Share

CARRYING THE TRIPLETS  OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND
CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND
Author: Lala

Kabanata 1

Author: Lala
last update Last Updated: 2025-12-10 23:20:11

Suot ang puting bestida tanda ng kanyang pagdadalamhati ay nanatiling nakatayo si Cristina sa harapan kung saan matatagpuan  ang kabaong ng kanyang ina. Nagmistulang ilaw ang mga kandila na nasa harapan niya at nag-rereplika ang liwanag ng mga ito sa mestiza niyang mukha. 

“Yna, hindi pa rin ba dumarating si Nigel? Mag-uumpisa na ang libing ng nanay mo.” 

Nakayuko niyang tinignan ang cellphone na malapit nang ma-lowbat. Hindi pa rin sinasagot ni Nigel ang mga tawag niya.

Sa loob ng pitong araw na lamay ng kanyang ina ay hindi kailanman iniwan ni Cristina ang burol nito kahit pa ay pitong buwan na siyang buntis. Ngunit si Nigel na tatlong taon niya ng asawa ay hindi pa rin ito nagpapakita sa lamay kahit isang beses pa lamang. 

Lagi namang umiintindi si Cristina sa nature ng trabaho ni Nigel dahil talagang busy lang ito sa trabaho, at iyon lamang ang lagi niyang pang-kumbinsi sa sarili. 

“Hindi po makakapunta si Nigel. Marami siyang ginagawa.” 

May bakas pa ng mga luha sa kanyang pisngi dahil mamasa-masa pa ang mga ito ay marahan niyang hinaplos ang kabaong ng kanyang ina kung saan ay natatanaw niya ang mukha nito. 

“Umpisahan na ang libing.” Nanghihina niyang saad sa napapaos na boses. 

“Hindi man lang siya nagpakita sa lamay ng mama mo. Gaano ba talaga ka-busy si sir Nigel, Cristina? Hindi niya man lang nirerespeto si Clementia” May panunuyang sita ng tiyahin niyang si Alona. 

Sarkastiko namang sumabat ang kanyang pinsan na si Jessie. “Diyaan ka nagkakamali mama. May respeto si sir Nigel kay tita Clementia. Pero wala siyang respeto kay Cristina at sa mga pamangkin ko na pinagbubuntis niya…aww..opsss.”

Nakakadurog ng damdamin ang mga sarkastikong komento na naririnig ni Cristina sa mga tao. Kahit na nakakaramdam siya ng matinding kalungkutan ay lagi niyang pinapaalalahanan ang sarili na naging mabuting asawa naman si Nigel sa kanya magmula nang sila ay ikasal. Kung h indi man ito makakapunta sa libing ay labis niyang naiintindihan ang trabaho nito. 

e

Ngunit panandalian lamang ang pagtahan niya sna sarili dahil agad siyang sinampal ng katotohanan nang makita niya na hawak ni Jessie ang cellphone at nagtitili ito. 

“Sikat ngayon si sir Nigel sa social media! Siya ito, hindi ba??” At agad naman nitong ibinigay ang cellphone kay Cristina. 

Agad siyang napatingin sa video na nasa cellphone ng pinsan. Isang trending video ang napanood niya at tila ba naging topic ito ngayong umaga ngunit nangyari talagang ang mistulang video nong isang gabi. 

Agad niyang nabasa ang caption ng video. Mr. CEO Nigel Angelous Montefalco rented a private resort to celebrate the birthday of his one and only true love, Milicent De Vera.

Makikita sa video ang eleganteng fireworks na sumasabog sa kalangitan ng gabi. Pormal at  may-awtoridad ang postura ni Nigel na nakaupo habang malambing na nakatitig sa babaeng katabi niya na labis na nasisiyahan sa masigabong fireworks display.

Kahit gaano pa kaganda ang mga fireworks ay hindi natinag ang atensyon ni Cristina sa likod ng lalaki sa video. Nakatalikod man ito ay kaagad niyang nakilala iyon, alam niyang si Nigel ang nasa video. Asawa niya iyon. 

Sa mga sandaling iyon ay naging blanko ang isip ni Cristina at nanigas kanyang katawan at hindi niya kayang igalaw ito. Kaya pala hindi siya pumunta ng lamay dahil busy pala ito sa pag cecelebrate ng birthday ng ibang babae. 

