Share

CHAPTER 3

Malachi Ronaldo is the youngest male alpha among the clan but not the strongest. The only heir to his father, the Mafia Boss but nothing in his character shows that he can be the next boss. Masyado siyang tapat sa kanyang kasintahan at hindi man lang niya naisip na isang araw ay lolokohin siya nito.

Sumama si Hadrianna sa kanyang pinsang si Animo.

Patakbo siya sa labas ng simbahan at mabilis na pinaalis ang driver sa bridal car upang sundan ang dalawa. Sinundan ng mga itim na sasakyan ang kotse ng binata. Sinigurado nilang hindi ito madidisgrasya.

Napasuntok siya sa manibela sa labis na sama ng loob. Matagal niyang hinintay ang araw na iyon ng kanilang pag-iisang dibdib. Ipinangako iyon ng kanyang pamilya na iingatan ang babae para sa kanya ngunit sa tulay pala siya tuluyang napaibig ng husto.

Dumiretso ang kanyang kotse sa entrance ng airport. Dahil sa ayos nila at sa mga alalay na nakasunod sa kanya, hindi na inabutan pa ni Malachi ang kasintahan at ang pinsan. Hindi na sumipot ang babae sa kanilang kasal.

“I am sorry, Malachi. I fell for your cousin. I am sorry!” And she hung up her phone.

“Ah! HADRIANNA! ANIMO!” Napasugod ang mga security guard ng paliparan sa pag-aakalang magkakaroon ng kaguluhan dahil sa mga alalay niya. Napaluhod si Malachi sa semento at tumulo ang kanyang luha sa sobrang sama ng loob.

Nagtiwala siya ngunit hindi pala dapat pagkatiwalaan si Animo.

“I need her.” Iyon lang ang narinig niya sa kanyang pinsan kaya niya naihagis ang kanyang cellphone.

“What do you need from her? Bakit siya pa? BAKIT SIYA PA?”

Nilunod ni Malachi ang sarili sa alak araw at gabi. Nagkulong siya sa kuwarto at hindi pinansin ang tawag ng kanyang ama hanggang sa puntahan na niya ito sa bahay.

“Lydda, ano bang ginagawa mo at hindi mo man lang kayang mapasunod ang anak mo?”

“Malaki na si Malachi at alam na niya ang kanyang ginagawa. Kung sa ganyang paraan lang siya makakalimot, hayaan mo siya. Hindi naman ‘yan magtatagal at lalabas rin siya ng kuwarto.”

Pagkarinig ni Malachi na nagdidiskusyon ang kanyang mama at papa ay nagmadali siyang tumayo sa kanyang kama at lumabas ng kuwarto.

“Papa…” Masakit pa ang kanyang ulo sa dami ng kanyang nainom.

“Anong plano mo sa buhay? Maging sunud-sunuran sa mga babae? Hindi kita pinalaking lampa at baliw para lang aksayahin mo ang iyong pagiging underboss dahil sa walang kuwentang babae.”

“Dahan-dahan kayo sa pananalita ninyo! Hindi walang kuwentang babae si Hadrianna!”

“Anong gusto mong itawag ko sa kanya? Kung matino siyang babae at kung mahal ka niya, hindi siya sasama sa pinsan mo! Nagagawa mo pa siyang ipagtanggol sa akin gayung kitang kita ang ebidensiya. Ipinahiya ka niya sa buong angkan natin at wala sa mga Ronaldo ang niloloko ng babae.”

“At wala rin akong tatay na babaero!” malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Aki.

“Ronaldo! Aki! Ano ba? Tama na!” awat ng ina. Pumagitna siya sa dalawang lalaki na parang nag-uumpugang bato.

“Wala akong anak na mahina! Ikaw ang inaasahan kong magiging tagapagmana ng ating grupo!”

“Never!” Iyon ang nasambit ni Malachi sa loob-loob niya.

Sa kabilang banda, sa loob ng simbahan ay taas- noong namamaypay si Barbara. Inismiran ang ilang kababaihang kanina pang nagtitinginan sa kanya.

“Huh, ako ba ang pinagpipiyestahan ninyo? Wow! Look who’s making a scene? That weakling is no match to my son. Siya ang mas karapat-dapat na maging underboss ng Yellow Tiger Group. Magaling ang anak ko, madiskarte at kayang-kaya niyang patunayan na karapat-dapat siya sa posisyon.”

“Ambisyosa!” sabi ng asawa ni Homer.

“Baka naman sa susunod ay si Ronaldo na ang iyong aagwin kay Lydda, aba’y mahiya ka naman.”

“Uso nga ang sulutan ng asawa, posisyon pa kaya? Hay, get real mga amigas! Hindi kayo mabubuhay sa kabutihan. Pare-pareho lang tayo ng bigas na kinakain!” matalas na sabi niya.

Lalong lumakas ang bulung-bulungan dahil sa kanyang malakas na bulong. Hindi na siya nahiya kay Lydda ng mga oras na iyon habang nabilad sa kahihiyan ang kanyang bunsong anak.

Dinig na dinig ni Lydda ang pagbabasag ng bote at pagwawala ni Malachi sa loob ng kanyang kuwarto. Paano pa niya maaawat ang anak sa tindi ng kamalasang kanyang naranasan ng araw na iyon? Ang bride niya ay sumama sa kanyang pinsan.

Si Hadrianna ay ipinagkasundo ng Blue Dolphin Group sa Yellow Tiger upang magsanib sana ang dalawang grupo pagdating ng takdang-oras. Maganda ang dalaga at malaki naman ang pagkagusto niya kay Malachi, dangan nga lang at masyado siyang nahulog sa matamis na dila ni Animo.

Ilang linggo lang naman ang ipinagmukmok ni Malachi. Pagkatapos nito ay sa mga alalay na lang siya sumama tuwing may lakad sila.

“Hindi na ako karapat-dapat maging underboss.”

“Bakit? Inamin mong under de saya ka! Tigilan mo ang pagmamaktol mo na parang bata, Malachi. Itayo mo ang bandera natin. Huwag mo akong ipahiya o gusto mong maghalo ang balat sa tinalupan sa pagitan namin ng Blue Dolphin para lang itayo ang dangal natin.”

“Pa, Yellow Tiger si Animo at puwede pa rin naming magsanib ang Blue Dolphin.”

“Eh, ano naman si Animo sa grupo natin, Iho? Anak ko ba siya?”

“Papa…”

“Why are you doing this to me, Malachi? Do you think that marriage will keep you away from Mafia? Who told you that?”

“I choose to get married. I choose to be a father. Lumaki ako sa pamilyang walang halos kinikilalang ama at ayokong maranasan iyon ng aking mga anak.”

“Angtaas ng pangarap mo, Iho. Iyon eh kung pahihintulutan ko!”

“Ganyan ba kayo kadesperado upang hadlangan ang kaligayahan ko, Papa? Buhay pa lang si Mama pero gusto na ninyo siyang patayin sa sama ng loob. Iyan ba ang ipapabao ninyo sa kanyang sa nalalabing araw niya?”

“Manahimik ka, Malachi! You have to lead this group. Hindi ko siya ipagkakatiwala sa kung sino lamang, tandan mo iyan!”

"Papa, hindi ito ang buhay na gusto ko!"

Tumawa ng malakas si Ronaldo at sabay - suntok ang kanyang ibinigay sa kanyang anak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status