INIHINTO ni Marcus ang kanyang kotse sa tapat ng malaking bahay ng mga Manzano. "Do you enjoy the our first date, Purity?" tanong niya habang kinukuha ang bulaklak mula sa passenger seat. Ibinigay niya ang mga bulaklak sa dalaga.
"Thank you for the flowers. Oo naman, nag-enjoy ako. Tama ka, masarap ang pasta," magiliw na sagot ni Purity, sabay ngiti ng matamis kay Marcus. Kailangan niyang maging mabait kay Marcus para hindi ito makahalata sa kanyang planong pagtakas. "That's good to hear. I better go. Give my regards to your parents." "Hindi ka na bababa?" tanong ni Purity. Kunwari lamang ang ipinapakita niya para mapalagay ang loob ni Marcus sa kanya. "Hindi na. May pupuntahan pa akong meeting pagkahatid ko sa'yo. Alam mo, masyado akong busy para siguraduhin na maayos ang lahat sa mga negosyo ko. I don't want a single mistake na ikababagsak ko. Lalo na sa mga kompanya ko na marami ang umaasa. And this is for our future, honey," seryosong sagot ni Marcus. Pilit na ngumiti si Purity. "Kung hindi na kita napipilit. Mag-iingat ka sa pag-uwi." "I will, for you, hon." Malambing na tugon ni Marcus. Akmang hahalik siya sa pisngi ng dalaga ngunit umiwas ito. Natigilan siya sa ginawang iyon ni Purity. "I'm sorry," hingi ng paumanhin ni Purity. "Labas na ako," paalam pa niya at lumabas na ng magarang kotse ni Marcus. Pagkalabas niya ay narinig niyang binuhay na ni Marcus ang makina. Kumaway pa ito sa kanya na ginantihan naman niya. Pagkatapos ay pinaharurot na nito ang sasakyan paalis. Sinusundan na lang ng tanaw ni Purity ang palayo kotse ni Marcus nang hindi na ito maabot ng kanyang tingin ay pumasok na siya sa loob ng bahay nila. "WHAT this mean, Pealle?!" Galit na tanong ng daddy niya. Kauuwi lang niya at ito kaagad ang bungad nito sa kanya. "Ano pong ibig ninyong sabihin, dad?" Nagtataka din niyang tanong sa ama. "About this scandal!" Nagtatagis ang bagang ni Alvin dahil sa sobrang galit. Pumayag ang anak niya naapahiya ng ganoon sa harap ng maraming tao. Isa itong Solace pero napakalampa. "Kanina lamang ito at kumalat na agad sa mga news sa socmed at telebisyon. Wala ka talahang ginagawang tama! 'Di ko alam kung saan mo ginagamit ang utak mo! Pealle, you are thirty. Pero umaakto ka pa ring bata. Kailan ka ba magseseryoso sa buhay mo?" Dagdag na sermon niya. Ang bilis naman nakarating sa ama ang balita, sa ginawa ni Nayla sa kanyang pagsampal sa loob ng restaurant. "Dad, I broke up with Nayla. Hindi niya matanggap ang desisyon ko kaya nasampal niya ako." Pagdadahilan niya. 'Di siya nasaktan sa paghihiwalay nila ng dating nobya. Pero masakit ang sampal na tinamo niya dito. "Isa pa 'yan, napakabait na bata ni Nayla. Maganda at matalino. Pero nakipaghiwalay ka. Hindi ko na alsm talaga ang tumatakbo diyan sa utak mo. Pinakawalan ang babaeng halos perfect match para sa'yo. And she will be a good asset sa kompanya natin. Mayaman din ang mga Suarez at kilala rin ang pamilya sa bansa." Napabuntong hininga na lamang si Pealle. Negosyo, purely business. Iyon lamang ang tumatakbo sa isip ng kanyang ama—pera at negosyo. Wala nang puwang para sa emosyon o personal na koneksyon. Parating itinatatak sa isipan niya na ang lahat ng bagay ay napapatakbo ng pera. "Hindi ko po mahal si Nayla. Oo, maganda siya, matalino, at mayaman. Pero hindi ko po talaga nakikita ang sarili kong magpakasal sa kanya o iharap siya sa altar. Magiging masakit po sa kanya kung ikukulong ko siya sa isang relasyon na walang pagmamahalan. Kawawa lang siya at masasaktan ko lang po siya," mahabang litanya ni Pealle. Pilit niyang ipinapaintindi sa ama na importante pa ring mahal niya ang babaeng gusto niyang makasama sa buhay. Hindi niya gusto na mayroon siyang masasaktan. 