MasukClara Beatriz GonzalesDalawang buwan ang mabilis na lumipas. Napadpad ako sa isang maliit at tahimik na coastal town sa Visayas. Malayo sa matataas na gusali ng Makati, malayo sa usok ng EDSA, at higit sa lahat, malayo sa mga mata ng mga Romero.Dito, hindi ako si Clara Beatriz Gonzales na dating personal secretary ng pinakamayamang CEO sa bansa. Dito, ako si "Bea"—isang simpleng babaeng nagtatrabaho bilang assistant cashier sa isang lokal na bakery at mini-grocery store.Araw-araw, gumagising ako bago pa sumikat ang araw. Nagsisimula na rin magpakita ang kaunting usli sa aking tiyan. Bawat umaga, habang nakatitig sa salamin, inaaayos ko ang aking malaking eyeglasses na walang grado, itinatali nang mahigpit ang aking buhok, at sinisiguradong wala ni isang bakas ng lumang Clara ang makikita.Nakatulong nang malaki ang naiwan kong cash mula sa safe room at ang pagtitipid ko. Nakaupa ako ng isang maliit na kuwarto sa itaas ng tindahan ng mabait na matandang si Aling Nena."Bea, iha, ib
Clara Beatriz GonzalesAng dagat sa madaling-araw ay kasing dilim ng nararamdaman ko. Amoy alat, malansa, at diesel ang hangin sa maliit na pantalan. Bawat paghinga ko ay mabigat, hindi lang dahil sa pagod kundi dahil sa matinding kaba na kumakawala sa dibdib ko. Sa bawat yabag ko sa mga nabubulok na kahoy ng dock, ramdam ko ang banta ng panganib sa likuran ko."Bilisan mo, iha! Aalis na ang bangka!" sigaw ng isang matandang mangingisda, si Mang Isko. Siya ang natatanging tao na pumayag na isakay ako kapalit ng lahat ng perang hawak ko.Hindi na ako sumagot. Tumakbo ako nang mabilis kahit pa sumasakit na ang puson ko. Konting tiis pa, baby. Konting tiis pa.Nang marating ko ang dulo ng pantalan, halos mahulog ako sa tubig dahil sa bilis ng pangyayari. May mga ilaw na biglang tumutok sa direksyon ko mula sa main road. Mga flashlight. Hindi lang basta flashlight—ang mga spotlight ng mga itim na SUV na pamilyar na pamilyar sa akin."Nasa pantalan! Nandoon siya!" Isang boses ng lalaki ang
Clara Beatriz GonzalesRamdam ko ang bawat kabog ng puso ko sa bawat ikot ng gulong ng laundry van. Hindi ako mapakali sa loob ng madilim na espasyo, nakayakap sa aking sarili habang nakasilip sa maliit na siwang ng pintuan. Ang amoy ng mga panlinis at basang tela ay nakakahilo, pero mas matimbang ang takot na baka anumang oras ay maharang kami.Dumaan ang sampung minuto na parang sampung oras. Rinig ko ang ingay ng mga sasakyan sa labas. Mula sa siwang, nakita ko ang mga naglalakihang digital billboard ng EDSA—ang mga mukha ng mga pulitiko, ang mga anunsyo ng mga produkto, at doon, sa isang malaking screen, ang mukha ni Damon Ezekiel Romero.Romero Group shares rise after successful charity gala.Napahawak ako sa dibdib ko. Success. Siguro nga naging successful ang gala nila, pero ang buhay ko, gumuho na. Habang busy sila sa pagdiriwang, busy naman sila sa pagpapakalat ng mga tauhan nila para hanapin ako. Sigurado akong bawat CCTV sa kalsada, bawat checkpoint, ay babantayan na nila.
Clara Beatriz GonzalesBumuhos ang malakas na ulan habang nanginginig akong naglalakad sa madilim na eskinita. Basang-basa na ang damit ko, pero hindi ako pwedeng huminto. Naisip ko agad ang susunod na mangyayari—tiyak na ipapahanap ako ni Don Fernando sa buong lungsod, at siguradong malalaman din ito ni Damon kapag napansin niyang hindi ako pumasok sa trabaho.Pero may isa akong malaking oportunidad.Ngayong gabi gaganapin ang taunang *Romero Group Charity Gala* sa Grand Plaza Hotel. Ako ang nag-organisa ng programang iyon bilang personal secretary ni Damon, kaya kabisado ko ang bawat pasikot-sikot ng hotel—mula sa VIP holding rooms hanggang sa mga sikretong service exit sa basement na hindi binabantayan ng mga guard.At higit sa lahat, alam kong naroroon ang wallet na naglalaman ng nakatagong emergency cash na inipon ko, kasama ang passport ko na nasa loob ng safe sa aking opisina sa kwarto ng hotel staff.Kung gusto kong makalayo nang tuluyan sa Maynila, kailangan ko ang mga gamit
Clara Beatriz GonzalesPagkababa ko ng taksi sa tapat ng maliit kong apartment sa QC, nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Pumasok ako sa loob at mabilis na isinara ang pinto. Ini-lock ko ito nang tatlong beses at ibinaba ang latch bago ako tuluyang napaupo sa sahig, nakasandal sa malamig na pinto.Dito ako tuluyang naiyak. Bumigat ang buo kong katawan habang sinusubukang pigilan ang lakas ng hagulhol ko. Napakahirap tanggapin na ang lalaking minahal ko nang patago sa loob ng dalawang taon, ang lalaking inakala kong may kaunting pagtingin din sa akin, ay tingin lang pala sa akin ay isang bagay na madaling bayaran at itapon.Convenient.Iyon lang pala ako para kay Damon Ezekiel Romero. Isang pampalipas-oras. At ngayon na nabuo ang anak namin, balak pa niyang agawin sa akin ang iisang bagay na mag-uugnay sa amin—ang iisang bagay na akin talaga."Hindi ko ibibigay ang anak ko sa inyo," bulong ko sa gitna ng kadiliman ng apartment ko, habang hawak ang tiyan ko. "Hinding-hindi."Pero nang
Clara Beatriz GonzalesNanginginig ang kamay ko habang hawak 'yong manipis na white paper. Ang lamig at ang sikip sa pakiramdam ng clinic—para akong nabuhusan ng malamig na tubig.Positive. Four weeks pregnant.Pilit kong pinalalamig ang ulo ko habang nakatitig sa resulta. Magkahalong takot at hindi maipaliwanag na saya ang humaplos sa puso ko. Isang sanggol—isang buhay na nabuo mula sa amin ni Damon Ezekiel Romero.Si Damon. Ang lalaking makapangyarihan, malamig, at tinitingala sa mundo ng negosyo. Siya ang lalaking lihim kong minahal at pinaglingkuran bilang personal secretary sa loob ng dalawang taon. Kahit alam kong isa lang akong ordinaryong babaye sa buhay niya, nagbakasali ako. At ngayon, may bunga na ang mga gabi na kami lang dalawa ang magkasama.Huminga ako nang malalim at ngumiti nang bahagya. Siguro naman, kapag nalaman ni Damon ang tungkol dito, lalambot ang puso niya. Baka sakaling magbago ang lahat. Baka pwedeng maging isang totoong pamilya kami.Pagkalabas ko ng klinik







