Mag-log inNAGTAKA si Magda sa kanyang kaibigan. Nasa bar sila ni Felicity. Kasama na naman nito si Larry. Ang buong akala niya ay silang dalawa lamang pero isinama pala nito ang lalaking tinirhan nito sa US. “Pinangangalandakan mo na si Larry sa publiko, Felicity. Hindi ka ba natatakot na baka may makakita sa inyo?” tanong niya. Napatingin si Felicity kay Magda habang hawak ang baso niya. “Why would I be afraid?” malamig niyang sagot. “Felicity, you're still married to Kyle.” “On paper.” Napakunot-noo si Magda. “Exactly. Kaya nga sinasabi ko sa'yo na mag-ingat ka.” Napatingin si Felicity kay Larry na tahimik na nakaupo sa tabi niya. “He's not just someone I met in the US, Magda.” “Then what is he?” Hindi agad sumagot si Felicity. Ngumiti si Larry at marahang hinawakan ang kamay niya. “I'm the man she chose.” Napatingin si Magda sa kanilang dalawa. “Pero hindi ibig sabihin noon na puwede mo nang ipakita sa lahat na kayo.” “Why not?” “Dahil kapag nalaman ito ni K
PINANTAYAN ni Kyle ang kanyang anak. “Go to your room and change your clothes. Tell yaya to help you.” Utos niya. Tumango si JK at mabilis na umalis. Tumayo si Kyle at sinundan Ng tingin ang anak. “Kyle, who really is that girl to you? biglang natanong ni Mina sa kanyang anak. Napabuntong-hininga si Kyle. “She's the woman I can't have…” Napatingin si Mina sa anak. Hindi niya inaasahan ang sagot nito. “What do you mean by that?” Umupo si Kyle sa sofa at sandaling yumuko. Ilang taon niyang pilit na iniiwasan ang nakaraan, pero isang pagkikita lang ay bumalik lahat. “She was part of my life before, Mom.” “Before JK?” Tumango si Kyle. “Yes.” Napahawak si Mina sa kanyang kamay. “And the child?” Hindi agad sumagot si Kyle. Alam niyang darating ang tanong na iyon. “Mom, please.” “Kyle, nakita ko kung paano ka tumingin sa kanya kanina. At nakita ko rin kung paano siya tumingin kay JK.” Napatingin si Kyle sa ina. “She knows.” “Knows what?” Tahimik siya sandali bago sumago
NANLALAMIG ang mga kamay ni Loyalty. Pinipigilan niya ang luha na bumagsak, lalo sa harap ng dati niyang amo. Naramdaman niya ang paghawak ni Carla sa kanyang kamay. “Small world talaga… dito pa talaga kayo nagkita,” sabi ni Carla. Napabaling ng tingin lamang si Loyalty sa kaibigan. “At nakita mo ba ang batang kasama nila?” tanong pa ni Carla. Hindi pa rin sumagot si Loyalty. Nakita niya ang batang iyong, alam niya sa puso niyang iyon ang anak niya. “Loyalty?” muling tawag ni Carla. Napakurap siya at mabilis na umiwas ng tingin. Ayaw niyang mapansin ni Carla ang namumuong luha sa kanyang mga mata. “Oo,” mahina niyang sagot. “Anak ba niya?” tanong ni Carla. Hindi agad nakasagot si Loyalty. Muli niyang inalala ang mukha ng bata. Nakangiti ito habang nakahawak sa kamay ni Kyle. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya habang pinagmamasdan ang sariling anak. Nanlaki ang mga mata ni Carla saka mabilis na bumaling kay Loyalty. “Ibig sabihin siya ang anak mo…” “Carl
