Share

Chapter Five

KAKABA-KABA si Minnie sa mga oras na iyon, first day niya sa trabaho bilang hostess sa "Dee Club House". Two thousand sqm clubhouse within the premises of the Gallery Residence serves residence as well external members. Ang Dee Clubhouse ay meron indoor heated swimming pool, changing rooms, gym and even a multi-purpose function half that is an indoor basketball court.

Isa sa pinakagusto niyang parte roon ay ang changing room. The feature wall in this luxxe changing room is pieced with floral mosaic patterns- a recurring theme.  Ang ambiance ay relaxing pati ang music na ipinapatugtog sa lugar.

Maging ang indoor basketball court as doubles up as a multi-purpose hall to cater to diff. uses.

Kanina bago magsimula ang shift niya ay nabistan niya rin ang swimming pool. Olympic-sized iyon, may costum design motive for its pool bed and the ceiling also reflects a floral cut-out pattern.

Kasalukuyan siyang iti-ni-train ni Patty manager ng club house. Maging ito man ay mabait din sa kanya.

Nasa center ang ilan mga bilugang lamesa na tinatakpan ng pulang tela ay naayon sa theme ng lugar. Sa harapan ay naroon ang stage para sa mga stand comedian na nagpapatawa sa mga guest. Habang sa magkabilang side ay naroon ang mga stool para sa mga gustong mamili ng maiinom.

Pati ang suot niyang uniporme ay nagustuhan niya. Itim na longsleeve iyon na de butones, pati ang pang-ibaba niyang suot na itim na skirt ay hindi naman maikli, kahit paano ay disenti siyang tignan. Ipinusod na lamang niya ang buhok para maaliwalas siyang tignan. Maging ang make up niya ay hindi rin kinapalan para ma-emphasize ang ganda niya. Si Mommy Dee ang naglagay ng make up sa kanya.

"Maiwan na muna kita rito Minnie,"paalam ni Patty sa kanya.

"Sige ma'am, sagot niya at itinuon niya ang atensyon sa mga dumarating na costumer. Kahit paano ay wala naman maging aberya sa gabing iyon.

Hanggang sa napansin niya ang pagpasok ng isang lalaking nakasuot ng itim na long sleeve at maong pants naman sa ibaba na pinaresan naman nito ng puting rubber shoes na sa tingin niya ay mahal. May kahabaan ang buhok nitong itim na hanggang balikat, may makapal na kilay at bilugan na mata at matangos ang ilong. Ang labi nito ay hindi naman ganoon kakapal. Kayumanggi ang kulay ng balat nito at kita niyang sa nakalihis nitong long sleeve ay  balbon at ang ugatan nitong kamay.

Kung titignan ay nasa five nine feet ang taas nito. Lalong nakuha ang atensiyon ni Minnie ng ngumiti pa ito, dahil sa pagkataranta ay kinabahan siya at iniyuko na lang ang sariling ulo.

"Goodevening Miss there a table reservation for me."Nang i-angat ni Minnie ang ulo ay ito na pala ang nagsasalita. Pati ang tinig nito ay lalaking-lalaki.

"Y-yes sir, can I get your name,"sabi niya.

"Aizo Giminez, baka kailangan din ng contact number ko Miss,"sagot nito. Nahuli pa ni Minnie ang pagkindat sa kanya nito.

"Hindi na sir,"saad niya. Matapos niyang mahanap sa list ang lamesang naka-reserved rito ay pinasamahan na niya ito sa isang kasamahan niya.

Nang lingunin niya ang ibabaw ng counter ay may nakalagay na card doon. Nang sipatin niya iyon ay ang calling card pala ng lalaking katatapos lang niyang i-assist.

"Gimenez Telecommunications  Company."

Sa hindi malaman dahilan ay isinilid niya iyon sa bulsa ng suot niyang skirt. Hindi tuloy mawala-wala ang matamis na ngiti sa labi niya sa lumipas na sandali.

SA ilang gabing pagta-trabaho niya sa Dee Club House ay unti-unti siyang nasanay sa uri ng pinasukan niya.

Noong umpisa ay halos mangalay siya sa tagal ng pagtayo niya at sa dami ng ini-a-assist niyang costumer. Kahit paano ay mababait at matitino ang mga mayayamang tao na nagpupunta roon.

Dahil sa lawak ng Dee Clubhouse ay lima silang hostess ang nagsasalitaan ng shift. Dahil sa panggabi siya ay madaling-araw na siya umuuwi. Mabuti at may sariling driver si Sandy na siyang sumusundo sa kanya.

Ngunit naiiba sa gabing iyon, dahil out niya ng 11 pm ngunit hindipa dumating si Mang Lucio para sunduin siya.

Tuluyan niyang inilabas sa dala niyang hand bag ang celpon niya para tawagin ito sa numero nito. Ngunit panay ring lamang iyon.

"Naku! nasaan ka na manong,"usal ni Minnie na kababakasan ng pag-aalala ang maganda niyang mukha.

Naglakad na siya palabas ng clubhouse, sa tingin niya ay papara na lang siya ng taxi na sasakiyan pauwi. Kahit paano ay kabisado niya ang adress ng condominium building ni Sandy.

Nag-umpisa na siyang kumaway para sama pumara ng isang magarang sasakiyan ang huminto sa harapan niya.

