinabihan na may mga gwapo pala itong mga kapatid. Kung tutuusin, halos limang taon na rin ang lumipas mula nang huli silang magkita. Sa totoo lang, ayaw na sana niyang muling makita ang pagmumukha ni Fourth, pero kailangan niya ng malaking sahod, at para sa pamilya, tiis muna siya. Napatingin siya sa sulok ng kama kung saan nakapatong ang itim niyang bag, ang lalagyan ng pinakamamahal niyang mga armas. Matagal-tagal na rin simula nang huli niya iyong gamitin, lalo pa't matagal na siyang naka-assign sa monitoring team. Noong huli siyang sumama sa isang misyon kasama ang ibang unit ng SIA, muntik na siyang bawian ng buhay. Dahil doon, agad siyang pinarusahan ng Superior at pinababa sa mababang posisyon. Ilang beses na rin siyang nagbitiw sa trabaho, pero palagi siyang kinukulit ng ahensya na bumalik. Sa huli, wala rin siyang ibang mapagpipilian, lalo't kailangan niya ng trabaho. Kaya nagtagal siya roon at tinitiis na lang ang pagmumukha ni Satoh sa loob ng monitoring room. Nagbukas ng pinto ang dalagang kasambahay, isang 27-anyos, at tahimik na pumasok sa loob ng kwarto. “Miss, kain na raw po kayo, sabi ni Don Primero,” magalang nitong wika. Nag-inat muna si Caramel bago dahan-dahang bumangon sa kama. “Yung apat, andiyan pa ba?” tanong niya, tinutukoy ang anak at mga pamangkin ni Don Primero. “Umalis na po sila, Miss. Abala po kasi ang mga 'yon sa kani-kanilang buhay,” nakangiting tugon ng dalaga. Sumunod siya palabas ng kwarto. Paglabas, natanong niya ang kasambahay habang naglalakad sila sa hallway. “Sa kanilang apat, sino ang pinaka-guwapo?” Kaagad namula ang pisngi ng dalaga, halatang nagulat sa tanong. “S-Siyempre… si Sir V-Van,” nahihiyang sagot nito habang bahagyang nakangiti. Napatango si Caramel. “Ah, crush mo si Van?” tanong niya na may halong panunukso. “H-Hindi po!” mabilis na tanggi nito habang namumula ang mukha. Napahawak pa ito sa sariling pisngi na tila gustong itago ang pamumula. “Asus! Tanggi ka pa. Kitang-kita sa pisngi mo, namumula ka, eh,” natatawang komento ni Caramel. Natahimik ang dalaga pero hindi maikakailang natamaan siya sa sinabi. “Matagal mo na siyang crush, no?” dagdag pa ni Caramel, lalo pang inusisa. Hindi na sumagot ang kasambahay. Halatang ayaw pang umamin. Maya-maya, bumalik sa kanya ang tanong ng dalaga. “Eh ikaw, sino ang pinaka-gwapo para sa’yo?” Bigla siyang napaisip. Totoo namang lahat sila guwapo. Ang hirap mamili. “Ang hirap makapili lalo na't beautiful face is subjective,” tanging tugon na lamang ni Caramel. “Pero para sayo? Sino sa Misuaris boys ang mas lamang ang looks paningin mo, maliban kay Van," dagdag pa niya. Sandali namang napaisip si Kyline. "Yung magkambal siguro. Sa dinami-dami ng anak ni Don Primero sa iba't ibang nanay ay sina sir Fourth at sir Third na siguro ang mas lamang," ani nito. Napakunot naman ang noo ni Caramel. “Ang ibig mong sabihin... maraming naanakan si Don Primero?” Mabilis na tumango ang dalaga. “May dalawa siyang babaeng pinakasalan," tugon nito. Napa-“ah” na lang si Caramel habang inalala ang paraan ng pagtitig sa kanya ni Sixto kanina. Kaya naman pala ganun kung makatingin, para siyang ina-assess kung potensyal ba siyang maging ‘kerida’ ni Don Primero. Hindi inaasahan, biglang tanong ng dalaga. “S-Sigurado ka bang hindi ka... kabit ni Don Primero?” Bahagyang nasamid si Caramel, at napatitig sa kausap. Sa dami-dami ng puwedeng isiping pagkakakilanlan niya, kabit pa talaga? “Siyempre hindi! Bakit mo naman natanong?” balik-tanong niya. Nagkibit-balikat lamang dalaga bago muling nagsalita. “Mahilig kasi siya sa mga babaeng kasing-edad mo. Sexy, batang tingnan, maganda, at makinis ang kutis ng mga natitipuhan niya.” Napataas ang kilay ni Caramel at napatango-tango. Ah, so ganun pala. Kung iyon ang ‘type’ ni Don Primero, naiintindihan na niya kung bakit nagkaroon ng pagduda si Sixto at ang ibang tao sa mansiyon. Pero kahit ano pa ang itsura niya, hindi niya kailanman maiisipang pumatol sa isang matandang parang tatay niya na lamang. Marami na siyang naging manliligaw, karamihan may edad na, may pera, may kapangyarihan pero wala siyang pinatulan sa mga ito. “Kahit pa maging interesado siya sa akin, hindi naman ako interesado sa kanya,” diretsong pahayag