Share

CHAPTER 5-DEBT REPAYMENT

Napa-nganga si Karen sa kanyang narinig, napailing-iling siya at nanlalaki ang mga mata habang pilit na itinatanggi ng kanyang utak ang sinambit sa kanya ng ama. Hindi agad tuluyang rumehistro sa kanya ang mga sinabi nito. Nang unti-unti nang nag-sink in sa kanya ang lahat ay biglang nanlamig ang pakiramdam niya. Halo-halong emosyon ang nagsalimbayan sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Nagbukas-sara ang kanyang bibig, ngunit wala man lang salitang umalpas mula sa kanyang labi. 

Kulang na lang na mabingi siya sa lakas ng dagundong ng kanyang puso. Nagpa-lipat-lipat ang tingin niya sa mga magulang, punong-puno ng katanungan ang kanyang mga mata. Pinaniniwala pa rin niya ang sarili na nakaringgan lang niya ang sinabi ng ama. Pilit pa rin niyang dine-deny sa sarili na hindi tama ang narinig niya. Hinahanap niya sa mga mata ng mga ito ang katotohanan sa salitang namutawi sa labi ng ama. 

Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang ina, umaasang pabubulaanan nito ang sinabi ng kanyang papa. But all her hopes died, when she looked at her mother and saw the truth in her eyes. Hindi siya matingnan ng matagal at diretso sa mata ng ina. Nang yumuko ito upang tuluyang iiwas sa kanya ang mga mata ay lalo ng gumuho ang mundo niya. 

Ramdam ni Karen ang biglang pag-sikip ng dibdib, her breath hitched. Pakiramdam niya ay bigla siyang nahirapang huminga. She draws a deep breath, trying to calm her nerves. Her muscle was shaking, she was still trying to process everything, nang mapatingin siyang muli sa gawi ng ama. The emotionless feature of her father while staring at her, makes her realize that what he said was true, and that he was serious about it. He seemed relaxed for a person that bears the terrible news for Karen. 

She clenched her teeth and bite the inside of her mouth, habang naka-titig sa ama na hindi man lang kababanaagan ng kahit na anong reaksyon sa mukha. Her face became red, at nag-igtingan ang ugat sa kanyang leeg sa pagpipigil ng galit na unti-unting nabubuhay sa puso niya.

  

“T-this isn’t true, right?” sa wakas ay may katagang namutawi sa labi niya. Hinawakan ni Karen ang kamay ng inang nakaupo sa silyang malapit sa kinauupuan niya. “Ma, please deny it, sabihin mo sa akin na hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Papa,” saad niya sa ina sa bahagyang gumaralgal na tinig. Her hands were cold, but her mom’s hands were even colder. Hindi man lang niya maramdaman ang assurance sa kamay ng ina. 

“I-I’m sorry, anak,” sambit ng kanyang inang hindi pa rin makatingin ng diretso sa kanya. Her mother looked defeated, nanatili lang itong nakayuko at halos hindi niya marinig ang tinig nito. Iyon lang ang sinambit ng ina pero, those words makes her world crumble. Bumagsak ang kanyang balikat at dahan-dahan niyang binitawan ang hawak na kamay ng ina. 

She backed away from her mother. Alam niyang walang magagawa ang ina sa sinabi ng kanyang ama. Nang dahil doon ay hindi niya mapigilan ang sariling mainis sa ina sa kawalan nito ng tinig sa bawat desisyon at ginagawa ng kanyang papa. Simula pa noon ay tanging sunod-sunuran lang ito sa kung ano ang gusto ng kanilang padre de pamilya. Wala itong lakas ng loob na ipaglaban ang sa kung ano ang tingin nito ay tama. Hindi alam ni Karen kung dahil sa sobrang mahal na mahal nito ang asawa, kaya lagi na lang itong nagbubulag-bulagan sa kung anumang kakulangan at kamalian ng kanyang ama. 

Punong-puno ng dissappointment ang kanyang mga mata na inalis niya ang tingin sa ina. Her gaze fell at her father na komportableng nakaupo sa paborito nitong sofa. He was looking at them, na parang nanonood lang ito ng isang telenovela.

“Pa?” tawag niya sa ama. Her eyes and voice were pleading, she wanted him to deny everything he had told her.

