Share

CHAPTER 4-NEIGHBORS

Nagising si Alex sa pakiramdam na hindi siya nag-iisa sa loob ng kanyang bahay. Bahagya siyang gumalaw upang tumingin sana sa orasan ng kanyang cellphone nang maramdaman niyang may mga kamay at paa na nakayapos sa kanyang katawan.

Pupungas-pungas na iminulat niya ang mga mata. Bahagya siyang napabuga ng hangin ng ma-realize na naka-tulog pala siya sa sala, at hindi siya nag-iisa. Sinilip niya ang nagmamay-ari ng mga kamay at paa na nakagapos sa kanya sa ilalim ng comforter na nakatabing sa katawan nila.

Kumunot ang kanyang noo ng makita ang isang hubad na katawan ng isang babae na kaulayaw niya sa ilalim ng comforter. Halos kalahati ng katawan nito ay nakadagan na sa kanya. “Kaya pala parang napakabigat ng katawan ko,” saad niya sa isipan. Ramdam niya ang epekto sa kanyang katawan ang sanhi ng hindi niya pagiging komportable sa pagtulog. 

Bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nangyari kagabi, hindi nga pala umuwi si Mona matapos ang engkwentro nila sa babaeng maliit kaninang madaling araw. Muli nga pala niyang pinagsawaan kagabi ang laspag ng katawan ni Mona, dahil sa hindi niya malamang dahilan ay para siyang muling inatake ng libog ng dahil sa maliit at mataray na babae kagabi. Aaminin niyang kahit si Mona ang ka-s*x niya kagabi ay ini-imagine niya na ang babaeng maliit ang siyang kaulayaw niya. 

Hindi niya maiwasan ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi habang naalala ang napakagandang  mukha na bumagay sa napakaliit na katawan ng kanyang kapitbahay. Kahit na nagtataray ito kagabi ay hindi pa rin naitago sa kanyang paningin ang angkin nitong kagandahan. Mukhang nakadagdag yata sa charisma nito ang pagtataray nito kagabi dahil napukaw nito ang kanyang atensyon. Ewan ba niya, pero kakaiba ang dating nito sa kanya. Hindi siya basta-bastang humahanga sa isang babae, pero ang babaeng maliit kagabi ay kakaibang hatak sa kanya. Dagdagan pang hindi man lang yata ito natinag sa angkin niyang alindog. She wasn’t like any other girls that was drooling over him kapag nakita siya. 

“Alexander, mukhang tinamaan ka yata sa masungit na babaeng maliit ah,” kantyaw niya sa sarili sa isipan. “Aba! Halos wala na nga akong maitago sa kanya kaninang madaling-araw, pero parang walang epekto sa kanya ang mala-adonis kong kakisigan,” dagdag saad pa niya sa sarili, habang binubuhat ang sariling bangko.

Napapa-iling na napapangiti na lang siya sa naiisip. Bumangon siya mula sa kinahi-higaan at walang ingat na tinanggal ang pagkaka-yapos sa kanya ni Mona. Nang dahil doon ay ikinagulat nito ang kanyang paggalaw, kaya naman pupungas-pungas na nagising ito. Agad niyang hinagilap ang kanyang cellphone upang tingnan ang oras, it’s already past ten in the morning. “I need to get going,” saad niya sa isipan. Hindi niya man lang tinapunan ng tingin ang babaeng nakahiga pa rin sa sofa at iritable ng nakatingin sa kanya. Akma na siyang tatayo upang gumayak para magtungo sa kanyang opisina ng magsalita si Mona.

“Babe, what are you doing?” saad nito sa kanya na bahagyang may pagka-irita pa ang tinig. Bahagya lang nitong inilabas ang ulo sa kumot na nakatabing sa hubad pang katawan nito habang nakatingin ng matalim sa kanya. Hindi niya na sana ito papansinin pero dahil sa kakaibang tono ng pananalita nito ay sumulyap siya sa gawi nito.

Hindi niya maiwasan ang bahagyang pagtaas ng isa niyang kilay ng makita ang nakasimangot nitong mukha at ang dissaproval nito sa pag-alis niya ng bigla sa tabi nito. “It’s morning, you should get going now,” walang emosyon na saad niya sa babae, saka tuluyan na siyang tumayo mula sa sofang kinahihigaan nila. Kumunot ang noo ng babae ng dahil sa sinabi niya, sinundan nito ng matalim na tingin ang bawat galaw niya, habang nagsusuot siya ng boxer short na pinulot niya sa sahig.

“What do you mean?” iritableng saad nito. Itinapis nito ang kumot sa hubad na katawan at umayos ng upo sa sofa kung saan sila nakatulog na dalawa. 

“Are you deaf, I said you can get up and prepare yourself to leave,” muling saad ni Alex sa babae. Hindi niya ugaling magpa-tagal ng babae sa apartment niya. Isa-isa niyang pinulot ang nagkalat na damit sa sahig at saka nag-lakad na patungo sa banyo. Sa pagkakataong iyon ay wala na siyang pakialam sa kung ano ang mararamdaman nito, hindi na siya nag-abalang sumulyap pa sa gawi nito. Tanging nasa isip niya ay ang umalis na ito sa apartment niya. Her usefullness to him was already expired, overdue na nga ang pag-stay nito sa apartment niya because he slept in.

