LOGINNILAPITAN ako ni Mommy. Hinawakan ako sa balikat. "Son, let's go home..." aya niyang sabi. Hindi ako agad kumilos. Nakatayo lang ako sa harap ng altar, suot ang barong, habang nakatitig sa pintuan ng simbahan. Umaasang anumang oras, bubukas iyon at papasok si Elisa… suot ang puting bestida, dala ang pangakong ako pa rin ang pinili niya. "Mom… sandali lang," mahina kong sabi. Tiningnan niya ang relo sa kanyang pulso, halatang kinakabahan na rin. "Calvin, it’s been an hour." Isang oras. Isang oras na pala akong nakatayo rito, paulit-ulit na niloloko ang sarili ko na darating pa siya. Unti-unti nang nag-uusap-usap ang mga bisita. May ilan nang tumatayo, may mga bulungan, may mga matang nakatingin sa akin, punong-puno ng awa. Mas masakit pa ’yon kaysa galit. "She’s not coming…" marahan ngunit siguradong sabi ni Mommy. Parang may bumagsak sa dibdib ko. Napapikit ako, pilit pinipigilan ang panginginig ng labi ko. "Darating siya, Ma," matigas kong sabi, kahit ako mism
NAPATITIG ako kay Elisa. Pigil na pigil ko ang aking paghinga. Gusto kong marinig ang magiging sagot niya kung papayag pa rin siyang magpakasal sa akin. "C-Calvin..." sambit niya sa pangalan ko. "Will you still marry me? Elisa, alam kong nagkamali ako sa'yo. I will not demand you to forgive me that fast. But I want you to marry me. Tatanggapin ko ang lahat ng cold treatment mo sa akin," mahabang litanya ko, hindi ko alam na tumutulo na ang mga luha ko sa mata. "Please..." Napatitig si Elisa sa akin. Tahimik. Walang galaw. Para bang tinitimbang niya ang bawat salitang binitiwan ko. Humugot siya ng malalim na hininga bago marahang umiling. “Calvin…” mahina niyang ulit, pero mas buo na ang boses niya ngayon. “Hindi ganon kadali.” Parang may kumuyom sa dibdib ko. Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagalit. Pero mas masakit ‘yon. Yung kalmadong pagtanggi niya. “Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa mo?” tanong niya, diretsong nakatingin sa mga mata ko. “Araw-araw kong iniisip kung
NAKASANDAL lang ang likod ko sa swivel chair ko at nakalagay ang dalawang palad sa batok ko. Habang nakatingala't nakatingin sa kisame. Tatlong araw na lang at idadaos na ang kasal namin ni Elisa. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang pasya niya. Napatigil ako sa malalim kong pag-iisip nang marinig ang yabag papalapit sa akin. "Hijo, anak..." napaayos ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Mommy. "Mom." Tumayo ako at nilapitan ko siya. Saka hinalikan siya sa pisngi. Hinawakan niya ang kamay ka at iginiya paupo sa sopa. “I know how you feel, son…” Napayuko ako at napabuntong-hininga. “Do you really, Mom? Kasi ako… hindi ko na alam kung ano’ng mararamdaman ko.” Mahinahon niya akong tinapik sa kamay. “You love Elisa. Kita naman sa’yo. Pero natatakot ka… na baka hindi ka niya piliin.” Napapikit ako. Parang mas lalong bumigat ang dibdib ko sa narinig ko. “She has every reason not to choose me,” mahinang sagot ko. “I hurt her, Mom. I let Samantha ruin everything. Hina
"CALVIN, ako ang dapat na pakasalan mo! Hindi ang bastardang 'yon!" Mga sigaw ni Samantha. Napailing-iling ako. "Kahit kailan ang lakas talaga ng loob mo. Hindi ka nahihiya sa ginawa mo at pagsisinungaling!" Natigilan si Samantha sa harapan ko, pero mabilis din siyang ngumiti. Yung ngiting halatang pilit at puno ng galit. “Ako?” tumaas ang boses niya. “Ako pa ngayon ang sinisisi mo? Calvin, gising! Ginawa ko lang naman ang dapat gawin!" Humakbang ako palapit sa kanya, hindi na nagpipigil. “Dapat?” mariin kong ulit. “Ang sirain ang relasyon namin ni Elisa? Ang magsinungaling? Ang ipilit ang sarili mo sa buhay ko?” Humigpit ang panga ko. “Wala kang karapatan na tawagin siyang bastarda.” Nanlaki ang mata niya, parang hindi makapaniwala sa narinig. “Talaga? Eh ikaw nga ang nagpaasa sa akin noon, Calvin!” sigaw niya. “Kung hindi ka naging malambot, hindi ako aasa!” Napatawa ako nang walang saya. “Hindi kita minahal, Samantha. Alam mo sa sarili mo 'yon. At malinaw ‘yon m
