Home / Romance / CEO'S UNWANTED TWIN (SPG) / Chapter 2: Problemado

Share

Chapter 2: Problemado

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2024-08-01 23:05:43

TUMABI ng upo si Ara kay Purity, nasa gym sila at kasalukuyan na naghihintay ng next subject nila. Kitang-kita ang malungkot na mukha ng best friend niya habang nakatingin sa mga estudyanteng naglalaro.

Si Ara Salas, kaklase ni Purity, isang second year student at pareho silang kumukuha ng kursong Bachelor Degree in Architecture.

"Anong problema?" Untag ni Ara na napatingin sa mukha ng kaibigan. Umiwas naman si Purity para 'di mahalata nito ang mamula-mulang mga mata.

Napabuntong hininga siya. "Wala," maiksi niyang sagot.

Napaamang si Ara sa isinagot ni Purity. "Anong wala? Nakita mo na ba ang mukha mo sa salamin? Nanlalalim ang mga mata mo at mugto pa. Kanina ko pa napapansin sa first subject natin ang mukha mo, Purity."

Napatakip na si Purity ng mukha at humagulhol ng iyak. Bigla namang nag-alala si Ara sa nakikita paghahulhol ng kaibigan. Hinagod niya ang likod ni Purity para pakalmahin.

"Huhulaan ko pa ba kung bakit ka umiiyak ng ganyan? Pamilya mo na naman ang problema mo, no? Kailan ba matatahimik ang buhay mo? Parang halos sa araw-araw na ginawa ng Diyos, eh, parati na lang silang kontrabida ng buhay mo. Ano?"

Tinanggal ni Purity ang kamay at humarap sa kay Ara. "Gusto kasi nila ako ipakasal nina mama at papa kay Mr. Marcus Alanday."

Nanlaki ang mga mata ni Ara sa gulat. 'Di makapaniwala sa kanyang narinig. Nang makahuma ay saka lamang ito nakapagsalita. "Marcus Alanday, iyong may-ari ng malaking grocery dito sa Banwana, tapos ang laki ng tiyan?"

Sunod-sunod na tumango si Purity. "Ay, lintik! Doon sa matandang 'yon ka talaga ipapakasal. Sa mukha 'non parang mas matanda pa sa papa mo. Eh, anong sabi ng papa mo?"

"Nakiusap sa akin si papa, besh. Siya mismo, gusto niya akong ipakasal kay Marcus para mabawi ang kompanya. Malaki atang pera ang ibibigay ng Marcus na 'yon kina mama at papa kapalit ko."

Napailing-iling si Ara saka napa-tsk. Ibang klase rin ang mga magulang kanyang kaibigan. Isasangkalan ang anak kapalit ng malaking halaga ng pera.

"Iba rin talaga sila, mga mukhang pera. Paano nila naatim na ipakasal ka sa matandang 'yon? Diyos ko, mukhang manyakis naman ang Mr. Marcus na 'yon."

"Ayokong magpakasal kay Mr. Marcus. Paano na lang iyong mga pangarap ko? Gusto kong patunayan ang sarili ko sa pamilya ko na hindi ako pabigat sa kanila. Pero 'wag naman sanang ganoon ang gawin nila sa akin." Muli na naman napaiyak si Purity. Nahahabag sa kanyang tadhana.

"Bakit kasi nagtitiis ka na ganyanin ka ng pamilya mo? Hindi naman anak ang turing sayo ng mama mo. Para do'n sa mama mo si Ate Clarity lamang ang magaling. Hamak na mas maganda ka 'ron at mas matalino. Palibhasa, kaya gano'n dahil hindi ka naman talaga niya anak. Kung ako sayo lalayasan ko sila. Mas importante pa sa papa mo ang kompanya niya kaysa sa'yo," nanggagalaiting sabi ni Ara. Pinunasan naman ni Purity ang mga luha niya sa kanyang mata.

"Anong gagawin ko, besh? Ayoko talagang makasal kay Mr. Marcus. Mahal ko pa ang buhay ko para magpatali sa matandang 'yon."

"Kahit ako naman hindi rin papayag magpakasal do'n. Okay na sana kung guwapo kahit na matanda. Dirty old man na bundat saka mukhang butete," sabi ni Ara na tila nandiri nang mailarawan ang matandang gustong ipakasal sa kanyang kaibigan.

