Para siyang natigilan sa sinabi ko, pero wala akong pinagsisisihan sa mga iyon. I’m just telling the truth, sa anim na taon naming kasal ay wala akong naramdaman na pagmamahal. Laging mag-isa, para akong nakakulong sa malaking hawla.
Nagtiis ako, kasi mahal ko siya noon…
Hinawakan niya ako sa magkabila kong braso, “no, no. I promise that you, iba na ngayon. So please, Lorain.” Yung mga mata niya ay parang iiyak na sa pagmamakaawa, sa tingin ba niya ay ganon nalang iyon?
Na sa isang salita lang niya ay magmamadali akong babalik sa kaniya, magpapakatanga at magsusunod-sunuran sa gusto ng pamilya niya.
“Enough, Jake!” Sigaw ko at tinulak siya, “kung hindi ka aalis ngayon din ay tatawag ako ng security guard, wala akong balak i-entertain ang mga sinasabi mo.”
“Why? Because of the man with you earlier, so may balak ka nga na sagutin siya?” Sarkastiko niyang tanong sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin, bakit kailangan niyang idamay ang isang tao na wala naman dito? “So, what? Kung ano man ang meron kami ay wala ka ng pakialam doon. What we had years ago is already done, yung karapatan mo sa akin ay matagal ng tapos.”
“Tell me, Lorain. Anong wala sakin na meron siya, I can give you everything!”
“No, you can’t!” Mabilis kong sigaw, not love nor comfort. Gusto kong isumbat lahat ng pagkukulang niya noon, lahat ng nararamdaman ko years ako ay unti-unting bumabalik sa akin. Pero hindi ako nasasaktan, sa halip ay lalong sumisiklab ang galit sa dibdib ko.
“You feel empty? Talaga ba na iyon ang naramdaman mo o baka naman kasi ay wala kang mahanap na babaeng sunod-sunuran sa gusto mo, yung hindi ka papakealamanan kahit harap-harapan mo silang niloloko.” Sabi ko habang mariin na dinuduro ang dibdib niya.
“I won’t do it again, gagawin ko lahat ng gusto mo. Kaya kong baguhin ang sarili ko sabihin mol ang kung ano ang ayaw ko.” Ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko ay unti-unting bumaba sa aking mga daliri ay pinaglaruan niya iyon.
Mabilis akong umiling-iling, kailangan ko pa bang sabihin kung ano-ano ang mga kailangan niyang baguhin? Kung talagang gusto niya akong bumalik sa kaniya, he better knows what to do.
“Just leave, Jake.” Sabi ko at pilit hinila ang kamay ko na hawak niya, humakbang ako palayo at diretso siyang tinignan sa mata. “you and I are just business partner. Nothing more, nothing less.”
Hahawakan niya sana ulit ako ng may kumatok sa pintuan, “Lorain, may pinabibigay ni Raziel sayo.” Iritado ang boses niya na parang bata na nautusan ng kuya.
Tumingin ako saglit kay Jake, “umalis ka na, tapos na tayong mag-usap.” Mariin ko na sabi at binuksan ang pintuan.
Gulat na napatingin si Craig sa lalaking nasa loob ng kwarto ko pero wala naman siyang ibang sinabi at inabot lang basta ang kulay brown paper na hawak, “hindi ko alam na may kasama ka pala, kung alam ko ay hindi ko sana muna kayo dinistorbo.”
“No, it’s fine. Paalis na rin naman siya, may nakalimutan lang siyang sabihin at ibigay kanina sa meeting kaya nagabala pa siyang pumunta dito.”
“Ganon ba, then let me come inside. Hindi pwedeng ikaw lang ang mabubusog ng pagkain na ‘yan, hindi moa lam kung gaano kahirap pumila para bumili nyan.” Sabi niya at diretsong pumasok sa loob na parang walang pakealam kay Jake.
“Y-you…” Hihilain sana ni Jake si Craig para pigilan na pumasok pero hinawakan ko ang kamay niya.
“Mr. Andres, salamat sa pagdala mo ng naiwan na documents. Now if you excuse us, kakain na kasi kami or do you want to join?” Ngumiti ako sa kaniya ngunit ang mga mata ko ay matalim na nakatingin sa kaniya.
“We’re not yet finish, Lorain. Hindi ako hihinto hanggang hindi ka nagiging akin ulit, I won’t easy letting you go.” Bulong niya at padabog na umalis.