Nang bumaba ang bintana niyon ay nakita niyang nakasakay ang lalaking nagngangalang Aizo Gimenez na regular costumer sa club house kung saan siya nagta-trabaho.

"Care for  a ride Miss?"pakli nito kay Minnie.

"H-huwag na lang, maghihintay na lang ako ng taxi,"nahihiyang sabi ni Minnie.

"It's late, mahirap ng makakuha ng masasakiyan na taxi. Don't worry hindi naman ako nangangagat, wala ka bang tiwala  sa akin?"Nakita ni Minnie ang magandang ngiti ng binata.

Sa totoo lang ay matagal talaga niyang inasam na muling magkrus ang landas nila nito. Noon pa man ay marami na siyang naririnig na kwento sa mga kasama niya tungkol sa lalaki. Ayon sa mga ito ay malinis ang record nito sa pinagtatrabahuan niya. Malaki rin itong magbigay ng tip. Galante rin ito dahil sa tuwing may event ang kumpaniya ni Aizo ay malaking komisyon ang nakukuha ng Dee club House.

"Sige na nga,"pagpayag ni Minnie. Nakita niyang nag-alis ng seatbelt si Aizo at tuluyan lumabas sa katabing pinto. Kinilig siya ng ito pa mismo ang nagbukas ng pinto para sa kanya.

"S-salamat,"matipid niyang sabi.

"Your very welcome lady, sa katulad mong napakagandang babae ay dapat inaasikaso ng mabuti."

Kulang na lang ay kiligin si Minnie sa mga sinabi ni Aizo. Tingin niya tuloy sa sarili ay sobra siyang ganda, kahit wala naman maganda sa katulad niya.

"Huwag mo nga akong binobola,"sabi ni Minnie. Sinubukan niyang isuot ang seatbelt niya ay hindi naman niya alam kung paano.

"Wait, ako na..."tugon ni Aizo. Saka ito dumukwang at inabot ang kabilang strap ng seat belt ni Minnie.

Dahil sa pagkakalapit nila ay nabistan ng dalaga ang kaanyuan ni Aizo. Kung sa malayuan ay sobrang lakas na ng sex appeal nito ay lalo na sa malapitan.

"A.N.G G.U.W.A.P.O,"tili ni Minnie sa loob-loob niya. Halos mapuno na yata ang baga niya dahil sa panay ang singhot niya sa swabeng pabango ng binata. Lalaking-lalaki ang amoy nito.

"Oka na, just enjoy the ride ok Miss?"

"Ahy! sorry hindi ko pa pala nasasabi ang buong pangalan ko. Minnie Ledesma,"pakilala niya sa sarili.

Para siyang hihimatayin ng abutin na ni Aizo ang palad niya.

"Nice name,"wika nito. Para siyang matutunaw sa lagkit ng tingin na ipinakita ng binata patungkol sa kanya.

Nakahinga lang ng maluwag si Minnie ng tuluyan bitawan nito ang kamay niyang nag-iinit pa sa pagkakahawak ng lalaki.

Ipinihit na nito ang susi sa ignition kaya upang tuluyan umandar sinasakiyan nila. Sobrang smooth lang ng takbo niyon at para siyang hinehele.

"Do you mind if ayain kitang kumain bago umuwi?"tanong ni Aizo na hindi inaalis ang pansin sa harap ng sasakiyan.

"Huh? naku pasensiya na Mr. Gimenez kasi late na saka kumain na ako bago ako mag-out sa Dee Club House,"magalang niyang pagtanggi.

Kahit paano ay nagsasabi siya ng totoo. Mahirap naman na papayag na siyang lumabas kasama ito eh kakikilala lang naman nila.

"Ganoon ba, okay I'll invite you in another way around."Napatango-tango pa ito.

Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan nilang narating ang condominium building kung saan siya tumutuloy.

Tuluyan na siyang bumaba sa sasakiyan ng binata na lumabas din sa kotse nito.

"Ihahatid na kita hanggang sa loob,"presenta ni Aizo na hindi inaalis ang tingin sa kanya kaya upang lalong kiligin si Minnie.

"Huwag na Mr. Gimenez kaya ko na,"tanggi ni Minnie.

"Aizo na lang Minnie, masiyadong pormal kapag Last name basis tayo,"sagot ni Aizo.

"Eh costumer ka namin eh,"sabi naman ni Minnie.

"Okay pero sana kapag tayong dalawa lang ay Aizo na lang,"wika nito.

Tumango na lang si Minnie at tuluyan ng nagpaalam na aakiyat na. Pumasok na si Aizo sa loob pagkatapos.

Nang bitawan niya ng tingin ang direksyon nito at nang humarap siya sa entrance ng lobby ay nakita niya si Sandy na naroon.

"Ikaw pala Dee."

"Sinundo ka raw ni Mang Lucio pero nakaalis ka na. Nextime Minnie magpapaalam ka na may ibang maghahatid sa'yo,"hindi kababakasan ng kung ano ang mukha ni Sandy habang kausap nito si Minnie.

Nauna na itong naglakad, hindi na nito hinintay na magsalita ang dalaga.

Takang-taka tuloy si Minnie kung bakit bigla bigla ay nagiba ang pakikitungo nito sa kanya na parang may ginawa siyang mali...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status