LOGINONE year later, nakaupo si Loyalty sa isang upuan habang pinapanood ang paghampas ng dagat sa buhangin. Bumalik sila sa Coron, Palawan. First anniversary nilang kasal ni Kyle at malapit na rin siyang manganak. Sinama nila si JK para makita ang buong isla at makapag-bonding silang mag-anak bago dumating ang kanilang bagong baby. "Mommy!" Napalingon si Loyalty nang marinig ang boses ni JK. Patakbo itong lumapit sa kanya habang may hawak na maliit na kabibe. "Look, Mom! I found this!" Ngumiti si Loyalty at inabot ang kabibe. "Ang ganda naman. Para saan ito?" "For the baby," sagot ni JK. "Ibibigay ko sa baby natin." Napangiti si Loyalty at hinaplos ang buhok ng anak. "Siguradong magugustuhan ng baby ang regalo mo." Umupo si JK sa tabi niya at maingat na inilagay ang kabibe sa palad ng kanyang Mommy. "Mommy, kailan lalabas si baby?" "Malapit na. Ilang linggo na lang." "Excited na ako!" masayang sabi ng bata. "Ako ang kuya. Ako ang mag-aalaga sa baby." "Talaga?" "Yes. Tutur
HINAHALIKAN ni Kyle sa leeg si Loyalty. Mariing nakapikit ang mga mata ng kanyang asawa. "I love you, my love..." madamdaming usal ni Kyle sa kanyang asawa. Hinalikan niya si Loyalty sa labi at buong puso naman na tinugunan ng asawa. Bumaba ang halik ni Kyle sa leeg ni Loyalty. Kinagat nang bahagya ang maputing leeg ng kanyang asawa at inamoy pa, ang amoy ng sariwang bulaklak at malambot na balat. Napasinghap nang mahina si Loyalty, ang kanyang mga daliri ay mahigpit na kumapit sa balikat ni Kyle, bahagyang lumubog ang mga kuko sa damit nito. Naramdaman niya ang mainit na dila na sumunod sa bawat kurba ng kanyang leeg, humihinto, humahalik, humahaplos. Parang iniimbitahan siyang sumuko nang buo. "Kyle..." bulong niya, ang boses ay paos at nanginginig, ang ulo ay dahan-dahang sumandal pabalik upang mas maibigay ang sarili sa kanya. Hinawakan ni Kyle ang bewang ng asawa, mahigpit ngunit malambot, hinila ito palapit hanggang walang puwang sa pagitan nila. Ang bawat haplos ay mabagal
PAGKATAPOS ng kasal nila Kyle at Loyalty, didiretso sila sa kanilang honeymoon."Okay ka lang ba, JK, sa Lola at Lolo mo?" nag-aalalang tanong ni Loyalty."Yes, Mom. Don't worry about me. Don't be stressed. Mag-enjoy po kayo ni Daddy sa honeymoon niyo," sagot ng bata.Napangiti si Kyle habang nakatingin sa anak."Sure ka, buddy? Hindi ka malulungkot kapag wala kami ni Mommy?"Umiling si JK."No, Daddy. I have Lola and Lolo. Andito rin naman sina Tita Mina at Tito Wency."Napangiti si Kyle."Okay. Pero kapag may kailangan ka, sabihin mo agad sa kanila. Tawagan mo rin kami.""Yes, Daddy."Lumapit si Loyalty at hinalikan sa noo ang anak."Mag-behave ka, ha? Huwag mong pagurin sina Lola at Lolo.""Mom, five years old na ako. I can take care of myself."Napatawa si Kyle."Narinig mo 'yon? Five years old na raw siya."Napangiti rin si Loyalty."Oo nga. Ang laki na ng baby ko.""Mommy, hindi na ako baby!"Natawa silang tatlo.Maya-maya ay dumating na ang sasakyan na maghahatid kina Kyle at L