Ilang sagundo ang lumipas bago magsalita si Craig na sinisimulan ng kainin ang fries, “woah, is he your ex-boyfriend?” Tanong niya at pinatong ang paa sa kaharap na upuan.
Nagkibit-balikat lang ako at lumakad palapit sa kaniya, “it’s not important to talk, galing ba talaga ito kay Raziel?” Kinuha ko ang isang friend chicken sa bucket, spicy flavor?
“Of course not, sa tingin mo ba ay magpapadala siya ng ganitong klasing pagkain sayo.” Sabi niya at kinuha ang isang siomai asado. “aah, wala talagang tatalo sa soimai sa kanto.”
“So, binili mo lang lahat ito sa kanto?” Tanong ko ng natatawa, kumuha rin ako ng siomai pagkatapos kong maubos ang isang chicken.
“Aba, kahit sa kanto lang yan ay pumila ako. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina, by the way ayaw mo na ng chicken?”
“Ah yes, hindi ako gano’ng mahilig sa spicy e.” Para naman siyang napatigil.
“Oh sorry, it just a hobby. May kilala kasi akong babae na mahilig sa maanghang,” may kung ano sa ngiti niya na hindi ko mapaliwanag, maybe his ex?
“Ganoon ba? Hmm, mabalik tayo sa usapan bakit mo naisip na bumili at dalhan ako ng pagkain?” Nagtataka ko na tanong.
“Nakita ko kayo sa CCTV, mukha lang akong walang pakialam pero sinisigurado ko na safe ang lahat ng costumers ko.” Mayabang niyang sabi.
“Yeah, right.” Iyon nalang ang nasabi ko at tinapos ang pagkain namin.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang matapos kaming kumain, tulad noon ay medyo awkward pa rin naman sa pagitan namin pero hindi na sobra.
“Salamat sa pagkain.” Sabi ko ng palabas na siya sa kwarto, tumango lang naman siya at tuluyang umalis bitbit ang bucket ng fried chicken na dalawa lang ang bawas.
~
Binagsak ko ang sarili ko sa kama pagkatapos ko na mag toothbrush, ngayon ay wala na akong gana na magtrabaho dahil sa nangyari. Sumasakit ang ulo ko tuwing naaalala ko ang mga sinabi ni Jake kanina, ano naman ang pumasok sa kokote niya…
Bumalik sa kaniya?
Masyado naman yatang mataas ang tingin niya sa sarili kung iniisip niyang hanggang ngayon ay mahal ko pa siya, kung meron man na natitira sa akin ngayon ay ang galit ko sa pamilya nila. Tinuring nila akong basahan na bigla nalang itatapon sa isang tabi.
Sisiguraduhin ko na ngayon, siya naman ang gagapang papunta sakin. Kung gusto niya talaga akong makuha, dadaan siya sa butas ng karayom…
Pinikit ko ang aking mata, doon ko napagtanto na hindi lang iyon ang problema. Paulit-ulit na nag-play ang mukha ni Jamie sa aking isip, can I really do it kahit alam ko na may isa rin na pusong muling masasaktan…
Pero hindi ako pwedeng tumigil ngayon, kung gusto kong iparanas kay Jake ang naranasan ko sa kaniya noon ay ito ang tamang pagkakataon…
~KINABUKASAN~
Maaga akong nagising, hindi dahil may meeting o importante akong gagawin, ngayon ay wala ako sa mood habang nakaupo sa loob ng isang coffee shop sa labas ng hotel kaharap siya. “Anong kailangan mo, sobrang aga para painitin mo ang ulo ko.”
“I already told you, Lorain. Hindi ako susuko hangga’t hindi ka bumabalik sakin, kung kailan kitang araw-araw guluhin ay gagawin ko.” Sabi niya ng seryoso at humigop ng kape niya.
Umikot ang eyeballs ko sa pagkairita, “at ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako babalik sayo? Anong mapapala ko sa isang tulad mo, baka makakuha pa ako ng sakit galing sayo sa dami ng babaeng naikama mo.” Inis na sabi ko.
“I haven’t sleep with anyone, Lorain since you left.” Binaba niya ang tasa at hinawakan ang kamay ko, “hindi ka ba talaga naniniwala na handa akong magbago para sayo?”
