WALA akong pakialam kung saan dalhin ng aking mga paa. Gusto ko lang lumayo dahil sa nangyari kanina.
Parang pinapalabas ni Lance na ako ang may kasalanan. Kahit ilang beses ko pang habaan ang pasensiya, umaabot pa rin sa puntong napipigtas ito.Ang masakit ay hindi niya ako maintindihan. Ang hitsura niya kanina'y sobrang nabigo. Hindi habang-buhay kaya kong titiisin ang lahat ng mga masasakit na salita. Masama bang minsan ipagtanggol ko naman ang sarili? Wala ba akong karapatang magalit o magreklamo?
Nakarating na ako sa taniman ng pinya. Medyo malayo na pala ang narating ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at wal
ANG sasakyang nasa tapat ng bahay kagabi ang unang pumasok sa aking isip paggising.Dinungaw ko ito dahil baka nasa labas pa rin hanggang ngayon pero nakaramdam ako ng pagkabigo nang hindi na ito nakita.Hanggang ngayon, umaasa pa rin akong nag-aalala si Lance sa akin. Na maisip niya na kasalanan ni Brenna kaya nasagot at nagawa ko iyon.Nagpapakulo ako ng tubig ng dumating si Cindy para magdala ng agahan.Kahit sa pag-uusap namin ay halatang iniiwasan niyang mabanggit ang lalaki."Bago ko pala makalimutan, dinala ko na rito ang wallet at cellphone mo." Inilapag niya ang mga iyon sa aking harapan.
MAHIHINANG PAGTAPIK sa balikat ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagtulog.Saka ko naalala ang huling ginawa. Sumakay ako ng bus na hindi alam kong saan papunta. Hindi ko na rin mabilang kung ilang oras na kaming nasa biyahe dahil bukang-liwayway na at may liwanag ng sumisilip sa makakapal na ulap."Saan po kayo bababa, Ma'am?" tanong ng kundoktor."Saan nga po pala ang biyahe ninyo, Sir?" nahihiyang tanong ko pabalik. Tinapunan niya ako ng makahulugang tingin na may kasamang inis.
Mag-iisang buwan na akong nananatili rito sa Santa Elena. Paborito kong tanawin ang pagsikat at paglubog ng araw. Nasa tabing-dagat ako habang hinihintay ang mga sandaling 'yon.May mga pagkakataong marami ang tao sa tourist inn ni Lola, mabuti na lang at nandiyan si Jena, ang anak ng kapitbahay namin na siyang tumutulong sa akin sa paglilinis ng mga kwarto sa inn. Kaya walang ibang ginagawa si Lola kung hindi ang umupo sa kanyang silyang tumba-tumba. Ako na rin ang madalas na nagbabantay ng kanyang maliit na tindahan at gumagawa ng mga gawaing bahay."Ate, tayo na lang daw ang magpunta sa sentro para mamalengke at mag-gr
PUPUNGAS-PUNGAS akong bumangon ng kama saka dinungaw ang bakuran. Kinabahan ako dahil baka may pulis nang naghahanap sa akin. Nakahinga ng maluwang nang walang kahit isang sasakyang makikita sa labas.Saka ko sinulyapan ang dalampasigan. Kumikinang ang tubig-dagat dahil sa sikat ng araw. Tila nag-aanyayang masarap magtampisaw doon.Napagpasyahan kong pumunta roon. Gusto kong basain ang mga paa habang nagpapalipas ng oras.Naagaw ang aki
"YOU'RE FIVE WEEKS pregnant, Mommy," nakangiting sabi ng babaeng doctor habang dahan-dahang ginagalaw ang aparatong nakapatong sa aking tiyan. Nararamdaman ko pa ang lamig ng gel na nilagay niya.Nakahiga ako sa kama dito sa kanyang clinic para sa pinaka-unang ultrasound.Noong una'y itim lang na may mga kaunting puti na mistulang ilaw ang makikita sa monitor pero hindi nagtagal tinigil ng doktora ang aparato sa bandang puson."Ito ang baby mo, Mommy." Turo niya sa kulay puti na nasa gitna ng monitor.Hindi ko magawang gumalaw
"ASAWA ko po talaga?" paninigurado ko.Tumango siya sa akin at may matamis na ngiti sa mukha. Siguradong-sigurado sa kanyang sinabi."Oo. 'Di ba ikaw si Sabrina Escalante-Natividad?" Tiningnan pa niya ang papel na nasa harapan niya.Natividad? Parang may narinig akong kampana dahil sa malakas na tibok ng aking puso. Hindi ko naman nabanggit ang apelyido ni Lance dito sa clinic at hindi ko ginamit ang kanyang apelyido."You can go now, Mrs. Nat
Lance's POVLUMABAS ako ng silid ni Sab dahil ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan. Sa sitwasyon kung saan nadudurog ang pagkatao dahil sa nakaraan ng aking pamilya na hanggang ngayon ay buhay na buhay sa aking alaala.Dumiretso ako sa sasakyan at pinasibad ng takbo pauwi sa hotel na pag-aari ng aking pinsang si Rafael.Padabog kong isinarado ang pintuan at dumiretso sa mesa na may alak. Inisang tungga ko ang isinalin sa baso. Gumuhit ang tapang nito sa aking lalamunan hanggang sa tiyan pero mas masakit pa rin ang nalaman ko ngayon. Mas pinili ni Sab na maniwala sa sinasabi ng ibang tao kaysa manghingi ng pa
"Since I was a kid. But I'm improving now, iyon ang sabi niya. Kaya dalawang beses na lang kaming nagkikita sa isang buwan," paliwanag ko."Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Tuluyan ng tumaas ang kanyang boses."Bakit pa? It's not important. Wala namang kinalaman sa relasyon natin ang pagpunta ko sa kanya." Sinubukan kong habaan ang pasensiya."Mayroon! Kasi hindi mo sinabi sa akin na baliw ka!""Baliw? I