Natawa bigla si Purity sa tinuran ni Ara. Kaya mas gusto niyang kausap ang best friend niya kaysa kapatid niya. Si Ara lang naman ang tunay na nagmamalasakit sa kanya. Sa sarili niyang ama 'di niya iyon naramdaman. Hindi rin niya masisi ang papa niya. Araw-araw nitong nakikita sa kanya ang napakalaking kasalanan.

Niyakap siya ng kaibigan niya. Gumaan ang pakiramdam ni Purity sa yakap na 'yon sa kanya ni Ara.

"Ano nang gagawin mo ngayon, besh? Hindi mo na mababago pa ang desisyon ng mama at papa mo." Untag ni Ara nang humarap sa kanya.

Malungkot na umiling si Purity. "Hindi ko alam, besh. Kung sana puwede na lang akong umalis sa bahay. Gagawin ko, eh. Ayoko talagang magpakasal. Hindi ko gusto na maikasal sa taong hindi ko naman mahal."

"Tutulungan kita. Gusto mong umalis, layasan mo na nga lang sila para naman magtigil na sila. Siguro kapag nakaalis ka sa poder ng papa mo. Baka hindi na nila ituloy ang kasal mo kay Mr. Alanday."

Napaisip si Purity. Parang sa ngayon hindi pa niya kaya. Wala pa siyang sapat na ipon para buhayin ang sarili niya. Nagdadalawang isip siya na umalis sa poder ng papa niya.

"Pano? Kulang na kulang ang pera ko, besh."

"Ano ka ba! Tutulungan nga kita. Pano pang naging best friend mo ako kung hindi naman kita matulungan sa mga ganitong pagkakataon?"

Napangiti si Purity at inihilig ang ulo niya sa balikat ng kaibigan. "Salamat. Ikaw na lang ang kakampi ko."

"We're best friends forever. Kaya kung anong problema mo, problema ko na rin. Siyanga pala, a-attend ka ba sa acquitance party natin?"

Napaayos ng upo si Purity. Nawala pala sa isip niya bukas na ng gabi ang acquitance party nila. "Wala akong ganang umattend. Ikaw na lang."

"Kapag hindi ka uma-attend, hindi na lang ako pupunta. Alam mo namang ikaw ang palagi ang kasama ko sa lahat."

"Sige na nga. Pupunta ako, baka hihinto na muna ako sa pag-aaral," may lamlam sa boses ni Purity na hindi niya matutupad ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo."

"Huwag kang mawalan ng pag-asa. Maayos din ang lahat. Makakapag-aral ka pa rin," sabi ni Ara na pilit pinapalakas ang loob ni Purity. Napilitan na sumang-ayon siya sa kaibigan.

Nakauwi na ng bahay si Purity. Naabutan niya ang kapatid na nasa sala at may ka-text sa phone.

"Umuwi na pala ang hero namin. Pinapaaabi ni mama. Maghanda ka raw mamayang gabi at pupunta ang fiance mo. Gusto kang makita ng prince charming mo," anunsyo ni Clarity na may pang-uuyam sa tono ng pananalita.

Tango lamang ang naging sagot ni Purity at iniwan ang kapatid. Dumiretso paakyat sa hagdan, patungo sa kuwarto niya.

"Magbubuhay prinsesa ka kay Marcus. Hindi mo na maririnig ang mga sermon ni mama," pahabol na sabi ng haft sister niya sa kanya.

"Sana nga. Nang makaalis na ako sa impyernong pamamahay na 'to," mahinang sabi niya ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ni Clarity.

"Anong sabi mo?" Taning ng nakakatandang kapatid na napatayo.

Napatigil si Purity. "Wala. Punta na ako sa kuwarto ko."

"May sinabi ka, Purity. Ano, inaapi ka ba r'to sa bahay? Dahil kahit na ikaw ang dahilan kung bakit muntik nang masira ang pamilya namin. 'Di nagdalawang isip si mama na kupkupin ka at ituring anak."

Mariing napatiim si Purity. Itinuring siyang anak ng mama niya? Parati nga nitong ipinamumukha sa kanya ang kasalanan na wala naman siyang kinalaman.

"Ate Clarity, ayoko nang makipagtalo tayo. Magpapakasal na nga ako kay Mr. Alanday para hindi mawala ang kompanya at 'di tayo maghirap." Aniya na hindi humaharap sa

"Dapat lang! Kulang pa nga 'yang kabayaran sa mga ginawa namin para sayo!"

Napapikit si Purity ng kanyang mga mata. Pinipigilan niyang bumuhos ang galit sa kanya. Pero bago pa siya hahakbang muli ay nagsalita muli si Clarity.

