Se connecter"MA, andito pala ang bastarda mong pamangkin..." narinig kong sabi ng pinsan kong si Ate Gladys. Magkaedad lang kami ni Ate Gladys. Pero matandang kapatid ni Mama si Tiya Esperanza. Kaya ako ang palaging nagpapakumbaba kay Ate Gladys. Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko. Sanay na ako sa ganitong salita mula sa kanya, pero sa tuwing naririnig ko iyon, parang may kumikirot pa rin sa dibdib ko. "Gladys..." mahinang saway ni Tiya Esperanza, pero halata sa boses nito na wala iyong bigat. Bahagya akong napayuko at pilit na ngumiti. "Magandang gabi po, Tiya… Ate," bati ko, kahit ramdam ko ang panlalamig ng paligid. Napataas ang kilay ni Ate Gladys habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa. "Wow ha, mukhang may lakad. Saan ka pupunta? O baka naman… may lalaki ka na namang uutakan?" Napakurap ako sa sinabi niya. "Wala po, Ate. May… importante lang po akong sasabihin." "Talaga?" Umupo siya sa sofa at in-cross ang mga braso. "E di sabihin mo. Nakikinig kami." Napatingin ak
NAPAHAWAK ako sa may kalakihan kong tiyan. Nakaupo ako sa kahoy na upuan habang naglalakad si Tiya Esperanza. "Magpapakasal ka?" tanong niya at agad akong tumango. "Alam na ba ito ng Mama mo?" Isa pang tanong niya. Napayuko ako. Saglit akong napahigpit ang hawak sa aking tiyan bago sumagot. "Wala na po si Mama…" mahina kong tugon. Natigilan si Tiya Esperanza sa paglalakad. Dahan-dahan siyang humarap sa akin, tila hindi inaasahan ang sagot ko. "Ano’ng ibig mong sabihin?" maingat niyang tanong. "Matagal na po… hindi ko na rin alam kung saan siya," dagdag ko, pilit pinipigilan ang bigat sa dibdib ko. Napabuntong-hininga siya at tuluyang umupo sa harap ko. Ilang segundo siyang natahimik, saka ako tinitigan nang masinsinan. "Kaya ikaw na lang mag-isa ang magpapasya para sa sarili mo?" tanong niya, hindi galit, kundi puno ng pag-aalala. Tumango ako. "Opo, Tiya… at gusto ko pong panindigan ang desisyon ko." Napatingin siya sa tiyan ko. Hindi niya kailangang itanong kung ano ang d
"ELISA, when you tell your parents that you are getting married to Calvin? Aba, lumalakad ang araw. Baka gusto ninyo nang ganapin ang kasal sa lalong madaling panahon..." tanong ni Tita. Hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil nakagisnan ko naman na walang mga magulang. "Tita, susubukan ko pong puntahan ang Tiya ko para ipaalam sa kanila ang tungkol sa pgbubuntis ko..." sagot ko na tila nag-aalangan. Nagkatinginan ang mag-asawa. Parang may hindi sila sinasabi, pero ramdam ko na may iniisip sila. “Wala ka bang contact sa kanila, hija?” mahinang tanong ni Tita, mas naging malumanay ang boses. Bahagya akong napayuko. “Matagal na po kasi kaming hindi nagkikita…” amin ko. “At hindi rin po maganda ang huling pag-uusap namin.” Tahimik na nakinig si Tito, habang si Tita naman ay tila naaawa ang tingin sa akin. “Pero kailangan pa rin nilang malaman,” dugtong ko, pilit pinatatatag ang sarili. “Kahit paano… pamilya ko pa rin sila.” “Gusto mo bang samahan ka ni Calvin?” tanong ni T
NAGDIDILIG ako ng mga halaman sa garden habang si Calvin ay nakaupo at nagbabasa ng newspaper. Naka-leave pa siya at ang Daddy niya muna ang namamahala sa kompanya habang nagpapagaling si Calvin. "Hi. Good morning.." narinig kong bati ng isang babae. Agad akong napalingon sa gawi ni Calvin. Andoon si Samantha, ang tamis-tamis ng ngiti nito. "I've heard what happened. Sorry hindi ako nakapunta sa ospital para dalawin ka, Calvin," sabi ni Samantha. Akala ko ba aalis na siya sa bansa. Bakit andito pa siya? Bahagyang tumigas ang pagkakahawak ko sa hose habang nakatingin sa kanila. Nasa harap ni Calvin si Samantha. Maayos, elegante at parang walang nangyari sa pagitan nila noon. “It's okay,” kalmadong sagot ni Calvin habang ibinababa ang hawak niyang dyaryo. “I’m fine now.” Napansin ni Samantha ang benda sa braso nito kaya agad itong lumapit. “You don’t look fine,” may halong pag-aalala sa boses niya. “You should still be resting.” “I am resting,” tipid na sagot ni Calvin. Hindi
