PAUWI na si Purity at palabas na ng university. Hindi sila magkasabay ni Ara dahil sa may pasok ito sa part time job, kaya nauna itong umuwi sa kanya. Nang mapahinto siya dahil may sa pamilyar na lalaking naglalakad palapit sa kanya. Naka-business suit pa ito at halatang galing pa sa trabaho. Ngunit, hindi ito kasing tikas ng mga lalaking kasing edad niya.
Napaiwas siya ng tingin nang makalapit ito sa kanya. "Good afternoon, Purity. Uuwi ka na ba?" bati at tanong ng nakangiting si Marcus. May dalawang lalaki ang nasa likuran nito na parang bodyguard. "Opo. Bakit po Mr. Alanday?" sagot niya at mahigpit na niyakap ang kanyang bag. "Here we go again. Just call me Marcus at tanggalin mo na ang po at opo sa akin. We're getting married. Magiging asawa na kita kaya sanayin mo na ang sarili mong tawagin ako sa pangalan ko. Kung gusto mo naman puwede mo akong tawaging babe, honey o kaya'y darling." Napabuga ng hangin si Purity. Naalibadbaran siya sa klase ng usap ni Marcus. Masyadong mayabang kaya hindi niya ito magustuhan. Paano ba niya magugustuhan ang isang matandang binata at halos kalahati ang agwat ng edad sa kanya? Bukod sa malaki na ang tiyan ay mataba pa ito. "Ano po bang ginagawa niyo dito?" tanong ni Purity. Napatingin siya sa mga kapwa niya estudyante na panay ang tingin sa kanila. Napabuntong hininga si Marcus. Binalingan ang kanyang mga bodyguard na nasa likuran niya. "Sige na. Safe ako dito." Taboy niya. Umalis agad ang mga lalaki at muling humarap kay Purity. "Gusto ko sanang imbitahan kang kumain sa labas. I would rather say, I want to date you. Normal lang naman 'yon dahil fiancee kita, ri ba?" Napilitan na lamang tumango si Purity. Iniisip niya ang pinag-usapan nila kaninang umaga ni Mama Sheena. Pumayag na siyang magpakasal kay Marcus kahit pa labag sa kanyang kalooban. Agad na sumilay ang malawak na ngiti sa labi ni Marcus. "Let's go. I promise you will enjoy this night." Anang niya sa dalaga. Lumapit si Marcus sa kanya at hinawakan siya sa braso na ikinakibot niya. Napaatras siya sa lalaki para makalayo ng kaunti dito. "Hindi mo na po ako kailangang hawakan. Kaya kong maglakad mag-isa," sabi niya at lumakad na siya. Pinagbuksan ni Marcus si Purity ng pinto at maingat siyang inalalayan papasok sa loob ng kotse. Pagkatapos, mabilis na umikot si Marcus at sumakay sa driver's seat. Binuhay ang makina, pinaharurot paalis sa university. Walang imikan sila ni Marcus sa loob ng sasakyan. Ayaw din naman makausap ni Purity ang lalaki. Wala siyang gana na kausapin ito at wala rin siyang gustong sabihin dito. "I have flowers for you. Nasa likuran mo. Sorry hindi ko nabigay kanina," basag ni Marcus sa katahimikan nila. "Hindi ka na dapat na nag-abala pa. Alam mo naman kung bakit ako nakikitungo sayo at kung bakit ako magpapalasal sayo. Kaya 'wag kang mag-aksaya ng pera sa akin. Ibigay mo na lang sa pamilya ko para maging masaya sila." Walang ganang sabi ni Purity. Natahimik muli si Marcus. 'Di naman lingid sa kanya na napipilitan lang si Purity na magpakasal sa kanya pero hindi maari sa kanya na ipakita niya ang kagaspangan ng ugali nya. "I want to give everything for you. Baka sakali kapag nakita mo kung gaano ako ka-sincere sayo ay magbago ang isip mo at mahalin mo rin ako." Napaawang ang bibig ni Purity at napairap. "Asa ka na mamahalin kita. Sorry kung hindi ko talaga kayang maging mabait. Gusto kong iparating sayo na 'wag kang umasa. Ginagawa ko ito para sa pamilya ko. Magiging iyo ako dahil sa pamilya ko pero ang puso ko hinding hindi mo makukuha." Maanghang na bitaw niyang salita. Nagtagis ang bagang si Marcus. Napahigpit ang hawak niya at manibela at biglang inihinto ang kanyang kotse sa gilid ng daan. "Purity, I'm