ni Caramel. “At sa palagay ko, mahilig siya sa mga babaeng mapusok at materialist girl. Sa panahon ngayon, kusa na talagang lumalapit ang bulaklak sa paru-paro, lalo na kung makulay at maharlikang paru-paro,” dugtong pa niya habang may bahagyang ngisi sa labi. Lumapit siya sa dalaga at mahinahong tinapik ito sa balikat, sabay banggit ng babala, “Pero ito ang sasabihin ko sa’yo, Kyline... huwag na huwag kang padadala sa mga maharlikang paru-paro na ‘yan. Dahil ang mga ‘yan, hanggang dapò lang ang alam. At pagkatapos, lilipat na naman sa ibang bulaklak,” payo niya rito. Tahimik lang si Kyline habang pinagmamasdan si Caramel na naglakad palayo. Naiwan siyang tila nag-iisip. “She's right,” pagsang-ayon niya bago sumunod kay Caramel. ---- **HOSPITAL** “Aw! Dahan-dahan naman!” inis na daing ni Fourth habang nililinis ng nurse ang sugat sa kanyang braso. Nadaplisan siya ng bala noong gabing tinakasan niya ang apat na bodyguard na in-hire ng kanyang ama upang bantayan siya. Sa isip niya, sobra naman ‘yon kasi parang ginawa siyang priso sa higpit ng ama sa kanya. Kaya’t noong nakahanap siya ng pagkakataon, nakalusot siya sa bantay at nagtungo sa isang gay bar para makipag-party at mag-unwind. Naka-disguise naman siya, pero sadyang matalas ang mga mata ng mga kalaban ng mga Misuaris. Hindi niya inakala na may balak pala talagang ipatumba siya. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakaamoy ng panganib at nakatakas bago pa siya tuluyang mapuruhan. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. “Huwag ka nang magreklamo, Fourth, dahil ginusto mo ‘yan!” sabat ni Third pagkapasok, agad na sumalubong ang boses nitong may bahid ng inis. Tinapunan siya ni Fourth ng masamang tingin, pero deadma lang ito. “Kung nakinig ka lang sana kay Dad, edi sana hindi ka umabot sa ganyan,” dugtong pa ni Third habang nakatayo sa paanan ng kama. “E ‘di ayaw ko nga siyang sundin!” mariing tugon ni Fourth, halos pabulyaw. “Gusto niyang mag-quit ako sa pagiging artista. Tapos ano? Gagawin niya akong alalay sa negosyo niya? Ayoko nga!” Tumaas ang kilay ni Third. “Hindi naman ‘alalay’ ang tawag doon, Fourth. Isa ka rin sa magmamana ng mga ari-arian ni Dad, katulad ko. Ang gusto lang naman niya ay tumulong ka sa business. Hindi ‘yung puro pasikat at pa-party ang inaatupag mo!” “A.Y.O.KO. As in, no way! Gagawin ko ang lahat ng gusto ko. At wala siyang magagawa tungkol doon!” madiing giit niya. Napabuntong-hininga si Third, halatang inis na inis na ngunit hindi na rin nagulat sa katigasan ng ulo ng kakambal. “May magagawa si Dad,” mariin na sagot ni Third, “at sigurado akong hindi mo ‘yun magugustuhan.” Napalingon si Fourth, napatingin kay Third na tila may gustong ipahiwatig. Ano na naman kaya ang iniisip ng kanyang ama? Muli siyang nagduda, alam niyang hindi biro ang mga hakbang ng kanilang ama kapag may gusto itong ipatupad. “Be prepared, and good luck,” panghuling sabi ni Third bago lumakad palabas ng silid, iniwan siyang nakatunganga. “Edi good luck! Like, duh!” asar na saad ni Fourth sa hangin, sabay hair flip ng kanyang imaginary hair, parang walang pakialam pero sa loob-loob niya, may kaba na unti-unting pumipiglas sa kanya.“Sige, sakay ka na,” saad ni Sixto kay Carmela, habang pinasasakay siya ng binata sa motorsiklo nito. “Hindi ba pwedeng sumakay na lang tayo ng van?” suhesyon ni Carmela. Naka-park lang naman ang van sa parking lot, saka marunong naman mag-drive ng kotse si Sixto. “Baka kasi umulan, mabasa pa tayo,” dagdag pa niya. “Sa motor na lang. Tayong dalawa lang naman ang pupunta roon. At saka, masikip ang daanan ng baryong pupuntahan natin, mahihirapan tayong humanap ng parking lot doon,” kalmadong paliwanag ni Sixto. Napabuntong-hininga naman si Carmela. “Huwag nang maarte. Sa probinsiya n’yo nga, kalabaw lang raw ang sinasakyan ninyo ni Caramel noon,” dagdag pa ni Sixto na may halong biro. “Noon 'yon,” asik ni Carmela, at napilitan na ring sumakay sa motor. Hinintay siya ni Sixto na maisaayos ang pagkakasuot ng helmet bago pinaharurot ang bigbike. Mabilis ang pagpapatakbo ni Sixto kaya napakapit agad si Carmela sa beywang ng binata. Hindi niya akalaing medyo malayo pala ang baryong ti
