Share

Kabanata 220

Author: RIDA Writes
last update publish date: 2025-11-28 21:01:34

“GISELLE, pinili kong bumalik. Pinili ko na harapin ka ngayon kahit na sobra ang takot ko sa galit mo. Pinili kong harapin lahat ng kasalanan ko sa'yo. Kasi—”

“Kasi tapos ka na sa kung ano mang pinag-abalahan mo?” humalakhak siya nang mapait. “Ganun ba? Ngayon na lang? Parati ka namang ganyan, Adrian. Iniiwan mo 'ko kapag may problema ka."

Napailing ako. Hindi iyon totoo.

“Hindi iyon ang dahilan ko,” bulong ko.

“Then what, Adrian? Ano? Ganoon mo lang ako kadaling iwan, pagkatapos babalik ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 347

    LIMANG araw ang nakalipas, halos tapos na ang preparation para sa kasal namin ni Calvin. Hindi muna siya pumapasok sa kompanya, pansamantala ay si Tito muna ang pumalit kay Calvin. "Ma'am Elisa, may bisita po kayo. Nasa labas po," napaharap ako sa kasambahay na naglalakad palapit sa akin. "Sino po, Ate?" "Tiya at pinsan mo raw po." Napatayo ako nang malaman na dumating si Tiya Esperanza. Parang kusang nanlamig ang mga kamay ko. Hindi ko inaasahan na pupunta sila. Lalo na ngayon, ilang araw na lang bago ang kasal. “Ay… p-papasukin mo na lang po sila,” sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Okay po, Ma’am,” sagot ng kasambahay bago tumalikod. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang kaba sa dibdib ko. Kilala ko si Tiya Esperanza at lalo na si Ate Gladys. Hindi sila basta pupunta nang walang dahilan. Ilang sandali pa, narinig ko na ang tunog ng mga yapak mula sa may pintuan. “At aba, ang laki na pala ng bahay,” narinig kong komento agad ni Tiy

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 346

    GINAWA nga ni Calvin ang sinabi niya. Halos hindi na nga niya ako bigyan ng gagawin para sa aming magiging kasal. Sa halip, siya mismo ang kumikilos para sa lahat. Mula sa pakikipag-usap sa coordinator hanggang sa pagpili ng venue at suppliers. Minsan ko siyang nahuhuling may kausap sa telepono, tahimik pero diretsahan ang mga sinasabi, parang sanay na sanay na siya sa ganitong mga bagay. Ako naman… nakaupo lang sa gilid, pinapanood siya. “Do you want to see the sample invitations?” tanong niya minsan habang may hawak na folder. Umiling ako nang bahagya. “Ikaw na lang ang pumili.” Saglit siyang tumingin sa akin, parang sinusuri ang reaksyon ko. “You don’t have any preference?” Napayuko ako sandali bago sumagot. “Wala naman akong masyadong alam sa mga ganito.” Hindi siya agad sumagot. Ilang segundo ang lumipas bago niya ipinatong ang folder sa mesa at lumapit sa akin. “Then trust me,” mahinang sabi niya. “I’ll handle everything.” Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang in

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 345

    SA paglabas ko ng silid namin ni Calvin, napansin ko agad ang amoy ng pagkain na nagmumula sa ibaba. Humakbang ako pababa ng hagdan, mabagal, ingat na ingat sa bawat hakbang. Nang makarating ako sa kusina, natigilan ako. Naroon si Calvin. Nakatayo siya sa harap ng stove, abala sa niluluto. Nakasuot lang siya ng simpleng shirt, bahagyang magulo ang buhok na tila bagong gising o hindi pa talaga nag-ayos. Saglit akong hindi gumalaw. Napangiti akom Parang hindi bagay sa kanya ang eksenang iyon. Pero ang natural niyang dating ay parang gusto kong pagmasdan. Napansin niya ang presensya ko. Lumingon siya at nagtagpo ang mga mata namin. "Good morning," sabi niya, kalmado ang boses. Hindi ko napigilang bahagyang ngumiti. "Good morning." Ibinalik niya ang atensyon sa niluluto, saka nagsalita ulit. "You’re awake earlier than I expected." Dahan-dahan akong lumapit sa may mesa at naupo. "Ikaw pala ‘yong wala sa tabi ko kanina," mahina kong sabi, halos parang obserbasyon lang. Sandaling t