really trying to be nice to you kasi gusto talaga kita. Ayokong masaktan kita o pagbuhatan ng kamay dahil sa mga pinagsasabi mo. Pero huwag mong isipin na kaya mo akong sindakin sa ganyang trato mo sa akin! You will marry me, and you’re mine only! Tandaan mo 'yan..." Si Purity naman ang natigilan. Napalunok siya ng ilang beses. Napaiwas siya ng tingin, na tumingin na lang sa labas. Huminto ang sinasakyan nilang kotse sa harap ng isang mamahaling restaurant. Mabilis na lumabas si Marcus ng sasakyan para pagbuksan ng pinto si Purity. Nang makalabas si Purity ng kotse ay napalinga siya sa paligid ng resto. Sa labas palang ay nagsusumigaw ang magarbo at mamahaling kainan ng mga mayayaman. Naramdaman niya ang marahang paghawak ni Marcus sa kanyang kamay, sabay ikinawit nito ang braso sa kanyang bisig. "Shall we go inside?" tanong ni Marcus nang may lambing. Napilitang tumango si Purity, at magkasabay silang pumasok sa loob ng restaurant. Sa kanilang pagpasok, nilapitan sila ng isang waiter. "Good evening, sir, and ma'am. Do you have a reservation?" tanong nito nang may magalang na ngiti. "Yes, under the name Marcus Alanday," sagot ni Marcus. Matamis na ngumiti ang babae at itinuro ang kanilang mesa. "This way, sir," aniya, habang inaakay sila papunta sa kanilang table. Ipinaghila ni Marcus si Purity ng upuan pagkatapos ay umupo ito sa katapat ng dalaga. "Do you want something? Kahit anong gusto mong kainin, sabihin mo lang sa akin." Sunuod-sunod na umiling ang dalaga. "Actually, busog pa ako, Marcus. Pero, ikaw na ang bahalang mag-order." "All right. Try the salad and pasta here. Masarap ang pasta dito, alam kong hindi ako mapapahiya sayo," sagot ni Marcus na panay ang ngiti. "Okay." Tanging tugon ni Purity. Tinawag ni Marcus ang waiter at nag-order ng pagkain nila. Nagpalinga-linga si Purity. Ang nakalarelax ang ambiance ng resto. Never pa siya nakapasok sa isang mamahaling restaurant. Kahit na may kaya ang pamilya nila, 'di siya nasasama ng papa niya kapag kumakain ang buong pamilya. Hindi nga siya welcome sa family nila. Kaya lagi siyang naiiwan. Wala namamg kaso sa kanya dahil wala siyang hilig sa kahit na anong luho. Sinanay niya ang sarili na maging simple, ayaw niyang maging katulad sa haft sister niya. Na nasobrahan sa luho, bramded na damit, sapatos, designer bags at kung ano ano pa. "Do you like the place?" Biglang napaharap si Purity kay Marcus nang biglang magtanong ito. "A-Ah, yes. Maganda rito. I'm sure lagi ka dito." "Oo. Madalas, mayroon akong meetings dito sa resto na 'to. Suki na nga nila ako," pagmamayabang ni Marcus. Pilit lang na ngumiti si Purity at napainom ng malamig na tubig. Sa kabilang banda, "Pealle, sabi mo magpapakasal tayo. You promised me. Anong nangyari?" Umiiyak na tanong ni Nayla. Nakipag-meet si Pealle kay Nayla para tapusin na ang lahat sa kanila. "I'm sorry. Hindi pa talaga ako handang magpakasal." Pinunasan ng dalaga ang mga luha niyang kanina pa dumadaloy sa mata. "Five years. Pagkatapos sasabihin mong hindi ka pa handang magpakasal. I give you everything. Buong buhay ko sayo lang umiikot ang mundo ko. Ano bang nagawa kong mali?" "It's not you, Nayla. It's me. Hindi ko nakikita ang future ko kasama ka. I'm really sorry, but I think I’m falling apart. Hindi na kita mahal," diretsong sabi niya. Sa loob ng limang taon nilang relasyon, naging mabuting girlfriend si Nayla. Pero kahit anong pilit, hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nawalan ng gana sa kanya.. Nayla Suarez, she's young, sexy and gorgeous. She's so perfect. Wala na siyang mahihiling para sa kanyang nobya. Ang problema lamang ay parang wala talaga siyang nararamdaman para dito. He tried pero wala talaga. "F**k you! Ang