Mag-log inPAGPASOK pa lang namin sa loob ng silid, mas lalo kong naramdaman ang kakaibang tahimik na kapayapaan. Dahil kay Tiya Esperanza, hanggang ngayon ay nabubuhay ako. Hindi man maganda ang naging trato nila sa akin ay itinuturing ko pa rin silang pamilya. Dahan-dahan akong pumasok, hawak pa rin ang tiyan ko. Huminto ako sa gitna ng silid at iginala ang paningin. "Do you want something?" tanong ni Calvin sa likuran ko. Napalingon ako sa kanya. "Wala…" mahinang sagot ko. Tumango siya, tila sapat na sa kanya ang sagot ko. Lumapit siya sa may gilid ng kama at bahagyang hinila ang kumot para ayusin. "You can rest. Magpahinga ka muna." Umiling ako. "Okay lang ako." Saglit siyang tumigil sa ginagawa niya at tumingin sa akin. "Elisa." Sa tono pa lang ng boses niya, alam kong hindi iyon basta pangalan ko lang. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. "You don’t have to act strong all the time," mahinahon niyang sabi. Hindi ako nakasagot agad. Parang tinamaan ako. Dahan-dahan akong n
UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata ko. Hindi na ako umiwas. Ngayon, hindi na. "Sapat na, Ate." Mahina ang boses ko pero malinaw. Hindi na nanginginig tulad kanina. "Pwede mo akong maliitin. Pwede mo akong sabihan ng kung ano-ano…" saglit akong huminga, pilit inaayos ang sarili. "Pero huwag mong idamay ang Mama ko." Napairap siya. "Bakit? Totoo naman ah—" "Hindi mo siya kilala," putol ko. Ngayon, direkta ko na siyang tinitigan. "At lalong hindi mo alam kung anong pinagdaanan namin." Saglit siyang natigilan, marahil hindi inaasahan na sasagot ako. "Ano ngayon?" taas-noo niyang sagot. "Kahit anong sabihin mo, buntis ka pa rin na hindi kasal. Kahihiyan ka pa rin ng pamilyang ‘to." Masakit. Pero hindi na ako uurong. "Hindi po ako kahihiyan," mahinahon kong sabi. "Nagkamali man ako sa paningin ninyo… pero pinaninindigan ko ‘to." Napatingin ako kay Tiya Esperanza. "Tiya, hindi ko po hinihingi na tanggapin n’yo ako. Pero sana… kahit respeto man lang." Tahimik lang siya. Walang s
"MA, andito pala ang bastarda mong pamangkin..." narinig kong sabi ng pinsan kong si Ate Gladys. Magkaedad lang kami ni Ate Gladys. Pero matandang kapatid ni Mama si Tiya Esperanza. Kaya ako ang palaging nagpapakumbaba kay Ate Gladys. Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko. Sanay na ako sa ganitong salita mula sa kanya, pero sa tuwing naririnig ko iyon, parang may kumikirot pa rin sa dibdib ko. "Gladys..." mahinang saway ni Tiya Esperanza, pero halata sa boses nito na wala iyong bigat. Bahagya akong napayuko at pilit na ngumiti. "Magandang gabi po, Tiya… Ate," bati ko, kahit ramdam ko ang panlalamig ng paligid. Napataas ang kilay ni Ate Gladys habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa. "Wow ha, mukhang may lakad. Saan ka pupunta? O baka naman… may lalaki ka na namang uutakan?" Napakurap ako sa sinabi niya. "Wala po, Ate. May… importante lang po akong sasabihin." "Talaga?" Umupo siya sa sofa at in-cross ang mga braso. "E di sabihin mo. Nakikinig kami." Napatingin ak
NAPAHAWAK ako sa may kalakihan kong tiyan. Nakaupo ako sa kahoy na upuan habang naglalakad si Tiya Esperanza. "Magpapakasal ka?" tanong niya at agad akong tumango. "Alam na ba ito ng Mama mo?" Isa pang tanong niya. Napayuko ako. Saglit akong napahigpit ang hawak sa aking tiyan bago sumagot. "Wala na po si Mama…" mahina kong tugon. Natigilan si Tiya Esperanza sa paglalakad. Dahan-dahan siyang humarap sa akin, tila hindi inaasahan ang sagot ko. "Ano’ng ibig mong sabihin?" maingat niyang tanong. "Matagal na po… hindi ko na rin alam kung saan siya," dagdag ko, pilit pinipigilan ang bigat sa dibdib ko. Napabuntong-hininga siya at tuluyang umupo sa harap ko. Ilang segundo siyang natahimik, saka ako tinitigan nang masinsinan. "Kaya ikaw na lang mag-isa ang magpapasya para sa sarili mo?" tanong niya, hindi galit, kundi puno ng pag-aalala. Tumango ako. "Opo, Tiya… at gusto ko pong panindigan ang desisyon ko." Napatingin siya sa tiyan ko. Hindi niya kailangang itanong kung ano ang d