“Just like that, after everything that had happened to us last night, you will just throw me out?!” saad ni Mona sa kanya na lalong tuminis ang dati ng matinis nitong boses. Narindi ang tenga ni Alex sa boses ng babae. Dahil doon ay napahinto siya sa pagpasok ng banyo.

Unti-unti siyang muling lumingon sa kinaroroonan ng babae. His gaze was cold and he was emanating a deadly aura, “Why? Are you expecting more?” walang emosyong tanong niya sa babae. He saw her flinched under his cold gaze, but he didn’t care. Hindi siya palapatol sa babae pero wala rin siyang pasensiya pagdating sa kaartehan ng mga ito. They were all just his flings, parausan lang niya ang mga ito. He was generous enough to offer them his body for free. Minsan kapag nasa mood pa siya at natuwa siya sa performance ng babaeng naka-s*x niya ay binibigyan pa niya ang mga ito ng reward. But Mona was one of those woman who was acting like his girlfriend, pagkatapos ng isang gabing pakikipag-s*x sa kanya. She was starting to cling to him, and iyon ang pinaka-ayaw na ayaw niya sa lahat. Now that he saw the woman in the light, saka niya lang na-realize na hindi naman ito kagandahan. Maputi lang ito at maganda ang pangangatawan, pero kung titingnang maigi ay nakakasawa itong pagmasdan. With the smudge of make-up on her face, lalo siyang nasura sa pagmumukha nito.

“D*mn you, Alex! Matapos ng lahat ng mga nangyari sa atin kagabi? Now are you going to asks me to leave just like that?” nanggagalaiting saad nito sa kanya. Her nose was flaring and her face was beet red because of shame or anger.

Alex just scoffed at Mona’s reaction, ang dati ng malamig na tingin na pinupukol niya dito ay lalo pang lumamig. “You have five minutes to prepare and fix yourself before leaving my house. Gusto ko paglabas ko ng banyo ay wala ka na. Make sure na hindi na kita malalabasan dito or else, mas lalong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo kapag naabutan pa kita dito,” saad niya kay Mona in a cold tone. His gaze was cold and threatening, added by the coldness in his voice, and the lack of emotion in his demeanor, halos makita niyang nanginig ang babae sa takot. Pagkasabi niya noon ay tinalikuran na niya ito at saka tuluyan ng pumasok ng banyo upang maligo. He heard her cursing him under her breath while she scrambled to get up and fixed herself, then after a few seconds he heard a loud bang from his front door.

Nakahinga ng maluwag si Alex ng marinig ang paglapat ng pinto, kahit na sobrang lakas iyong binagsak ng babae. He doesn’t care kung ano pa ang gagawin nito sa mga susunod na araw. Sanay na siya sa mga babaeng katulad ni Mona. He needed to contact his lawyer para ayusin ang gulong alam niyang lilikhain ng babae. This isn’t the first time na nangyari sa kanya ito. Sometimes, he wondered kung bakit ba kasi hindi niya magawang mag-stick sa iisang babae. May time na gusto niya na ring mag-settle down at huwag ng bigyan ng sakit ng ulo ang kanyang mga magulang, but when he encountered a lady like Mona, hindi niya maisip na he will spend his entire life with that kind of girl.

“What about the cute lady at the other unit?” kapagdaka ay saad ng kabilang side ng isip niya. Hindi niya maiwasang mapangiti ng maisip ang babae sa kabilang unit. “She was definitely out of my league. Kakaiba siya sa mga babaeng nakakasalamuha ko sa bar,” dagdag saad pa niya sa isipan. Pinilig niya ang isip upang tanggalin ang babae sa isipan, alam niyang hindi niya magagawang maangkin ang babaeng katulad ng kanyang kapitbahay. She seemed pure and innocent, hindi ito nababagay sa lalaking katulad niya. She deserved better than him.

Alex started his day, pilit niyang tinatanggal sa isipan ang maliit na babaeng kapitbahay. He needed to focus his attention sa pag-aayos ng mga negosyo niya, lalo na at kababalik niya lang ng bansa. Nang paglabas niya ng banyo ay inikot niya ang mga mata upang tiyakin na wala na nga doon si Mona. Napatango-tango siya ng masiguro na wala na nga ito. 

Saktong nakapag-bihis na siya at naghahanda na upang umalis at pumunta sa kanyang opisina ng tumunog ang kanyang cellphone.

“Hello,” sinagot niya ang tumatawag ng hindi tinitingnan kung sino ang nasa caller I.D.

“Alexander, bro!” excited na boses ang sumagot sa kanya sa kabilang linya.

“Jacob?” tanong niya sa lalaki sa kabilang linya. Inipit niya sa pagitan ng kanyang balikat at tenga ang cellphone habang hinahagilap sa bag niya ang bluetooth headset niya.