Rinig niyang tuloy tuloy pa rin ang tunog ng fireworks at ginatungan pa iyon ng sarkastikong boses ni Jessie. “ Hind ba sinabi mo na abala ang asawa mo, Cristina? Busy talaga siya. Busy siya na magpa-book ng private resort at mag-set ng fireworks display para i-surpresa ang ibang babae.” 

Napakuyom siya. Naglalaro sa kanyang isip ang imahe ni Nigel na nagpa book ng private resort para surpresahin ang ibang babae. 

Inaakala niya na abala ito sa trabaho. Kaya naman ay hindi niya na ito inistorbo kahit pa napakalaking problema ang kinakaharap niya sa pagkawala ng kanyang ina. Nagpasya siya na mag-isa na lamang niyang aasikasuhin ang bulol ng kanyang ina. 

Naging katawa tawa  ang mga pangyayari. Dahil may panahon si Nigel na mag-book ng private resort at magpa-set fireworks para sa birthday ng ibang babae. Ngunit sa loob ng pitong araw na 

nakaburol si Clementia ay walang naging panahon si Nigel para silipin ito at hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ni Cristina sa kanya. 

Si Millicent De Vera ang babaeng nasa video siya ang totoong mahal ni Nigel magmula pa noon. Sa kabilang banda naman ay asawa lamang si Cristina na nagpakasal kay Nigel dahil sa isang arrange marriage na ginawa ng lolo nito na si Don Maximo Montefalco. Malaki ang utang na loob ng Don sa ama ni Cristina kaya bilang kapalit ay gagawin niyang Montefalco ito. 

Sa tatlong taon na sila ay kasal, alam ni Cristina na hindi siya kailanman minahal ni Nigel. Kaya naman hindi niya na sinubukan pang guluhin ito tungkol sa kanyang mga problema at ni-minsan ay hindi siya nagpatulong rito. 

Kilala niya si Nigel, hindi ito expressive na tao pagdating sa kanyang nararamdaman. Hindi rin ito mahilig mag-celebrate ng kahit anong holidays tanging sa trabaho lamang umiikot ang kanyang mundo. 

Ngunit sa nakita niyang video, alam niyang may kakaiba. May pa-fireworks pang nalalaman si Nigel para sa ibang babae dahilan kung bakit naging katawa-tawa ang sitwasyon ni Cristina. Doon ay na-realize niya na kaya pala ng asawa niya na maging sweet ngunit ayaw niya lang talagang gawin iyon sa kanya. 

Sinubukan niyang baliwalain ang inindang sakit kahit siya ay nagngingitngit na sa init. Tuluyan niya nang inalis sa kanyang harapan ang cellphone para naman hindi siya magmukhang katawa tawa sa mata ng ibang tao. Kailangan niyang maging kalmado dahil aasikasuhin niya pa ang libing ng kanyang mama. 

…….

Nang matapos na ang libing ay nakaluhod pa rin si Cristina sa puntod ng ina at kinuha ang nag-iisang picture frame nito pagkatapos at tuluyan na siyang tumayo at inignora ang mga sarkastikong tingin ng mga tao sa kanya. 

Bago mamatay ang kanyang ina na si Clementia ay naalala niya na gusto nitong makita si Nigel. Kaya dapat sunod-sunod ang ginawang tawag ni Cristina sa asawa ngunit sa huli ay wala siyang sagot na natanggap dahil kasama na pala nito si Millicent. 

Hiling pa ni Clementia na tumagal at mas sumaya pa ang buhay nilang mag-asawa ngunit dahil sa nalaman ni Cristina ay hindi na mangyayari ang bagay na iyon. 

Matapos niyang ayusin ang lahat ay hinihintay niya na lamang ang kanyang mga kamag anak at kaibigan na  matapos sa kanilang pagkain bago siya tuluyan nang aalis. Mas pinili niyang humiwalay sa mga ito at mag-isang naupo sa isang sulok. 

