Mag-log inMABILIS na binuksan ni Kyle ang pinto ng kuwarto ni Loyalty. Pero sa pagpasok niya sa loob ay nagtaka siya. Malinis na ang kuwarto, at naabutan niya na lang ang nurse na pinapalitan ang bedsheets at punda ng unan.“Where is the patient? Loyalty Sarmiento?” tanong niya.Narinig ng nurse ang tanong ni Kyle kaya agad itong humarap sa kanya."Sir, umalis na po siya,” sagot ng nurse. “Kagabi pa po siya umalis, kasama ang kaibigan niya.”Natigilan si Kyle. Nakaalis si Loyalty? Hindi nagpaalam sa kanya. Napalunok siya.Parang may mabigat na bumagsak sa dibdib niya."Nakaalis?" hindi makapaniwalang ulit niya.Tumango ang nurse."Yes, sir. Na-discharge na po siya kagabi. Kumpleto na po kasi ang clearance niya. Kasama po niya ang kaibigan niyang si Carla."Napalibot ang tingin ni Kyle sa buong kuwarto. Wala na ang mga gamit ni Loyalty. Wala na ang maliit na bag nito. Tila ba walang naging bakas na minsang nanatili rito si Loyalty."May iniwan ba siyang mensahe?" halos pabulong niyang tanong.Sa
NAGISING si Loyalty sa mga ingay na naririnig niya. Dahan-dahan pa niyang iminulat ang mga mata. Ramdan niya ang sakit ng kanyang buong katawan. Pakiramdam niya nahati ang kanyang katawan sa sobrang sakit, “Ang guwapo naman ng bagong baby… “ naririnig niyang sabi. Sa tono ng boses dama niya ang saya sa nagsasalita. “Of course… he is a Marasigan,” boses iyon ng lalaki. Pilit niyang inaninag ang mga tao sa paligid niya. Agad natuon ang tingin niya kay Kyle na hawak ang baby. Tila napawi lahat ang sakit na nararamdaman ni Loyalty. Napangiti siya, Napangiti siya, kahit mabigat pa ang talukap ng kanyang mga mata. Nilingon siya ni Kyle at agad lumambot ang ekspresyon nito nang makitang gising na siya. "Gising ka na..." mahina nitong sabi. Dahan-dahang lumapit si Kyle sa kama habang maingat na karga ang sanggol. "Nandito siya..." bulong nito. "Ang anak natin." Hindi napigilan ni Loyalty ang pagluha. Isa-isang pumatak ang mga luha niya habang nakatitig sa maliit na sanggol na mahimb
TULOG na tulog pa si Loyalty. Payapa ang mukha pero mababanaag ang hirap sa mukha nito dahil sa panganganak.Bumukas ang pinto ng kuwarto ni Loyalty. Pumasok si Kyle sa loob, dala niya ang bouquet ng tulips na bulaklak.Tahimik na isinara ni Kyle ang pinto upang hindi magising si Loyalty. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama nito.Sandali siyang napatigil. Tahimik niyang pinagmasdan ang dalaga.Maputla pa rin ang mukha nito. Halatang pagod na pagod matapos ang mahabang oras ng panganganak. Bumaba ang tingin niya sa bouquet ng puting tulips na hawak niya.Marahan niya iyong inilapag sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Loyalty."Thank you..." mahina niyang bulong."Salamat sa pag-iingat sa anak namin."Hindi pa rin nagigising si Loyalty. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Napatingin si Kyle sa maliit na baby crib na nasa tabi ng kama. Nandoon ang kanyang anak.Mahimbing ding natutulog ang munting sanggol habang mahigpit na nakakuyom ang maliliit nitong kam
