Home / Romance / CEO'S UNWANTED TWIN (SPG) / Chapter 3: Family Dinner

Share

Chapter 3: Family Dinner

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2024-08-01 23:06:52

ANG tagal ni Purity sa harap ng salamin. Malamlam ang mga mata na tinititigan niya ang sarili. Makakaharap niya ngayong gabi si Mr. Marcus Alanday, ang matandang binata na ipinagkasundo ng kanyang mga magulang sa kanya. Ni minsan ay hindi pa niya ito nakita ng personal. Pero nakikita niya ang mukha nito sa mga news.

Hindi niya malaman kung paanong pakikiharap ang gagawin niya mamaya. Sana'y 'di siya magkamali at makapagtimpi siya nang hindi panimulan ng sigalot nilang buong pamilya.

Huminga ng malalim na malalim si Purity. Sinuklay niya ang kanyang nakalugay na buhok at pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto niya.

Dahan-dahan pa siyang bumaba sa hagdanan. Naririnig na niya ang tawanan sa sala. Ramdam niyang andito na ang pinakahihintay na bisita nila.

"Andito na pala si Purity," malambing na anunsyo ni Mama Sheena na nakatingin sa gawi niya. Alam niya kung bakit parang ang bait nito sa kanya.

Natuon ang tingin nilang lahat sa kanya. Ang mga mata ng kanilang bisita ay nakangiting nakatitig sa kanya, ngunit may kung anong kakaiba sa titig nito na nagbigay sa kanya ng kakaibang kilabot.

Napatayo si Marcus. Hindi maalis ang kanyang mga tingin sa magandang dalaga na naglalakad palapit sa kanila.

"Marcus, ito ang bunso kong anak na si Purity Manzano," pakilala ni Pat ng pormal kina Marcus at Purity.

"Good evening, Purity. I'm happy to finally meet you, my soon to be wife," nakangiti niyang bati sa dalaga nang makalapit ito sa kanila. Inilahad pa niya ang kanyang kamay sa dalaga. Tinanggap iyon ni Purity, pero laking gulat niya nang halikan nito ang kanyang palad. Agad din niyang binawi ang kanyang kamay.

"M-Magandang gabi rin po, Mr. Marcus," ganting bati ni Purity na may paggalang. Ngunit parang nailang siya sa ginawa ni Marcus.

"Purity, sanayin mo na akong tawaging Marcus at sana 'wag ka ng mag-po sa akin. Hindi naman siguro ganoon kalayo ang edad natin sa isa't isa.

Gustong matawa ni Purity. Pero pinigilan niya ang sarili. Sa sulok ng kanyang mata ay kita nita ang palihim na pagtawa ng kapatid niyang si Clarity.

'Tutal, andito na si Purity. Puwede na tayong kumain. Sa dining na lamang natin ipagpatuloy ang pagkukuwentuhan, Marcus," nakangiting aya ni Pat sa binatang bisita.

"Oo naman. Nagugutom na rin ako. I'm hoping one day ipagluluto naman ako ni Purity ng pagkain ko para matikman ko kung masarap ang luto niya." Anito na ang mata ay nakatuon sa dalaga. May kakaibang kislap ang mga mata nito at muling humarap kay Pat.

May makahulugang tingin si Sheena kay Purity. Itinuro nito ang bibig na ibig ipahiwatig, ngumiti sa kanilang bisita.

Napilitang ngumiti si Purity nang muling tumingin si Marcus sa kanya. Labag man sa kanyang kalooban, ginawa niya para wala na lamang gulo.

Pinauna ni Pat si Marcus sa paglalakad at sumunod na lang siya. Palihim naman na hinila ni Sheena si Purity kaya napahinto ito sa paglalakad.

"Ayusin mo ang pakikitungo mo kay Marcus. Malilintikan ka sa akin," banta niya at pinanlakihan ito ng mga mata.

Walang nagawa ang dalaga kundi ang umayon sa gusto ni Mama Sheena. May katapusan naman lahat ng ito.

Sa pagkarating nila sa dining ay umupo si Pat sa pinaunahan, sumunod sa kanyang kanan ay ang kanyang asawa na katabi si Clarity. Sa kaliwa naman niya si Marcus. Sinenyasan sa tingin ni Sheena si Purity na tabihan ang mapapangasawa.

