Share

Gamitin mo ako, Lorain

“Are you insane, Jake? Mayroon ka ng fiancé, pero umaakto ka na parang wala.” Hinaplos ko ang dibdib niya kung nasaan tapat ang puso, ramdam ko ang pagtibok nito. “Hindi mo talaga magawang maging loyal sa mga taong nag i-stay sa tabi mo.”

Hinawakan naman niya ang kamay ko at pinigilan ako sa ginagawa, “I can be a loyal like a dog, Lorain kung iyon ang gusto mo.” Bulong niya sa akin.

Tumawa ako dahilan para may ilan na mga customers ang napatingin sa gawi namin, humakbang ako palapit na ikinabigla niya. Dinikit ko ang bibig ko sa kaniyang tenga at bumulong, “But Jake, may mga aso pa rin na kayang kagatin ang amo nila.”

“Then you can put a leash on me, tie and cage me if you want.”

“Kung gagawin ko iyan ay mapapagod at mababaliw lang ako, ayaw kong sirain ang buhay ko para lang sa isang tao.” Tinulak ko siya palayo, “I will take my leave now.”

Confident akong naglakad palabas ng coffee shop at walang pakialam sa mga tingin ng tao sa paligid, minsan rin akong parang aso na naghihintay sa amo. Pero inabanduna niya ako, at hindi pa siya nasayahan dahil tinapon pa niya ako palabas ng bahay kung saan lagi akong mag-isa.

~

Imbis na dumiretso sa hotel ay sa office nalang ni Raziel ako pumunta, mas mabuti ng may magawa sa project kaysa tumambay sa kwarto pero wala naman akong gagawin kundi ang mag-isip.

Pagkarating ko sa loob ng building ng company niya ay binati agad ako ng nasa front desk at guard, hindi na ako nagtaka kung kilala nila ako. Aware na siguro ang lahat tungkol sa akin, kahit pa ito ang unang punta ko dito.

“You can go straight to his office, ma’am.” Sabi ng babae sa front desk ng may malawak na ngiti sa labi.

“Thank you.” Nakaramdam ako ng kagaanan ng loob dahil sa pagtanggap nila sakin.

~

Kumatok ng lang ng ilang beses at binuksan ko na ang pinto kahit hindi pa siya sumasagot, umangat ang tingin niya sakin ng nakakunot ang noo.

“Who dare to open the door without my consent—Huh? What are you doing here, Lorain?” Nawala ang kunot ng noo niya at binaba ang hawak na ballpen bago tumayo, “ganyan mo na ba ako na miss para kusa ka ng pumunta dito?”

Napairap ako sa kawalan dahil sa muling biro niya, “Raziel, nagpunta ako dito para tapusin ang hindi pa natin natatapos sa project. Ayaw kong magahol tayo sa oras, hangga’t maari ay gusto kong matapos agad iyon.”

“Aww, such a shame hindi pala ako ang dahilan ng pagpunta mo rito. Well, if you say so. Maupo ka muna diyan at hahanapin ko ang mga documents na kailangan ng revision, actually hindi naman marami iyon dahil approved ni Jamie ang halos lahat ng idea.”

Tumango ako, “I know, pero ayaw kong magpakapanatag ng loob. Isa pa, hindi porket mabait siya ay pwede tayong ma-late sa deadline.”

Tumigil siya sa paghahanap ng documents sa kaniyang lamesa at tumingin sa akin na parang nagtataka, “bakit ang init yata ng ulo mo ngayon, may nangyari ba at ngayon mo lang nailalabas ang sama ng loob mo?”

Napatigil ako dahil sa sinabi niya, doon ko lang rin napansin na siya na pala ang nasusungitan ko dahil sa nangyari. “Oh… Sorry, maaga akong nagising kaya medyo mainit ang ulo ko.” Palusot ko.

“Then why did you come here instead of going back to your hotel and sleep?” May pag-aalalang gumuhit sa kaniyang mukha.

Bitbit ang mga papeles ay lumapit siya sa akin, “we can take our time, Lorain. Hindi naman tayo gahol sa oras, huwag mong bayaan ang sarili mo.”

Kung buti nga sana na trabaho ang dahilan bakit ako na stress ng ganito, kung una palang ay alam ko ng siya ang kasama ng business partner namin ni Raziel ay tumanggi agad ako.

“Alam ko naman iyon, hindi ko lang talaga maiwasan dahil ito ang unang project ko dito. Kung gusto ko na magkaroon ng maraming project, kailangan ay una palang ibigay ko na ang best ko.” Ngumiti ako sa kaniya.

“Hayy, pinag-aalala mo ako ng sobra.” Sumandal siya at dinipa ang kamay sa ibabaw ng sandalan ng sofa at tuminga, “sa susunod, kung may problema ka sabihin mo sakin.”

Tinitigan ko siya, hindi talaga aakalain na caring siyang tao. “I will, pero sa tingin ko ay mas marami kang problema sakin.” Tinuro ko ang mga papel na nakatambak sa lamesa niya.

“Damn!” Mura niya, “mukhang mag over night na naman ako nito, bakit ba kasi ang daming kailangang pirmahan araw-araw.” Reklamo niya.

Tumayo na siya mula sa sofa, “kung makaramdam ka ng antok ay meron akong room,”tinuro niya ang isang pintuan sa gilid, “pwede kang matulog doon hangga’t gusto mo.”

“Hmm, I will.” Maikling sagot ko at sinimulan ng basahin ang mga documents na inabot niya kanina, kung sana ay isang katulad ni Raziel ang unang lalaki na minahal ko ay hindi siguro ganoon kapait ang nakaraan.

