LOGINPUMASOK sa loob ng opisina ni Kyle si Tres. Napatunghay siya sa kanyang kaibigan na naglalakad palapit sa kanya. “Pare, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo at kailangan mong makipagmabutihan kay Loyalty. Gusto mo na ba talaga ang surrogate mother niyo ni Felicity?” tanong ni Tres sa kaibigan habang umuupo. Napabuntong-hininga si Kyle. “I don't care what you say.” Napabuntong-hininga si Kyle. “I don't care what you say.” Napailing si Tres. “Iyan ang problema sa'yo. Kapag ayaw mo ng sagot, nagbibingi-bingihan ka.” Nakasandal si Kyle sa kanyang upuan habang nakatingin sa bintana ng opisina. “Wala kang alam sa nangyayari.” “Then enlighten me.” Natahimik si Kyle. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag ang isang bagay na siya mismo ay hindi maintindihan. “She's been there for me,” mahinang sabi niya. “Ano?” “Si Loyalty, nandiyan siya noong panahong wala si Felicity.” Napakunot-noo si Tres. “Pare, surrogate mother siya. Kasama talaga iyon sa kasunduan ninyo.” “I kno
MARAHAS na napabuntong-hininga si Kyle at mabilis na nilapitan si Loyalty. Kinabig niya ng mahigpit na yakap ito. Nagitla naman si Loyalty sa ginawa ni Kyle. Napapikit siya at ninamnam ang mainit na yakap nito. "Thank you..." mahinang bulong ni Kyle sa tuktok ng ulo ng dalaga. Bahagyang kumunot ang noo ni Loyalty. "Para saan?" Mas hinigpitan pa ni Kyle ang yakap niya rito, tila ayaw muna itong pakawalan. "Sa pananatili mo sa tabi ko," sagot niya. "Sa lahat ng pagkakataong puwede mo akong iwan, nandito ka pa rin. Puwede ka namang umatras sa kasunduan natin, kung gugustuhin mo. Puwede kang magback out, pero Hindi mo ginawa." Napalunok si Loyalty. Unti-unti niyang itinaas ang mga kamay at marahang niyakap din ang lalaki. "Hindi naman kita kayang pabayaan. Saka hindi ko kayang basta na lang putulin ang nasa kontrata, napakabuti mo sa akin, " mahina niyang tugon. Napapikit si Kyle nang marinig iyon. Pakiramdam niya ay may bahaging matagal nang walang laman sa kanyang puso ang unti
MABILIS pinunasan ni Loyalty ang kanyang mga luha. Hindi siya dapat na maging malungkot. Hindi na siya nag-iisa ngayon. Mayroon nang munting buhay na nasa kanyang sinapupunan. “Sorry, anak. Patawarin mo ’ko kung ipinagpalit kita sa malaking halaga. Alam ko na maiintindihan mo rin iyon pagdating ng panahon. Mahal na mahal ka ni Mama,” umiiyak pa ring sambit niya. Napakalaki ng kanyang kasalanan sa kanyang anak. Kahit anong sabihin niya sa sarili, hindi niya maiwasang makaramdam ng guilt sa tuwing naiisip niyang darating ang araw na kailangan niya itong iwan. Mahigpit niyang niyakap ang sarili habang nakaupo sa gilid ng kama. “Pero pangako, anak... magiging maayos ang buhay mo. Hindi ka maghihirap tulad ko. Magkakaroon ka ng mabuting pamilya.” Pumatak muli ang kanyang mga luha. Sa kabila ng mga salitang iyon, hindi niya mapigilan ang sakit na unti-unting sumisiksik sa kanyang dibdib. Dahil kahit anong mangyari, siya pa rin ang nagdala sa batang ito sa loob ng siyam na buwan. Si
HINDI malaman ni Kyle Kung bakit iyon namutawi sa kanyang bibig. Napakurap siya ng kanyang mata at napailing-iling saka napasuklay ng kanyang buhok. “I mean, a-anong gagawin mo kapag nakapanganak ka na?” Pagtatama niyang tanong. Tinitigan muna ni Loyalty sa mata si Kyle. “Uuwi ako sa probinsya, doon magsisimula ng panibagong buhay. Gusto kong matupad ang pangarap kong maging dentista.” Napatang-tango si Kyle. “Yeah. Tama ang gagawin mo. Sa makukuha mong pera, malaki ang maitutulong niyon sa buong pamilya mo at sa gusto mong gawin.” Mayroon ba siyang dapat isipin tungkol sa kanila ng dalaga? Alam niyang nagkakasala na siya sa kanyang asawa sa mga bagay na unti-unti niyang nararamdaman. "But you are still here. Hindi ka puwedeng umalis hangga't hindi mo ipinapanganak ang anak ko," sabi niya sa wakas. Bahagyang natigilan si Loyalty. Pagkatapos ay ngumiti siya, ngunit may lungkot sa kanyang mga mata. "Alam ko naman iyon." Iyon naman talaga ang nakasaad sa kontrata. Mananatili siya
