LOGIN"Hay, naku... Elisa, sinabi ko na sa'yo maglakad-lakad ka naman. Malapit ka nang manganak! Hanggang ngayon ba'y hindi ka pa rin tumitigil sa paggawa ng gawaing bahay?" Naiinis ngunit may halong pag-aalalang sumbat ni Mama, ang aking biyenan. Napapailing na lang ako habang pinakikinggan ang kanyang pangangaral. Yes! She is finally my wife now. We got married! And that day was truly the luckiest and happiest day of my life. Matapos ang lahat ng pagsubok at hirap na pinagdaanan namin, sa wakas ay buo na kaming pamilya. I promised myself and in front of God, I will never let her go nor hurt her again. She changed me completely—from being a careless and selfish man to someone who knows how to love and value what really matters. At ngayon, buwan na ang tiyan ni Elisa. We are expecting a baby boy soon! Ayon sa doktor at sa kanyang pakiramdam, lalaki ang aming ikalawang anak. Excited na kaming lahat lalo na ang aming panganay na si Calis. Lumapit ako sa kanila at inalalayan si Elisa
NAKALABAS na ng ospital si Mama. Ang sabi ng doktor ay ligtas na siya sa panganib. Malaking ginhawa iyon sa aking puso at isipan. Nakakuha na rin ako ng isang maliit na bahay para sa amin. Nakita muna iyon ni Giselle at Adrian. Sumang-ayon sila sa desisyon ko na bumukod. Dahil andito na si Mama, ayoko nang umasa pa sa kanila. May naipon naman ako habang nagtatrabaho sa ibang bansa. Bunga ng aking sakripisyo at pagod para sa kinabukasan namin ng aking pamilya. Pinagmamasdan ko ang maaliwalas na tahanang naipundar ko. Sariling pagod at pawis ko ang puhunan nito, at ang pinakamahalaga ay ang kasama ko rito ang aking inang minamahal at ang aking munting anghel na si Calis. "Maayos na ang mga gamit dito sa bahay mo, Elisa. Marunong ka rin palang pumili ng disenyo at ayos ng bahay," humahangang sabi ni Giselle habang nililibot ang bawat sulok ng aming bagong tahanan. Napangiti ako nang bahagya. "Salamat, Giselle. Ginawa ko ang lahat ng ito para lang magkaroon kami ng payapang matitirhan
SIMULA noong nagkaroon ng matinding sagutan at alitan sa pagitan nina Lego at Calvin, tila naglaho na parang bula ang presensya ng una. Hindi na ako kinausap ni Lego. Ni minsan ay hindi na niya ako pinuntahan o kinausap man lang upang makapaglinaw o makapag-usap kami. Sa kabila ng aking pagkalito at matinding damdamin, patuloy pa rin akong naghihintay sa kanya. Umaasa akong darating siya, kakausapin ako, at makakapag-usap pa kami nang maayos. Ngunit lumipas ang mga araw, linggo, at buwan—wala pa rin. Ang dati niyang walang sawang pagpapakita ng kalinga at pagmamahal ay napalitan ng lubos na katahimikan at pag-iwas. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong naramdaman ang kawalan. Ngunit sa kabilang dako, doon lalong lumapit at naging matiyaga si Calvin. Araw-araw siyang pumupunta, inaalagaan kami ni Calis, at ipinakita sa akin ang kanyang taos-pusong pagsisisi. Isang hapon, habang kasama ko si Calis at si Mama sa ospital. Kanina pa ako pinagmamasdan ni Mama. Nakita ko sa kanyang m
BUMALIK ako sa kuwarto naming mag-ina. Nanghihina na napaupo ako sa gilid ng kama. Parang wala na akong lakas sa aking mga buto. Ang bigat ng dinadala ko ay tila ba dudurog sa aking buong pagkatao. Napaiyak na lamang ako, napahagulhol ng iyak habang yakap nang mahigpit ang sarili ko. Ang mga alaala ng nakaraan, ang mga salitang binitawan ni Calvin, at ang pagmamahal na iniaalok sa akin ni Lego. Lahat iyon ay nagkakagulo sa aking isip at puso. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas sa ganitong sitwasyon. Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa gitna ng dalawang mundo na parehong mahalaga sa akin. Nanghihina ang aking isipan habang patuloy na dumadaloy ang mga luha sa aking mga pisngi. "Bakit kailangang maging ganito kahirap ang lahat? Bakit kailangang dalawa silang nagpapasakitan sa puso ko?" daing ko sa aking sarili habang ang dibdib ko ay tila sinisikipan ng matinding kirot. Sa isang dako ay si Calvin, ang ama ng aking anak. Ang lalaking minahal ko ng buong-buo ngunit siya ring sumira