"Kinakausap pa kita, ah! Di ba, matapang ka naman na? Harapin mo 'ko!" Panay ang malalakas na sigaw ni Clarity.

Dahan dahang humarap si Purity sa kapatid. Alam niya kung gaano kalaki ang inggit ni Clarity sa kanya. 'Di na lang niya pinapansin ang mga patutsada nito minsan.

"Ayoko talaga ng away, ate. Kaya huminahon ka."

Napangisi ito saka umiling-iling. "Santa-santahan ka, Purity! Akala mo kung sinong magaling. Lumaban ka sa akin. Di ba, masaya ka na mawawala ka na sa impyernong bahay na 'to?! Ano bang pinagmamalaki mo, ha?"

"Ate, please. Hindi kita papatulan. Iginagalang pa rin kita dahil kapatid kita. Wala namang akong puwedeng ipagmalaki sa sarili ko sa inyo."

Masamang tiningnan siya ni Clarity. "Puwes ako, hindi kita itinuturing na kapatid! Wala akong kapatid na putok sa buho!"

Pagkatapos na pagsalitaan siya ng masasakit ng kapatid ay lumabas ito ng bahay. Naiwan si Purity na mangiyak-ngiyak. Pero pinigilan niyang muling lumakas ang iyak. Dumiretso na siya patungo sa kuwarto niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 41: First Day sa Work

    NAKAYAKAP si Preslee sa beywang ng kanyang ina habang umiiyak. Papasok na sa trabaho si Purity, at namimilit ang anak niyang babae na sumama. "Nanay, sama ako... please," humihikbing pakiusap ni Lee kay Purity. "Baby, hindi puwede. May work si Nanay, 'di ba? Pag-uwi ko, may dala akong candy na pasalubong," malambing na sabi ni Purity habang hinahaplos ang likod ng anak. Napabaling ang tingin niya kay Scott, na nakatayo sa gilid, naka-crossed arms at nakasimangot. Hindi ito umiiyak gaya ni Preslee, pero halatang may tampo. Kinagat nito ang ibabang labi, saka bahagyang tumalikod, ayaw ipahalata ang nararamdaman. "Ikaw din ba, Scott? Gusto mo ring sumama kay Nanay?" malambing na tanong ni Purity. Tahimik lang ang bata. Tumango ito nang dahan-dahan, pero hindi tumingin sa kanya. Napabuntong-hininga si Purity, at sabay na niyakap ang kambal. "Babalik agad si Nanay. Promise. Kaya magpakabait kayo rito kay Lola Inay, ha?" Mula sa kusina, lumapit si Arminda habang pinupunasan an

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 40: Parang Kailan Lang

    MABILIS na lumipas ang tatlong taon, abala si Purity sa paghahanda ng almusal nila. Si Inay Arminda ay nagwawalis sa labas ng bakuran habang si Ara ay naghahanda na sa pagpasok. Si Kuya Arnold naman ay lingguhan ang uwi, may trabaho ito sa kabilang bayan. Nakatira pa rin sila sa unang nilang nilipatan na bahay. Napangiti si Purity kapag naaalala niya ang nakaraan. Parang kailan lang, nagtatago siya sa kanyang pamilya, ngayon ay malaya na siyang namumuhay sa probinsya kasama ang kanyang kaibigan. May trabaho na rin siya. May bagong tayo na kompanya sa bayan. Isang malaking kompanya ng sabon pang-paganda. Sinuwerte siyang makapasok bilang sekretarya ng may-ari. Buti nga at nai-hire siya kahit na hindi siya nakatapos ng kolehiyo. Mag-aayos na rin siya sa pagpasok pagkatapos niyang maihanda ang almusal nila. "Gising na ba sina Scott at Lee?" tanong ni Ara. Bihis na ito at nagtitimpla ng kape. "Hindi pa. Gigisingin ko na nga. Marami akong ibibilin, sasakit na naman ang ulo ni Inay