'Di niya kayang pekein ang kanyang nararamdaman para sa dating nobya. "Natuturuan naman ang puso na magmahal. Siguro kapag nagtagal pa kayo ng another five years. Baka mahalin mo rin siya." Nakapameywang na umiling si Pealle. "I don't think so, dad. Gusto ko na kusang titibok ang puso sa babaeng pakakasalan ko. I do still believe in love. Kahit hanggang ngayon ay hindi ko pa iyon natatagpuan sa mga nakakarelasyon ko. But I'm hoping na mahanap ko na siya." Hindi siya isang santo, marami na rin siyang nagawang kasalanan. Marami na rin siyang niloko at pinaasang babae. Ngunit, gusto pa rin niyang maranasan paano ang mainlove. 'Di naman siya nagmamadali. Alam niya na matatagpuan niya rin ang babaeng magpapatibok ng puso niya. "Ayoko lang ay ang madungisan ang pangalan natin, Pealle. Matagal kong iningatan ang pangalan na mayroon ka ngayon. Kaya ka mayroon ng lahat. Bakit hindi mo na lang tanggapin ang pagiging CEO ng Solace Corp.? Balak ko na ring magretiro. Gusto ko namang makasama ang mommy mo," sabi ni Alvin. Sinusubukan ni Pealle na gumawa ng sariling pangalan. Subalit, mailap ang swerte sa kanya. Maigi na lamang at andiyan ang kanyang ama na handang sumuporta. "Dad, sinabi ko naman po na hindi ko pa gustong pamahalaan ang SC. Gusto kong mapatunayan ang sarili ko sa inyo, na nakaya ko na maitaguyod ang sarili kong kompanya." Marahas na napabuting hininga si Alvin. Parang lahat ng negosyo na pinapasok ng kanyang anak ay bumabagsak. Kung hindi naman ay nagkakaroon palagi ng problema. "Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ko, Pealle. Sana'y umpisahan mo ng aralin ang pasikot sikot sa negosyo ng ating pamilya. May napatunayan ka na sa amin ng mommy mo. Kaya 'wag mong iisipin na looser ka. Dahil lang sa lahat ng negosyo na simulang mong itayo ay nawawala rin kaagad sayo. Ang SC, matatag na. Mahirap na 'yang buwagin. At may tiwala ako na sayo na maging maayos ang SC kung ikaw ang namamahala," pagpapalakas ng loob niya sa anak. "Pag-iisipan ko po, dad." Tugon ni Pealle na napangiti. "Ayoko na sanang mabalitaan na mau panibago kang scandal. Sana'y mahanap mo na ang babarng pakakasalan mo. Nang maging inspirado ka na at baka magbago ang mga pananaw mo sa buhay." "Sana nga po." "Oh, by the way, bukas na pala ng gabi ang acquitance party sa university. Ikaw na lang ang dumalo. Alam mong wala akong hilig sa mga pambatang party. Hindi ko naman matanggihan ang Ninong Edward mo," hayag ni Alvin. Ang Ninong Edward ni Pealle ang may-ari ng university at inimbitahan si Alvin para maging panauhin. Hindi nita matanggihan dahil sa matalik na magkaibigan sina Alvin at Edward. "Ako na po ang bahala doon, dad. Pupunta po ako," malawak ang ngiting tugon ng binata. Acquitance party 'yon tiyak na maraming mga magagandang babae roon. Napailing na lang si Alvin. "Alam ko ang tumatakbo sa isip mo. Baka makasuhan ka pa ng child abuse. Estudyante pa lang sila at alangan sila sa edad mo. Pinangungunahan lamang kita. 