Bigla namang dumating si Nigel ngunit huli na siya sa lahat. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at walang ipinapakitang emosyon ang kanyang pinaka-gwapong mukha. Agad siyang napatitig kay Cristina at bago inilibot ang buong paningin sa lugar, may bahid ng paghingi ng pasensya sa kanyang mukha ng na-realize niyang kung ano ang nangyari. 

Dumako ang titig ni Cristina sa asawa habang hinahaplos niya ang kanyang tiyan. Muling umusbong ang kanyang natutulog na damdamin at sumabog ang kinikimkim niya na sama ng loob. 

Napabuntong hininga siya at tinitiis ang mga nararamdaman. 

“Are you done with your work?” Tanong niya at nanatiling blanko ang kanyang ekspresyon. 

“Nagkaroon ng meeting nong umaga.” Sagot ni Nigel at hindi niya nakikitaan ng pagluluksa ang asawa. 

“Masaya ba ang birthday party nong gabi?” Angil ni Cristina.

Napakislot ng mukha si Nigel bago pa siya nakapag paliwanag ay may babae na sumulpot mula sa kanyang likod at nakasuot ito ng red dress. Kitang kita ni Cristina na suot pa nito ang coat ni Nigel na ibinalot lamang ng babae sa kanyang mga balikat. 

“I’m really sorry, Yna. Ako ang kasama ni Nigel kagabi. Nagkasakit kasi ang mommy ko noong isang araw and Nigel was afraid na baka mahirapan ako. He helped me na alagaan si mom. Kaya iyon ang reason kung bakit hindi niya nabasa ang mga texts mo. It's all my fault, Yna na inistorbo ko si Nigel.” Paliwanag ni Millicent.

Naging mas madilim ang blankong mukha ni Cristina. Habang naririnig niya ang mga paliwanag ni Millicent ay puno ng pait at sakit ang nararamdaman niya sa kanyang dibdib.

“Ganoon ba kalala ang sakit ng mommy mo?” Nanghihina niyang tanong. 

“Hindi naman. Hindi ganoon kalala. May konting lagnat lang si mommy at sinisipon din and I think nagre-recover naman na siya.” Masiglang sagot ni Millicent. 

Nang marinig ni Cristina ang paliwanag ni Milli ay para siyang sinaksak ng punyal sa dibdib. Trinaydor siya ng mamumula niyang mga mata at ang nanginginig niyang mga labi kahit anong subok niya sa pagkontrol ng kanyang mga emosyon sa abot ng makakaya niya ngunit bumigay ang mga ito. 

Mas lalo namang dumilim ang ekspresyon ni Nigel. Nasa kalagitnaan siya ng meeting nang marinig niya ang balita na patay na ang ina ni Cristina. Kaya naman nang matapos ang trabaho ay pupunta na sana siya sa burol ngunit biglang may nangyari kay Millicent. Sa dami niya ng pagka-abalahan ay nakalimutan niya ang tungkol sa nanay ni Cristina.

Kaya naman ay nais ni Nigel na humingi ng paumanhin. 

Lalapit na sana si Nigel sa puntod ni Clementia nang bigla siyang  pigilan ni Cristina. “Hindi na kailangan, Nigel. Mas importante naman sa iyo ang nanay ng ibang babae. Kaya umalis ka nalang at samahan mo si Millicent at ang mommy niya.” Angil ni Cristina na siyang dahilan ng hindi pagtuloy ni Nigel sa puntod. 

Agad na tumayo si Cristina at tuluyan nang umalis dahil ayaw niya ng magtagal pa sa lugar na yon. Hindi siya umiyak. Hinding hindi siya iiyak sa mga taong hindi worth it iyakan. 

Napayuko si Nigel nang  maalala na umiiyak noon si Millicent nang tumawag ito sa kanya at sinabi na may sakit ang kanyang mommy ngunit ang buntis na si Cristina ay tiniis lahat ng pagod at pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang ina na walang karamay sa kanyang tabi. 

Nakaramdam siya ng kirot sa puso nang makita niya kung paano hirap sa paglalakad ang asawa na nasa ika pitong buwan nang buntis. 

“Where are you going, Cristina? Buntis ka at hindi basta basta na pupunta ka kung saan-saan.” At sinubukan niya pang tawagin ang asawa. 