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 39: Preslee at Prescott

    NAIRAOS ni Purity ang panganganak sa kanyang kambal, isang lalaki at isang babae ang kanyang mga anak. Laking tuwa ni Pealle nang makita ang kanilang mga anak ni Purity. May luha sa mata niya ang dumaloy nang marinig ang unang iyak ng mga ito. At nang makarga niya sina kambal. Pinagmamasdan ni Pealle si Purity, mahimbing pa rin ang tulog nito at walang kamalay-malay na nasa tabi lang siya. Hanggng sa mailipat ng private room si Purity, nasa tabi pa rin nito si Pealle. Nakasunod si Ara, at ang ina ng dalaga, maging ang panganay na kapatid nitong si Arnold. Nilapitan ni Pealle si Ara. May kinuha ito sa loob ng kanyang wallet. Isang gold card. Ibinigay niya iyon sa dalaga. "D'yan ka kumuha ng lahat ng kailangan ni Purity at ng mga anak namin, Ara. Hind 'yan mauubusan ng laman. Gusto kong manatili kang magtrabaho kay Andy at bigyan mo ako ng update sa nangyayari sa mag-iina ko. Palagi lang akong nasa paligid at magbabantay sa kanila," mahabang litanya ni Pealle. Nalito si Ara. B

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 38: Hindi na Kita Pakakawalan

    "ANDY!" malakas na tawag ni Pealle sa kaibigan. Napalingon agad ito sa kanya. Napabaling naman ang tingin niya kay Ara na halatang nagulat. "S-Sir Pealle?" gulat na sambit ni Ara. Biglang napasugod ang kaibigan ng kanyang amo. Ang alam niya ay sa susunod na araw pa ito darating. "Yes, I know her..." madiing sagot ni Pealle. "Ako ang ama ng kambal niya. Kaya sabihin mo na sa akin kung nasaan siya." Nanlaki ang mga mata ni Ara. Napatingin siya kay Andy na parang humihingi ng tulong, pero nanatili lang itong tahimik, tila pinipigilan ang sarili na makialam. Napaamang si Arminda sa naririnig at pinanood ang komusyon ng mga amo ng kanyang anak at si Ara mismo. "Hindi ko po alam kung nasaan siya ngayon," nanginginig na tugon ni Ara. "Matagal na po siyang umalis... ni hindi nga po siya nagpapaabot ng balita." "You're lying," mariing singhal ni Pealle. "Ara, please. This isn't just about me. This is about the twins. I have the right to know where she is. If you're really her fri

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 37: Huwag Hahayaan

    WALA namang nagawa si Ara kundi isama ang amo niya. Wala siyang maaring pag-iwanan niya dito. "Sir, ang maigi pa po ay ibalik ko na lang po kayo sa kuwarto n'yo at magbilin na lang ako sa nurse para bantayan kayo..." lakas loob na sabi ni Ara. "No. I will stay here with you! Hindi ako aalis." May diing sabi ni Andy. "Pero, Sir..." "Walang pero-pero, Ara. Nagprisinta akong tulungan ka. Kaya dito lang ako," pamimilit ni Andy. Tumahimik si Ara sa nakikitang galit sa mga mata ng among binata. Mariin siyang napatiim na tumango. Napilitan na lamang siyang umayon sa gusto ng kanyang amo. Kahit nababahala siya na baka nga kilala nito ang pamilya nina Purity. Siya pa ang magiging dahilan para mapahamak sa sariling kaibigan. Nang malapit na sila ay natanaw na ni Ara ang Inay niya. "Ara..." tumatakbong tawag ni Arminda sa kanyang anak. "Inay, kumusta po si Purity?" "Nasa loob na siya ng operating room. Natakot ako talaga para sa kaibigan mo. Pero malakas ang loob ng batang 'y

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 36: Pamilyar

    NAKATANGGAP ng tawag si Ara mula sa kanyang ina. Naisugod na raw nila sa ospital si Purity at manganganak na ito. "Sir, puwede po bang magpaalam sa inyo?" tanong ni Ara na nababanaag ang pag-aalala sa mukha. "May nangyari ba, Ara?" "Manganganak na po kasi ang best friend ko. Dito rin po sa ospital na ito..." sagot niya na parang maiiyak. Napaisip si Andy, kung papayagan ba niya si Ara. Wala pa naman siyang kasama. At wala rin si Pealle. "Hindi ako sigurado... kasi wala akong ibang kasama. Pero kung gusto mo, puntahan natin siya. Sabi mo naman andito lang ang kaibigan mo sa ospital." Napaamang si Ara sa narinig mula sa binatang amo. "Sigurado po kayo, Sir? Baka po kasi mailang kayo. Gusto ko pong malaman ang lagay niya dahil kambal po ang anak niya. Medyo kinakabahan po ako at natatakot din sa kalagayan nilang mag-ina." Napatitig si Andy kay Ara. Napakabuting kaibigan ng kanyang empleyada. "Sigurado ako. Malay mo makatulong pa ako sa inyo. Sasagutin ko na ang panganganak niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status