Nagsimula na silang kumain. Si Marcus mismo ang naglalagay ng pagkain sa pinggan ni Purity. Hindi ito matanggihan ng dalaga at napipilitan na lamang siyang ngumiti saka ngitian ito.

"Pag-usapan na natin ang magiging kasal niyo ng anak ko, Marcus. Baka mayroon ka pang idagdag para malaman namin ni Sheena," saad ni Pat.

Napalingon si Marcus kay Purity at hinawakan niya ang kamay ng dalagang kimi lamang na nakaupo sa tabi niya. Napasinghap si Purity at nag-angat ng tingin sa kanyang katabi. Binawi niya ang kamay sa pagkakahawak nito.

"Kayo na ang bahala sa mga gusto niyo. Ang mahalaga naman sa akin ay ang maikasal kay Purity," sabi ni Marcus nang may determinasyon. "Ang gusto ko ay ipaalam sa lahat ang pagpapakasal ko sa anak mo, Pat. I want to give what's best for her. And I want everyone to know that I am getting married soon."

Nagkatinginan sina Pat at Purity. Sa loob-loob ni Purity, hindi pa rin siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

"Marcus, walang problema sa akin. Kailan ko gustong gawin ang engagement party niyo ng anak ko?" tanong ni Pat.

"As soon as possible and don't worry about the expenses. Ako ang sasagot sa lahat ng gagatusin sa engagement party namin,l" tugon ni Marcus na hindi inaalis ang tingin kay Purity, na ngayon ay nakangiti na ng bahagya.

Ngunit si Purity ay nakaramdam ng bigat sa kanyang dibdib. Naglakas-loob siyang magsalita, "Mr. Marcus, patawad pero hindi pa ako handa sa kasal. Hindi ko pa kayang magpakasal sa ngayon."

Nagulat si Marcus at Pat sa sinabi ni Purity. Maging si Sheena ay naalarma. Ipapahiya pa sila ng anak-anakan niya sa kanilang bisita.

"Bakit, Purity?" tanong ni Marcus, kita sa mukha niya ang pagkabigla at pag-aalala.

"Marami pa akong gustong gawin at maranasan sa buhay bago ako magpakasal. Hindi pa ako handa sa responsibilidad na iyon," paliwanag ni Purity, pilit na pinipigil ang pagluha.

Tumalim ang tingin ni Marcus at biglang napatayo.

"Purity, hindi mo puwedeng gawin 'yan! Ipinapahiya mo kami kay Marcus!" Asik ni Sheena sa dalaga. Napabaling siya kay Marcus. "Pagpasensiyahan mo na itong anak namin. Alam mo na bata pa kasi siya. Kaya pabago-bago ang desisyon sa buhay. Maupo ka muna, Marcus. Sige na." Pakiusap pa niya sa lalaki.

Napayuko si Purity. Nagbabadya na naman ang kanyang mga luha. Wala naman siyang magiging kakampi sa kanila. Ipipilit lamang ang mga gusto nila.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Marcus at muling umupo. Napabuntong hininga si Marcus.

"Ayokong mag-aksaya ng pera sa inyo kung hindi niyo din naman itutuloy ang napag-usapan. Tandaan niyo, kapalit ng muling paglago ng kompanya niyo ay ipapakasal ninyo sa akin si Purity. Sinabi ko na ihanda niyo siya. Limitado lamang ang pasensiya ko. Kapag naubos 'yon, pasensiyahan na lamang tayo," banta ni Marcus kay Pat.

Napaayos ng upo si Pat at tumingin sa kanyang bunsong anak. "Purity, hindi mo naman gustong suwayin ako. Di ba? Malaki ang ibibigay na tulong ni Marcus sa atin. Alam ko naman na hindi ka niya pababayaan," sabi niya at napatingin kay Marcus. "Hindi ba, Marcus? 'Di mo pababayaan ang aking anak?"

"Of course. Ibibigay ko ang lahat sa kanya. Pag-aaralin ko siya sa magandang university. Ititira ko siya sa mansyon ko. Gusto mo ng kotse, name it. Kahit ano, Purity. Hindi mo pagsisihan na nagpakasal ka sa akin," paniniguradong sagot ni Marcus.

Hindi naman 'yon. Paano siya magpapaksal sa taong hindi niya naman gusto? Gusto niyang sa lalaking mahal niya magpakasal. Doon sa lalaking mas karapat-dapat sa kanya. 'Di sa lalaking gusto ng pamilya niya at dahil lamang sa pera kaya siya magpapakasal.