Walang saya na nakangiti si Cristina, alam pala ni Nigel na buntis siya ngunit mas pinili niya pang tulungan na alagaan ang nanay ng ibang babae. At siya na asawa niya ay hinayaan niya lang na magluksang mag-isa. Patunay lamang iyon na wala talagang malasakit si Nigel sa kanya pati na rin sa batang ipinagbubuntis niya. 

Napayuko at at napatitig sa malaki niyang tyan, dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman ay nakapag pasya siya ng isang desisyon. Tutal hindi rin naman magigign masaya ang buhay ng kanyang anak sa oras na isinilang niya ito dahil walang pakialam ang ama nito sa kanya pati na rin kay Cristina. 

Nanuyo ang lalamunan ni Nigel nang tuluyan nang nawala si Cristina sa kanyang mga mata. Mabilis siyang naglakad para maabutan ito ngunit mabilis din siyang inawat ni Millicent. “Nigel, bakit hindi mo muna hayaang mag-isa si Cristina? Nagluluksa iyon dahil namatay ang nanay niya.”

Kumislot ang mga mata nito at malamig na tinignan si Milli. “Wala sa mood ngayon si Cristina at may posibilidad na may mangaring hindi maganda sa kanya.” At tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. “Go home.” Walang emosyong utos ni Nigel sa kanya. Nang makarating siya sa labas ay tuluyan nang nakaalis si Cristina. 

Mabilis niyang inilabas ang cellphone habang aligagang tinitignan ang abalang kalsada. Sinubukan niyang tawagan ang kanyang assistant. “Paki-trace ang cellphone ni Cristina at hanapin niyo siya ngayon na rin.” May bahid ng pag-aalala ang kanyang misteryosong mukha matapos ang tawag. 

Tumawag ang asisstant ni Nigel makalipas ang isang oras. “Sir Montefalco, nasa hospital po ngayon si ma’am Cristina.” 

“Hospital? At anong gagawin ni Cristina diyaan?” 

“Magpapa-abort daw po siya sir. May file na din po ang asawa niyo ng divorce agreement at may pirma na siya rito.” 

Hindi inaasahan ni Nigel ang mga narinig kaya malakas ang ginawa niyang preno sa sasakyan. Ang malalim nitong mga mata ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 5

    Agad na pumunta roon ang mga tao sa kanyang likuran at doon lamang na-realize ni Ara na wala na siyang kawala pa sa mga ito. Habang nakahiga sa sahig ay tinakpad niya ang kanyang mukha gamit ang matataba niyang mga kamay. Dahan dahan namang humakbang si Nigel at sandali niya munang tinignan ang paslit na nakahiga sa malamig na sahig. Yumuko siya sa harapan nito at tuluyan nang binuhat ang bata babae. Kitang kita ni Nigel kung paano takpan ng bata ang kanyang mga mata na para bang hindi niya ito nakikita sa kanyang harapan. What an award winning actress, bulong nito sa sarili. “I see you. Huwag mo nang takpan ang mga mata mo.” Agad namang naisip ni Ara ang kanyang kinahinatnan. Magaling naman siyang maglaro ng tagu taguan kasama ang mga kuya niya ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi siya swinerte. Iwinagayway niya ang kanyang mga kamay ngunit dahil buhat siya sa ere ni NIgel ay hindi niya maigalaw ang mga ito. Sinubukan niya na rin gumalaw gala ngunit hindi pa rin siya makababa.

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 4

    Nangangamba si Cristina na baka makilala na nila nang tuluyan kapag tumagal pa siya roon. Huminga siya nang malalim at hindi pa rin nila ito makukuha sa kahit anong presyo. “I’m priceless.” Iyon lamang ang kanyang isinagot at tuluyan nang nilisan ang silid. Nakasalubong niya si Nigel na nasa harapan lamang ng pinto. Hindi na pinilit pa ni Nigel ang auctioneer at hinayaan niya itong makaalis nang matiwasay. Ngunit nang maamoy niya ang pabango nito ay kaagad siyang may naisip. Tila ba napaka-pamilyar ng amoy na iyon ngunit hindi niya na matandaan kung saan niya na unang naamoy iyon.Napansin din ni Nigel na may kakaibgang ugali ang auctioneer na katulad ng dati niyang asawa. Mukhang tahimik at kalamadong tao si Cristina ngunit matatag ang damdamin nito at hindi umaasa sa ibang tao. Hindi rin ito nag-bibigay ng pangalawang pagkakataon o kahit man lang idaaan sa masinsinang usapan ang lahat. Kaya naman ay bigla na namang pumasok sa kanyang isipan ang dating asawa. Naging malamlam ang

