Share

Kabanata 2

Halos sumabog sa init ang mukha ni Esmeralda habang mabilis na binabasa ang message sa kaniyang personal computer. She couldn't hold the mouse properly because of her shaking hand. She cannot believe it! Her best friend, Rave, gifted her a plane ticket for Las Vegas.

Naputol ang pag-iisip niya ng tumunog ang cellphone niya. Tumatawag na ang kaniyang kaibigan via Skype.

“Rave!” masayang sigaw niya ng sagutin ang tawag.

“Advance Happy Birthday, Sister Esmeralda Messiah Sullivan!” Humalakhak nitong bati.

Pinaikot ni Esmeralda ang mga mata. Kitang-kita niya ang mukha ng kaibigan na nang-aasar. Sister… She’s calling her that to annoy her and mocked her.

Sumimangot si Esmeralda ngunit ngumiti rin. Excited siya na makapagbakasyon kahit ilang araw lang. Gusto niyang takas ang buhay na mayroon siya.

“Legit ba itong ticket?”

“Of course! You should enjoy yourself sa iyong ika-28 birthday ‘no. If I were you mag-umpisa ka ng magpaalam sa parents mo dahil sigurado akong hindi ka nila papayagan.”

Napabuntong hininga siya sa narinig. Tama ang kaibigan niya. One week from now ay 28 years old na siya. At nakatakdang gugulin ang kanyang buong buhay sa simbahan. Mula pa noong bata pa siya ay itinakda na ng kanyang mga magulang na siya'y maging madre at maglingkod sa Diyos sa buong buhay niya.

Hindi maiwasang makardam ng inggit dahil ang kaedaran niyang mga babae ay may pamilya o kaya naman ay nag-iisip ng magpakasal. She dreams experiencing a simple but elegant weeding like a normal woman wants. However, in her case ay imposible ang kaniyang pinapangarap. Hanggang panonood na lang siya ng mga ikakasal.

She dreamed to be a Lawyer and help those who could not defend themselves from the injustice system and to protect the rights of the people involved in criminal proceedings, respect human dignity and fundamental rights, and ensure public security.

Pero hindi pwede dahil sa tradisyon ng kanilang pamilya. Simula pa sa kanilang mga ninuno ay nakagawian na nila ito.

“Malay mo nandito pala ang lalaking para sa’yo. Nasa Las Vegas ang true Love!” Tumili ang kaibigan niyang sa kabilang linya.

Itinaas nito ang kaliwang kamay at ipinakita ang engagement ring.

“True love?” Umingos siya ng buong pait.

"Esmeralda, I lose fate too. Akala ko walang darating, but look I’m getting married. God is good.”

“Good for you at masaya ako para sa’yo.”  Napangiti siya.

Rave had been through enough since she was a child. Hiwalay ang kaniyang mga magulang kaya simula pagkabata ay mag-isa lang siya.

“You’ll find yours.”

 “Ah! Don’t forget to bring some nighties,” mapanuyang tinig niya.

“W-wala ako noon!”

Namula ang mukha niya. Pumikit siya at pinigilan ang sariling ibato ang mouse sa monitor. Kinalma niya ang sarili at marahas na binagsak ang balikat.

“Ang hirap maging matandang virgin!” Humalakhak ito. “Sabi nila bago ka tuluyang pumasok sa kumbento at maging madre dapat maranasan mo muna ang tunay na kaligayan sa piling ng isang lalaki. Tapos sisigaw ka “ayokong mamatay ng virgin!” ganoon.”

“Ravinia!” siya niya rito na pulang-pula ang pisngi.

Huminga itong ng malalim. “Anyway, inform me kapag nasa eroplano ka na, alright? I’ll go ahead. May trabaho pa ako.”

"Bye, Rave. Take care." She nodded her head and smiled as she ended call.

Ikakasal na ang kaibigan niya. Pinangarap niya ring ikasal at magmahal ng isang lalaki. Her family will surely kill her kapag ginawa niya iyon. Ang tanong, makikilala ba niya ito? No one knows her frustration aside from her bestfriend.

Mahina siyang natawa. “God is my true love…”

***

Hindi mapakali si Esmeralda habang nasa harapan ng hapagkainan.

“May gusto ka bang sabihin, anak?” malumanay na tanong sa kaniya ng Ama.

Napakagat labi siya ng alertong sumulyap sa kaniya ang ina matapos marinig ang sinabi ng Ama.

Hinamig niya ang sarili at buong tapang na tumingin sa Ina.

“Magpapaalam po sana ako na magbabakasyon for three days. Pinadalhan ako ni Rave ng plane ticket papuntang Las Vegas…”

Marahas na lumingon sa kaniya ang ina pati ang ilang kamag-anak na naroon.

