Home / Romance / CEO'S UNWANTED TWIN (SPG) / Chapter 1: Desisyong Pagpapakasal

Share

Chapter 1: Desisyong Pagpapakasal

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2024-08-01 23:04:42

"MAGPAPAKASAL ka kay Marcus, Purity! Nakapagdesisyon na kami ng papa mo," balitang ikinagimbal ni Purity. Kauuwi lamang niya ng bahay galing sa university. Pagkatapos ay ipinatawag siya sa libary ng papa niya at ito ang bumungad sa kanya na sabi ng mama niya.

"Bakit po? Ma, nag-aaral pa po ako at gusto kong makatapos ng kolehiyo. Tsaka ayoko pong magpakasal kay Marcus." Mariing tanggi niya.

Napatiim si Sheena, matigas talaga ang ulo ng kanyang anak. Alam na niyang tututol ito sa maging desisyon nila ni Pat. Pero wala na itong magagawa. Dahil nakatakdang ikasal si Purity kay Marcus at 'di na mababali ang plano.

"Hija, palubog na ang kompanya at tiyak akong hindi mo matatapos ang pag-aaral mo kung magkagayong mawawala ang nag-iisang kabuhayan ko. Gusto mo bang pati ang bahay at ang kotse mo ay kunin ng bangko?" Untag ni Pat, nakikiusap ang tingin niya sa kanyang anak.

Bumaling ng tingin si Purity sa papa niya. "Wala na po bang ibang paraan? Kaya ko naman pong magtiis na 'di maganda ang bahay natin o kahit wala akong kotse. Kaya ko pong magcommute araw-araw pagpasok sa university. Magta-trabaho po ako, pa. 'Wag niyo lang po akong ipakasal kay Marcus." Siya naman ang nakikiusap sa kanila na 'wag ipakasal sa negosyanteng si Marcus.

Awa ang rumehistro kay Pat sa nakikita sa mga mata ng anak. Wala itong choice kundi sundin ang napagkasunduan. Mahalaga ang kompanya sa kanya. Mawawala ang kanilang kabuhayan kung mawawala ang kompanya. Lahat ng karangyaang natatamasa nila ay maaring kunin ng bangko. Si Marcus ang magsasalba sa kompanya sa pagkalugi. Pero bago iyon ay kailangan munang pakasalan ni Purity ang matandang binatang si Marcus Alanday. Ang hininging kapalit ng lalaki ay ang kanyang bunsong anak.

Si Marcus Alanday, kuwarenta taong gulang, isang bilyonaryo at nagmamay-ari ng iba't ibang negosyo sa bansa. Dahil sa pagiging abala sa kanyang mga negosyo ay napag-iwanan ito ng panahon. Iyon lamang dinig niyang isang babaero at may pagka-masama ang ugali nito. Umaasa si Pat na magbabago ang ugali ni Marcus sa oras na maikasal sa kanyang bunsong anak.

"No! Magpapakasal ka kay Marcus. And that's final!" Bulyaw na sabat ni Sheena.

"Ma, bakit hindi na lang po si Ate Clarity ang ipakasal niyo kay Mr. Alanday? Siya naman po ang panganay sa aming dal'wa," katuwiran ni Purity.

Naalarma at napatayo mula sa upuan si Clarity. Napaturo siya sa kanyang sarili saka humarap sa katapid. "Ako ba? Eh, ikaw ang gusto ni Mr. Alanday. Saka pagkakataon mo ng yumaman, Purity. Hindi mo na kakailanganin na magtrabaho 'pag ang matandang 'yon ang naging asawa mo."

"Ate, hindi ko naman hinangad na yumaman. Ang pangarap ko ay makatapos ng kolehiyo at magkaroon ng diploma. Iyon ang importante sa akin."

Napakunot ang noo ni Clarity. "Masyado kang mayabang. Ang sabihin mo ayaw mo lang tulungan sina mama at papa sa problema nila. Ayaw mo nun, magiging bayani ka, Purity, sa mga mata namin. Mababawi natin ang bahay sa bangko at hindi tuluyang babagsak ang kompanya oras na pakasalan mo si Mr. Alanday."

Ang dami pa niyang pangarap. Kung mag-aasawa siya ng ganito kaaga, maraming marami ang mawawala sa kanya. Hindi ata madali ang pag-aasawa.

