Share

CHAP 10

Isang linggo na ang nakakalipas buhat nang namatay si Daddy. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin inaasahan na magiging ganito kabilis ang lahat.

Tiningnan ko si Mommy na nasa tabi ng puntod ni Daddy, tahimik lang siya habang hinahaplos ang lapida nito. "I miss you," mahinang sambit niya at nagsimulang humikbi.

Masakit sa akin na makitang ganito kahina si Mommy pero wala akong magawa dahil kahit ako ay hindi rin handa sa lahat ng ito. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Gusto kong umiyak pero kailangan kong magpakatatag para kay Mommy. Ako na lang ang pupwede niyang kuhanan ng lakas sa sitwasyon na ito.

"Sabi ko 'wag muna pero bakit, anak? Bakit iniwan niya pa rin ako agad?" humihikbing bulaslas niya.

Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. "I'm still here, Mom. I love you."

Ilang minuto pa kaming nanatili bago napagsyang umuwi. Ayaw man naming pareho na umalis pero alam namin na kailangan naming ipagpatuloy ang buhay namin nang wala si Dad
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status