Nang makaalis si Marcus ay tumayo si Sheena at malalaki ang hakbang na nilapitan si Purity. Hinaklit niya ito sa braso at sapilitang itinayo. Napasinghap si Pat at si Purity. Hila ni Sheena ang dalaga papunta sa sala.
"Wala ka na talagang ginawang tama! Nakita mo ang kahihiyang ginawa mo kanina? Masyado mo kaming ipinahiya sa harapan ni Marcus. Ayaw mo talaga kaming tulungan ng papa mo. Eh, kung hindi na kaya kita papasukin sa university? 'Wag ka ng mag-aral. Tutal naman napatapos ka na namin ng senior high. Siguro tama na 'yong para sayo. Hindi na namin pag-aaksayahan pa ng pera ang pag-aaral mo!" Galit na galit na pananakot ni Sheena. "H-Huwag po, mama. Gusto ko pong mag-aral. 'Wag niyo po akong tanggalan ng karapatan kong makapag-aral at makatapos," pagmamakaawa ni Purity. Dumaloy na ang luha na kanina pa niya pinipigilan. Napalingon siya sa kanyang ama, humihingi ng awa rito. "Hmmp. Ang galing mong makiusap pero ayaw mo namang sundin ang gusto nina mama at papa. Ikaw nga ang makakapagsalba sa kompanya ni papa. Pagkatapos aayaw-aayaw ka. Ang arte mo," sabat ni Clarity na humalukipkip. Hindi naman madali ang gusto nila. 'Wag nila sana ipilit ang mga bagay na labag sa kanyang kalooban. 'Di siguro dapat na maging sagot ang pagpapakasal niya kay Marcus para nila maibangon ang lumulubog na kompanya ng papa niya. "Wala na po ba akong karapatan para ipaglaban ko ang sarili ko. Hindi magiging sagot ang pagpapakasal ko kay Marcus para lamang maitayo niyo ulit ang kompanya. Nakita niyo naman kung paano siya kanina. Sa tingin niyo magiging masaya ako kasama ni Marcus?" Sila lamang ang magiging masaya dahil nagkaroon sila ng malaking pera. "Purity, ako na lang ang makikiusap sa'yo. Pagbigyan mo na ang gusto ko. Anak, hindi ko na maibibigay sa inyo ang lahat kapag nawala ang kompanyang bumubuhay sa atin. Mawawala ang bahay na 'to. Masisira pa ang pangalan ko sa lahat. 'Di mo kilala si Marcus. Ako ang higit na nakakakilala sa kanya. Kahit maawa ka na lang sa papa mo," maluha-luhang pagsusumamo ni Pat. Nilapitan pa niya ang kanyang anak at hinawakan ito sa kamay. Napatitig si Purity sa kanyang ama. Paano ba niya matatanggihan ang kahilingan ng ama? Gayong, napakatagal niyang inasam ang pagmamahal nito. Sa kanilang dalawa ni Clarity, ang nakakatandang kapatid ang pinaka-paborito nito. Halos hindi nga siya mapansin. Kahit pa mayroon siyang mga achievements sa school ay wala ito para sa kanya. Napilitan na na tumango si Purity. Matimbang pa rin sa kanya ang papa niya. Kinabig siya ng yakap nito. "Salamat, anak," sabi pa nito na todo ang pasasalamat sa kanya habang yakap pa rin siya ng papa niya. Pinunasan ni Purity ang mga luha niya at bumitaw ng yakap sa papa niya. "Punta na po ako sa kuwarto ko. Magpapahinga na po ako." Paalam niya na 'di tumitingin sa kanila. Tumalikod siya sa pamilya niya. Ramdam niyang malapad na ang ngiti ng mama at papa niya. Pati na rin ng kanyang kapatid. Nang makarating si Purity sa loob ng kuwarto niya ay ibinagsak niya ang katawan sa kama. Napabaluktot siya ng higa, niyakap ang kanyang tuhod. Umaga, nang magising si Purity. Naghahanda na siya sa pagpasok sa university. Nasa harap siya ng salamin. Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at pumasok ang mama, naglakad ito palapit sa kanya. "Sana naman nakita mo na ang importansya ng pagpapakasal mo kay Marcus. At hindi na natin ito pagtatalunan sa susunod. Noong iniwan ka ng nanay mo sa labas ng gate at may nakalakip na sulat. Nagpapatunay na anak ka ni Patricio, kahit masakit sa dibdib ko. Tinanggap kita sa pamilyang ito, Purity. Inisip ko na ang kasalanan ng magulang ay hindi kasalanan ng mga anak. Kaya wala lang kasalanan sa akin," litanya ni Sheena. Nakikinig lamang si Purity sa sinasabi ng kanyang Mama Sheena. Tinanggap siya sa bahay pero sa buhay niya, hindi. Para lamang siyang tau-tauhan nito sa bahay. Totoong binigyan siya ng bahay na masisilungan, inaruga at pinag-aral. Iyong pagmamahal, kulanf na kulang. Halos manlimos nga siya sa papa niya at kay Mama Sheena. Parang hindi siya nag-e-exist sa kanila. "Gagawin ko na po para sa pamilyang ito. Para naman masabi niyo na isa akong mabuting anak, na sumusunod sa lahat ng gusto niyo ni papa. Ako po ba, nakikita niyo po ba ang importansya ko sa pamilyang ito?" Tugon ni Purity sa sinabi ni Mama Sheena. Kita niya na parang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Napaamang si Sheena sa pagsagot ni Purity. "Binabalik mo ang sinabi ko sayo. Parang pinapalabas mo na hindi namin itinuturing ng anak." Napaharap ang dalaga sa mama niya. "Bakit hindi po ba totoo? Itinuring niyo po ba akong anak? Ma, tinanggap niyo lang po ako sa bahay pero araw-araw ramdam na ramdam ko kung gaano ako kalayo sa inyo. Dahil anak ako ni papa sa ibang babae. Hindi niyo nga po isinusumbat sa akin ang kasalanan ni papa. Sa akin niyo naman po na bunga ng kasalanan niya, ipinaparamdam kung ano ako sa bahay na ito." Hindi nakapagsalita si Sheena. Matiim lamang siyang nakatitig sa dalaga. "Aalis na po ako," magalang pa na paalam ni Purity at lumabas ng kuwarto niya. Naiwan si Sheena na sinusundan ng mata ang papalabas na dalaga. Hingal na hingal si Purity nang makalabas ng bahay nila. Pakiramdam niya sakal na sakal na siya. Palagi na lamang nilang ipinipilit ang pagpapakasal niya kay Marcus. Ang makakasalba sa kompanya ng papa niya. Gagawin niya para iyon sa kanila. Nang matigil na sila sa pagmumukha sa kanya kung sino siya at ano siya. Sa university, walang imik si Purity habang nakaupo. Nasa loob siya ng classroom at katatapos lamang ng first subject niya. Wala pa si Ara, late na naman ang kaibigan niya. Palagi namang late iyon pumapasok dahil sa may part time job ito sa gabi. Ikang sandali pa ay humahangos na pumapasok si Ara sa loob ng classroom. Napaangat ang tingin ni Purity sa best friend niya. "Late ka na naman," bungad niya. "Nag-OT ako. Alam mo naman kailangan kong mag-doble kayod. Manghihiram na lang ako ng notes mo mamaya." Rason ni Ara habang inaayos ang kanyang gamit. "Buti wala pa si Ma'am Dimaano. Nag-apurahan na ako na pumasok ngayong umaga," dagdag pa nito. "Kung late ka do'n, 'wag ka ng pumasok." Napaismid si Ara. "Ang harsh mo naman sa akin. May problema ka na naman kaya mainit ang ulo mo. Hindi na ako magtataka kung ang problema mo hanggang ngayon ay ang pagpapakasal mo sa matandang binata