Magbago, ngayon palang siya magbabago? Siguro ay kung umuwi ako ng mahirap pa rin ay wala siyang balak na pansinin ako, salamat sa pera ni Ms. Hilton.
“Huwag na nating lokohin ang isa’t-isa, Jake. Pareho nating alam na hindi mo kayang mabuhay na walang naikakama na babae araw-araw, diba at inuuwi mo pa nga ang iba sa kanila sa bahay mo noon?” Sarkastiko kong dagdag.
Bilang lang sa isa kong kamay kung ilang beses niya akong ginalaw sa anim na taon naming pagsasama, hindi ko nga siya nakitaan ng pagkasabik tuwing ginagawa namin iyon. Para siyang nahihirapan, na halos ayaw makita ang mukha ko o marinig ang ungol ko.
“Dati ‘yun noon, Lorain. I can promise you, I will only be doing it with you.” Sabi niya pero mabilis kong hinila ang kamay kong hawak niya at tinignan siya ng may pandidiri.
“Sorry to burst your bubbles, Jake pero never ko na pinangarap gawin ulit iyon kasama ka. Sa ilang taon na wala ako dito, sa tingin mo ba ay hindi ko iyon ginawa kasama ng ibang lalaki? I met several men and I don’t think na satisfied pa ako niyan.”
Nakakaloko akong tumingin sa baba niya bago tumayo, “I will leave now, thanks for the coffee.”
“Try me, Lorain.” Pigil niya sa akin, “Why don’t we try it kung hindi ba talaga kita kayang i-satisfy.” Mariin niya akong tinignan.
Jake’s POV“Pipiliin na samahan ka kahit anong mangyari.” Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko kung gaano kapuno ng pagmamahal ang mat ani Raziel habang nakatingin kay Loraine, gusto kong iiwas ang tingin ko.Pero may part sa akin na gusto kong panuorin sila ng mas matagal pa, masakit. Pero, kahit paano ay nakaramdam ako ng kagaanan ng loob ko. “She deserves him more.”Agad akong napayuko ng mapagtanto ang salitang pinakawalan ko, mabilis kong pinahid ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa mata ko.“I’m so lame.” Natatawa kong bulong at napailing.Huminga ako ng malalim at marahan na kumatok sa pintuan, ito na ang oras na dapat pare-pareho naming harapin ang katotohanan. Kailangan ko ng tanggapin na hanggang dito lang talaga ako sa buhay ni Lorain at si Raziel na ang bago niyang kasama sa bagong pahina.Awkward na napatayo si Raziel, napailing-iling siya na parang sinasabi sa akin na wala siyang ibang magawa kundi ang sirain ang usapan naming dalawa.Lumakad ako malapit sa kanil
Pinagsiklop ni Raziel ang dalawa niyang kamay at naupo ng maayos, “hindi ko alam kung tamang desisyon na sabihin ko sa’yo ang lahat, wala si Jake dito na alam ko’ng mas gusto mo na marinig ang katotohanan sa kaniya higit kanino.”May sakit na dumaan sa mata niya, gusto ko na sabihing mali siya pero hindi ko nagawa na magsalita. Kahit na gustong-gusto na tanungin siya kung bakit ganoon nalang siya masaktan tuwing babanggitin ang pangalan ni Jake.“Wala akong problema kahit sino ang magsabi sa akin, ang mahalaga ay malaman ko kung ano ang totoo.” Mabilis ko na iniwas ang tingin sa kaniya, merong part sa akin na ayaw kong makita pa ang kung anong emosyon na pwede kong makita sa mukha niya.“Is that so?” Maikling tanong niya na parang inaasahan na niya ang sagot ko na iyon, “pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang side ni Jake,” ramdam ko ang titig niya sa akin, “siya ang nakasama mo, siya lang ang nakakaalam kung paano ipapaliwanag ang lahat ng maayos.”Tumango ako bilang pag s
