Share

Chapter 5

"Wake up." I groaned as I hear Enrique. Binuksan niya ang kurtina ng kwarto ko. Itinakip ko ang kumot sa mukha ko at tumalikod sa bintana.

Ngayon nagsisisi na ako na hindi ko ini-lock ang pinto ko. Sinadya ko yun kasi iniisip ko na baka pasukin niya ang kwarto ko, pano niya ako maaakit kung naka lock di ba? Pero hindi ko naman akalain na ganito. Papasok siya sa kwarto para lang gisingin ako. Kung sa ibang paraan niya lang sana ako ginigising...

"Mira gumising ka na magsisimula na tayo sa training" Gustong gusto ko talaga si Enrique pero sa mga ganitong pagkakataon gustong gusto ko siyang batuhin nitong bedside table.

Ilang araw na nagsimula ang training namin. Ang sakit ng katawan ko. I even have bruises on my body. Gosh, ngayon lang to nangyari. That's why I hate fighting. I always give people my good image kahit pa gusto ko na silang pagsisipain. Ang hindi lang nila alam kapag kinakalaban nila ako, pailalim ako tumitira. Like ruining their buisness or something.

"Mira," He said in a warning tone. Galit na umupo ako sa kama at humarap sa kanya.

"Gosh Enrique I really love it when you say my name pero hindi ngayon. Ang sakit ng buong katawan ko. And look oh! I have bruises!" Ipinakita ko pa sa kanya ang mga pasa ko sa braso. "Can we do other things that doesn't involve you killing me?"

He chuckled and then he gave me an amused look. Nawala lahat ng pag aalburuto ko and I think my mouth fell open. Omg! He laughed! Hallelujah!!

"Come on let's have breakfast." Tumalikod na siya at agad naman akong sumunod. Ayaw kong masira ang mood niya.

"At dahil masiyado nang late-"

"What? Late ka diyan. It's only 6 in the morning."

"Don't interrupt me when I'm talking. Ang sabi ko sayo 5 am tayo ngayon." He gave me a meaningful look. Nag kibit balikat lang ako at nag concentrate sa pagkain. Hindi na ako magsasalita dahil baka maisipan pa niya na mag training kami.

"I have to go somewhere today. Kung gusto mong sumama ayos lang pero-"

"Sure! Sasama ako kahit sa langit pa yan." He gave me a passive look on his face kaya naman ngumiti lang ako at nag peace sign sa kanya.

~*~

"Mira gising na." Naalimpungatan ako nang gisingin ako ni Enrique. Napansin ko din na huminto ang sinasakyan naming range rover. Umiling siya. "Sleepyhead."

Tumingin ako sa paligid puro puni naman ang nakikita ko at may isang building lang na maliit. "Nasaan tayo?"

Hindi siya nagsalita at bumaba ng sasakyan. I rolled my eyes. My usual Enrique. Tamad magsalita at masungit.

I opened the door at bumaba na din. May kinuha siyang gamit mula sa likod ng sasakyan.

"Tara sa loob." He walked towards the building. Ni hindi manlang ako hinintay. Swear, kapag ikaw ang tinamaan sakin papahirapan din kita.

May isang babae ang lumapit sa amin, or should I say kay Enrique. Siya pang din naman ang binati ng babae. Nasa gilid lang ako habang pinagmamasdan ang babae na magpa cute kay Enrique, eto namang lalaki na to walang ginagawa. Nakalimutan pa yata na may kasama siya.

"Na-miss ka talaga nila. Mabuti at naisipan mong bumalik." She put her hands sa braso ni Enrique. Napataas ang kilay ko dahil sa ginawa niya.

"Oo nga. Naging busy lang sa trabaho." Napansin ko naman ang pasimpleng pagtanggang ni Enrique sa kamay ng babae. I smirked.

"Ang mahalaga bumalik ka pa rin dito." Sa balikat naman ni Enrique humawak ang babae.

That's it. Ubos na ang pasensya ko sa babaeng to. I walked towards them. Kanina pa siya chansing ng chansing kay Enrique samantalang ako hirap na hirap humawak sa braso na yan. Kahit tuwing self defense training namin di ko masiyadong nagahawakan braso niya tapos siya pasimpleng manyakis ang peg.

"Hands off girl." Para namang ngayon lang ako nakita ng babae. She looked a little bit confused at first pagkatapos ay namutla.

"Laila?" Kumunot naman ang noo ko.

"Who's that?" Baliw na yata ang babaeng to. I shrugged. "I'm Mira and get your hands off my man."

"Mira?" Tumingin siya kay Enrique. Medyo matagal silang nagtitigan bago nagsalita si Enrique.

"Kapatid siya ng kaibigan ko." Tumingin sa akin ulit ang babae pagkatapos ay kay Enrique. Nagpabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa.

"Oh." Kumurap kurap muna siya bago ngumiti sa akin ng alanganin. "Hi. I'm Rita."

"Who cares about your name?"

"Mira." Enrique said in a warning tone. I rolled my eyes.

"Yes? Lolo? Am I being scolded again?" Sarkastikong sabi ko sa kanya. He sighed. Napatingin ako kay Rita nang bigla siyang tumawa.

"You're cute." Sabi niya habang umiiling.

"Thanks pero mas prefer ko ang maganda kesa cute." I flipped my hair. "But not because you told me I'm cute doesn't mean na pwede mo nang hawakan ng ganyan si Enrique."

Nainis ako lalo nang mas lumakas ang tawa ng babae. Nang iinsulto yata itong babaeng to sa akin. I crossed my arms infront of my chest.

"Ang cute niya mag selos Culver." And she has the guts to call him by his other name. Gosh. Enrique's lips pressed into a thin line na parang nagpipigil ng tawa.

"I haven't properly introduced myself to you young miss. I am Rita and I used to be Culver's nanny. I'm already 47 and I am happily living with my husband and 2 children."

"What?!" Tinignan ko siya simula ulo hanggang paa. She looks so young! She's petite and she's small. Hanggang leeg ko lang siya, but maybe it's because I'm 5'7 tall pero kahit na. Ang bata niya tignan.

"Yes." Natatawang sabi niya.

"Do you drink sa water ng fountain of youth or something?"

"Hindi. Maliit lang kasi ako kaya mukha akong bata. Ito kasing si Enrique hindi manlang ako ipinakilala, may kasama pala siya. Tara sa loob." Tumalikod na siya at naglakad papasok ng building. Sumunod naman kami ni Enrique.

"Is she really 47?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Baka mamaya ginu-good time lang nila ako.

"Yes."

"Pano niya name-maintain ang ganyang kutis? Malapit lang ang edad niya kay mommy pero.." Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil baka kapag narinig ako ni mommy tanggalan ako ng mana. "Gosh. I have to know her secret so that I'll still look young and fresh when I reach that age."

"I'm sure you'll still be beautiful no matter what age you are in." Napahinto ako sa paglalakad habang nagderetso lang sa paglalakad si Enrique.

"What?" He stopped and turned his head to look back at me. "Pwede mo bang ulitin yung huli mong sinabi?"

"No." Tumalikod na siya ulit at naglakad papasok. Tumakbo naman ako upang mahabol siya.

"Pakiulit please." Sabi ko habang sinasabayan siya sa paglakad.

"No."

"Sige na."

"Wag ka nang makulit."

"Ulitin mo na."

"God, you're an annoying woman." Naiiling na sabi niya pero imbes na mainis ako sa sinabi niya natawa lang ako. Ayan na. Nabighani na siya sa ganda ko. Ang sunod niyan mamahalin na niya ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status