na bilyonaryong 'yon." Marahas na napabuntong hininga si Purity. "Ano pa ba ang magagawa ko? Kailangan kong pakasalan si Marcus. Dahil kung hindi ko gagawin 'yon itatakwil nila ako." "Natatakot ka naman. Sarili mo ng kaligayahan ang inaapakan nila. Hindi mo pa nga naranasan magka-boyfriend. Asawa kaagad." Natatakot siya dahil hindi siya sanay mag-isa at ang papa na lang niya ang kanyang tunay na pamilya.NAKAYAKAP si Preslee sa beywang ng kanyang ina habang umiiyak. Papasok na sa trabaho si Purity, at namimilit ang anak niyang babae na sumama. "Nanay, sama ako... please," humihikbing pakiusap ni Lee kay Purity. "Baby, hindi puwede. May work si Nanay, 'di ba? Pag-uwi ko, may dala akong candy na pasalubong," malambing na sabi ni Purity habang hinahaplos ang likod ng anak. Napabaling ang tingin niya kay Scott, na nakatayo sa gilid, naka-crossed arms at nakasimangot. Hindi ito umiiyak gaya ni Preslee, pero halatang may tampo. Kinagat nito ang ibabang labi, saka bahagyang tumalikod, ayaw ipahalata ang nararamdaman. "Ikaw din ba, Scott? Gusto mo ring sumama kay Nanay?" malambing na tanong ni Purity. Tahimik lang ang bata. Tumango ito nang dahan-dahan, pero hindi tumingin sa kanya. Napabuntong-hininga si Purity, at sabay na niyakap ang kambal. "Babalik agad si Nanay. Promise. Kaya magpakabait kayo rito kay Lola Inay, ha?" Mula sa kusina, lumapit si Arminda habang pinupunasan an
MABILIS na lumipas ang tatlong taon, abala si Purity sa paghahanda ng almusal nila. Si Inay Arminda ay nagwawalis sa labas ng bakuran habang si Ara ay naghahanda na sa pagpasok. Si Kuya Arnold naman ay lingguhan ang uwi, may trabaho ito sa kabilang bayan. Nakatira pa rin sila sa unang nilang nilipatan na bahay. Napangiti si Purity kapag naaalala niya ang nakaraan. Parang kailan lang, nagtatago siya sa kanyang pamilya, ngayon ay malaya na siyang namumuhay sa probinsya kasama ang kanyang kaibigan. May trabaho na rin siya. May bagong tayo na kompanya sa bayan. Isang malaking kompanya ng sabon pang-paganda. Sinuwerte siyang makapasok bilang sekretarya ng may-ari. Buti nga at nai-hire siya kahit na hindi siya nakatapos ng kolehiyo. Mag-aayos na rin siya sa pagpasok pagkatapos niyang maihanda ang almusal nila. "Gising na ba sina Scott at Lee?" tanong ni Ara. Bihis na ito at nagtitimpla ng kape. "Hindi pa. Gigisingin ko na nga. Marami akong ibibilin, sasakit na naman ang ulo ni Inay
NAIRAOS ni Purity ang panganganak sa kanyang kambal, isang lalaki at isang babae ang kanyang mga anak. Laking tuwa ni Pealle nang makita ang kanilang mga anak ni Purity. May luha sa mata niya ang dumaloy nang marinig ang unang iyak ng mga ito. At nang makarga niya sina kambal. Pinagmamasdan ni Pealle si Purity, mahimbing pa rin ang tulog nito at walang kamalay-malay na nasa tabi lang siya. Hanggng sa mailipat ng private room si Purity, nasa tabi pa rin nito si Pealle. Nakasunod si Ara, at ang ina ng dalaga, maging ang panganay na kapatid nitong si Arnold. Nilapitan ni Pealle si Ara. May kinuha ito sa loob ng kanyang wallet. Isang gold card. Ibinigay niya iyon sa dalaga. "D'yan ka kumuha ng lahat ng kailangan ni Purity at ng mga anak namin, Ara. Hind 'yan mauubusan ng laman. Gusto kong manatili kang magtrabaho kay Andy at bigyan mo ako ng update sa nangyayari sa mag-iina ko. Palagi lang akong nasa paligid at magbabantay sa kanila," mahabang litanya ni Pealle. Nalito si Ara. B