Calvin’s POV SA susunod na linggo na ang kasal namin ni Elisa. Pero hanggang ngayon… hindi pa rin niya ako napapatawad. Tumigil ako sa harap ng salamin, tinitigan ang sarili ko na parang hindi ko na rin kilala. Ang dami kong nagawang mali. At ngayon, lahat ng ‘yon… ako mismo ang nagbabayad. Huminga ako nang malalim, pero hindi pa rin bumigat ang dibdib ko. Dahil ang mas kinatatakutan ko, hindi lang na hindi matuloy ang kasal. Kundi ‘yung tuluyang mawala sila ni Elisa… at ang anak namin. Kumuyom ang kamao ko. “Hindi puwede,” mahina kong sabi sa sarili. Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. Kahit ilang beses pa niyang iwasan ako o ipagtabuyan. Kahit ilang beses pa niyang sabihing hindi pa siya handa. Hihintayin ko siya. Dahil alam kong mahal pa rin niya ako. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama. Sa tabi ko, naroon pa rin ang mga papel ng kasal. Mga detalye na dati, pinaplano namin nang magkasama habang nagtatawanan pa kami. Ngayon, ako na lang ang natitira. Pinikit ko ang mg
"HINDI ko alam kung titigil na si Samantha sa panggugulo sa amin ni Calvin. Ayoko na pati ang anak namin ay madadamay." Nasabi ko. Hinawakan ni Giselle ang kamay ko. "Alam ko ang takot mo, Elisa. Alam ko na hindi ka sigurado sa mga anong puwedeng kayang gawin ni Samantha, laban sayo. Para makuha si Calvin..." Napatingin ako ss kaibigan ko. “Giselle…” mahina kong sabi, parang doon ko inilalabas lahat ng bigat sa dibdib ko. “Hindi ko alam kung hanggang saan siya kayang lumayo.” Huminga siya nang malalim, saka umayos ng upo para mas harapin ako. “Pero hindi ka dapat mabuhay sa takot,” mahinahon niyang sabi. “Lalo na ngayon na buntis ka.” Napayuko ako. “Paano kung hindi siya tumigil?” tanong ko, halos pabulong. “Paano kung pati ako, pati ‘yung baby ko… madamay?” Sandaling tumahimik si Giselle. “Kung gano’n, hindi ka mag-isa," seryoso niyang sagot. Tumingin ako sa kanya. “Hindi ko hahayaang basta-basta ka lang galawin o guluhin,” dagdag niya. “Kung kailangan natin ng lega
"NAKALIMUTAN kong isauli ang singsing," sabi ko, sabay pa kami ni Eliza na napatingin sa singsing sa daliri ko. Tahimik kaming pareho habang nakatitig sa singsing na iyon. Isang maliit na bagay pero ang bigat-bigat sa dibdib ko. Parang lahat ng sakit, kahihiyan at alaala ay nakapaloob doon. “Gust
NAPADAKO ang tingin ko kay Viviane. Nasaksihan pa niya ang pangit na parte ng aming pamilya. "It's better you go back to the States, Viviane. Sasayangin mo lang ang oras at panahon mo rito. I will never go back to you. Hahanapin ko ang mag-ina ko at iuuwi ko sila rito," sabi ko na puno ng determin
PAGDATING ko sa harap ng altar, nag-abot ang aming mga mata. Mahinahong ngumiti si Adrian. “You look beautiful,” bulong ni Adrian habang marahan niyang inaabot ang kamay ko. “Thank you,” mahina kong sagot, pero ramdam kong ang bawat salitang iyon ay puno ng pagmamahal. "Hi po, Tita Gigi," bati n
"NO! Viviane, matagal na tayong tapos. At hindi kita fiancee!" Umalingawngaw ang boses ni Adrian sa buong simbahan. Napakagat ako ng labi at napahawak sa aking tiyan. Panay ang tulo ng luha ko. Lahat ng mga tao ay nakatingin sa amin. Para akong nanlamig. Gusto ko nang tumakbo palabas ng simbahan p