Hindi huminto ang kamay ko sa panlalamig at panginginig, ano pa ang hindi ko alam tungkol sa akin? Simula ba noong una ay tama akong may tinatago si Jake sa akin, at ayaw niyang malaman ko ang katotohanan?Bakit hindi ko na gamit ang apilyido niya kahit suot ko pa ang wedding ring naming dalawa, panaginip ko lang bai tong lahat? Hanggang ngayon ba ay nakakulong pa rin ako sa isang bangungot?Nanatili akong nakayuko at pilit pinoproseso ang isang bagay na nalaman ko, kahit luha ay ayaw ng pumatak sa sobrang halo-halo ng nararamdaman ko. Maging katawan ko yata ay naguguluhan na kung dapat ba akong malungkot o magalit, dahil ako mismo ay hindi ko alam.Lumangitngit ang pintuan, patunay na may dumating. Pero hindi ko magawang tignan kung sino ito, dahil natatakot akong pag angat ng mata ko ay mukha ni Jake ang makita ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, natatakot ako sa kung ano ang masabi o magawa ko.“Lorain,” halos mapaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Raziel habang naglalakad
Alas-dyes na ng gabi, pero walang Jake na dumadating. Ilang beses ko na rin na sinabihan si Raziel na iwan na lang niya ako, pero hindi rin siya umaalis, nanatili siyang tahimik na nakahiga sa sofa habang ako naman ay sa kama.“Ayos ka lang ba talaga d’yan, pwede ka naman umuwi na. Mamaya lang ay may nurse naman ulit na mag check sa akin, you don’t need to stay here baka mamaya ay and’yan na rin naman si Jake.” Muli akong nagsalita.Alam ko naman kasing gising pa rin siya at hindi ko kinakaya ang katahimikan ng paligid, lalo na at paghinga lang namin ang maririnig. Naramdaman ko naman ang paggalaw niya para tumaligid paharap kung nasaan ako, “ayos lang, hindi naman ito ang unang beses na mag stay ako.”Para akong nanigas sa pagkakahiga, hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang pakiramdam ko simula kanina. Hindi ko maintindihan bakit ganito nalang tumibok ng mabilis ang puso ko tuwing tinitignan ako ni Raziel.Mali, Maling-mali na maramdaman ko ang ganito para sa ibang lalaki. Hin
Lorain’s POV“Dahan-dahan, ‘wag mo masyadong biglaan o pilitin ang sarili mo.” Marahan na bulong niya habang inaalalayan ako, parang mas kabado ba siyang masaktan ako.“Raziel, hindi ko pinipilit ang sarili ko. Kumalma ka lang, Hindi ko sasaktan ang sarili ko.” Natatawa kong sabi, siya ang kasama ko ngayon sa rehabilitation ko sa paglalakad. Dapat ay si Jake pero umang-umaga palang ng tumawag ang secretary niya dahil nagkaroon ng emergency sa company.“H-Hindi naman iyon ang ibig ko na sabihin, baka lang mabigla ang muscle mo. Maybe mas maayos siguro kung ang nurse ang tutulong sa’yo, kinakabahan talaga ako.” Muli niyang sabi dahilan para hindi ko mapigilan ang sarili ko na tuluyang matawa.“Raziel, hindi ko akalain na ganyan ka pala.” Tawang-tawa kong sabi, dahilan para mamula naman ang tenga niya pati ang mukha at leeg.“Natatakot lang ako na baka mas lalo ka ma-injured, anong alam ko kung tama ba ang ginagawa natin. Sabi nung nurse babalik agad siya, bakit ang tagal naman yata.” Pa
John’s POV“What do you think you are doing here, John? Hindi ko alam kung mayroon pa bang dahilan para magpunta ka rito, tapos na ang project para sa bridal fashion show at wala na rin ang kasal namin ni Jake.” Mataray na tanong ni Jamie pagpasok niya sa kaniyang office.“Well, tama ka naman doon. Pero mag-usap tayo, may gusto akong sabihin na maging dahilan na pwedeng maging dahilan ulit para magkaroon ng meeting sa pagitan nating dalawa.” Makahulugang sabi ko habang nakangisi.Kitang-kita ko sa mukha niya ang stress, naiintindihan ko iyon. Sino nga ba ang hindi kung bigla kang iwan sa ere ng lalaking pinagkatiwalaan mo, hindi alam ni Jake kung sino ang sinasayang niya.“At ano naman iyon para maging dahilan ng pagkakaroon ulit ng dahilan para mag meeting kayo? Sa pagkakaalam ko ay wala namang kailangan talaga ang pamilya namin sa inyo, so what can you offer para hayaan kong maglabas at pasok ka ulit dito sa company ko?” Walang pakundangan saad niya sa akin, kumpara noon ay iba na a