MGA ilang araw pa ang nagdaan, naiuwi na namin si Calvin sa mansyon. Sinalubong kami ng parents niya. Hawak ni Calvin ang kamay ko na naglakad palapit sa mga magulang niya. "Welcome home, anak..." maluha-luhang sabi ni Tita. Nilapitan niya si Calvin at niyakap ng mahigpit. “Mom… huwag na po kayong umiyak. I'm okay.” pagpapakalma ni Calvin sa mom niya. Hindi pa rin napigilan ni Tita ang pagluha habang hinahaplos ang pisngi ni Calvin, para bang tinitiyak niyang totoo itong nasa harapan niya at hindi lang panaginip. “Akala ko… akala ko mawawala ka sa amin…” basag ang boses niyang sambit. “Hindi po mangyayari ‘yon,” marahan na sagot ni Calvin. “Hindi pa ako tapos dito.” Napangiti si Tito habang nakatayo sa gilid, pero halata sa mga mata niya ang pag-aalala na pilit niyang itinatago. Lumapit siya at marahang tinapik ang balikat ng anak. “You gave us a scare, son.” “Sorry, Dad,” sagot ni Calvin, bahagyang napayuko. “Hindi ko rin naman ginusto.” Napatingin sa akin si Tita pagkatapos
PINAGMAMASDAN ko si Calvin. Nakapikit ang mga mata niya na nakahiga sa kama. Limang araw na ang lumipas simula noong maganap ang aksidente. Hanggang ngayon naghihintay pa rin akong magising si Calvin. Mahina akong napabuntong-hininga habang marahang hinawakan ang kanyang kamay. Malamig iyon, ngunit naroon pa rin ang pamilyar na pakiramdam na parang ayaw kong bitawan. “Calvin…” mahinang tawag ko. Hindi ko alam kung naririnig niya ako. Pero umaasa pa rin ako. Napababa ang tingin ko sa mga kamay naming magkahawak. Hindi ko alam kung kakayanin kong wala siya sa tabi ko. Paano na lang ang anak namin? Ako, paano na lang ako? Hindi ko kayang mawawalan ng ama ang magiging anak namin. “Gumising ka na… please.” Bahagyang nanginig ang boses ko. “Ang dami mo pang pangako sa akin, ‘di ba? Hindi mo puwedeng kalimutan iyon.” Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. “Hindi mo puwedeng iwanan kami… lalo na ang anak natin.” Marahan kong pinisil ang kamay niya, parang umaasang kahit papaan
FLIGHT na namin pabalik sa Manila. Tulak-tulak ni Adrian ang dalawang maleta habang hawak niya ang isang kamay ko. Hindi siya nahihiyang may makakita sa kanya na ibang tao. Masarap din sa pakiramdam na binibigyan ako ng importansya ni Adrian. "Oh, my God! Adrian..." sabay kaming napalingon sa baba
NAKALAPAG na ang eroplano sa domestic. Buong biyahe na wala akong imik kay Adrian. Dahil may katabi siyang sawa na kanina pa lingkis nang lingkis sa kanya. "Giselle, let's go," aya ni Adrian na napalingon sa akin. Nauuna silang maglakad ni Charry habang si Richard at Mr. Madrigal ay magkasama sa l
INILAHAD ni Adrian ang isang kamay niya sa akin. "Come, Giselle. Let's take a walk..." aya niya na matamis na nakangiti sa akin. Napatingin ako sa kamay niya saka umangat ang tingin ko sa mukha niya. Napakagat ako sa labi. Ilang segundo rin akong natigilan bago ko dahan-dahang inabot ang kamay ni
TAAS ang noo akong naglakad at nang makalayo sa opisina ni Adrian ay doon ko na ibinagsak ang pinipigilan kong luha. Napahawak ako sa dibdib ko habang patuloy na umiiyak. Nilingon ko pa ang opisina ni Adrian. Naroon pa rin ang bigat sa puso ko, pero pilit kong pinatitibay ang sarili. Hindi na ako