NAPAILING ako. Hindi maintindihan ni Calvin na wala na kaming dapat balikan sa isa’t isa. Ang tanging nagdudugtong na lamang sa aming dalawa ay ang aming anak na si Calis. At iyon na lamang ang mananatili. Tapos na ang kabanata ng aming pag-iibigan. Wala nang natitira kundi responsibilidad at pagkakapantay-pantay para sa aming supling. "Tumayo ka diyan. Tapos na ang lahat sa atin, Calvin," mariin ngunit mahinahon kong sagot. "Ang tanging dahilan kung bakit tayo nagkikita at nagkakausap ay dahil kay Calis. Siya na lang ang ugnayan natin. Huwag mo nang hanapin ang pagmamahal na wala na. Huwag mo nang pilitin ang bagay na matagal nang namatay sa puso ko." Nanlaki ang mga mata ni Calvin at parang pinatay sa narinig. Napatayo siya at naglakad palapit ss akin. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko, nanginginig ang buong katawan sa halo-halong sakit at galit. "Hindi totoo iyan! Hindi ako maniniwala! Paanong mawawala ang pagmamahal mo? Ilang taon tayong nagsama, Elisa! Ikaw a
"ELISA, may bisita ka..." biglang sabi ni Giselle. Napaangat ang tingin ko sa kaibigan ko. "Sino?" Pero natigilan ako nang makita ko si Calvin. Hindi na ako pinatatahimik. Si Lego, ang Mommy niya tapos ngayon si Calvin. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa carpet habang katabi si Calis na naglalaro. Aalis na sana ako nang biglang may humawak sa aking braso. "Aalis ka na naman?" malamig na tanong ni Calvin habang mahigpit ang hawak sa braso ko. Napapikit ako sandali, saka dahan-dahang humarap sa kanya. Hindi ko inaasahan na gano’n siya kabilis gagalaw. "Calvin… bitawan mo nga ako," mahinahon pero matigas kong sabi. Hindi siya agad sumunod. Tinitigan niya ako, parang sinusubukang basahin ang laman ng isip ko. "Iiwanan ko na muna kayo. Mag-usap kayo ng maayos. Hindi ganyan na puro kayo away," sabat na singit ni Giselle, mabilis na kinuha si Calis sa akin. Bago pa ako magprotesta ay naglakad na paalis ang kaibigan ko. Napaharap ako kay Calvin. "Iyan na lang ba lagi?" tanong niya. "Tat
HALA! Anong sinasabi niya? Kung nakokonsensiya s'ya dahil sa nangyari sa amin. Wala iyong kaso sa akin. Ibinigay ko na sa kanya ang pinakaiingatan ko sa sarili ko. 'Di ko na kayang bawiin o ibalik pa ang nangyari. "Guilty po ba kayo dahil sa nangyari sa atin?" Seryosong tanong ko. Natigilan siy
PARANG nanuot sa buong pagkatao ko ang mga tinuran ni Sir Adrian. Parang hindi na tama ang ginagawa nito sa akin. Ang ganda ng bungad ng unang araw ko sa pagpasok sa trabaho. At mukhang minamalas ako. Napaharap ako sa antipatikong amo ko na ubod ng bastos. Madilim ang mukha na tinitigan ko siya.
PAGKATAPOS ng meeting ay may inihandang maliit na salo-salo ang mga Velasco sa loob ng conference room. Nakaupo lamang ako sa gilid at tinapay lamang ang kinakain. Ayokong makadaupang-palad ang bago kong amo. Hindi ako makahinga sa tuwing malapit siya sa akin. "Why only bread?" Mariin akong napap
"SH1T! Andito rin siya!" Sigaw ko bigla na ikinagulat ni Mama at Elisa. "Sino?" tanong ni Mama, seryoso itong napatingin sa akin. Habang si Elisa ay nangingiti. "H-Ho? Wala po, Ma.." nauutal kong sagot, sabay iwas ng tingin. Natigilan si Mama at pinakatitigan ako. Alam ko na mayroong tumatakb