"Nakita mo na, Purity. Hindi ka pababayaan ni Marcus sa oras na maikasal ka sa kanya. He is the best guy for you. Darating din ang araw na matutunan mo siyang mahalin. Mabait siyang tao kaya alam ko na hindi rin iyon magtatagal," sabat na pangungumbinsi ni Sheena.

Tahimik lamang si Clarity na itinuloy ang kanyang pagkain. Wala siyang pakialam sa kanyang haft sister.

"I keep going, Pat and Sheena. It is better to convince your daughter. Ayokong magkaroon ako ng problema sa araw mismo ng kasal ko. I told you, masama akong kaaway," sabi ni Marcus na tumayo muli at nagpaalam.

Napilitan na lamang na tumango si Pat. Tatayo sana siya para ihatid ito hanggang paglabas. Pero pinigilan siya nito. Iritadong naglakad paalis sa si Marcus sa dining. Ni hindi tinapunan ng tingin si Purity.

Masamang tingin ang ipinukol ni Sheena kay Purity na nanatiling nakayuko ang ulo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 41: First Day sa Work

    NAKAYAKAP si Preslee sa beywang ng kanyang ina habang umiiyak. Papasok na sa trabaho si Purity, at namimilit ang anak niyang babae na sumama. "Nanay, sama ako... please," humihikbing pakiusap ni Lee kay Purity. "Baby, hindi puwede. May work si Nanay, 'di ba? Pag-uwi ko, may dala akong candy na pasalubong," malambing na sabi ni Purity habang hinahaplos ang likod ng anak. Napabaling ang tingin niya kay Scott, na nakatayo sa gilid, naka-crossed arms at nakasimangot. Hindi ito umiiyak gaya ni Preslee, pero halatang may tampo. Kinagat nito ang ibabang labi, saka bahagyang tumalikod, ayaw ipahalata ang nararamdaman. "Ikaw din ba, Scott? Gusto mo ring sumama kay Nanay?" malambing na tanong ni Purity. Tahimik lang ang bata. Tumango ito nang dahan-dahan, pero hindi tumingin sa kanya. Napabuntong-hininga si Purity, at sabay na niyakap ang kambal. "Babalik agad si Nanay. Promise. Kaya magpakabait kayo rito kay Lola Inay, ha?" Mula sa kusina, lumapit si Arminda habang pinupunasan an

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 40: Parang Kailan Lang

    MABILIS na lumipas ang tatlong taon, abala si Purity sa paghahanda ng almusal nila. Si Inay Arminda ay nagwawalis sa labas ng bakuran habang si Ara ay naghahanda na sa pagpasok. Si Kuya Arnold naman ay lingguhan ang uwi, may trabaho ito sa kabilang bayan. Nakatira pa rin sila sa unang nilang nilipatan na bahay. Napangiti si Purity kapag naaalala niya ang nakaraan. Parang kailan lang, nagtatago siya sa kanyang pamilya, ngayon ay malaya na siyang namumuhay sa probinsya kasama ang kanyang kaibigan. May trabaho na rin siya. May bagong tayo na kompanya sa bayan. Isang malaking kompanya ng sabon pang-paganda. Sinuwerte siyang makapasok bilang sekretarya ng may-ari. Buti nga at nai-hire siya kahit na hindi siya nakatapos ng kolehiyo. Mag-aayos na rin siya sa pagpasok pagkatapos niyang maihanda ang almusal nila. "Gising na ba sina Scott at Lee?" tanong ni Ara. Bihis na ito at nagtitimpla ng kape. "Hindi pa. Gigisingin ko na nga. Marami akong ibibilin, sasakit na naman ang ulo ni Inay

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 39: Preslee at Prescott

    NAIRAOS ni Purity ang panganganak sa kanyang kambal, isang lalaki at isang babae ang kanyang mga anak. Laking tuwa ni Pealle nang makita ang kanilang mga anak ni Purity. May luha sa mata niya ang dumaloy nang marinig ang unang iyak ng mga ito. At nang makarga niya sina kambal. Pinagmamasdan ni Pealle si Purity, mahimbing pa rin ang tulog nito at walang kamalay-malay na nasa tabi lang siya. Hanggng sa mailipat ng private room si Purity, nasa tabi pa rin nito si Pealle. Nakasunod si Ara, at ang ina ng dalaga, maging ang panganay na kapatid nitong si Arnold. Nilapitan ni Pealle si Ara. May kinuha ito sa loob ng kanyang wallet. Isang gold card. Ibinigay niya iyon sa dalaga. "D'yan ka kumuha ng lahat ng kailangan ni Purity at ng mga anak namin, Ara. Hind 'yan mauubusan ng laman. Gusto kong manatili kang magtrabaho kay Andy at bigyan mo ako ng update sa nangyayari sa mag-iina ko. Palagi lang akong nasa paligid at magbabantay sa kanila," mahabang litanya ni Pealle. Nalito si Ara. B

