LOGIN"DO we have visitors?" Natanong ni Tita, mommy ni Calvin. Sabay sila ni Tito na napatingin sa amin ni Calvin. Habang sina Tiya Esperanza at Ate Gladys ay parang walang pakialam na nakaupo. “Good morning po, Tita at Tito…” bati ko, pilit na inaayos ang boses ko kahit ramdam ko ang tensyon sa paligid. Ngumiti si Tita, pero bakas sa mukha niya ang pagtataka. “Good morning, iha,” sagot niya. “Do we have visitors?” Napatingin siya kina Tiya Esperanza at Ate Gladys na komportableng nakaupo, parang matagal nang may-ari ng bahay. Napakurap si Tito at bahagyang umubo. “Ah… and who might they be?” Nagkatinginan kami ni Calvin. Ramdam ko ang bahagyang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko, parang sinasabing siya na ang bahala. “Mom, Dad…” kalmado niyang simula. “They’re Elisa’s relatives.” Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Tita. “Relatives?” Tumayo si Tiya Esperanza, may matamis na ngiti sa labi. Pero may kakaibang lamig sa mga mata niya. “Naku, pasensya na po kung hindi kami agad nag
MALALIM ang pag-iisip ko tungkol sa sinabi ni Calvin. Wala akong masyadong alam tungkol kay Papa. Si Mama naman, hindi niya ikinuwento si Papa. Basta ang alam ko ay matagal na siyang wala. Pero may naiwan siyang picture sa akin. Hindi ko na nga lang alam kung saan ko iyon inilagay. Hindi ko rin alam kung nasaan si Mama ngayon. Huling kita ko sa kanya ay noong nag-aaral pa ako da university. Napabuntong-hininga ako habang nakatanaw sa malayo. Pakiramdam ko, napakaraming bahagi ng buhay ko ang kulang. Mga tanong na kailanman ay hindi nasagot. Sino ba talaga si Papa? Bakit niya kami iniwan? At bakit ni minsan, hindi man lang siya nabanggit ni Mama? Napapikit ako sandali, pilit inaalala ang mukha niya mula sa lumang litrato. Malabo na sa isip ko ang itsura niya, pero naaalala ko pa ang pakiramdam. Parang may init, parang may pagmamahal… o baka iniisip ko lang iyon dahil gusto kong maramdaman. “Hey…” Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Calvin sa likuran ko. “Are you okay?” ta
BINALIKAN namin ni Calvin sina Tiya Esperanza at Ate Gladys. "Anong napag-usapan ninyong dalawa?" tanong ni Ate Gladys na malawao ang ngiti. Nagkatinginan kami ni Calvin at napangiti ako sa kanya saka muling humarap sa tiya ko at pinsan. "Pinag-usapan lang po namin ang pagtira ninyo dito. At ang mga dapat ninyong sundin habang nandito kayo,” mahinahon kong dugtong, pero sinigurado kong malinaw ang bawat salita ko. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Ate Gladys, pero nanatili ang pilit niyang ngiti. “Talaga? Parang ang formal naman.” “Dapat lang,” malamig na singit ni Calvin habang umupo sa sofa. “This is still my house.” Napatingin sa kanya si Tiya Esperanza, saka bahagyang tumango. “Siyempre naman, iho. Ano-ano ba ang mga rules na ‘yan?” Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Una..." sabi ko, pilit pinatatag ang boses. "Temporary lang ang stay ninyo dito. Hindi po ito permanenteng tirahan.” “Pangalawa..." dugtong ni Calvin. “You respect boundaries. Lahat ng private areas
"TUTAL, malapit na ang kasal ninyong dalawa... dito na rin kami titira ng anak ko sa mansyon niyo, Calvin," parang sabi ni Tiya Esperanza. Nagulat ako sa sinabi ni Tiya Ezperanza. Napatingin ako kay Calvin. Naghahanap ng kahit anong reaksyon mula sa kanya, pagtutol man lang o kahit pag-aatubili. Pero nanatili siyang tahimik, malamig ang ekspresyon, parang pinag-iisipan ang bawat salitang sasabihin. “Tiya…” mahinang sambit ko, pilit pinipigilan ang sarili. “Hindi po ba masyadong biglaan?” Ngumiti si Tiya Esperanza, pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. “Ano ka ba naman, iha? Pamilya naman tayo. At saka..." bahagya niyang hinaplos ang buhok ng anak niya. “Wala kaming ibang matatakbuhan ngayon.” Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Parang may mali, hindi lang basta paghingi ng tulong ang tono niya. May halong kumpiyansa… na para bang sigurado na siyang papayag kami. “Calvin,” muli akong napatingin sa kanya, halos pabulong. “May sasabihin ka ba?” Ilang segundo siyang nanahimik