Umiling-iling si Purity at matalim na tumingin sa kapatid. "Ayoko nga, ate! Bakit ba pinipilit mo ako? Tutal, ikaw ang may gusto. Ikaw ang magpakasal sa kanya!" Asik niyang sagot.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Purity. Sapo niya ang kanyang pisngi na nasaktan habang nanlalaki ang mga matang napalingon sa mama niya.

"Wala kang utang na loob! Pinag-aral ka namin, binihasan at pinapakain. Pagkatapos ganyan ka magsalita sa Ate Clarity mo. Kung hindi ako pumayag na tumira ka sa pamamahay ko, 'di sana nasa kalye ka ngayon natutulog. Tandaan mo, Purity. Bunga ka lang ng kasalanan ng papa mo! Kaya't sa ayaw at gusto mo, pakakasal ka kay Marcus." Mariing sumbat ni Sheena. Binalingan niya ang asawa. "Pagsabihan mo 'yang anak mo, Pat. Kapag hindi niya pinakasalan si Marcus, palalayasin ko siya sa bahay ko!"

Ang masakit na katotohanan ang sumampal sa kanya. Mas masakit iyon kaysa sa sampal na natamo niya kanina mula rito.

Kaya ganoon na lamang ang trato ng Mama Sheena niya sa kanya, ay dahil hindi siya tunay na anak. Anak siya sa ibang babae ng papa niya. Ngunit, hindi niya nasilayan ang mukha ng kanyang tunay na ina. Dahil ibinigay siya sa papa niya noong siya'y sanggol pa lamang.

'Di naman siya reklamador. Ang mahalaga sa kanya ay ang papa niya. Kahit pa halos gawin siyang utusan sa mismong bahay nila ay tinatanggap na lamang niya. At kaya ganoon rin ang trato sa kanya ng nakakatandang kapatid, para siyang basura para r'to.

Napayuko si Purity. Tumaas-baba ang kanyang balikat at impit na umiyak. 'Di rin naman siya kalampihan ng papa niyam. Wala itong lakas ng loob salungatin ang asawa nito. Dahil sa malaking pasanin na dala nito sa pamilya, siya mismo. Isa siyang salinggit, sampid, nakikihati at putok sa buho.

Kaya gusto ni Purity na makatapos ng pag-aaral. Nang nakaalis na siya sa impyernong bahay nila. Ayaw naman niyang magpakasal kay Mr. Marcus Alanday, halos kalahati ng edad niya ang agwat nila. Siya biente pa lamang at si Mr. Alanday ay kwarenta na ang edad. Hindi nalalayo sa edad ng papa niya.

Napayuko siya, walang nagawa ang kanyang mga pag-iyak niya. 'Di rin naman siya papanigan ng ama.

Lumabas ng library si Sheena at bago sumunod si Clarity ay inirapan siya muna nito. Naiwan silang mag-ama sa loob.

Tumayo si Pat at lumapit kay Purity. Umupo siya sa tabi nito at niyakap patagilid ang kanyang anak. Inihilig naman ng dalaga ang ulo sa balikat ng kanyang ama habang patuloy na umiiyak.

"Pumayag ka na, anak. Alang-alang na lamang sa akin. Alam ko kung gaano mo ako kamahal at alam ko na pagbibigyan mo ang kahilingan ko. Sa oras na mabawi natin ang kompanya, puwede ka namang magfile ng diborsiyo kay Marcus pagkatapos. Ito lang, Purity. Please," pagmamakaawa ni Pat sa kanyang anak, umaasang pagbibigyan siya nito.

Pinunasan ni Purity ang kanyang mga luha sa mata saka umayos ng upo. "Pag-iisipan ko po, pa." Ang tanging nasagot niya.

Ganoon na lang ba ang tingin ng ama sa kasal? Pagkatapos magpakasal, kung ayaw mo na. Basta-basta ka na lang makikipaghiwalay. Hindi naman na siya magtataka. Kaya nga siguro siya nabuo, kaunting problema lamang nilang mag-asawa. Naghanap kaagad ito ng kalinga sa piling ng iba.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Pat, hinawakan niya ang kamay ni Purity. "Pangako ko sayo, pagkatapos ng kasal mo kay Marcus. Hahayaan ka na namin. Hindi mo na kailangang maghirap na pakisamahan ang Mama Sheena mo at ang Ate Clarity mo. Matatahimik ang mundo mo kasama si Marcus. Di ba, 'yon naman ang gusto mo? Ang tuluyang matanggap ka ng kapatid mo at ng mama mo at magkaroon ka ng katahimikan," pangungumbinsi niya na may kalakip na kondisyon.

