Share

Chapter 3

Nagising ako dahil sa tunog ng gitara. I fixed myself and went out to find out where the music is coming from hanggang sa nakarating ako sa living room where I can see the veranda. Nakita ko doon si Enrique na naka-upo at nakatalikod sa akin while plucking his guitar.

He's singing. Hindi ko lang siguro naririnig ang boses niya kanina sa kwarto dahil mahina lang ito, but this time na mas malapit ako sa kanya, I can hear him clearly and gosh he has a talent in singing. Napasandal ako sa pader at pinanood lang siya. Sayang at hindi ko siya nakikita ng harapan habang tumutugtog but his back is not a bad view either.

Hey there Delilah

Don't you worry about the distance

I'm right there if you get lonely

Give this song another listen

Close your eyes

Listen to my voice, it's my disguise

I'm by your side

Oh it's what you do to me

Oh it's what you do to me

Oh it's what you do to me

Oh it's what you do to me

What you do to me

I've heard that song plenty of times pero iba ngayon na sa kanya ko naririnig. Pakiramdam ko may inaalayan siya ng kanta. There's so much feeling in his song that it made me shed a tear. When he finished the song sumisinghot na ako sa iyak na naging dahilan ng pag lingon niya sa direction ko.

"I never thought you could sing." I said habang pinupunasan ang luha sa mata ko.

"Eat your breakfast Mira." Ibinaba niya ang gitara at tumayo. "Eavesdropping is a bad habbit."

"What?" Napakunot ang noo ko. Since when did listening to a person singing considered as eavesdropping?

"Nothing. Just go and eat." I look at him weirdly.

"Alam mo you have a really good voice. Have you ever considered joining a band? I'm sure you'll be a star in no time."

"So you're a talent scout now?" He said as he walked past me. Sinundan ko siya.

"No. I just imagined you singing in stage. Kailan ka natuto mag gitara? You're really good at it so it means matagal ka nang marunong. Sinong nagturo sayo? Sino pa ang ibang nakakaalam na marunong ka mag gitara?"

Natigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang huminto sa harap ko at muntik pa akong mabunggo sa likod niya. He suddenly turned around with a sour look on his face.

"Stop it Mira. It's annoying." Halata nga sa itsura niya na na iinis na siya pero ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.

"Masungit ka talaga noh? Sabagay halata naman sa face mo kasi palagi kang seryoso, pero it's okay gwapo ka parin." He sighed and massaged his temple. Napangiti ako ng malapad. Kahit mukhang frustrated siya ang gwapo parin.

"What am I going to do here? Hindi ako sanay ng walang ginagawa."

"Do whatever you want."

"Ikaw anong gagawin mo buong araw?" He shrugged.

"I'll be in my room." Tumalikod na siya ulit sa akin at naglakad palayo. Nagugutom na din ako. I was really tired last night ka nang humiga ako sa kama nag deretso na ang tulog ko.

I was wiping the plates na hinugasan ko after kong kumain. Medyo napadami ang kain ko dahil hotdog ang ulam and I really love hotdogs. Ano kayang gagawin ko ngayong araw? Should I clean this house? Medyo maalikabok at magulo na nga ang mga gamit dito. Wala siguro siyang katulong. I'm a brat pero malinis ako sa gamit. In fact, ayaw ko sa magulo.

Naagaw ang atensyon ko nang may makita akong isang hilera ng mga cd at dvd. Some of them are on top of the table, yung iba naman nasa sahig. Napataas pa ang kilay ko nang mapansin na may mga cd rin doon si Celine Dion, Whitney Houston at iba pa. Seriously? Enrique listens to this kind of music? And the dvds are all actions and documentaries. How boring. Napailing nalang ako. Kakaiba din pala ang taste ng taong yun.

I took out my phone and connected it tothe speaker. My songs are Beyonce, Shakira, Taylor Swift and the kinds. I'm more into new songs.

Sumasabay ako sa kanta ng Into you ni Ariana Grande at kumekembot pa habang nakatayo sa isang step ladder at isinasabit ang mga kurtina. May nakita kasi akong kurtina sa isang maliit na kwarto at doon nakalagay ang nga extra pillows and bedsheets. I chose the dark green curtain dahil lahat ng nandoon puti. In fact even the whole house is white na iisipin mo nasa langit ka.