luma na ng linya mo. Iyan lang ba ang irarason mo sa akin after five years of wasting my time and love on you? Anong akala mo sa akin, laruan?" sigaw ni Nayla. "I know, Pealle, darating ang araw na babalik ka ulit sa akin. And when that time comes, ako naman ang magsasabi sa'yo na hindi na kita mahal, that I’ve moved on!" Tumayo siya, at walang pag-aalinlangang binigyan ng magkabilang sampal si Pealle bago mabilis na lumabas ng restaurant. Napagulat si Pealle sa ginawa ni Nayla. Hindi niya inaasahang masasampal siya sa harap ng maraming tao. Napatingin siya sa mga taong nakikiusyoso. Ang mga mata nila ay nasa kanya. May iba na kumukuha pa ng video at pictures. Pinanlakihan niya ng kanyang mata ang mga ito. Agad silang napaayos ng upo. "Mga tsismoso..." usal niya sa sarili. Napansin niya ang kumukuha pa rin ng kanyang video. Kahit tapos na ang palabas nila ni Nayla. "Hey! Delete that video, or I will sue you!" Sigaw niyang banta sa lalaking kumukuha ng videos niya. Namutla sa takot ito at kaagad ibinaba ang kanyang phone. Kumuha si Pealle ng tatlong libuhin sa kanyang wallet. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang na lumabas ng restaurant. Alam niya ang mata ng mga taong nakasunod pa rin sa kanya. Napatingin si Purity sa likod ng lalaking palabas ng restaurant. Narinig niya ang komosyon pero hindi siya nagtangkang makiusyuso at panoorin. Hindi niya gawain ang makialam sa problema ng ibang tao, lalong hindi siya tsismosa.NAKAYAKAP si Preslee sa beywang ng kanyang ina habang umiiyak. Papasok na sa trabaho si Purity, at namimilit ang anak niyang babae na sumama. "Nanay, sama ako... please," humihikbing pakiusap ni Lee kay Purity. "Baby, hindi puwede. May work si Nanay, 'di ba? Pag-uwi ko, may dala akong candy na pasalubong," malambing na sabi ni Purity habang hinahaplos ang likod ng anak. Napabaling ang tingin niya kay Scott, na nakatayo sa gilid, naka-crossed arms at nakasimangot. Hindi ito umiiyak gaya ni Preslee, pero halatang may tampo. Kinagat nito ang ibabang labi, saka bahagyang tumalikod, ayaw ipahalata ang nararamdaman. "Ikaw din ba, Scott? Gusto mo ring sumama kay Nanay?" malambing na tanong ni Purity. Tahimik lang ang bata. Tumango ito nang dahan-dahan, pero hindi tumingin sa kanya. Napabuntong-hininga si Purity, at sabay na niyakap ang kambal. "Babalik agad si Nanay. Promise. Kaya magpakabait kayo rito kay Lola Inay, ha?" Mula sa kusina, lumapit si Arminda habang pinupunasan an
MABILIS na lumipas ang tatlong taon, abala si Purity sa paghahanda ng almusal nila. Si Inay Arminda ay nagwawalis sa labas ng bakuran habang si Ara ay naghahanda na sa pagpasok. Si Kuya Arnold naman ay lingguhan ang uwi, may trabaho ito sa kabilang bayan. Nakatira pa rin sila sa unang nilang nilipatan na bahay. Napangiti si Purity kapag naaalala niya ang nakaraan. Parang kailan lang, nagtatago siya sa kanyang pamilya, ngayon ay malaya na siyang namumuhay sa probinsya kasama ang kanyang kaibigan. May trabaho na rin siya. May bagong tayo na kompanya sa bayan. Isang malaking kompanya ng sabon pang-paganda. Sinuwerte siyang makapasok bilang sekretarya ng may-ari. Buti nga at nai-hire siya kahit na hindi siya nakatapos ng kolehiyo. Mag-aayos na rin siya sa pagpasok pagkatapos niyang maihanda ang almusal nila. "Gising na ba sina Scott at Lee?" tanong ni Ara. Bihis na ito at nagtitimpla ng kape. "Hindi pa. Gigisingin ko na nga. Marami akong ibibilin, sasakit na naman ang ulo ni Inay