Ang hirap na may pamilya ka nga pero parang wala naman. Dahil sa kasalanan na hindi naman niya ginawa, sa kanya isinisisi ng mama niya. Simula pagkabata ay hindi siya nakaramdam ng tunay na pagmamahal ng isang ina. Sigaw at sampal ang palagi niyang natatanggap sa Mama Sheena niya. Idagdag pa na may kapatid siyang katulong ang trato sa kanya.

Tumayo ang papa niya at tinapik-tapik siya sa kanyang balikat bago lumabas sa library. Nang mapag-isa na si Purity ay napahagulhol siyang muli. Pinakawalan ang mas malakas na pagtangis.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 41: First Day sa Work

    NAKAYAKAP si Preslee sa beywang ng kanyang ina habang umiiyak. Papasok na sa trabaho si Purity, at namimilit ang anak niyang babae na sumama. "Nanay, sama ako... please," humihikbing pakiusap ni Lee kay Purity. "Baby, hindi puwede. May work si Nanay, 'di ba? Pag-uwi ko, may dala akong candy na pasalubong," malambing na sabi ni Purity habang hinahaplos ang likod ng anak. Napabaling ang tingin niya kay Scott, na nakatayo sa gilid, naka-crossed arms at nakasimangot. Hindi ito umiiyak gaya ni Preslee, pero halatang may tampo. Kinagat nito ang ibabang labi, saka bahagyang tumalikod, ayaw ipahalata ang nararamdaman. "Ikaw din ba, Scott? Gusto mo ring sumama kay Nanay?" malambing na tanong ni Purity. Tahimik lang ang bata. Tumango ito nang dahan-dahan, pero hindi tumingin sa kanya. Napabuntong-hininga si Purity, at sabay na niyakap ang kambal. "Babalik agad si Nanay. Promise. Kaya magpakabait kayo rito kay Lola Inay, ha?" Mula sa kusina, lumapit si Arminda habang pinupunasan an

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 40: Parang Kailan Lang

    MABILIS na lumipas ang tatlong taon, abala si Purity sa paghahanda ng almusal nila. Si Inay Arminda ay nagwawalis sa labas ng bakuran habang si Ara ay naghahanda na sa pagpasok. Si Kuya Arnold naman ay lingguhan ang uwi, may trabaho ito sa kabilang bayan. Nakatira pa rin sila sa unang nilang nilipatan na bahay. Napangiti si Purity kapag naaalala niya ang nakaraan. Parang kailan lang, nagtatago siya sa kanyang pamilya, ngayon ay malaya na siyang namumuhay sa probinsya kasama ang kanyang kaibigan. May trabaho na rin siya. May bagong tayo na kompanya sa bayan. Isang malaking kompanya ng sabon pang-paganda. Sinuwerte siyang makapasok bilang sekretarya ng may-ari. Buti nga at nai-hire siya kahit na hindi siya nakatapos ng kolehiyo. Mag-aayos na rin siya sa pagpasok pagkatapos niyang maihanda ang almusal nila. "Gising na ba sina Scott at Lee?" tanong ni Ara. Bihis na ito at nagtitimpla ng kape. "Hindi pa. Gigisingin ko na nga. Marami akong ibibilin, sasakit na naman ang ulo ni Inay

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 39: Preslee at Prescott

    NAIRAOS ni Purity ang panganganak sa kanyang kambal, isang lalaki at isang babae ang kanyang mga anak. Laking tuwa ni Pealle nang makita ang kanilang mga anak ni Purity. May luha sa mata niya ang dumaloy nang marinig ang unang iyak ng mga ito. At nang makarga niya sina kambal. Pinagmamasdan ni Pealle si Purity, mahimbing pa rin ang tulog nito at walang kamalay-malay na nasa tabi lang siya. Hanggng sa mailipat ng private room si Purity, nasa tabi pa rin nito si Pealle. Nakasunod si Ara, at ang ina ng dalaga, maging ang panganay na kapatid nitong si Arnold. Nilapitan ni Pealle si Ara. May kinuha ito sa loob ng kanyang wallet. Isang gold card. Ibinigay niya iyon sa dalaga. "D'yan ka kumuha ng lahat ng kailangan ni Purity at ng mga anak namin, Ara. Hind 'yan mauubusan ng laman. Gusto kong manatili kang magtrabaho kay Andy at bigyan mo ako ng update sa nangyayari sa mag-iina ko. Palagi lang akong nasa paligid at magbabantay sa kanila," mahabang litanya ni Pealle. Nalito si Ara. B

