Share

CHASING MALACHI
CHASING MALACHI
Author: Bb.Taklesa

CHAPTER 1

Posturang-postura si Scarlet habang papalabas siya ng kanyang kuwarto. Naka-full black siya ng kasuotan na animo’y may costume party na pupuntahan at mukha siyang si Catwoman sa kanyang damit. Dala niya ang kanyang green sling bag at hawak sa kamay ang cellphone.

Sinundan nina Jelo at Martin ng tingin ang pagbaba ng dalaga.

“Yeah, I’m coming. Wait for me, guys!” saka niya ibinaba ang tawag. “Ninong, I’ll just go out very quick! I’ll be back by midnight! Promise, I won’t be late,” sabay-halik sa pisngi ng lalaki.  “I got my keys here. Bye! See yah! See yah, Jelo. Let’s talk later.” Madaling-madali ang dalaga na naka-boots pa ng sapatos.

Nakaupo si Jelo sa sopa at kinawayan na lang niya.

“SCARLET!” Napailing na lang si Martin. Narinig na lang niya ang harurot ng kanyang kotse.

Wala siyang anak na babae ngunit pinasasakit ni Scarlet ang ulo niya sa tuwing aalis ito. Nagkatinginan na lang ang mag-ama. “Saan na naman ba pupunta ang kinakapatid mo?” tanong niya sa anak. Initsa sa kanya ang throw pillow.

“Hindi na po ba kayo nasanay sa kanya? Ilang taon na rin siyang ganyan?”

“Is she rebelling or what?”

“Papa, mabait naman po si Scarlet. Bakit naman ninyo naisip ang ganyan?”

Bumaba rin si Badeth at hindi na nag-usisa sa kanyang asawa. Alam na niya kung sino ang umalis. Iyon ang problema ni Martin. Gusto niyang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan ng babae sa tuwing umaalis siya. Hindi naman nagpupunta ang mga kaibigan nito sa bahay upang makilala man lang niya. Tumahimik na lang ang mag-ama dahil pagsisimulan lang iyon ng kanilang away.

Inampon nila si Scarlet ng maka-graduate siya sa kolehiyo. Malaya naman itong nakakakilos sa bahay nang kanyang ninong. Malapit naman siya sa buong mag-anak ngunit hindi lahat ay alam nila tungkol sa babae.

Tatlong lalaki kasi ang anak nina Martin at Bernadette kaya sa kagustuhan nila na magkaroon ng babae sa pamilya ay inampon na nila si Scarlet. Kasing edad niya ang panganay at malapit silang dalawa.

“Nakita ko sa Firing Range ngayon ang mga MIB, Scarlet. Agahan mo ang dating para maabutan mo pa sila roon,” sabi ng mensaheng natanggap ni Scarlet. Napatalon siyang bigla sa kanyang kinahihigaan. Kanina pa siyag niyayaya ng mga kaibigan na mag-bar-hopping ngunit binababaan lang niya ng tawag.

“Thanks, Jel. Good boy ka talaga!”

“Sis, magpaalam ka ng maayos kay Papa para hindi sila mag-alala.”

“Sure, Kuya!”

“Kuya-kuya ka pa. Siguraduhin mong hindi ka gagawa ng kalokohan.”

“OO na! Anghigpit mo naman! Buti na lang only girl ako.”

“Huwag kang uuwing buntis kundi malilintikan ka sa akin.”

“Sure, Kuya! Lab yu!”

“Maka-I love you ka. Mamaya makita pa ni Mara.” Binura niya ang mensahe ng babae.

“Alam ba ni Ninong na may girlfriend kana? Or alam ba ni Mara na girlfriend mo siya?” Hindi na nag-reply ang binata.

Inabutan pa rin naman ni Scarlet ang grupo ng mga kalalakihan sa Firing Range. Makaagaw pansin naman ang pagdating niya. Dumaan pa siya sa harapan kung saan nakaupo ang dalawang matandang lalaki nag-uusap ng masinsinan habang nakapaligid ang mga alalay na may isang dipa ang layo sa kanila. Samantalang may lalaking mag-isa lang nakaupo sa ‘di-kalayuan at nagkakape ng solo ang mesa kasama ang ilang alalay na nakatayo sa kanyang likuran, isang dipa rin ang layo sa kanya.

Siya lang ang mistulang bulaklak na kabilang sa grupo ng mga lalaking iyon. Lahat halos ay nakaitim. Hindi naman siya nilingon ng mga matatanda bagkus ng mga tauhan lang nito na halos sabay-sabay na nagbaba ng kanilang mga dark shades.

“Scarlet, nasaan ka na? Are you coming?”

“Just wait for me guys! I’ll just drop a bomb here and go where ever you are right now.”

Napailing naman ang kausap niya sa kabilang linya ng hindi maintindihan ang kanyang sinabi.

Ang matandang lalaki ang target ng mga mata ni Scarlet ngunit hindi niya alam siya ang puntirya ng mga mata ng lalaki sa ‘di-kalayuan. Hinagod siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa. Wow ang nasabi ng kanyang labi at bigla siyang napatayo.

Napasipol ang mga alalay ng makita ang babae.

“Boss, type mo ba ang chika babe na ‘yun?” Tiningnan ng masama ni Malachi ang tauhan.

“Umalis ka nga sa tabi ko at baka malasin ako sa pinagsasabi mo,” pabulong na sabi niya sa lalaki. Umatras naman ang alalay ng bigla siyang sinupalpal sa mukha ng binata.

“Angsunit naman ni Boss!” Napakamot pa siya sa ulo.

“Masungit talaga ‘yan.” Naghagalpakan ng tawa matapos magbulungan ang dalawa. Nilingon sila ni Malachi at bigla silang nanahimik. Nag-peace sign ang mga lalaki sa kanya.

Sa katabing cubicle pumasok si Malachi. Halos sabay na naglagay ng protective eyewear and ear protection ang dalawa. Sabay na sabay nilang ikinasa ang baril at ipinosisyon ang kanilang mga kamay, isang kanan at isang kaliwete. Parang may magaganap na duwelo sa pagitan nila. Nagsimulang lumabas ang mga mechanical target at nagpakawala ng bala ang dalawa na parang mayroong paligsahan.

Napahinto ang dalawang matanda at pinanuod ang nagaganap na pag-asinta.

“Who is that?” Nagkibit-balikat ang lalaking kausap.

Sa sulok ng mata ni Scarlet ay hindi nakatakas ang mga ngiti ng iyon ng matanda. Matapos niyang magtanggap ng goggles at inilapag ang kanyang barili ay bigla siyang napahinto. She was just assuming na siya ang tinitingnan ng matanda ngunit hindi naman pala.

Pinalakpakan pa ang lalaking nasa tabi lang pala ng cubicle niya. Hindi naman siya nakaligtas kay Malachi.

“Nice, shooting with you Miss Black Lady.”

“Miss Black Lady ka diyan!” Tinalikuran kaagad siya ni Scarlet. Inis na inis ang babae habang naririnig niya ang palakpakan ng mga lalaki sa kanyang likuran.

“Boss naman!” Napakamot ng ulo ang alalay. Minasahe naman siya ng mga alalay ang kanyang likuran.

“Hindi ka makakakilala ng babae kung ganyan-ganyan lang ang mga sasabihin mo.”

Bago pa nga nasabi ni Malachi ang mga katagang iyon ay ilang beses na niya itong napraktis sa kanyang isipan dala nang kanyang pagiging introvert.

“I think, I will see her again next time,”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status