LOGINHINDI maipinta ang mukha ni Magda. Kaharap niya ngayon si Felicity, nasa restaurant silang magkaibigan. "Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip mo at sumama ka na talaga kay Larry, Felicity." Inis na turan niya. "Mahal ko si Larry. Siguro ito na ang oras para sundin ko naman ang gusto ng puso ko," katwirang sagot ni Felicity. "Ano ka ba naman? Pinagpalit mo si Kyle sa isang pipitsuging si Larry. Anong mapapala mo sa kanya?" Inis pa rin na turan ni Magda. Hindi niya alam kung bakit kailangang gawin ni Felicity ang ganitong bagay. Iba ang pagkakakilala niya sa kanyang kaibigan. Hindi ito desperada na babae. "Hindi pera ang habol ko kay Larry," sagot ni Felicity. "Then what? Love?" Napailing si Magda. "Felicity, ilang taon kayong nagsama ni Kyle. May anak kayo. Alam mong hindi ganoon kadaling basta iwan ang lahat dahil lang may ibang lalaking nagsasabing mahal ka niya." "Pero si Kyle mismo ang nagtulak sa akin palayo." Natigilan si Magda. "May ibang babae na siya sa buhay
"DADDY, si Mommy po?" tanong ni JK.Simula noong nag-usap sila ni Felicity ay sumama na ang asawa niya kay Larry."Mommy is going outside the country," pagsisinungaling na sagot ni Kyle.Ayaw niyang maging masama ang imahe ni Felicity sa kanilang anak. Hindi niya alam kung ano ang magiging tingin ni JK sa kanyang ina kapag nalaman nito ang lahat."Bababalik po ba siya?""Of course.""Kailan po?"Natigilan si Kyle. Hindi niya alam kung ano ang isasagot."Soon, son.""Tomorrow?""Hindi ko pa alam."Napatingin si JK sa kanyang ama."Galit po ba si Mommy sa atin?"Pinantayan ni Kyle ang anak at niyakap ito."No.""Sa Daddy?"Napabuntong-hininga si Kyle."Maybe she's just confused right now.""Kasalanan ko po ba?"Agad na napatingin si Kyle sa anak."No, JK. Never think that."Lumapit siya at yumuko sa harap nito."Wala kang kasalanan sa kahit anong nangyayari sa amin ni Mommy.""Promise?""Promise."Niyakap siya ni JK. Mahigpit siyang niyakap ni Kyle pabalik.Sa murang edad ng kanyang ana
NAKATANAW si Loyalty sa malawak na bukirin sa likod lamang ng kanilang bahay. "Bigla ka na lang umalis sa clinic kagabi. Nakapag-usap ba kayo ni Sir Kyle?" tanong ni Carla. "Oo, Carla. Pero iniwan ko rin siya..." "Ikaw, ano ba ang nararamdaman mo para kay Sir Kyle?" "M-mahal ko siya. Pero alam mong hindi kami puwede..." "Dahil surrogate ka niya?" "Dahil bawal at hindi namin puwedeng ipilit ang mga gusto namin," sagot ni Loyalty. Napatingin si Carla sa kanya. "Pero mahal mo siya." Tumango si Loyalty. "Oo. Hindi siya mahirap mahalin." "At mahal ka rin niya, Loyalty," sabi ni Carla. Hindi sumagot si Loyalty. Hindi niya kailangang magsalita. Alam niyang totoo iyon. "Pero may asawa siya," mahina niyang sabi. "Legal na asawa." "Pareho lang iyon, Carla." "Hindi." Napalingon si Loyalty sa kaibigan. "Para sa akin, malinaw iyon. Kahit ano pa ang nararamdaman namin ni Kyle, may papel na nag-uugnay sa kanila. At hindi ako ang taong dapat sumira noon." "Pero paano kung siya mis
