Share

CEO's regret; wants to take her back!
CEO's regret; wants to take her back!
Author: Huan_Li18

Prologue

Nakaupo ako ngayon sa living room kaharap ang isang lalaki na ngayon ko lamang nakita, nakasuot siya ng suit habang may dala-dalang isang kulay itim na bag. “I’m sorry for being late, Mrs. Andres.” Magalang niyang sabi at nilabas ang isang envelope sa kaniyang bag at inabot sa akin.

May idea na ako kung ano ito pero hindi ko mapigilan ang pagsikip ng aking dibdib, ang nanlalamig at nanginginig kong kamay ay unti-unting inabot iyon at binuksan.

“You can read the agreement, Mrs. Andres. Kung may hindi ka nagustuhan ay pwede nating baguhin iyon, kung kulang ang halaga na makukuha mo ay pwede ko rin iyon dagdagan.” Tumikhim siya, “And I’m sorry because that’s all I can do.”

Madiin kong kinagat ang ibaba kong labi para pigilan ang mga luha kong gusto ng pumatak, “h-hindi man lang ba siya haharap sa akin para pag-usapan ito?”

Nahihiya ako, nahihiya para sa sarili ko habang naririnig ko ang sarili kong boses na halatang desperada pa rin sa atensyon niya.

Para naman siyang natigilan sa tanong ko at napatikhim, “that’s… I’m sorry, Mrs. Andres nasa business outing siya sa ngayon.”

Tumango ako na parang naiintindihan ang sinabi niya, pero hindi… Hindi ko maintindihan bakit kailangan na ibang lalaki ang kaharap ko sa mga oras na ito, bakit?

Nilabas ko ang papel sa brown na envelope, pilit na binabasa ang mga nakasulat doon pero halos wala akong makita. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luhang unti-unting pumapatak mula rito.

Anim na taon; Anim na taon na ginugol ko ang buong buhay ko para sa kaniya. Anim na taon akong umasa, na sana kahit minsan ay may nararamdaman siya para sa akin.

Pera bakit ganoon, para akong isang gamit na basahan kung itapon niya sa isang tabi. Halos hindi niya ako magawang harapin, hindi pa ba sapat na gusto niya akong hiwalayan… Ganoon ba ako kawalang halaga sa kaniya para hindi paglaanan ng oras kahit sa ganitong pagkakataon?

“Mrs. Andres, pag napirmahan mo na ang agreement na ito ay wala ka ng dapat alalahanin pa. Ang buhay mo noon, pwede mo ng balikan ngayon. Ako na ang bahala i-process ang divorce paper kung saan bansa kayo nagpakasal,” inabot niya sa akin ang isang itim na ballpen, “here.”

Napatawa nalang ako ng pagak dahil sa narinig ko, paano ako babalik sa dati kong buhay kung puro siya na ang laman ng sistema ko?

Naupo ako ng tahimik at hinawakan ng mahigpit ang ball pen, kung ito ang gusto niya ay wala na akong magagawa… Wala na akong silbi sa buhay niya, sigurado akong masaya na siya kasama ng babaeng totoong gusto niyang makasama.

Ngayon ay mas naging malinaw sa akin bakit hindi niya ako dito sa pilipinas pinakasalan… Darating pala ang panahon na papipirmahin niya ako ng divorce paper agreement…

Maingat ko na pinirmahan ang taas ng pangalan ko at mapaklang ngumiti sa lawyer na nasa harapan ko, “thank you.” Iyon lang ang nasabi ko at muling yumuko, pinanuod ang patuloy na nanginginig kong mga daliri.

Andoon pa rin ang bakat ng ball pen dahil sa higpit ng aking pagkakahawak, may kaunting tinta rin na naiwan roon patunay na napirmahan ko na ang papel.

“Alright, thank you. Mrs. Andres… Or should I call you, Ms. Santos?” Nag-aalangan na tanong niya sa akin.

“Everything is fine.” Maikli kong sagot ng hindi tumitingin sa kaniya, nakatuon ngayon ang tingin ko sa mga bulaklak sa garden.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, sigurado na walang mag-aalaga sa kanila.

“I will take my leave, then.” Yumuko ito at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay, ng marinig ko ang tunog ng pintuan ay napahinga nalang ako ng malalim.

Kahit nanghihina ay unti-unti akong naglakad patungo sa kwarto kung saan mag-isa akong madalas matulog, dahan-dahan ay hiniga ko ang aking katawan at niyakap ang unan niyang may kaunting amoy niya…

Muli, ang mga luha na ay nag unahan na magpatakan palabas hanggang tuluyan na mabasa ang punda nito. Hinayaan ko na umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto ang bawat hikbi ko, umaasa na sa ganoong paraan ay gumaan ang aking naramramdaman.

“I love you.” Bulong ko ay mahigpit na niyakap ang unan niya, “mahal na mahal kita, Jake. Mahal na mahal.”

~

Inabot ako ng dalawang oras na tulala lamang na nakahiga sa kama bago ako nakabawi ng lakas at tumayo, sinimulan kong ipunin ang kaunti kong gamit sa kama at dahan-dahang tinupi ang mga ito para ilagay sa maleta.

Ngayon ko lang napansin na wala pala akong ganoong gamit, sa anim na taon akong nanirahan dito ay parang walang nadagdag sa mga gamit na dinala ko noong unang punta ko rito.

Napatigil ako sa aking ginagawa ng makita ang sarili kong repleksyon sa malaking salamin, gulo-gulo ang buhok at namamaga ang mata. Suot ko ang maluwang na t-shirt at maong na short, siguro ay isa itong dahilan bakit hindi na siya makapaghintay na hiwalayan ako…

Hindi man lang tumagal ng isang oras ang pag-ayos ng mga gamit ko sa maleta, wala ng dahilan para magtagal pa ako sa bahay na hindi ko na matatawag na amin…

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, after all sa ampunan ako lumaki… Wala akong bahay na babalikan paglabas ko dito, wala akong ibang pamilyang masasandalan…

Tanging siya lang ang matatawag ko na pamilya, ang taong nagbigay sa aking ng lugar na matatawag kong tirahan… Pero ngayon na tinalikuran at tinapon na niya ako ay tapos na, balik na ako sa pagiging mag-isa.

Paglabas ko ng mansion at agad akong naglakad para humanap ng taxi, mabilis rin naman akong nahanap ng masasakyan na pinagpasalamat ko.

Tanging isang huling sulyap nalang ang aking nagawa bago tuluyang umandar ang sasakyan, “Ma’am, saan po kayo?”

Tumingin muna ako sa cellphone ko, andoon na ang perang nakasulat sa agreement na pinirmahan ko kanina. Mapait akong napangiti, “airport po, kuya.”

Lalayo ako, hanggang makalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kaniya…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status