"Hindi ka pupunta sa ibang bansa, Esmeralda!" mahina ngunit puno ng pagbabantang sigaw ng kaniyang Ina, nanginginig sa galit. “Alam mo na maraming pwedeng mangyari sa’yo roon. Paano kung magahasa ka? Paano kung mabiktima ka ng slavery? Hindi ka ba nag-iisip?”

Naramdaman niya ang panlulumo nang marinig ang lintaya ng Ina.

“Ang kapal-kapal naman talaga ng mukha niya para isama ka sa walang dereksyon niyang buhay. Sinasabi ko sa’yo hindi ko gusto ang kaibigan mong ‘yan… masyadong parewara palibhasa walang magulang na gumagabay!” bwelta naman ng kaniyang Tiyahin.

“Sinabi mo pa!” Nanginginig ang balikat ni Deborah sa galit. “Huwag na huwag kang gagaya sa ate Lexcuina, Esmeralda!”

“Hindi niyo kilala ang kaibigan ko. Mabuti siyang tao… at ngayon lang ako hihiling sa inyo. Please, payagan niyo naman ako. Tatlong araw lang akong mawawala kahit ngayon lang pagbigyan niyo ako na mag-celebrate. Mula pagkabata ko wala akong ginawa o hiniling na ikakasama ng loob ng pamilya natin. Gusto ko lang naman maranasan na maging malaya kahit saglit lang bago ako tuluyang maging isang Madre…”

Gusto niya nang maiyak. Punong puno ng concern ang boses ng Mama niya pero marami na ang naglalaro sa kaniyang utak.

“Bakit hindi ka ba malaya?” mariing tanong ng kaniyang ina.

Malungkot na tumingin sa kaniya ang kaniyang dalawang nakababatang kapatid.

Hinawakan ng kaniyang Ama ang balikat niya at umupo sa kaniyang tabi. Tinapik-tapik ang likuran niya.

“Basta ipangako mo na babalik kang nag-iisa…”

Napakagat labi siya. Nag-iisa… Hindi nanaman maiwasan ng kaniyang pamilya na ikumpara siya.

“David, maghulos dili ka nga sa desisyon mo. Hindi aalis ang anak ko! Paano kung--”

Namilog ang mga mata ng kaniyang Ina at mabilis na nilapitan silang mag-Ama. Muntik na siyang umatras kung nakatayo lang siya. Kilala niya ang Ina at sigurado siyang nagpupuyos na ito sa galit.

Seryosong tumingin ang kaniyang ama. “Wala ka bang tiwala kay Esmeralda? Buong buhay niya tayo ang gumagawa ng desisyon na tila ba isa siyang ibong nakakulong sa hawla. Simula ng magpakasal tayo wala rin akong naging hadlang sa mga desisyon mo pero naisip mo rin ba na may sariling pag-iisp ang anak natin? Ni hindi niya naranasan ang mabuhay ng normal na babae…:”

“Dahil nakatakda siyang maging Madre! Ang panganay na anak ng kahit sino sa pamilya namin ay marapat na maging isang pari kung lalaki at madre kung babae upang paglingkuran ang panginoon. Alam mo iyan. David!”

Natawa ang kaniyang Papa sabay tingin sa kanya. She knows her father were sarcastic this time.

“Deborah… minsan ba napatanong ka sa sarili mo kung anong gusto ni Esmeralda sa buhay niya? Ni minsan hindi mo siya tinanong… ako alam ko kahit hindi niya sabihin dahil anak ko siya. Nararamdaman at nakikita ko… na gusto niyang maging isang abogado. Alam mo ba kung bakit?” malungkot na salaysay nito.

Nakita niya kung paano natigilan ang kaniyang ina. Kagat labi siyang yumuko. Seething with anger and frustration.

“Wala po akong gagawin na ikakasira ng tiwala niyo sa akin... Pangako po, Mama.”

Matinding katahimikan ang iginawad ng kaniyang pamilya. Salungat sa ingay ng kaniyang dibdib.

“Nangako ka… Messiah.” Tinalikuran siya ng Ina matapos banggitin ang second name niya.

Tinapik ng Ama ang likod niya, “Kung saan ka masaya, Anak, ay doon kita susupurtahan…” Ngumiti ito at humakbang papalabas sa kawarto niya.

Hinilot niya ang sentido habang napahiga sa kama ng umalis ang magulang at ibang Tiyahin. Kinapa niya ang ilalim ng unan at kinuha roon ang cellphone at nagtipa ng mensahe para sa kaibigan.

“I’m going to Las Vegas…”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status