NALULUHA na naglalakad si Loyalty palapit sa altar. Ang lahat ng mga mata ay nakatuon sa pinakamagandang babae sa araw na iyon, si Loyalty.Araw ng kasal nina Loyalty at Kyle. Halos isang buwan lamang ang naging preparasyon. Pinili ni Kyle na madaliin ang kanilang kasal dahil ayaw na niyang patagalin pa ang paghihintay.Limang taon silang nagkahiwalay ni Loyalty, ayaw na niyang maulit 'yon. Marami silang nasayang na mga araw kahit noong magkasama pa sila sa mansyon.Sa unahan ay naglalakad si JK bilang ring bearer. Maingat nitong hawak ang maliit na unan na may dalawang singsing ng mag-asawa.Ngumingiti ito habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nang makita ni Kyle ang anak, napangiti siya. Ngunit nang tuluyan nang makita si Loyalty, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Hindi niya maalis ang tingin sa babaeng pakakasalan.Napakaganda ni Loyalty sa suot nitong puting wedding gown. Simple lamang ang disenyo ngunit lalong lumutang ang natural nitong ganda. Nang makarating si JK sa harap
"I'M sorry, Kyle and Loyalty. Wala kami ni Larry sa kasal ninyo," sabi ni Felicity habang hawak ang kamay ni Loyalty. "Ano ka ba, Ma'am Felicity? Naiintindihan ko po 'yon. Kailangan ninyong bumalik sa America para ituloy ang inyonh gamutan. Hinahangad ko po na gumaling ka na at hundred percent na bumalik ang alaala mo." Itinaas ni Felicity ang tingin kay Loyalty. Ilang segundo niya itong pinagmasdan bago siya ngumiti nang bahagya. "Salamat, Loyalty. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat ng kabutihan mo sa akin," malumanay na sabi ni Felicity. Umiling si Loyalty. "Wala po kayong dapat ipagpasalamat sa akin. Ang importante po sa akin ay maging maayos na kayo." Napayuko si Felicity. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Loyalty. "Alam mo, dati hindi ko akalain na darating ang araw na magiging masaya ako para sa inyong dalawa. Pero ngayon, nakikita ko kung gaano kamahal ni Kyle si JK... at kung gaano ka niya kamahal." Napatingin si Loyalty kay Kyle. Nakangiti ito
KINABUKASAN, dumating ang buong pamilya ni Kyle. Andoon ang Mommy at Daddy niya, si Grandma ay kasama rin. Mamanhikan ulit ang pamilya Marasigan. Iyon ay tanda ng respeto sa magulang ni Loyalty. "Wella, ako si Mina ang Mommy ni Kyle. Si Wency ang asawa ko at si Mama ang Lola ni Kyle...." nakangiting pakilala ni Mina sa buong pamilya Marasigan. "Kilala mo na siguro si JK? Ang apo natin... at si Kyle ang nag-iisa kong anak." "Ikinagagalak ko po kayong makilala lahat..." nakangiting sabi ni Wella na nakipagkamay sa ginang. "Ang pormal mo naman sa handshake. Magiging balae na kita..." natatawang sabi ni Mina. Napangiti si Wella sa sinabi ni Mina. Bahagya siyang nahiya pero agad ding tumango. "Pasensya na po. Hindi ko lang po alam kung paano ko kayo babatiin," nakangiting sagot niya. "Walang dapat ikahiya. Hindi mo na kailangang maging pormal sa amin. Tutal, magiging pamilya na rin tayo," sabi ni Mina. Napangiti si Loyalty sa narinig. Nakaupo siya sa tabi ni Kyle habang si JK ay na
NAPATULALA si Loyalty. Magiging surrogate mother siya ang magdadala at magbubuntis ng sanggol para sa mag-asawang hindi kayang magkaroon ng sariling anak."Loyalty, I know na labag ito sa iyong kalooban. Pero desperado na ako. Don't worry about everything. Lahat ay ibibigay naming mag-asawa. Pumaya
WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty. Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba
MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n
‼️ WARNING: RATED18 ‼️ ‼️ MATURE CONTENT ‼️ Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. There are some words t