PANAY ang lakad ni Kyle habang nasa harapan sila ng delivery room. Manganganak na si Loyalty. Kumpleto sila sa labas at naghihintay sa paglabas ng doktor.“Kyle, bakit hindi ka na lang umupo? Nahihilo na ako sa pabalik-balik mong lakad. Kung buhangin lang ang nilalakaran mo, siguro pinong-pino na ‘yan…” sabi ni Margarita sa kanyang apo.“Grandma, huwag niyo na po akong tuksuhin. Excited lang po ako sa pagdating ng anak ko. At labis akong nag-aalala kay Loyalty baka nahihirapan siya sa loob,” sagot ni Kyle, habang hindi maalis ang tingin sa pinto ng delivery room.Tahimik lang si Felicity na nakikinig sa mag-lola. Nakangiti siya nang bahagya, ngunit halata rin ang kaba sa kanyang mukha. Lumapit siya kay Kyle at hinawakan ang braso nito.“Kyle, kumalma ka muna. Malakas si Loyalty, kaya sigurado akong kakayanin niya. Huwag kang mag-alala, lalabas din sila nang ligtas at pareho silang magiging maayos,” mahinahong sabi ni Felicity.Tumango si Kyle, huminga nang malalim, at pinilit na humup
“AHH…” daing ni Loyalty. Napahawak siya sa kanyang tiyan. Saka bumaba ang tingin niya. Parang manganganak na ata siya.Nakaupo siya malapit sa bintana. Napalinga siya sa kanyang kuwarto. Walang tao kundi siya lamang. Lumabas si Carla, pumasok SA kompanya si Kyle at si Felicity, kasama sa labas ang kaibigan nito. Anong gagawin niya ngayon?Napatingin siya sa kanyang phone na nasa gilid ng kanyang kama. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa side table Pinilit niyang abutin ang kanyang phone. Nagtagumpay si Loyalty na makuha ang phone niya kahit nanginginig na ang mga kamay niya. Mabilis niyang hinanap ang pangalan ni Carla at agad itong tinawagan.Ilang segundo ang lumipas."Hello, Loyalty?" sagot ni Carla."C-Carla..." hirap na hirap niyang sambit.Napakunot ang noo ni Carla."Loyalty? Bakit? Anong nangyari?""Parang... p-panganganak na ata ako..."Nanlaki ang mga mata ni Carla."Ano?! Masakit na masakit na ba ang tiyan mo?"Napapikit si Loyalty nang muling sumakit ang kanyang tiyan
KITANG-KITA ang saya sa mukha ni Kyle habang hawak nito ang kamay ni Felicity. Nasa likuran nila sina Loyalty, Carla at Magda. Pinagmamasdan ni Felicity ang asawa niya. Bumaba ang mata niya sa kamay nila ni Kyle na magkasalikop. Alam niya na ang saya sa mukha n Kyle ay dahil kay sa anak nila ni Loyalty. May kirot na dumaan sa dibdib ni Felicity. Pero hindi niya iyon ipinahalata. Sa halip ay mas hinigpitan lang niya nang kaunti ang pagkakahawak sa kamay ng asawa. Napalingon si Kyle sa kanya. "Are you okay?" Pinilit ni Felicity na ngumiti. "Yes." Hindi na siya nagtanong pa. Muli nitong ibinalik ang tingin sa ultrasound picture na hawak niya. Halata sa mga mata nito ang pananabik at saya. Napabuntong-hininga nang marahan si Felicity. Ganito pala ang hitsura ng isang lalaking unang beses na magiging ama... Hindi niya maipagkakaila na masaya rin siya. Matagal niya ring ipinagdasal ang batang iyon. Anak man iyon ni Kyle at Loyalty, bahagi pa rin iyon ng pamilya Marasigan. Lumapit
NAPATULALA si Loyalty. Magiging surrogate mother siya ang magdadala at magbubuntis ng sanggol para sa mag-asawang hindi kayang magkaroon ng sariling anak."Loyalty, I know na labag ito sa iyong kalooban. Pero desperado na ako. Don't worry about everything. Lahat ay ibibigay naming mag-asawa. Pumaya
WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty. Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba
MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n
‼️ WARNING: RATED18 ‼️ ‼️ MATURE CONTENT ‼️ Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. There are some words t