"Gusto mo bang sumakay ng kabayo? Sabi sa akin ni Caramel, gusto mo raw mag-try ng horseback riding," saad ni Sixto, pilit binabasag ang tensyon sa pagitan nina Carmela at Luis. Ramdam ni Sixto ang paminsang tagpong tumitigas ang panga ni Carmela at kung paano siya iwas na iwas kay Luis. Hindi man siya nagtatanong, alam na niyang may mabigat na kasaysayan ang dalawa. Ayaw lang niyang mas lumalim pa ang awkwardness sa pagitan nila, lalo’t kasama si Olivia. “Me! I want a horseback riding, Tito Sixto!” magiliw na sabat ni Olivia. “Why not, Carmen? Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin,” ani ni Sixto sa bata bago nito binuhat si Olivia at pinasakay sa itim na kabayo. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Carmela habang pinagmamasdan ang tiyo at pamangkin. “Dito ka na sumampa sa puting kabayo, Carme. Tulungan na kita,” sabat naman ni Luis na agad ikinaasim ng mukha ni Carmela. Napahalukipkip siya at mariing tiningnan si Luis. “Ayaw ko,” agarang tanggi niya. “Past is past, Carmela. Ibaon mo na
Maaga silang bumiyahe kasama ang buong pamilya. Alas-4 pa lang ay gising na si Carmela at naghanda agad kasama ang kanyang ina para makalarga nang maaga. Tatlong magkasunod na white van ang bumabaybay sa liko-likong daan na may mga lubak, kaya bawat liko ay halos manginig ang buong sasakyan. Isang van para sa pamilya ni Caramel, ang isa ay sa pamilya nina Carmela, at ang isa pa ay sakay ang ilang tauhan ni Fourth. Naroroon din sa van na iyon ang mga gamit at pagkaing kakailanganin nila. Malayo kasi ang Granja Luz del Sol, mga dalawang oras mula sa lungsod, tapos masukal at makipot pa ang daan papuntang bukid kaya pinaghandaan na nila ang lahat para hindi na kailangang magpabalik-balik pa. Labinlimang minuto pa lang sa biyahe ay nagsalampak na ng headset si Carmela sa tainga at nagpatugtog. Tahimik lang sa tabi niya si Firlan, nakatanaw sa bintana na parang malalim ang iniisip. Napapahikab si Carmela; kulang pa talaga ang tulog niya. Halos madaling-araw na siya nakatulog dahil sa dam
“Anong mukha 'yan, Carmela? Halatang stress ang fislak mo, girl,” sabi ng ate niyang si Caramel. “Summer break ngayon, tapos ikaw, mukhang nauna na sa Undas,” dagdag pa nito habang buhat-buhat ang pang-apat nilang anak ni Fourth, si Theo Oliver Jr. Napakamot sa ulo si Carmela. Hindi biro ang pagiging public school teacher, sobrang stressful dahil sa dami ng gawain. Elementary Education ang kinuha niya noong college, at sa awa ng Diyos, nakapasa rin siya sa LET Exam. Nagpa-rank agad siya para makapagturo sa elementarya, pero hindi niya alam na 90% backer system pala ang labanan para makapasok bilang public teacher. Kaya ayun, ilang beses siyang nagpa-rank pero hindi nakakuha ng item. Sabi ng iba, “Mag-master’s degree ka, mas malaki ang chance mo na matanggap,” kaya kahit kakapasa pa lang niya noon ng LET, nagdesisyon siyang kumuha ng Master's Degree. Nakapasa naman siya, nagpa-rank ulit… pero wala pa rin. Ang dahilan? Kulang daw siya sa experience. Tàngina talaga. Dahil doo
Hindi inakala ni Carmela na ang isang simpleng bakasyon sa farm ng kanyang half-sister ay magbabago ng kanyang pananaw sa linték na pag-ibig. As a hardworking public high school teacher, wala siyang oras para sa love life, especially not for a man like Sixto Misuaris. Pero, sa isang hindi inaasahang halik mula sa binata ang biglang nagpabago sa mahigpit niyang pananaw. She was hooked on his charming yet hilarious antics which made her short summer vacation memorable. From one accidental kiss to an unexpected love story.
Hi readers, Thank you ulit sa suporta ninyo sa librong ito. You can check out my other books if you like. I also have the next-generation sequel story to this book. Title: My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong Ito ang love story ni Olivia Carmen, ang anak nina Caramel at Fourth. Pero nasa ibang genre na siya. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa light romance and comedy genre katulad nitong libro nina Caramel at Fourth, dahil sa totoo lang, seryoso na ang buhay ko ngayon. Eme. Drama is life now, and I’m also trying to dive into more mature and mysterious vibes of stories. I hope mapagtagumpayan kong matapos ang new story ko. Yun lang. SKL