Tahimik naming parehong ginawa ang trabaho naming dalawa, minsan ay dinadalhan kami ng pagkain ng secretary niya. Tanging tunog lang ng orasan at papel pag binubuklat ang maririnig sa paligid…

Sabay kaming napatigil sa ginagawa ng muling pumasok ang secretary niya, “hmm, well Sir uuwi na po ako.” Sabi niya sabay turo sa relong suot.

Agad akong napatingin sa orasan sa gilid at doon lang napagtanto na gabi na pala, hindi ko man lang napansin dahil sa aking ginagawa.

“Sure, take care.” Sabi ni Raziel, pagkasarado ng pintuan ay tumayo siya at sinuot ang kaniyang jacket. “Maybe let’s wrap it up for tonight.” Ngayon ay nasa akin naman ang atensyon niya.

“Pero, akala ko ba ay mag overnight ka?”

“Hindi sa ngayon, ewan ko pero parang magic ang presence mo I actually finish more than half.” Hinaplos niya ang aking mata pagkalapit sa akin, “pagkarating natin sa hotel ay bumawi ka ng tulog, pero bago tayo umuwi ay samahan mo akong mag dinner.”

“Nako, hindi na.” Pagtanggi ko, nakakahiya naman kung aabalahin ko pa siya. Meron namang room service sa hotel ni Craig, doon nalang ako kakain.

“Uhm, hindi ka pwedeng tumanggi. So, let’s go.” Hinawakan niya ako sa kamay at hindi binitawan hanggang makarating kaming parking lot, pero pareho kaming napatigil ng makita si Jake na nakatayo sa gilid ng kaniyang kotse na parang may hinihintay.

No… He better stops, ayaw ko na pati si Raziel ay malaman ang kabaliwan niya!

“Isn’t that Jake?” Nagtatakang tanong ni Raziel na mabilis ko namang tinulak para buksan na ang kotse.

“Baka may hinihintay lang, let’s go. Ngayon ay ramdam ko na ang gutom ko, bilisan natin.” Nagmamadali kong sabi.

“But I think he’s looking at us, oh… Papalapit na sya satin, baka may sasabihin siyang importante.” Dagdag pa niya.

Gusto kong sabunutan si Raziel at kaladkarin papasok sa loob ng kotse pero huli na, nakalapit na siya sa amin habang matalim ang tingin sa hanggang ngayon ay magkahawak naming kamay.

Sinubukan kong hilain ang kamay ko pero mas lalong humigpit ang kapit ni Raziel doon, pero ang mukha niya ay nakangiti kay Jake. “What’s bring you here, bro?” Tanong niya na parang close na close siya.

Mas lalo namang nangunot ang noo ni Jake sa narinig, “Bro...?” Bulong niya pero sapat pa rin para marinig namin, halata na hindi niya nagustuhan iyon. Fortunately, ay hinayaan nalang niya at sakin tinuon ang pansin.

Humakbang siya palapit at hinawakan ang braso ko kung saan din nakahawak si Raziel, “Come with me, let’s talk again.”

Sinubukan niyang hilain iyon pero hinila rin ako ni Raziel, “sorry, pero ako ang nauna. May pupuntahan kami at pumayag na siya.” Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya pero ang mga mata ay seryosong nakatingin kay Jake.

“Then you can cancel it, we need to talk so let her go.” Pilit ni Jake at hindi nagpatalo.

Medyo ramdam ko na ang init sa balat ko dahil sa mahigpit nilang hawak, “Both of you, please bitawan nyo ang kamay ko dahil kanina pa ako nasasaktan.”

Sabay nila akong binitawan, “sorry.” Bulong ni Raziel.

Wala naman akong narinig kay Jake pero desperado pa rin siyang nakatingin sa akin, “come on, saglit lang naman.” Muli niyang sabi pero umiling ako.

“Sorry, Mr. Andres. Pero naka oo na kasi ako kay Raziel, maybe next time?” Sabi ko at ako na ang kumapit sa braso ni ng katabi ko.

“But…” Hindi niya natapos ang sasabihin ng biglang tumunog ang cellphone niya, mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko kung sino iyon.

“Mukhang hinahanap ka na ng fiancé mo, Mr. Andres. Ingat ka sa daan, aalis na kami.” Nakangiti kong sabi at hinila si Raziel papunta sa kotse, hindi naman siya nag reklamo. Naiwan si Jake doon habang nakatanaw samin habang kausap ang fiancé niyang si Jamie.

This is the right thing…

“Hmm, so can I ask you something?” Biglang tanong ni Raziel habang nagmamaneho, “is he your ex-boyfriend?”

Napakagat ako sa labi, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sagutin ko hindi. Pero kung lagi-lagi kaming magkikita, at guguluhin niya ako tuwing magkasama kami ni Raziel ay wala ng rason para itago ko ang katotohanan.

Tumango ako, “but rather than ex-boyfriend, the correct term is… He’s my ex-husband, Raziel.”

Tumingin ako sa kaniya ng wala siyang sinabi, diretso lang ang tingin niya sa daan. Kahit siguro ako ay magugulat, iyon naman ang tamang reaksyon.

“Then, is he chasing you now?” Muli niyang tanong.

“Maybe?” Kibit-balikat ko na sagot.

“You want to comeback to him?” Unit-unting nagiging seryoso ang boses niya.

Saglit akong tumahimik bago umiling, “walang rason para bumalik ako, tinapos niya kung anong meron kami years ago.”

“Then use me.” Hininto niya ang kotse sa gilid ng daan at tumingin sa akin, “gamitin mo ako para hindi ka na niya magulo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status