Pagkatapos kong isabit ang kurtina. Yung chandelier naman ang pinagdiskitahan ko. Masiyado na kasing maalikabok at madaming cobwebs. Tumaas pa ako ng isang hakbang sa stepladder but I was suddenly out balanced. Ipinikit ko ang mga mata ko para hintayin ang pagbagsak ko sa sahig but strong arms captured me.

"What the hell are you doing?" I opened my eyes and came face to face with Enrique. I grinned. My prince never fails to save me. Ang swerte ko talaga.

"Hi." Hindi niya ako pinansin at ibinaba na agad. He has this annoyed look on his face. Inilibot niya ang mata sa paligid and his jaw clenched upon looking at the curtains. "I changed the curtains, maalikabok na kasi at kailangan na labahan."

"Sinong nagsabi sayo na pwede mong ayusin ang bahay ko?" Kumunot ang noo ko pero agad din akong ngumiti.

"Wala kasi akong magawa saka hindi kasi ako mapakali na makitang magulo ang bahay."

"You should've asked me before you do something inside my house." Nawala ang ngiti ko.

"Teka nga. Di ba ikaw ang nagsabi na I can do whatever I want? Hindi naman ako informed na kailangan pala lahat ng galaw ko ipagpapaalam ko sayo. I didn't know that I am in prison."

Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin pero hindi ako nagpatalo. Humalukipkip ako habang nakatingin sa kanya hanggang sa bumuntong hininga siya at tumalikod sa akin. Akala ko pa naman maa-appreciate niya ang ginawa kong paglinis ng bahay niya.

"You know what? If you don't want me here you can bring me home. I'm sure kuya Demitri will understand."

"No. You will stay here."

"I know that you're doing your job kaya hindi mo ako pinapaalis pero ayaw ko din naman na makasagabal sa buhay mo. Iwui mo na ako." Hindi ko akalain na sasabihin ko to sa kanya. I was so happy to have a day with him pero hindi ko inexpect na ganito ang mangyayari.

"Stop being so childish Mira. You are not going home."

"I'm not a child anymore! I'm twenty one!" I said as I stomped my foot. That's it. I've lost my temper. Bakit ba palagi nilang sinasabi na bata pa ako? I've traveled the world alone for goodness sake. "I can make my own decisions and I've decided to go home now."

"See? That's why you're still a child."

"Well I'm sorry for not being five years older." I ran towards my room and slammed the door. Wala naman akong masamang intention. I just want a clean environment dahil hindi talaga ako comfortable sa magulong bahay.

I stayed inside my room the whole day at nang katukin niya ako para sa lunch hindi ako lumabas. Kakain ako kapag wala na siya sa kusina. Ayaw ko siyang makita. Nakaupo lang ako sa may veranda ng kwarto ko at nagbabasa ng libro. I let the breeze of the air blow my hair. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng ganito. Mabuti nalang palagi akong may baon na pagkain sa maleta ko kaya hindi ko na kailangan lumabas.

Nang dumilim na, pumasok na ako sa kwarto at lumipat sa kama upang doon na tapusin ang libro na binabasa ko. I was about 5 pages bago matapos ang book ng makarinig ako ng katok sa pinto.

"Mira it's time for dinner." Hindi ko siya pinansin. Kumatok siya ulit, hindi ko nanaman pinansin. Kunatok siya ng sunud-sunod at malakas. "If you don't open this door I'll break it. I swear."

Marahas akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Ano bang gusto mo?! If you want to break the door then do it this is your house anyway, but I'm not paying for it. Kaya ako nandito lang sa kwarto ko para wala na akong mapakelaman na gamit mo. That's what you want righ-"

"I'm sorry." Natigil ako sa pagtalak nang marinig ang sinabi niya. Gosh, Enrique in front of me saying sorry is so cute. Pero hindi ako magpapadala so I crossed my arms and kept a straight face.

"Sorry for what? This is your house at tama ka naman wala akong karapatan na pakealaman ang mga gamit mo dito. I must not care if you want to live in a rathole."

"Will you please stop talking? It's really annoying." I looked at his annoyed face. Gwapo talaga. "I already said I'm sorry. Let's have dinner I cooked for us."

Just like that I melted. Us naman ang sinabi niya. Hindi naman niya sinabing nagluto siya para sa akin. Wala din naman siyang sinabi na dapat ikatuwa ko pero yung puso ko ang bilis ng tibok. I smiled at him sweetly. "Okay."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status