“You can’t change my mind, Karen. Buo na ang desisyon ko. In a few minutes ay darating na dito si Augustus. I want you to be on your best behavior. Ayokong magkaroon siya ng rason upang tanggihan ka. He was the only way upang masolusyonan ang problemang kinakaharap natin ngayon,” seryosong saad sa kanya ng ama. Parang hindi man lang ito nagdalawang-isip sa mga sinabi nito. Hindi man lang ito natinag sa kinauupuan at nanatili lang nakatitig kay Karen ng walang kahit anong reaksyon. Minsan naiisip niya kung tao pa nga ba ang kanyang ama. Parang hindi man lang ito naapektuhan ng nangyayari sa paligid nito. Sometimes, she was wondering kung ano nga ba ang nagustuhan ng kanyang ina dito. He was a man without emotion, kaya hindi rin maiwasan ni Karen na isipin na kahit kailan ay hindi nito nagawang mahalin siya. 

Her face fell, nang dahil sa sinabi ng kanyang ama. He didn’t fail to remind her that she was just a collateral damage. Kailangan siya nito upang mailigtas nito ang sarili sa kapahamakan. “H-How could you do this to me? I can’t do what you want me to do. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko kilala! And worse is, dahil sa ipambabayad niyo ako sa utang na hindi ako ang may gawa!’ hindi na napigilan ni Karen ang emosyon na saad niya sa ama.

Naramdaman ni Karen ang biglang paghawak ng kanyang ina sa braso niya, pero hindi niya pinansin iyon. Bahagya pa nitong hinila ang manggas ng damit niya, upang pigilan sana siya. But Karen wasn’t minding her mother, masyado na siyang napuno sa ama. “This is your doing, Pa! How many times that I’ve told you na huminto na kayo sa pagsusugal, pero hindi kayo marunong makinig. Masyado na kayong na-addict sa pagsusugal. Now look at what you’ve done! Pagkatapos ano? Ako ang magsa-suffer ng lahat ng kagagawan mo? Anak ba ang turing mo talaga sa akin, Pa? How could you do this to me?!” hindi na napigilan ni Karen ang pagbugso ng kanyang damdamin. Her tears flowed like a stream in her eyes. Hindi na rin niya napigilan ang pagtaas ng kanyang tinig sa ama.

Whack! The sound of a slap that Karen’s received, ringed in her ear. She felt like she was going to be deaf because of it. Napabaling sa gilid ang kanyang mukha sa lakas ng impact na dulot ng pagsampal sa kanya ng ama. 

“Elmer!” gulilat na bulalas ng kanyang ina. Napatayo ito sa upuan at napahawak bigla sa kamay ng kanyang amang dumapo sa pisngi niya. Her father’s hand was still trembling from the impact. Habang si Karen naman ay napahawak sa pisngi niyang dinapuan ng kamay ng ama. Her eyes were widening from the shock. HIndi siya makapaniwalang napag-buhatan siya nito ng kamay. He might not be a loving and doting father to her, pero ni minsan ay hindi nito nagawang pagbuhatan siya ng kamay.

“Y-You! Ungrateful brat! Simula ng tumuntong ka sa pamamahay ko ay wala kang narinig sa akin. Itinuring kitang anak, kahit na hindi kita kadugo alang-alang sa ikaliligaya ng mama mo. Walang ni isang tulo ng dugo ang dumadaloy diyan sa mga ugat mo na nakakonekta sa amin ng mama mo, pero binigyan ka pa rin namin ng magandang buhay. Hindi ka namin pinabayaan, binigyan ka namin ng magandang tahanan. Naging maayos ang buhay mo ngayon ng dahil sa aming mag-asawa. Tapos ano? Magmamalaki ka na sa amin? Sa akin? Kaya mo ng suwayin ang mga bagay na gusto naming mangyari sa iyo? Alalahanin mo, lahat ng kung ano ang meron ka ngayon ay ng dahil sa amin ng mama mo! Nang dahil sa negosyo ko kaya kahit papaano ay hindi ka lumaki sa bahay ampunan kung saan ka namin nakuha ng mama mo!” nanginginig ang mga kamay na saad sa kanya ng ama. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. Kung wala lang marahil ang kanyang ina ay baka hindi lang isang beses siya nitong nasampal. Kung nakamamatay lang ang titig ay malamang nakabulagta na siya sa harapan ng mga ito dahil sa sobrang talim ng titig sa kanya ng ama.

“Isa lang ang hinihiling ko sa iyo, at panahon na upang gantihan mo ang lahat ng kabutihan namin sa iyo ng mama mo. Kung ayaw mong gawin ito para sa akin, ay gawin mo ito para sa mama mo! Kung may natitira ka pang pagmamahal sa kanya at tumatanaw ng utang na loob sa lahat ng nagawa namin sa iyo!” mariing saad sa kanya ng ama. Nanlalaki ang mga mata nito at halos mapigtas na ang mga litid nito sa leeg ng dahil sa galit sa kanya. 