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 344

    PAGPASOK pa lang namin sa loob ng silid, mas lalo kong naramdaman ang kakaibang tahimik na kapayapaan. Dahil kay Tiya Esperanza, hanggang ngayon ay nabubuhay ako. Hindi man maganda ang naging trato nila sa akin ay itinuturing ko pa rin silang pamilya. Dahan-dahan akong pumasok, hawak pa rin ang tiyan ko. Huminto ako sa gitna ng silid at iginala ang paningin. "Do you want something?" tanong ni Calvin sa likuran ko. Napalingon ako sa kanya. "Wala…" mahinang sagot ko. Tumango siya, tila sapat na sa kanya ang sagot ko. Lumapit siya sa may gilid ng kama at bahagyang hinila ang kumot para ayusin. "You can rest. Magpahinga ka muna." Umiling ako. "Okay lang ako." Saglit siyang tumigil sa ginagawa niya at tumingin sa akin. "Elisa." Sa tono pa lang ng boses niya, alam kong hindi iyon basta pangalan ko lang. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. "You don’t have to act strong all the time," mahinahon niyang sabi. Hindi ako nakasagot agad. Parang tinamaan ako. Dahan-dahan akong n

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 343

    UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata ko. Hindi na ako umiwas. Ngayon, hindi na. "Sapat na, Ate." Mahina ang boses ko pero malinaw. Hindi na nanginginig tulad kanina. "Pwede mo akong maliitin. Pwede mo akong sabihan ng kung ano-ano…" saglit akong huminga, pilit inaayos ang sarili. "Pero huwag mong idamay ang Mama ko." Napairap siya. "Bakit? Totoo naman ah—" "Hindi mo siya kilala," putol ko. Ngayon, direkta ko na siyang tinitigan. "At lalong hindi mo alam kung anong pinagdaanan namin." Saglit siyang natigilan, marahil hindi inaasahan na sasagot ako. "Ano ngayon?" taas-noo niyang sagot. "Kahit anong sabihin mo, buntis ka pa rin na hindi kasal. Kahihiyan ka pa rin ng pamilyang ‘to." Masakit. Pero hindi na ako uurong. "Hindi po ako kahihiyan," mahinahon kong sabi. "Nagkamali man ako sa paningin ninyo… pero pinaninindigan ko ‘to." Napatingin ako kay Tiya Esperanza. "Tiya, hindi ko po hinihingi na tanggapin n’yo ako. Pero sana… kahit respeto man lang." Tahimik lang siya. Walang s

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 342

    "MA, andito pala ang bastarda mong pamangkin..." narinig kong sabi ng pinsan kong si Ate Gladys. Magkaedad lang kami ni Ate Gladys. Pero matandang kapatid ni Mama si Tiya Esperanza. Kaya ako ang palaging nagpapakumbaba kay Ate Gladys. Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko. Sanay na ako sa ganitong salita mula sa kanya, pero sa tuwing naririnig ko iyon, parang may kumikirot pa rin sa dibdib ko. "Gladys..." mahinang saway ni Tiya Esperanza, pero halata sa boses nito na wala iyong bigat. Bahagya akong napayuko at pilit na ngumiti. "Magandang gabi po, Tiya… Ate," bati ko, kahit ramdam ko ang panlalamig ng paligid. Napataas ang kilay ni Ate Gladys habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa. "Wow ha, mukhang may lakad. Saan ka pupunta? O baka naman… may lalaki ka na namang uutakan?" Napakurap ako sa sinabi niya. "Wala po, Ate. May… importante lang po akong sasabihin." "Talaga?" Umupo siya sa sofa at in-cross ang mga braso. "E di sabihin mo. Nakikinig kami." Napatingin ak

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 074

    NAKATULALA pa rin ako habang palabas ng opisina ng HR. Hindi makapaniwala na si Sir Adrian ay isa sa may-ari ng pinapasukang kompanya ni Eliza. Paano nangyari 'yon? Tanong na pabalik-balik sa isip ko. Agad akong sinalubong ni Eliza at hinawakan sa braso. Napatingin ako sa kaibigan ko, para akon

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 063

    INIHINTO ni Sir Adrian ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay namin. Nang tumigil ang sasakyan ay hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Kusa ko nang binuksan ang pintuan at dali-daling lumabas. “Giselle, wait…” tawag niya mula sa loob ng kotse, pero hindi na ako nagtangkang lumingo

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 067

    Adrian's POV "MUKHANG nahuhumaling ka na diyan sa sekretarya mong 'yan, Adrian. Parang minamaya-maya mo na ata siya..." sabi ng kaibigan kong si Calvin. After kina Giselle ay dumiretso ako sa bar. Plano ko lang mag-stay ng ilang oras at uuwi na sa mansyon. Konting unwind to get my stressed out. H

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 066

    NAPIPILITAN na umupo ako sa sopa habang hawak ni Sir Adrian ang tasa ng kape. "Sana pagkatapos mong maubos ang kape, umuwi ka na po. Magpapahinga na rin ako," madiing sabi ko. Sumulyap sa akin si amo. Seryoso ang kanyang tingin. Pero, naalarma ako nang tumayo siya at tumabi ng upo sa akin. Imag

    last updateLast Updated : 2026-03-20
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status