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 3

    Umiling-uling na nakatingin si Nathan sa kambal niyang si Nicolas kabang minamasahe nito ang kanyang noo. “Lagi kang sinasabihan ni mama na mag-aral kang mag-basa ng mga libro at bawasan ang paglalaro mo ng computer. Pero hindi ka sumunod at naglaro na naman, right? You spellings are wrong. Two words are mispelled.” Pangangaral ni Nathan sa kapatid. “Huwag mo na kasing pansinin ang spelling.” Natatawang sagot naman ni Nicolas. Nang matapos niya ang sinuslat ay gumuhit siya ng aso sa tabi ng sinulat. “Haha. Aso si dad.” Hagikgik nito. Gusto nilang ipagkalat sa mga tao kung gaano kasamang tao si Nigel kaya naman ganun ang kanilang ginawa sa kotse nito. Sa loob ng limang taon ay hindi man nila nakita ang ama, lagi nilang naririnig ang pangalan nito kahit saan. Lagi rin nila itong napapanood sa tv at pumupunta sa iba’t-ibang events at paiba iba ang mga babaeng kasama nito. Kaya naman ay kaagad nilang nakilala si Nigel nang makita nila ito sa personal at hindi na sila nagpaligoyligoy

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 2

    Limang taon ang nakalipas.North Valley auction house.Napupuno ng mga sikat na artista ang isang napakalaking venue hall. Agaw tingin sa mimsong auction event ang tindig ng auctioneer nito. Nakasuot siya ng puting Chinese collar dress at nakatali paitaas ang itim nitong buhok. Nakabalot ng veil ang kanyang mukha kaya napaka-impossible na makita ang features ng mukha nito. Elegante at tipid ang mga galaw nito. Magaling siya at kalmado sa pagbibigay ng impormasyon sa bawat auction item na nakalatag sa isang stand. Fluent siya sa pagsasalita ng Ingles na kanyang ginagamit sa tuwing bidding. Kaya naman ay sabki ang mga manonood na mag-bid kapag siya na ang auctioneer.Sa gitna ng mga manonood at may pares ng mga mata ang nakabantay sa kanya at may hawak itong gavel na hudyat na siya ang may control sa auctioneer. “Siya ba ang auctioneer na gustong makita ni lolo?” Tanong ni Nigel. Nakapwesto ito sa second floor ng hall at inilibot ang paningin sa buong lugar. “Siya nga po sir.” At ma

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 1

    Suot ang puting bestida tanda ng kanyang pagdadalamhati ay nanatiling nakatayo si Cristina sa harapan kung saan matatagpuan ang kabaong ng kanyang ina. Nagmistulang ilaw ang mga kandila na nasa harapan niya at nag-rereplika ang liwanag ng mga ito sa mestiza niyang mukha. “Yna, hindi pa rin ba dumarating si Nigel? Mag-uumpisa na ang libing ng nanay mo.” Nakayuko niyang tinignan ang cellphone na malapit nang ma-lowbat. Hindi pa rin sinasagot ni Nigel ang mga tawag niya.Sa loob ng pitong araw na lamay ng kanyang ina ay hindi kailanman iniwan ni Cristina ang burol nito kahit pa ay pitong buwan na siyang buntis. Ngunit si Nigel na tatlong taon niya ng asawa ay hindi pa rin ito nagpapakita sa lamay kahit isang beses pa lamang. Lagi namang umiintindi si Cristina sa nature ng trabaho ni Nigel dahil talagang busy lang ito sa trabaho, at iyon lamang ang lagi niyang pang-kumbinsi sa sarili. “Hindi po makakapunta si Nigel. Marami siyang ginagawa.” May bakas pa ng mga luha sa kanyang pisngi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status