"ELISA, when you tell your parents that you are getting married to Calvin? Aba, lumalakad ang araw. Baka gusto ninyo nang ganapin ang kasal sa lalong madaling panahon..." tanong ni Tita. Hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil nakagisnan ko naman na walang mga magulang. "Tita, susubukan ko pong puntahan ang Tiya ko para ipaalam sa kanila ang tungkol sa pgbubuntis ko..." sagot ko na tila nag-aalangan. Nagkatinginan ang mag-asawa. Parang may hindi sila sinasabi, pero ramdam ko na may iniisip sila. “Wala ka bang contact sa kanila, hija?” mahinang tanong ni Tita, mas naging malumanay ang boses. Bahagya akong napayuko. “Matagal na po kasi kaming hindi nagkikita…” amin ko. “At hindi rin po maganda ang huling pag-uusap namin.” Tahimik na nakinig si Tito, habang si Tita naman ay tila naaawa ang tingin sa akin. “Pero kailangan pa rin nilang malaman,” dugtong ko, pilit pinatatatag ang sarili. “Kahit paano… pamilya ko pa rin sila.” “Gusto mo bang samahan ka ni Calvin?” tanong ni T
NAGDIDILIG ako ng mga halaman sa garden habang si Calvin ay nakaupo at nagbabasa ng newspaper. Naka-leave pa siya at ang Daddy niya muna ang namamahala sa kompanya habang nagpapagaling si Calvin. "Hi. Good morning.." narinig kong bati ng isang babae. Agad akong napalingon sa gawi ni Calvin. Andoon si Samantha, ang tamis-tamis ng ngiti nito. "I've heard what happened. Sorry hindi ako nakapunta sa ospital para dalawin ka, Calvin," sabi ni Samantha. Akala ko ba aalis na siya sa bansa. Bakit andito pa siya? Bahagyang tumigas ang pagkakahawak ko sa hose habang nakatingin sa kanila. Nasa harap ni Calvin si Samantha. Maayos, elegante at parang walang nangyari sa pagitan nila noon. “It's okay,” kalmadong sagot ni Calvin habang ibinababa ang hawak niyang dyaryo. “I’m fine now.” Napansin ni Samantha ang benda sa braso nito kaya agad itong lumapit. “You don’t look fine,” may halong pag-aalala sa boses niya. “You should still be resting.” “I am resting,” tipid na sagot ni Calvin. Hindi
SABAY kaming kumain ni Adrian. At pagkatapos ng aming agahan, muli na namang naulit ang aming pagniniig. Everything feels so colorful. Maliwanag ang bawat nakikita ko sa paligid, para bang ang lahat ay maganda at puno ng saya. Parang unti-unti akong nahuhulog sa isang mundo na siya lang ang dahil
"TATANGGAPIN mo ba ang flowers? Nangangalo na ang mga kamay ko, Giselle," biglang nasambit ni Adrian. Nahiya naman ako kaya dalii-dali kong kinuha ang bulaklak mula kay Adrian. "Sorry. Natuwa lang ako sa pa-props mo. Hindi mo naman na kailangan na gawin ito. Pati itong flowers," sabi ko na inamoy
"SIR, the dinner is ready," imporma ng staff ng resort nang pumasok ito sa aming villa. Tumango lang si Adrian at umalis na ang staff. Napalingon ako kay Adrian. Naguluhan at nagtataka ang mga tingin ko sa kanya. Habang siya ay kalmadong nakapamulsa lang at nakangiti sa akin. "Nagpareserved ka ba
MAINIT ang hininga niya sa aking leeg, na paulit-ulit na bumabangga sa balat ko. Hindi lang haplos ang nararamdaman ko, may kasamang kuryente at panginginig na bumabalot sa buo kong katawan. Ramdam ko ang bigat niya sa ibabaw ko, pero imbes na makaramdam ng bigat, para akong nakalutang. Ang mga da







