Share

CHAPTER 2

Umusok ang ilong niya sa galit habang naglalakad sa pasilyo papalayo ng lugar na iyon.

Gigil na gigil si Scarlet pagdating sa loob ng madilim at maingay na club. Maririnig ang malakas na tugtog ng musika, kalansing ng nag-uumpugang mga bote at baso , halakhakan at kuwentuhan nang mga taong nag-iinuman.

Inagaw ni Scarlet ang shotglass ni Hera at walang sabi-sabing nilagok ang alak nito.

“Anong problema natin, Scarlet?”

“I almost got his attention. That guy! Ugh, he really pisses me off!” Ibinagsak niya ang baso sa sobrang inis. Napatingin ang mga lalaki sa kanilang tabi. “One more vodka please!” Order nito sa bartender.

“Gigil na gigil ka, girl ha! Sino ba ang kaaway mo?”

“Forget it! Let’s drink. Sagot ko!”

“Wohoo! Tuloy ang ligaya, guys!”

Gustong kalimutan ni Scarlet ang nakaraan. Kahit ipikit niya ang kanyang mga mata, buhay na buhay sa kanyang alaala ang gabing umuwi siya na duguan ang magkatabing katawan ng kanyang mga magulang.

“Mama! Papa!” Puno ng basyo ng bala sa loob ng kanilang kabahayan. Hindi masyadong pinatagal ang lamay bagkus ay pinalibing kaagad ang kanyang mama at papa bago siya pinaluwas ng Maynila upang tumira sa kanyang ninong sa Muntinlupa.

“Let’s dance to the beat, girls!”

“Yeah!” Hindi nagpaawat ang malalambot na balakang ng mga babae habang gumiling-giling sila sa gitna ng dance floor matapos ubusin ang alak.

Napilitang kupkupin ni Martin ang kanyang inaanak ng mamatay ang kanyang mga magulang. Pinaulanan ng bala ang kanilang tirahan sa Benguet. Hindi siya makapaniwala na wala ni isa ang makapagsabi kung sino ang may gawa ng krimeng iyon. Nawala ang ebidensiya sa presintong may hawak ng kaso ng balikan niya ito makalipas ang isang taon.

“Ano po? Ganito ba kayo kaluwag dito at ultimo ebidensiya ay nawala ninyo? Ilang kaso ang posibleng hindi malutas dahil sa kapabayaan ninyo?!” bulalas ni Scarlet sa pulis na kaharap niya.

“Magdahan-dahan ka sa pananalita mo,” paalala ng pulis.

“Eh, kayo na rin po ang may sabi na nawawala habang nasa custody ninyo ang ebidensiya. Paano po ako makakapagsampa ng kaso? Pati police report ay wala man lang kayong record. Anong silbi po ng presinto ninyo? Sigurado po ba kayong mapoprotektahan ninyo kami o nababayaran kayo ng mayayaman para itago ang katotohanan?”

“Manahimik ka na!” Umigkas ang kamay ng pulis at muntik ng sampalin si Scarlet sa tabil ng dila nito.

“Sarge! Ano bang problema rito?” Umalis si Scarlet.

Dinalaw niya ang puntod ng mga magulang at dumiretso upang magpa-tattoo kay Apo Wang-Ud.

“Apong, naimbag nga aldaw! ( Translation: Lola, magandang umaga! )” Ngumiti ang matanda na ngumunguya pa ng nganga. Idinura niya ito at nilingon ang babae.

“Anya ti kayat mo? Apay ket aradtoy ka? (Translation: Anong gusto mo? Bakit ka narito?)” Ipinakita niya ang isang larawan. Nakita ni Scarlet kung paano nanlaki ang mga mata ng matanda.

Mabilis na pumasok ang matanda sa kanyang silid. Sumunod ang dalaga. Hinubad niya ang kanyang kasuotan at hinagod ng matanda ang kanyang makinis at putim-puting balat. Muli siyang kinausap ng matanda sa kanilang lingguwahe. Hindi na mababago ang isip ng babae. Dumapa siya sa papag, isang kama na gawa sa kawayan at naglatag naman ng bagong-bagong banig saka malambot na unan.

Tumango na si Scarlet upang senyasan ang matanda na simulan na ang dapat gawin.

“Mukhang Mafia ang nakabangga ni Socorro.” Iyon ay alingangas sa lamay. Kunwari’y tulala lang si Scarlet at hindi iniintindi ang usapan ng matatanda.

“Imposibleng Mafia ang pumatay sa pamilya. Bakit ang pamilya ni Socorro? Anong kinalaman niya sa Mafia?”

Maraming katanungan ang sumisiksik sa isipan ni Martin. Maging si Bernadette ay pinagsabihan na rin siya na huwag nang makialam sa ganoong klase ng usapan dahil hindi iyon makabubuting marinig iyon ng dalaga.

Mahina ang ebidensiya nila lalo pa’t gabi naganap ang pamamaril.

Tumatak ang mga iyon sa isipan ni Scarlet. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga bagay na kanyang narinig. Hahanapin niya ang grupong posibleng pumatay sa kanyang mga magulang at pagbabayarin ang mga ito.

Samantala sa Firing Range, nilapitan ni Malachi ang ama. Tinapik siya ng isang lalaki sa balikat.

“Sino ba iyon, Iho? Nakilala mo ba?”

“Medyo mailap, Papa?”

“Aba, dapat eh bilis-bilisan mo, Iho! Pero hihigpitan mo ang hawak sa susunod para hindi na maagaw ha!” bulong ng lalaki na kamukha ng ama.

“I’ll keep that in mind, Tito Homer.” Nakababatang kapatid iyon ng kanyang ama.

Lulugu-lugong lumayo ang binata sa dalawa at hinayaan silang mag-usap. Bonding time nilang magkapatid iyon.

“Sundan ninyo ang babae at alamin kung sino siya? I like her to be my bride.”

“Masusunod, Boss!” Mafia Boss naman talaga ang dapat masunod higit kaninuman sa kanila. Napangisi si Ronaldo.

Magaling pumili ang anak ngunit mas mabilis kumilos ang ama. Definitely, the Mafia Boss got the final say. Siya dapat ang unang makinabang sa babae. Mas gusto niya ang mga bata at seksi dahil materialistic sila at madaling paikutin ng pera. Madali rin silang kausap at mabilis silang magdesisyon ng hindi pinag-iisipan.

Umuwi na lang si Malachi sa mansion at tinungo ang kuwarto ng kanyang mama.

“Hello, Ma!” Hinalikan niya ito sa noo. Iminulat ng hindi katandaang babae na bagama’t namumutla ay makikita ang kanyang natural na ganda.

“Kadarating mo lang ba, anak?”

“Yes, Ma! Huwag na po kayong bumangon. Tulog na lang po ulit kayo.”

“How’s your Papa?”

“He is okay.” Tumayo na si Malachi at tinalikuran na ang ina.

“Uuwi ba ang papa mo?” Napahinto si Malachi.

“Hindi pa po ba kayo sanay? He comes at the time least expected.” Para siyang magnanakaw na darating sa kalaliman ng gabi.

“Aki, iho…” mahinang tawag ni Lydda.

It was just a lie. Sa matagal na panahon, alam na niya ang klase ng lalaking minahal niya. Hindi naman siya nagsisisi rito dahil nabiyayaan siya ng tatlong mababait na lalaki. Ang dalawa ay nasa ibang bansa at si Malachi na lang ang wala pang asawa. Ah, muntik na sanang mag-asawa ngunit inagaw pa ng iba.

"Don't worry, maghahanap po ako ng babaeng higit pa sa kanya." pangako niya sa ina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status