“I am glad at kilala mo pa rin ang boses ko, hindi ka man lang nagpa-alam na narito ka na pala sa Pilipinas. Kung hindi ka nakita ng isang kaibigan ko sa bar, hindi ko pa malalaman,” may himig na hinampo na saad sa kanya ng kaibigan. 

“I was busy preparing for a launch of my new resto bar,” tipid niyang sagot dito. Si Jacob ay isa sa mga kaibigan niyang nakilala sa Italy, noong naghahanap siya ng iba pang recipe na pwede niyang idagdag sa menu ng kanyang mga restaurant. Isa itong barista doon, umuwi ito sa Pilipinas upang magtayo ng sarili nitong bar. Hindi nga siya nagpakita dito sa bar nito dahil alam niyang ikakalat nito sa buong tropa niya na nasa bansa na siya. He wasn’t ready to mingle with them yet. Kailangan niya munang maasikaso ang lahat ng dapat niyang ayusin sa kanyang mga negosyo. Dahil kapag nakasama niya ang mga ito ay malamang puro party na naman ang pupuntahan niya. It wasn’t that he was complaining though, pero lately ay parang tinatamad na siya sa paulit-ulit na takbo ng kanyang buhay, party doon at party dito. It was helping his business too, pero hindi niya na ma-feel ang saya na dala ng mga party na ina-aattendan niya.

“I was near your place now. In five minutes I’ll be there. Let’s catch up,” kapagdaka ay saad nito sa kanya.

Hindi maiwasan ni Alex na mapabuga ng hangin ng dahil sa sinabi ng kaibigan. Knowing Jacob, he wouldn’t accept no for an answer. Tinanggal niya ang pagkaka-ipit ng cellphone sa pagitan ng kanyang balikat at tenga saka ikinonek dito ang bluetooth headset. Nilagay niya na sa kanyang bulsa ang cellphone ng maayos niya ng nakonek ang headset. 

He went out of his apartment unit, “Saan ka na ba banda?” tanong niya sa kaibigan, habang nila-lock niya ang kanyang unit.

“I’m here already at the gate,” sagot naman nito sa kanya. Nang dahil sa sinabi nito ay napa-tingin siya sa gawi ng gate. True to his word, nandoon na nga ang damuho at naka-parada sa tapat mismo ng gate ang sasakyan nito. Kumaway pa ito sa kanya ng makita nitong naka-tingin na siya sa gawi nito. 

“If you don’t know, you are blocking the driveway,” saad niya sa kaibigan, sa headset niya. Hindi pa rin naman nito binababa ang tawag. 

“Who cares, I can pay the owner for my illegal parking,” may pagmamayabang pang saad nito sa kanya, habang naka-ngisi ito ng nakakaloko. 

Napailing-iling na lang siya sa sinabi ng kaibigan, kahit kailan talaga ay hindi nawawala sa katawan nito ang kayabangan. Pero kahit naman na ganoon iyon ay nagkaka-sundo naman silang dalawa. 

Saktong malapit na siya sa gate ng makita niyang bumukas ang pinto ng katabing unit niya. Nahigit niya ang hininga ng lumabas mula roon ang babaeng laman ng isip niya mula pa kagabi. Hindi niya maiwasang titigan itong muli, mula ulo hanggang paa. Katulad kagabi ay muli na naman siyang natulala sa ganda ng babae. Hindi siya namamalikmata lang kagabi. Maliit lang na babae ito pero she has curves at the right places. Bumagay ang wavy hair nito na shoulder length sa heart shaped nitong mukha. Her face was angelic na animo isa itong anghel na ibinaba sa lupa. He felt that his heart was thumping loudly at his chests just the meer sight of her. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng puso niya dito, walang sinumang babae ang nakapagpakabog ng sobra nito. She was the first. 

She seemed oblivious of him, dahil pagkatapos nitong i-lock ang pinto ay busy na itong nagta-type sa cellphone nito at hindi man lang tumitingin sa dinadaanan. Malaya niyang napagmasdan ang kabuuan nito. Her face was void of any make-up except maybe for a lip gloss, that’s makes her lips kissable. “D*mn! She was so hot, that I wanted to kiss those lips until it was swollen and make her moan my name with those lips!” saad ng kanyang isipan. Ipinilig ni Alex ang ulo upang iwaglit ang tumatakbo sa kanyang utak. 

She was so busy at her phone, at hindi man lang nito tinitingnan ang dinadaanan. When Alex saw that she was about to bump into him, ay hindi man lang siya umilag. Napa-ngiti siya ng tumama ang noo nito sa kanyang dibdib. Nang dahil doon ay naamoy niya ang mabangong shampoo na ginamit nito, na humalo sa pabango ng dalaga. Her scent intoxicated him, ganun na lang ang pagpipigil niya ng sariling yapusin ito at kuyumusin ng halik. “She is out of your league, Alexander,” pagpapa-alala niya sa sarili.

Nang unti-unting umangat ang ulo nito, at tumingala sa kanya, ay lalong nagwala sa pagdagundong ang puso niya. When her eyes met his, he gave her his sexiest smile that he knew could swoon every woman that he met, then he uttered in his sexiest voice, “Hi! We met again, Neighbor.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status