“LOYALTY?” saad ni Kyle na natulala habang nakatitig sa mukha ng babaeng nasa harapan nila. “Anong ginagawa mo dito?” gulat pa niyang tanong. Napatingin si Loyalty sa kaibigan niyang papalapit sa kanya. “Sir Kyle?” nabibiglang sabi rin ni Carla. Hindi agad nakasagot si Loyalty. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya inaasahang makikita niya si Kyle sa araw na iyon. Ang plano lang niya ay kunin ang mga gamit niya sa clinic at umuwi agad sa San Gabriel. “May kinuha lang akong gamit sa clinic,” mahinang sagot niya. Nakatitig pa rin si Kyle sa kanya. “Clinic?” Tumango si Loyalty. “Yes. May ilang gamit akong naiwan doon.” Saglit na natahimik si Kyle. Nag-mature na si Loyalty ngayon. Iba na ang itsura niya kumpara noon. Pero kahit ilang taon na ang lumipas, nakilala pa rin niya ito agad. Maganda pa rin ito at mukhang inosente. “Matagal ka na ba sa Manila?” tanong niya. “Hindi. Ngayon lang kami pumunta.” “Kasama mo si Carla?” “Opo.” Napatingin si Kyle kay Carla a
SA kabilang bahagi ng Manila, palabas na si Loyalty mula sa clinic dala ang mga gamit na kailangan niyang kunin.“Done,” sabi niya habang inaayos ang bag.“That's it?” tanong ni Carla nang makalabas siya.Tumango si Loyalty.“Yes. We can go home to San Gabriel.”Naglakad silang dalawa papunta sa parking area. Hindi napansin ni Loyalty na sa lugar na iyon ay may mga taong malapit lang sa kanyang buhay na hindi niya alam na naroon din.Napabaling siya sa kanyang kaibigan.“Hindi ka ba dadaan sa inyo? Ilang linggo ka nang nasa San Gabriel?”Sumama ang mukha ni Carla nang marinig iyon. “Ayoko muna umuwi sa bahay. Saka may panggastos naman sila Nanay para sa isang buwan.”Napatingin si Loyalty sa kaibigan.“May problema ba sa bahay ninyo?”Umiling si Carla. “Wala naman. Ayoko lang talaga muna umuwi.”“Baka nag-aalala na sa'yo ang Nanay mo.”“Alam naman niyang okay ako. Nakakapagpadala naman ako.”Hindi na nagsalita si Loyalty. Kilala niya si Carla. Kapag ayaw nitong pag-usapan ang isang ba
PALUWAS si Loyalty sa Manila dahil may kukunin siyang ilang gamit na naiwan niya sa clinic. Isinama niya si Carla dahil ayaw niyang mag-isa sa biyahe. Dalawa lamang silang magkaibigan na bumiyahe papunta sa Manila. “Sigurado ka bang wala kang nakalimutan?” tanong ni Carla habang nagmamaneho. “Wala naman. May ilang gamit lang talaga ako sa clinic na kailangan kong kunin.” “Baka matagalan tayo roon.” “Hindi naman. Kukunin lang natin tapos uuwi na tayo.” Tumango si Carla at muling nag-focus sa daan. Samantala, nakatingin si Loyalty sa bintana. Ilang taon na rin ang lumipas mula nang tuluyan niyang iwan ang lahat ng nangyari sa Manila. Ngayon, iba na ang pakiramdam niya sa pagbabalik. May sarili na siyang clinic. Natapos na rin niya ang pag-aaral niya at masaya siya sa buhay na pinili niya. Ayaw na niyang balikan ang nakaraan. Pero habang papalapit sila sa Manila, hindi niya maiwasang maalala ang mga panahong gusto na lang niyang kalimutan. “Loyalty?” Napalingon siya kay Carla
WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty. Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba
MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n
"LOYALTY Sarmiento..." narinig niyang tawag sa pangalan niya. Agad nagtaas siya ng kamay. "Ako po! Ako po si Loyalty Sarmiento." Ang sabi niya. Napalingon agad sa gawi niya ang babaeng may hawak ng kaniyang papel. Nag-aapply siya ng trabaho at sinusubukan ang swerte sa Maynila. Naiwanan ang kan
‼️ WARNING: RATED18 ‼️ ‼️ MATURE CONTENT ‼️ Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. There are some words t