NAIRAOS ni Purity ang panganganak sa kanyang kambal, isang lalaki at isang babae ang kanyang mga anak. Laking tuwa ni Pealle nang makita ang kanilang mga anak ni Purity. May luha sa mata niya ang dumaloy nang marinig ang unang iyak ng mga ito. At nang makarga niya sina kambal. Pinagmamasdan ni Pealle si Purity, mahimbing pa rin ang tulog nito at walang kamalay-malay na nasa tabi lang siya. Hanggng sa mailipat ng private room si Purity, nasa tabi pa rin nito si Pealle. Nakasunod si Ara, at ang ina ng dalaga, maging ang panganay na kapatid nitong si Arnold. Nilapitan ni Pealle si Ara. May kinuha ito sa loob ng kanyang wallet. Isang gold card. Ibinigay niya iyon sa dalaga. "D'yan ka kumuha ng lahat ng kailangan ni Purity at ng mga anak namin, Ara. Hind 'yan mauubusan ng laman. Gusto kong manatili kang magtrabaho kay Andy at bigyan mo ako ng update sa nangyayari sa mag-iina ko. Palagi lang akong nasa paligid at magbabantay sa kanila," mahabang litanya ni Pealle. Nalito si Ara. B
"ANDY!" malakas na tawag ni Pealle sa kaibigan. Napalingon agad ito sa kanya. Napabaling naman ang tingin niya kay Ara na halatang nagulat. "S-Sir Pealle?" gulat na sambit ni Ara. Biglang napasugod ang kaibigan ng kanyang amo. Ang alam niya ay sa susunod na araw pa ito darating. "Yes, I know her..." madiing sagot ni Pealle. "Ako ang ama ng kambal niya. Kaya sabihin mo na sa akin kung nasaan siya." Nanlaki ang mga mata ni Ara. Napatingin siya kay Andy na parang humihingi ng tulong, pero nanatili lang itong tahimik, tila pinipigilan ang sarili na makialam. Napaamang si Arminda sa naririnig at pinanood ang komusyon ng mga amo ng kanyang anak at si Ara mismo. "Hindi ko po alam kung nasaan siya ngayon," nanginginig na tugon ni Ara. "Matagal na po siyang umalis... ni hindi nga po siya nagpapaabot ng balita." "You're lying," mariing singhal ni Pealle. "Ara, please. This isn't just about me. This is about the twins. I have the right to know where she is. If you're really her fri
WALA namang nagawa si Ara kundi isama ang amo niya. Wala siyang maaring pag-iwanan niya dito. "Sir, ang maigi pa po ay ibalik ko na lang po kayo sa kuwarto n'yo at magbilin na lang ako sa nurse para bantayan kayo..." lakas loob na sabi ni Ara. "No. I will stay here with you! Hindi ako aalis." May diing sabi ni Andy. "Pero, Sir..." "Walang pero-pero, Ara. Nagprisinta akong tulungan ka. Kaya dito lang ako," pamimilit ni Andy. Tumahimik si Ara sa nakikitang galit sa mga mata ng among binata. Mariin siyang napatiim na tumango. Napilitan na lamang siyang umayon sa gusto ng kanyang amo. Kahit nababahala siya na baka nga kilala nito ang pamilya nina Purity. Siya pa ang magiging dahilan para mapahamak sa sariling kaibigan. Nang malapit na sila ay natanaw na ni Ara ang Inay niya. "Ara..." tumatakbong tawag ni Arminda sa kanyang anak. "Inay, kumusta po si Purity?" "Nasa loob na siya ng operating room. Natakot ako talaga para sa kaibigan mo. Pero malakas ang loob ng batang 'y
NAKATANGGAP ng tawag si Ara mula sa kanyang ina. Naisugod na raw nila sa ospital si Purity at manganganak na ito. "Sir, puwede po bang magpaalam sa inyo?" tanong ni Ara na nababanaag ang pag-aalala sa mukha. "May nangyari ba, Ara?" "Manganganak na po kasi ang best friend ko. Dito rin po sa ospital na ito..." sagot niya na parang maiiyak. Napaisip si Andy, kung papayagan ba niya si Ara. Wala pa naman siyang kasama. At wala rin si Pealle. "Hindi ako sigurado... kasi wala akong ibang kasama. Pero kung gusto mo, puntahan natin siya. Sabi mo naman andito lang ang kaibigan mo sa ospital." Napaamang si Ara sa narinig mula sa binatang amo. "Sigurado po kayo, Sir? Baka po kasi mailang kayo. Gusto ko pong malaman ang lagay niya dahil kambal po ang anak niya. Medyo kinakabahan po ako at natatakot din sa kalagayan nilang mag-ina." Napatitig si Andy kay Ara. Napakabuting kaibigan ng kanyang empleyada. "Sigurado ako. Malay mo makatulong pa ako sa inyo. Sasagutin ko na ang panganganak niya.