LIMANG araw ang nakalipas, halos tapos na ang preparation para sa kasal namin ni Calvin. Hindi muna siya pumapasok sa kompanya, pansamantala ay si Tito muna ang pumalit kay Calvin. "Ma'am Elisa, may bisita po kayo. Nasa labas po," napaharap ako sa kasambahay na naglalakad palapit sa akin. "Sino po, Ate?" "Tiya at pinsan mo raw po." Napatayo ako nang malaman na dumating si Tiya Esperanza. Parang kusang nanlamig ang mga kamay ko. Hindi ko inaasahan na pupunta sila. Lalo na ngayon, ilang araw na lang bago ang kasal. “Ay… p-papasukin mo na lang po sila,” sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Okay po, Ma’am,” sagot ng kasambahay bago tumalikod. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang kaba sa dibdib ko. Kilala ko si Tiya Esperanza at lalo na si Ate Gladys. Hindi sila basta pupunta nang walang dahilan. Ilang sandali pa, narinig ko na ang tunog ng mga yapak mula sa may pintuan. “At aba, ang laki na pala ng bahay,” narinig kong komento agad ni Tiy
GINAWA nga ni Calvin ang sinabi niya. Halos hindi na nga niya ako bigyan ng gagawin para sa aming magiging kasal. Sa halip, siya mismo ang kumikilos para sa lahat. Mula sa pakikipag-usap sa coordinator hanggang sa pagpili ng venue at suppliers. Minsan ko siyang nahuhuling may kausap sa telepono, tahimik pero diretsahan ang mga sinasabi, parang sanay na sanay na siya sa ganitong mga bagay. Ako naman… nakaupo lang sa gilid, pinapanood siya. “Do you want to see the sample invitations?” tanong niya minsan habang may hawak na folder. Umiling ako nang bahagya. “Ikaw na lang ang pumili.” Saglit siyang tumingin sa akin, parang sinusuri ang reaksyon ko. “You don’t have any preference?” Napayuko ako sandali bago sumagot. “Wala naman akong masyadong alam sa mga ganito.” Hindi siya agad sumagot. Ilang segundo ang lumipas bago niya ipinatong ang folder sa mesa at lumapit sa akin. “Then trust me,” mahinang sabi niya. “I’ll handle everything.” Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang in
TINAWAGAN ko si Calvin, nasa labas siya ng ospital. Naghihintay sa loob ng sasakyan. Nagpaalam ako sandali kay Giselle na lalabas at babalik din kaagad. "Nadala mo na ba?" Bungad kong tanong sa kaibigan ko. May kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya at inabot sa akin. "Iyan ang nabili ko, ayon sa
PANAY ang tingin ko sa phone ko habang nakahiga sa kama. Hindi pa tumatawag si Adrian, ni hindi kami nakapag-usap ng isang buong araw. Miss na miss ko na siya. Nasabi ko na kay Romano ang gusto kong sabihin at buo na ang desisyon ko. Ikakasal ako kay Adrian. Napahinto ako nang bumukas ang pinto n
BUONG magdamag na hindi ako nakatulog dahil sa pag-iisip ng tungkol sa mag-aama. Umaga na at ito ako dilat na dilated pa rin ang mga mata. Hindi naman dapat akong maapektuhan ng ganito dahil unang-una hindi pa ako pumayag na magpakasal kay Romano. Ideya iyon ni Mama para nakaligtas sa kahihiyan. N
MARAHANG hinaplos ako ni Mama sa braso, na agad ko ring ikinalingon sa kanya. "Tandaan mo, Giselle, ang gagawin mo ay para na rin sa ikabubuti ng lahat..." Tinanguan ko si Mama at pilit na ngumiti. "Tibayan mo ang loob mo. Saka, isipin mo ang batang nasa sinapupunan mo. Malapit nang mabuo ang pa