'Wag kang gumawa ng kalokohan sa party," paalala niya. Ngumisi si Pealle sa ama. "Dad, parang sinabi niyong manyak ako. Hindi naman ako papatol sa bata. May gatas pa sila sa labi. Baka ako pa ang magpalaki at mag-alaga sa kanya, imbis na ako ang alagaan." Natatawang bulalas niya. "Sira ulo ka talaga. Manang-mana ka talaga sa pinagmanahan mo." Inayos ni Pealle ang kuwelyo ng kanyang polo at napatikhim para maalis ang bara ng lalamunan. "Kanino pa po ba ako magmamana? Eh, sa inyo lang naman po, dad," aniya na sinundan ng malakas na tawa. Nakitawa na rin si Alvin sa biro ng anak. Lumalapit naman sa kanila ang asawa niyang si Gloria. Dala nito ang tray na may tasa at kape. "Mukhang nagkakasiyahan kayong mag-ama, ah. Pinagsabihan mo na ba itong unico hijo mo? Aba, kalat na kalat sa mga amiga ko ang nangyari. Pinagtsismisan na ako ng mga kaibigan ko dahil sayo, Pealle," inis na baling niya sa anak. "Mom, I'm sorry. Hindi ko po alam na gagawin ni Nayla 'yon. Pero okay lang po. Deserve ko naman po na masampal dahil nasaktan ko siya." Giiit ni Pealle sa ina. "Ewan ko sayo. Manang-manang ka talaga dito sa ama mo. Mahilig manakit ng damdamin ng mga babae," sabi ni Gloria habang tinitimpla ang kape para sa asawa. Pagkatapos ay ibinigay niya ang tasa kay Alvin. Tsaka, umupo sa tabi nito. "Darling, mabait ako. Kailan ko ba sinaktan ang damdamin mo?" Untag ni Alvin saka humigop ng kape. "Ho, eh, maraming beses na. Buti na lang nagtino ka. Kung hindi ay hindi mo sana kami makikita ng anak mo." Natatawa naman si Pealle sa nakikita sa kanyang mga magulang. More than thirty years nang kasal ang mga ito. Pero hindi nagbago ang pagmamahal nila sa isa't isa. Siya kaya? Mayroon pa kayang tamang babaeng nakalaan sa kanya?NAKAYAKAP si Preslee sa beywang ng kanyang ina habang umiiyak. Papasok na sa trabaho si Purity, at namimilit ang anak niyang babae na sumama. "Nanay, sama ako... please," humihikbing pakiusap ni Lee kay Purity. "Baby, hindi puwede. May work si Nanay, 'di ba? Pag-uwi ko, may dala akong candy na pasalubong," malambing na sabi ni Purity habang hinahaplos ang likod ng anak. Napabaling ang tingin niya kay Scott, na nakatayo sa gilid, naka-crossed arms at nakasimangot. Hindi ito umiiyak gaya ni Preslee, pero halatang may tampo. Kinagat nito ang ibabang labi, saka bahagyang tumalikod, ayaw ipahalata ang nararamdaman. "Ikaw din ba, Scott? Gusto mo ring sumama kay Nanay?" malambing na tanong ni Purity. Tahimik lang ang bata. Tumango ito nang dahan-dahan, pero hindi tumingin sa kanya. Napabuntong-hininga si Purity, at sabay na niyakap ang kambal. "Babalik agad si Nanay. Promise. Kaya magpakabait kayo rito kay Lola Inay, ha?" Mula sa kusina, lumapit si Arminda habang pinupunasan an
MABILIS na lumipas ang tatlong taon, abala si Purity sa paghahanda ng almusal nila. Si Inay Arminda ay nagwawalis sa labas ng bakuran habang si Ara ay naghahanda na sa pagpasok. Si Kuya Arnold naman ay lingguhan ang uwi, may trabaho ito sa kabilang bayan. Nakatira pa rin sila sa unang nilang nilipatan na bahay. Napangiti si Purity kapag naaalala niya ang nakaraan. Parang kailan lang, nagtatago siya sa kanyang pamilya, ngayon ay malaya na siyang namumuhay sa probinsya kasama ang kanyang kaibigan. May trabaho na rin siya. May bagong tayo na kompanya sa bayan. Isang malaking kompanya ng sabon pang-paganda. Sinuwerte siyang makapasok bilang sekretarya ng may-ari. Buti nga at nai-hire siya kahit na hindi siya nakatapos ng kolehiyo. Mag-aayos na rin siya sa pagpasok pagkatapos niyang maihanda ang almusal nila. "Gising na ba sina Scott at Lee?" tanong ni Ara. Bihis na ito at nagtitimpla ng kape. "Hindi pa. Gigisingin ko na nga. Marami akong ibibilin, sasakit na naman ang ulo ni Inay