"ANDY!" malakas na tawag ni Pealle sa kaibigan. Napalingon agad ito sa kanya. Napabaling naman ang tingin niya kay Ara na halatang nagulat. "S-Sir Pealle?" gulat na sambit ni Ara. Biglang napasugod ang kaibigan ng kanyang amo. Ang alam niya ay sa susunod na araw pa ito darating. "Yes, I know her..." madiing sagot ni Pealle. "Ako ang ama ng kambal niya. Kaya sabihin mo na sa akin kung nasaan siya." Nanlaki ang mga mata ni Ara. Napatingin siya kay Andy na parang humihingi ng tulong, pero nanatili lang itong tahimik, tila pinipigilan ang sarili na makialam. Napaamang si Arminda sa naririnig at pinanood ang komusyon ng mga amo ng kanyang anak at si Ara mismo. "Hindi ko po alam kung nasaan siya ngayon," nanginginig na tugon ni Ara. "Matagal na po siyang umalis... ni hindi nga po siya nagpapaabot ng balita." "You're lying," mariing singhal ni Pealle. "Ara, please. This isn't just about me. This is about the twins. I have the right to know where she is. If you're really her fri
WALA namang nagawa si Ara kundi isama ang amo niya. Wala siyang maaring pag-iwanan niya dito. "Sir, ang maigi pa po ay ibalik ko na lang po kayo sa kuwarto n'yo at magbilin na lang ako sa nurse para bantayan kayo..." lakas loob na sabi ni Ara. "No. I will stay here with you! Hindi ako aalis." May diing sabi ni Andy. "Pero, Sir..." "Walang pero-pero, Ara. Nagprisinta akong tulungan ka. Kaya dito lang ako," pamimilit ni Andy. Tumahimik si Ara sa nakikitang galit sa mga mata ng among binata. Mariin siyang napatiim na tumango. Napilitan na lamang siyang umayon sa gusto ng kanyang amo. Kahit nababahala siya na baka nga kilala nito ang pamilya nina Purity. Siya pa ang magiging dahilan para mapahamak sa sariling kaibigan. Nang malapit na sila ay natanaw na ni Ara ang Inay niya. "Ara..." tumatakbong tawag ni Arminda sa kanyang anak. "Inay, kumusta po si Purity?" "Nasa loob na siya ng operating room. Natakot ako talaga para sa kaibigan mo. Pero malakas ang loob ng batang 'y
NAKATANGGAP ng tawag si Ara mula sa kanyang ina. Naisugod na raw nila sa ospital si Purity at manganganak na ito. "Sir, puwede po bang magpaalam sa inyo?" tanong ni Ara na nababanaag ang pag-aalala sa mukha. "May nangyari ba, Ara?" "Manganganak na po kasi ang best friend ko. Dito rin po sa ospital na ito..." sagot niya na parang maiiyak. Napaisip si Andy, kung papayagan ba niya si Ara. Wala pa naman siyang kasama. At wala rin si Pealle. "Hindi ako sigurado... kasi wala akong ibang kasama. Pero kung gusto mo, puntahan natin siya. Sabi mo naman andito lang ang kaibigan mo sa ospital." Napaamang si Ara sa narinig mula sa binatang amo. "Sigurado po kayo, Sir? Baka po kasi mailang kayo. Gusto ko pong malaman ang lagay niya dahil kambal po ang anak niya. Medyo kinakabahan po ako at natatakot din sa kalagayan nilang mag-ina." Napatitig si Andy kay Ara. Napakabuting kaibigan ng kanyang empleyada. "Sigurado ako. Malay mo makatulong pa ako sa inyo. Sasagutin ko na ang panganganak niya.