“HON, I'm so happy that you called.” Bungad na sabi ni Kyle pagkasagot na pagkasagot sa tawag ng kanyang asawa. Narinig ni Kyle ang pagbuntong-hininga ni Felicity sa kabilang linya. Hindi niya malaman kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya ngayon habang kausap ang asawa. Pilit niyang kinakapa ang sarili. Tila wala na ang excitement na dati niyang nararamdaman sa tuwing maririnig ang boses ni Felicity. Noon, sapat na ang isang tawag nito upang gumaan ang kanyang pakiramdam. Ngunit ngayon, may kung anong pagbabago na hindi niya maipaliwanag. "How are you, Kyle?" tanong ni Felicity. "I'm okay. Ikaw? Kumusta ka na?" tanong niya. "I'm doing better." Napatingin si Kyle sa kawalan. Pilit niyang kinakapa ang kalooban. "That's great, hon.” May ilang segundong katahimikan sa pagitan nila. "Aren't you happy?" biglang tanong ni Felicity. Natigilan siya. Halata sa kanya na nangangapa ng sasabihin sa asawa. "Of course, I am." "Then why do you sound different?" Napahawak si Kyle sa
LUMIPAS pa ang isang buwan. Habang tumatagal, lalo pang napapalapit sa isa't isa sina Kyle at Loyalty. May schedule sila sa kanilang doktor upang magpa-check kung mayroon nang laman ang tiyan ni Loyalty. Ito na ang pinakahihintay nila upang makauwi na si Felicity sa mansyon. Maaga silang umalis ng bahay nang araw na iyon. Tahimik ang loob ng sasakyan habang patungo sila sa ospital. Paminsan-minsan ay sumusulyap si Kyle kay Loyalty, halatang hindi mapakali. "Nerbyoso ka?" tanong ni Loyalty nang mapansin ang mahigpit nitong pagkakahawak sa manibela. Bahagyang natawa si Kyle. "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan." "Ako rin naman." Nagkatinginan sila at sabay na napangiti. Pagdating sa ospital ay agad silang tinanggap ng doktor. Matapos ang ilang pagsusuri, pinaghintay muna sila sa opisina nito. Halos hindi mapakali si Kyle sa kanyang kinauupuan. Paulit-ulit niyang sinisilip ang pinto habang si Loyalty naman ay tahimik lamang na nakaupo. Ilang minuto pa ang lumipas bago bumukas ang
PINAHIGA ni Kyle si Loyalty sa kama, hindi pa rin magkahinang pa rin ang kanilang mga labi. Gumapang ang mga kamay ni Kyle sa likod ng dalaga. Nang lumapat ang katawan ni Loyalty sa kama ay gumapang ang halika niya pababa sa leeg ng dalaga. Mariing napapikit si Loyalty nang maramdaman ang magagaa
PABALING-BALING ng higa si Kyle. Hindi siya dalawin ng antok. In his whole life, ngayon lang siya parang naging tuliro. Binabagabag na siya, hindi niya alam kung bakit. Napalunok si Kyle. Hindi niya nagustuhan ang direksyong tinatahak ng kanyang isip kaya agad siyang bumangon mula sa kama. Isin
HINDI alam ni Kyle ang gagawin. Nahahati siya sa kanilang pangarap at Kay Felicity. Matutupad ang pangarap nilang mag-asawa, ngunit unti-unti namang nawawala ang pagmamahal nila sa isa’t isa. “Kailan mo ulit balak na gawin?” tanong ni Tres. Napahinto at napabaling ang tingin ni Kyle sa kaibigan.
NASA bar sina Kyle at Tres, inaya ni Kyle ang kaibigan na mag-inom. Pero as sual, siya lang naman ang umiinom. Bawal daw si Tres umiinom ng alak, sabi ng asawa nito. Sinamahan Lang talaga siya ni Tres SA bar. “Pare, sa tingin mo malulutas ang problema mo sa pag-iinom mo ngayon? Hindi!” sabi ni Tr