NAIRAOS ni Purity ang panganganak sa kanyang kambal, isang lalaki at isang babae ang kanyang mga anak. Laking tuwa ni Pealle nang makita ang kanilang mga anak ni Purity. May luha sa mata niya ang dumaloy nang marinig ang unang iyak ng mga ito. At nang makarga niya sina kambal. Pinagmamasdan ni Pealle si Purity, mahimbing pa rin ang tulog nito at walang kamalay-malay na nasa tabi lang siya. Hanggng sa mailipat ng private room si Purity, nasa tabi pa rin nito si Pealle. Nakasunod si Ara, at ang ina ng dalaga, maging ang panganay na kapatid nitong si Arnold. Nilapitan ni Pealle si Ara. May kinuha ito sa loob ng kanyang wallet. Isang gold card. Ibinigay niya iyon sa dalaga. "D'yan ka kumuha ng lahat ng kailangan ni Purity at ng mga anak namin, Ara. Hind 'yan mauubusan ng laman. Gusto kong manatili kang magtrabaho kay Andy at bigyan mo ako ng update sa nangyayari sa mag-iina ko. Palagi lang akong nasa paligid at magbabantay sa kanila," mahabang litanya ni Pealle. Nalito si Ara. B
"ANDY!" malakas na tawag ni Pealle sa kaibigan. Napalingon agad ito sa kanya. Napabaling naman ang tingin niya kay Ara na halatang nagulat. "S-Sir Pealle?" gulat na sambit ni Ara. Biglang napasugod ang kaibigan ng kanyang amo. Ang alam niya ay sa susunod na araw pa ito darating. "Yes, I know her..." madiing sagot ni Pealle. "Ako ang ama ng kambal niya. Kaya sabihin mo na sa akin kung nasaan siya." Nanlaki ang mga mata ni Ara. Napatingin siya kay Andy na parang humihingi ng tulong, pero nanatili lang itong tahimik, tila pinipigilan ang sarili na makialam. Napaamang si Arminda sa naririnig at pinanood ang komusyon ng mga amo ng kanyang anak at si Ara mismo. "Hindi ko po alam kung nasaan siya ngayon," nanginginig na tugon ni Ara. "Matagal na po siyang umalis... ni hindi nga po siya nagpapaabot ng balita." "You're lying," mariing singhal ni Pealle. "Ara, please. This isn't just about me. This is about the twins. I have the right to know where she is. If you're really her fri
WALA namang nagawa si Ara kundi isama ang amo niya. Wala siyang maaring pag-iwanan niya dito. "Sir, ang maigi pa po ay ibalik ko na lang po kayo sa kuwarto n'yo at magbilin na lang ako sa nurse para bantayan kayo..." lakas loob na sabi ni Ara. "No. I will stay here with you! Hindi ako aalis." May diing sabi ni Andy. "Pero, Sir..." "Walang pero-pero, Ara. Nagprisinta akong tulungan ka. Kaya dito lang ako," pamimilit ni Andy. Tumahimik si Ara sa nakikitang galit sa mga mata ng among binata. Mariin siyang napatiim na tumango. Napilitan na lamang siyang umayon sa gusto ng kanyang amo. Kahit nababahala siya na baka nga kilala nito ang pamilya nina Purity. Siya pa ang magiging dahilan para mapahamak sa sariling kaibigan. Nang malapit na sila ay natanaw na ni Ara ang Inay niya. "Ara..." tumatakbong tawag ni Arminda sa kanyang anak. "Inay, kumusta po si Purity?" "Nasa loob na siya ng operating room. Natakot ako talaga para sa kaibigan mo. Pero malakas ang loob ng batang 'y
NAKATANGGAP ng tawag si Ara mula sa kanyang ina. Naisugod na raw nila sa ospital si Purity at manganganak na ito. "Sir, puwede po bang magpaalam sa inyo?" tanong ni Ara na nababanaag ang pag-aalala sa mukha. "May nangyari ba, Ara?" "Manganganak na po kasi ang best friend ko. Dito rin po sa ospital na ito..." sagot niya na parang maiiyak. Napaisip si Andy, kung papayagan ba niya si Ara. Wala pa naman siyang kasama. At wala rin si Pealle. "Hindi ako sigurado... kasi wala akong ibang kasama. Pero kung gusto mo, puntahan natin siya. Sabi mo naman andito lang ang kaibigan mo sa ospital." Napaamang si Ara sa narinig mula sa binatang amo. "Sigurado po kayo, Sir? Baka po kasi mailang kayo. Gusto ko pong malaman ang lagay niya dahil kambal po ang anak niya. Medyo kinakabahan po ako at natatakot din sa kalagayan nilang mag-ina." Napatitig si Andy kay Ara. Napakabuting kaibigan ng kanyang empleyada. "Sigurado ako. Malay mo makatulong pa ako sa inyo. Sasagutin ko na ang panganganak niya.