Share

Chapter 4

Maghapon ngayong hindi lumabas si Enrique sa kwarto niya. Bagot na bagot na ako sa panonood at paubos na din ang mga movies sa rack. Masiyado na rin malinis ang bahay sa araw-araw na paglilinis ko, so I decided na mag liwaliw ngayong hapon. I tried knocking on his door para magpaalam pero hindi naman sumasagot.

I looked at my watch, it's already four thirty in the afternoon . I shrugged and went out. Hindi naman siguro ako mawawala dito. Ang layo ng daan palabas ng gate ng bahay ni Enrique, halos inabot ako ng 20 minutes bago ako nakarating ng gate.

Natigil ako sa paglalakad nang mapansin ko na maraming tao sa paligid ko. Bakit ang daming taong nakapalibot doon? Nagkukumpulan kasi ang mga tao ng pabilog. Sa sobrang curious ko tumigil ako at lumapit.

"Manong," tinapik ko sa balikat ang isang may katandaan na lalaki. Napansin ko na nagulat siya nang makita ako pero hindi ko na pinansin na natulala siya dahil sa kagandahan ko. "Ano pong meron?"

"Ah! Naglalaban sila ng chess. Wala kasing nakakatalo sa batang yan." Tumilay ako para makita kung sino ang naglalaban pero hindi ko makita dahil ang dami nila. "Bago ka lang ba dito hija? Taga saan ka?"

"Ah taga doon po ako sa-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang nagsigawan ang mga tao sa paligid at nagsitawanan.

"Ano? May gusto pa ba diyang lumaban?" Natatawang sabi ng lalaki na nasa gitna ng kumpulan ng mga tao. Boses palang kilalang kilala ko na kung sino yun. Wow he's so energetic today. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan, bakit kapag kasama niya ako ang sungit niya?

"Ako!" Itinaas ko ang kamay ko. All heads turned to me. Naglakad ako paabante at nagsigilid naman sila. Rinig ko pa ang mga bulong nila na itinatanong kung sino ako. Shock registered on Enrique's face as he saw me. I smirked at him. "Ako pwede bang lumaban?"

"What are you doing here?" Seryosong tanong niya. Ayan na, seryoso nanaman siya. I shrugged

"I'm here to play."

"No. Let's go home." Matigas na sabi niya. I looked at the people around us at itinuro ko si Enrique.

"Mukhang takot yata itong champion niyo makipaglaban sa babae." Nagsitawanan ang mga tao sa paligid. "Isang laro lang naman. Saka baguhan ako sa laro na to. Kailan ko lang to natutunan."

He remained silent. I looked at the people again to ask for their support at hindi naman nila ako binigo.

"Pagbigyan mo na ang magandang binibini na yan Sir Enrique." Sigaw ng isang lalaki sa crowd and I gave him a thumbs up. Nagsitawanan sila at lahat na nagsasabi na pagbigyan ako ni Enrique sa laro kaya napabuntong hininga nalang siya.

"Okay. Pero isang laro lang."

"What do I get if I win?" I crossed my arms at him and he raised an eyebrow at me.

"Don't be so confident about it. Hindi ka naman mananalo." Tumaas ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Narinig ko naman ang tawanan ng mga tao sa paligid ko. Oh, boy he's so cocky.

"Wag kang masiyadong kampante Mr. Montreverde. Kapag nanalo ako dito gusto ko ng date. You and me."

"No."

"Guys oh! Takot yata to eh." Tumingin nanaman ako sa paligid at kitang kita ko ang ngiti sa mga labi ng tao na para bang aliw na aliw sila sa aming dalawa. "Akala ko ba magaling ka? Eh bakit takot ka sa pustahan?"

"Oo nga naman Enrique. Saka ang magagandang binibini na kagaya niya hindi dapat pinapalampas."

"Thank you manong." I said and gave him a flying kiss that earned a roar of laughter from the crowd.

"Alright do what you want. I'll win anyway."

"Right." Nakangising sabi ko bago umupo sa harap niya. Hindi yata siya informed na international chess champion ako.

"Checkmate." Narinig ko ang sipol ng mga tao sa paligid ko nang igalaw ko ang huling piece ko. I'm really enjoying looking at Enrique's reaction right now.

"Wow. I won." Kunwari ay hindi makapaniwalang sabi ko. Nagsipalakpakan ang mga tao sa paligid kaya naman tumayo ako at kumaway sa kanilang lahat. "Thank you so much for supporting me."

"That's imposible." Hindi makapaniwalang sabi niya. I pressed my lips together to hold back a smile.

"No it's not." Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa chessboard. Hindi ko na mapigilan ang matawa dahil ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. "Now how about that date?"

~*~

"What the hell are you wearing?" Nakasimangot na tanong ko kay Enrique na prenteng nakaupo sa sofa while he reads a newspaper. Ang alam ko kasi sabi niya ngayon ang date namin.

I kept on bugging him for three days about the date and when he finally said yes, I was so happy dahil ang sabi niya ngayong umaga ang date namin. Iniisip ko nga na baka breakfast ang date namin and then maghapon kaming mamamasyal so I wore a dress today pero siya naka sports attire.

"Akala ko ba ngayon ang date natin?" I put my hands on my hips.

"I already told you, walang date na magaganap."

"But you agreed kahapon di ba?"

"I did not said that we will be having a date. Sinabihan lang kita na gumising ng maaga dahil may gagawin tayo."

"And what is it?" Walang ganang sabi ko. Hindi naman pala date edi sana hindi na ako naghanda ng bongga. Hirap na hirap pa naman ako sa pag pili ng isusuot kong damit.

"Tuturuan kita ng self defence." My head automatically turned his way.

"Self defence you mean with touching and hugging?" He rolled his eyes at me. Pero bago pa siya makapag react lumapit na ako sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Tara na let's start."

"Magpalit ka na muna ng damit. Hindi naman kita pwedeng turuan ng naka palda." I looked at myself oo nga naman.

I went back to my room and changed into a workout pants and a sports bra. Mabuti nalang prepared ako. Syempre para maakit siya. Dagdag pa to sa points ko. This is better. I'm thinking about him touching my hand and hugging me from behind. Di ba ganon naman ang self defence kasi nga dapat hindi mo hayaang makagalaw ng kalaban. Parang ibang paraan na din ito ng pag PDA. Excited na ako.

"Magpalit ka ng t-shirt." Sabi niya pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto. Sumimangot ako.

"I don't have one." It's true. Wala akong tshirt palagi kasi akong naka blouse, bestida, and the likes. Kahit kapag natutulog I always wear a pajama. He sighed.

"I'll buy you tons next time." Lumawak ang ngiti ko sa kanya.

"Sure." But for now gagawin ko muna ang plano ko. At least ngayon pakonti-konti nang gumagaan ang loob niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang ngumisi.

"Wag kang mag isip ng kung ano diyan." I gave him an innocent look.

"Bakit? Nababasa mo ba ang iniisip ko? May mind reading powers ka ba?"

"Hindi ko nababasa ang iniisip mo pero yang mukha mo parang may kung anong imahe ang nabubuo sa utak mo. Your eyes are even twinkling." Sabi niya habang iniiling ang ulo. His lips are pressed together to hold back a smile.

"Grabe ka. Wala kaya. I'm just excited na matuto ng self defence." This is a lie. Mas excited talaga ako sa body touching na magaganap kesa sa matuto.

"Whatever you're thinking it's not going to happen." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. "And this is not a date."

"Oo na nga. Dami mo pang sinasabi. Di ba tamad kang magsalita? Let's go na!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status