HINDI naniniwala si Felicity sa rason ni Kyle. "Magkukunwari pa ba tayo? Kyle, aminin na sa sarili mo. Mahal mo si Loyalty noon pa man. Bago pa niya dalhin ang anak mo!" Nabigla si Kyle sa tinuran ni Felicity. "Huwag mong ibunton ang frustrations at galit mo kay Loyalty. Ginawa ni Loyalty ang lahat para hindi ka masaktan." "See. Ipinagtatanggol mo siya." Napahigpit ang pagkakahawak ni Kyle sa kanyang baso. "Because she doesn't deserve your anger." "Then what does she deserve, Kyle?" mapait na tanong ni Felicity. "A thank you? Congratulations dahil siya ang dahilan kung bakit nagbago ka?" "Huwag mong baligtarin." "Ikaw ang nagbago!" Napatingin si Kyle sa kanya. "Felicity!" "No. Let me say this." Tumayo si Felicity mula sa kinauupuan niya. "Alam kong may nangyayari sa inyong dalawa na hindi kasama sa kontrata. Hindi ako bulag." "Mali ang iniisip mo sa aming dalawa. Saka paano mo nga makikita dahil umalis ka! Iniwan mo ako rito sa mansyon." "Explain it to me more. Ganyan
NASA Manila na si Kyle. Malapit na siya sa mansyon. Nasa isip pa rin niya si Loyalty.Napahampas na lang siya sa manibela. Hindi magiging kanya ang babaeng gustong-gusto niya.Napapatanong tuloy si Kyle sa kanyang sarili. Hindi na ba siya puwedeng maging masaya ulit? Piliin naman niya ang taong mahal niya.Napabuntong-hininga si Kyle.Hindi niya alam kung kailan matatapos ang lahat ng kaguluhan sa buhay niya.Mula nang umalis siya papunta sa probinsya, hindi na nawala sa isip niya si Loyalty. Kahit anong gawin niya, bumabalik pa rin sa kanya ang mukha ng babae.Pero alam niyang may isang bagay siyang kailangang harapin. Si Felicity. Legal pa rin niyang asawa ito.Pagdating niya sa mansyon, agad niyang napansin na bukas ang ilaw sa sala.Ipinark niya ang sasakyan at bumaba. Pagpasok niya sa malaking pinto, agad niyang narinig ang boses ng isang lalaki."Felicity, you don't have to worry about him."Natigilan si Kyle. Hindi siya nakahuma na may kausap ang kanyang asawa nang lihim.Dahan
“MALI ang ginagawa mo, Sir Kyle. Kung ano ang nangyari noon ay tapos na. Huwag mo ng ibalik pa ang lahat,” nakikiusap na sabi ni Loyalty. Mabilis na umiling si Kyle. “Hindi,” sabi niya. Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Loyalty. “Tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mong wala lang ang lahat ng iyon.” Napaiwas ng tingin si Loyalty. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni Kyle. Limang taon na ang lumipas, pero sapat na ang ilang segundo kasama nito para bumalik sa kanya ang lahat ng pilit niyang kinalimutan. “Wala iyon, Sir Kyle,” mahina niyang sagot. Napakunot ang noo ni Kyle. “Look at me.” Dahan-dahang tumingala si Loyalty. Mabilis niyang nakita ang sakit sa mga mata ng lalaki. “Mahal kita, Loyalty.” Nanigas siya sa kanyang kinakatatayuan. “Hindi nagbago iyon kahit limang taon tayong hindi nagkita. Sinubukan kong kalimutan ka. Sinubukan kong isipin na bahagi ka lang ng nakaraan ko. Pero hindi ko nagawa.” Umiling si Loyalty. “Huwag po.” “Bakit?” “Dahil wala
NAPATULALA si Loyalty. Magiging surrogate mother siya ang magdadala at magbubuntis ng sanggol para sa mag-asawang hindi kayang magkaroon ng sariling anak."Loyalty, I know na labag ito sa iyong kalooban. Pero desperado na ako. Don't worry about everything. Lahat ay ibibigay naming mag-asawa. Pumaya
WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty. Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba
MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n
"LOYALTY Sarmiento..." narinig niyang tawag sa pangalan niya. Agad nagtaas siya ng kamay. "Ako po! Ako po si Loyalty Sarmiento." Ang sabi niya. Napalingon agad sa gawi niya ang babaeng may hawak ng kaniyang papel. Nag-aapply siya ng trabaho at sinusubukan ang swerte sa Maynila. Naiwanan ang kan