This is the first time na nakita ni Karen na nagalit ng sobra ang ama. Bagamat wala silang maayos na relasyon na dalawa ay kahit kailan hindi niya ito nakakitaan ng kahit na anumang reaksyon sa mga hidwaan nila. At aaminin man niya sa hindi ay nakaramdam siya ng takot sa galit na pinapakita ng ama.

“But you are asking for the impossible! You are asking for my freedom! Kung alam ko lang na ganito ang magiging kapalit ng pag-ampon niyo sa akin, sana hindi niyo na lang ako kinuha sa bahay ampunan!” bagamat nanginginig sa takot sa ama ay hindi pa rin napigilan ni Karen na ibulalas ang nararamdaman.

“Karen, anak. Please, bigyan mo ng chance na makilala mo si Augustus. Hindi ka naman ipapahamak ng ama mo, kilala niya ang taong pinili niya upang ipakasal sa iyo,” nagmamakaawa ang tinig ng kanyang ina na sumabat sa usapan nilang mag-ama.

Hindi makapaniwala sa narinig na napabaling ang tingin niya sa ina. Her mouth went wide and her tears flowed out once more. Napa-iling-iling siya at napa-atras palayo sa ina ng dahil sa sinabi nito. 

“Mom, not you too?” hindi makapaniwalang sambit niya sa ina sa pagitan ng pag-hikbi. Naitakip niya ang mga kamay sa kanyang mga labi, habang hindi pa rin makapaniwalang naka-titig sa kanyang ina.

“K-Karen, please do understand,” tumutulo na rin ang luhang saad sa kanya ng ina. Iniangat nito ang mga kamay at nagtangkang hawakan muli ang kamay niya, pero muli siyang umatras at umiwas sa ina. Nasa ganoon silang sitwasyon ng marinig nila ang tunog ng doorbell, kasunod noon ay pumasok ang nag-iisang kasambahay ng kanyang mga magulang sa may sala.

“Sir, narito na po sila Mister Augustus Maniego,” pahayag ng kasambahay. 

“Ayusin mo ang sarili mo, Karen. Ayokong humarap ka kay Agustus na ganyan ang itsura mo!” mariing saad sa kanya ng ama, bago sila nito tinalikuran at humarap sa katulong. “Dalhin mo sila Augustus sa opisina ko,” utos nito sa katulong saka ito nagpati-una nang lumabas ng sala. Pero bago iyon ay muli itong lumingon sa kinaroroonan ni Karen at tiningnan siya ng matalim bago ito tuluyang tumalikod at nagpunta na sa kung saan naroon ang opisina nito.

Pagka-alis ng ama ay pabagsak na napa-upo na lang si Karen sa sofa. Pakiramdam niya ay nanlalambot ang mga tuhod niya. Her minds were swirling, pilit siyang nag-iisip ng maari niyang gawin upang makaligtas sa gustong mangyari ng ama. Hindi siya makakapayag na magpakasal sa taong hindi niya kilala, at lalong-lalo na sa taong pinagkaka-utangan ng kanyang ama.

“K-Karen, anak,” marahang sambit sa kanya ng ina. 

Napatingin siya sa gawi nito, “Paano niyo nagawa sa akin ito, Ma,” punong-puno ng hinanakit na saad niya sa ina. 

“A-anak, ngayon lang ako hihiling sa iyo. Tulungan mo ang, Papa mo. Ikaw lang ang makakatulong sa kanya sa panahong ito. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sa akin ang papa mo. Anak, masakit man sa akin na hilingin ko ang kalayaan mo, pero hihilingin ko pa rin. Alam kong unfair ako sayo sa mga oras na ito, pero hindi ko makakayang mawala sa akin ang ama mo. Magpa-kasal ka na kay Augustus, anak. Ang pagpapa-kasal mo sa kanya ang tanging makakapag-ligtas ng buhay ng iyong ama sa kapahamakan. Tatanawin kong napakalaking utang na loob sa iyo ito, anak. Please,” humahagulgol na saad sa kanya ng ina. Lumuhod pa ito sa harapan niya habang nakahawak sa mga kamay niya, habang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata nito.

Ibinaling ni Karen ang mukha sa ibang direksyon. Hindi niya kayang tingnan ang nagmamaka-awang mukha ng kanyang ina. She silently cursed her father into her mind, pero hindi niya rin magawang tanggihan ang ina.

“You need to think of something, Karen. Matalino ka, madiskarte, kailangan mong gumawa ng paraan upang maka-alis kayo sa sitwasyong ito,” saad niya sa isipan. Kahit na sunod-sunod pa rin ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata, ay pilit niyang pina-andar ang isipan upang mag-isip kung paano lulusutan ang gulong nilikha ng kanyang ama sa buhay niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status