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 38: Hindi na Kita Pakakawalan

    "ANDY!" malakas na tawag ni Pealle sa kaibigan. Napalingon agad ito sa kanya. Napabaling naman ang tingin niya kay Ara na halatang nagulat. "S-Sir Pealle?" gulat na sambit ni Ara. Biglang napasugod ang kaibigan ng kanyang amo. Ang alam niya ay sa susunod na araw pa ito darating. "Yes, I know her..." madiing sagot ni Pealle. "Ako ang ama ng kambal niya. Kaya sabihin mo na sa akin kung nasaan siya." Nanlaki ang mga mata ni Ara. Napatingin siya kay Andy na parang humihingi ng tulong, pero nanatili lang itong tahimik, tila pinipigilan ang sarili na makialam. Napaamang si Arminda sa naririnig at pinanood ang komusyon ng mga amo ng kanyang anak at si Ara mismo. "Hindi ko po alam kung nasaan siya ngayon," nanginginig na tugon ni Ara. "Matagal na po siyang umalis... ni hindi nga po siya nagpapaabot ng balita." "You're lying," mariing singhal ni Pealle. "Ara, please. This isn't just about me. This is about the twins. I have the right to know where she is. If you're really her fri

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 37: Huwag Hahayaan

    WALA namang nagawa si Ara kundi isama ang amo niya. Wala siyang maaring pag-iwanan niya dito. "Sir, ang maigi pa po ay ibalik ko na lang po kayo sa kuwarto n'yo at magbilin na lang ako sa nurse para bantayan kayo..." lakas loob na sabi ni Ara. "No. I will stay here with you! Hindi ako aalis." May diing sabi ni Andy. "Pero, Sir..." "Walang pero-pero, Ara. Nagprisinta akong tulungan ka. Kaya dito lang ako," pamimilit ni Andy. Tumahimik si Ara sa nakikitang galit sa mga mata ng among binata. Mariin siyang napatiim na tumango. Napilitan na lamang siyang umayon sa gusto ng kanyang amo. Kahit nababahala siya na baka nga kilala nito ang pamilya nina Purity. Siya pa ang magiging dahilan para mapahamak sa sariling kaibigan. Nang malapit na sila ay natanaw na ni Ara ang Inay niya. "Ara..." tumatakbong tawag ni Arminda sa kanyang anak. "Inay, kumusta po si Purity?" "Nasa loob na siya ng operating room. Natakot ako talaga para sa kaibigan mo. Pero malakas ang loob ng batang 'y

  • CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)   Chapter 36: Pamilyar

    NAKATANGGAP ng tawag si Ara mula sa kanyang ina. Naisugod na raw nila sa ospital si Purity at manganganak na ito. "Sir, puwede po bang magpaalam sa inyo?" tanong ni Ara na nababanaag ang pag-aalala sa mukha. "May nangyari ba, Ara?" "Manganganak na po kasi ang best friend ko. Dito rin po sa ospital na ito..." sagot niya na parang maiiyak. Napaisip si Andy, kung papayagan ba niya si Ara. Wala pa naman siyang kasama. At wala rin si Pealle. "Hindi ako sigurado... kasi wala akong ibang kasama. Pero kung gusto mo, puntahan natin siya. Sabi mo naman andito lang ang kaibigan mo sa ospital." Napaamang si Ara sa narinig mula sa binatang amo. "Sigurado po kayo, Sir? Baka po kasi mailang kayo. Gusto ko pong malaman ang lagay niya dahil kambal po ang anak niya. Medyo kinakabahan po ako at natatakot din sa kalagayan nilang mag-ina." Napatitig si Andy kay Ara. Napakabuting kaibigan ng kanyang empleyada. "Sigurado ako. Malay mo makatulong pa ako sa inyo. Sasagutin ko na ang panganganak niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status