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 38: Hindi na Kita Pakakawalan

    "ANDY!" malakas na tawag ni Pealle sa kaibigan. Napalingon agad ito sa kanya. Napabaling naman ang tingin niya kay Ara na halatang nagulat. "S-Sir Pealle?" gulat na sambit ni Ara. Biglang napasugod ang kaibigan ng kanyang amo. Ang alam niya ay sa susunod na araw pa ito darating. "Yes, I know her..." madiing sagot ni Pealle. "Ako ang ama ng kambal niya. Kaya sabihin mo na sa akin kung nasaan siya." Nanlaki ang mga mata ni Ara. Napatingin siya kay Andy na parang humihingi ng tulong, pero nanatili lang itong tahimik, tila pinipigilan ang sarili na makialam. Napaamang si Arminda sa naririnig at pinanood ang komusyon ng mga amo ng kanyang anak at si Ara mismo. "Hindi ko po alam kung nasaan siya ngayon," nanginginig na tugon ni Ara. "Matagal na po siyang umalis... ni hindi nga po siya nagpapaabot ng balita." "You're lying," mariing singhal ni Pealle. "Ara, please. This isn't just about me. This is about the twins. I have the right to know where she is. If you're really her fri

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 37: Huwag Hahayaan

    WALA namang nagawa si Ara kundi isama ang amo niya. Wala siyang maaring pag-iwanan niya dito. "Sir, ang maigi pa po ay ibalik ko na lang po kayo sa kuwarto n'yo at magbilin na lang ako sa nurse para bantayan kayo..." lakas loob na sabi ni Ara. "No. I will stay here with you! Hindi ako aalis." May diing sabi ni Andy. "Pero, Sir..." "Walang pero-pero, Ara. Nagprisinta akong tulungan ka. Kaya dito lang ako," pamimilit ni Andy. Tumahimik si Ara sa nakikitang galit sa mga mata ng among binata. Mariin siyang napatiim na tumango. Napilitan na lamang siyang umayon sa gusto ng kanyang amo. Kahit nababahala siya na baka nga kilala nito ang pamilya nina Purity. Siya pa ang magiging dahilan para mapahamak sa sariling kaibigan. Nang malapit na sila ay natanaw na ni Ara ang Inay niya. "Ara..." tumatakbong tawag ni Arminda sa kanyang anak. "Inay, kumusta po si Purity?" "Nasa loob na siya ng operating room. Natakot ako talaga para sa kaibigan mo. Pero malakas ang loob ng batang 'y

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 36: Pamilyar

    NAKATANGGAP ng tawag si Ara mula sa kanyang ina. Naisugod na raw nila sa ospital si Purity at manganganak na ito. "Sir, puwede po bang magpaalam sa inyo?" tanong ni Ara na nababanaag ang pag-aalala sa mukha. "May nangyari ba, Ara?" "Manganganak na po kasi ang best friend ko. Dito rin po sa ospital na ito..." sagot niya na parang maiiyak. Napaisip si Andy, kung papayagan ba niya si Ara. Wala pa naman siyang kasama. At wala rin si Pealle. "Hindi ako sigurado... kasi wala akong ibang kasama. Pero kung gusto mo, puntahan natin siya. Sabi mo naman andito lang ang kaibigan mo sa ospital." Napaamang si Ara sa narinig mula sa binatang amo. "Sigurado po kayo, Sir? Baka po kasi mailang kayo. Gusto ko pong malaman ang lagay niya dahil kambal po ang anak niya. Medyo kinakabahan po ako at natatakot din sa kalagayan nilang mag-ina." Napatitig si Andy kay Ara. Napakabuting kaibigan ng kanyang empleyada. "Sigurado ako. Malay mo makatulong pa ako sa inyo. Sasagutin ko na ang panganganak niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status