Share

CHAPTER 8

Hindi alam ni Scarlet kung nasaan siya ng mga oras na iyon. Bago siya bumaba ay binuhat siya sa balikat ng isang taong may matipunong katawan at ipinasok sa isang kuwarto.

“Ibaba ninyo ako! Ibaba ninyo ako!”

“Oo na! Masyado naman kasing maingay ang bibig. O hayan!”

Nakahinga ng maluwag si Scarlet. Nakaramdam siya ng pagod kaya humilata siya sa malambot na kama at hinayaan niyang ipikit lang ang kanyang mga mata.

Naririnig niya ang mahihinang halakhak at pamilyar na boses na nag-uusap.

“Scarlet! Scarlet!” Kumaway ang lalaki sa kanya. Katabi niya ang isang babaeng ubod ng puti. May mahaba siyang buhok at mapupula ang kanyang mga labi.

“Mama! Papa!” Sa isang kisap-mata ay yakap na siya ng dalawa. “Mama, Papa, puwede bang dito na lang ako kasama ninyo?” Umiling ang kanyang ina. Tinapik naman siya ng kanyang ama.

“Natagpuan mo na siya, Iha. Masaya kami at mapapanatag na ang aming kaluluwa. Scarlet, masaya kami para sa iyo, Iha. Masayang masaya kami.”

“Mama! Papa! Huwag ninyo akong iwan. Ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status