Share

Chapter 2

Author: MissPresaia
last update Last Updated: 2025-01-06 08:47:05

KINABUKASAN matapos ang nakakakilabot na pagtatagpo namin ni Mr. Angeles at pag-iwas sa magagalitin kong amo ay nagawa ko pa ring pumasok ngayon sa trabaho. Siguro naman ay hindi na gaanong mainit ang ulo ni boss sa akin.

Lubos ang pagkadismaya ko nang maabutang galit ito sa lounge ng kompanya. Meron itong sinisigawang empleyado at mukhang ang sekretarya nito. Bigla akong natakot sa posibleng mangyari sa akin.

Aalis na sana ako at babalik na lamang bukas ngunit nabaling sa akin ang tingin niya. "Miss Gallegos, buti't nakuha mo pang pumasok! Akala ko, hindi ka na papasok." Mahinahong turan nito ngunit alam kong peke lamang iyon.

"Morning po, Ma'am."

"Tsk, kunin mo ang sweldo mo sa finance. Makakaalis ka na, huwag kang mag alala malalaking puntos ang minarka ko sa ratings mo."

"Po?" Naguguluhang tanong ko.

"Miss Gallegos, hindi ka naman bobo. Hindi ba? Sabi ko makakaalis ka na, sa tingin mo gusto ko pang tanggapin ka? No! You've messed up, big time!" Sikmat nito. "Pumunta ka na roon, baka magbago pa isip ko at ayaw ko ng ibigay!" Dagdag pa nito habang pinanlalakihan ako ng mata.

Sinunod ko agad ang utos nito baka totohanin nito ang sinabi. Sayang naman, mabuti na lamang at may natitira pa itong kabaitan sa katawan. Papasok pa lamang ako sa finance ay may inabot agad sa akin na envelope at folder. Ito na siguro ang sinasabi niya kanina. Hindi na ako nag abala pang buksan ito, mamaya na lang siguro kapag nakauwe na ako.

Paano ngayon 'to? Ano na lang ipapakain ko sa kambal, ang hirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon. Lalo na iyong mga pinuntahan kong company dati, eh, alam nilang manggagantyo ang naging boss ko. Syempre iisipin din nila na ganoon din ako. Napahilamos ako ng mukha.

Matapos kong ilagay sa bag ang mga binigay sa akin ay nagpaalam na lamang ako at nagtungo sa isang sikat na restaurant para magtake out ng pagkain para sa kambal. Minsan lang naman makatikim ng sosyal na pagkain ang kambal, iyon ay kapag sweldo ko, sweldo ko naman ngayon kahit napaaga.

Alam kong magtataka ang mga ito kasi wala pang akinse, ika-sampo pa lamang ngayon. Matatanda na ang mga chanak na iyon, makukuha agad nila ang ibig sabihin n'on.

Bukas na lang din ako maghahanap nang trabaho, nakabili rin ako ng dyaryo kanina bago pumasok at doon na lamang ako maghahanap.

Bago ako pumasok sa restaurant ay inayos ko muna ang sarili ko. I want to look presentable para hindi ako paalisin. Sobrang arte pa naman ng restaurant na 'to. Mga sosyal ba naman ang mga custumer dito.

"Welcome Ma'am! Table for one?" Bati sa akin ng staff. Mabuti na lamang at nasaktuhan ko 'yong mabait na staff.

"Sure," sagot ko, iginiya ako nito sa isang mesa malapit sa bintana. "Thank you," sabi ko muli. Hindi na ako nag-abalang tignan ang menu nila dahil kabisado ko na ito. Sinabi ko na agad ang order ko at iyong mga iti-take out ko. Hindi naman kasi ito ang unang pagkakataon na makapasok ako rito.

"Is that all Ma'am?" Nakangiting tanong nito, nasiyahan ata ito.

"Yes, thank you." Ngumiti rin ako.

Umalis na rin ito pagkatapos. Naging tahimik na sa wakas ngunit biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko nang hindi ko sinasadyang mapatingin sa labas.

Si Mr. Angeles! Nakikilala niya ba ako? Malamang kakameet niyo lang kahapon! Ngunit napakaimposible! Nasisiguro kong hindi lamang ako ang nakameeting nito kahapon.

Nakatingin pa rin ito sa akin at nakakunot noo. Pilit kong winaksi ang paningin ko sa kanya, binaling ko ang paningin ko sa mga kasama niya. May apat itong kasama na mukhang kasing edad lang niya. Malalaki rin ang katawan at siguradong mayayaman base sa mga porma at awra ng mga ito.

Naputol lamang ang pag-obserba ko sa mga ito nang dumating na ang order ko. Gusto ko pa sanang lumipat pero nakakahiya naman sa waiter. Pinilit ko na lamang kumain kahit naalibadbaran ako lalo na at alam kong may nakatingin sa akin. Kung nakakamatay lang tingin kanina pa ako nakabulagta sa sahig.

Hanggang matapos akong kumain ay nararamdaman ko pa rin ang titig nito. Nagulat nga ako nang hindi sinasadyang mapalingon muli doon sa kanilang inupuang pwesto. Lahat kasi sila ay nakatingin sa akin, ang apat na lalaki ay may nakakalukong ngisi habang si Mr. Angeles ay mas lumalim ang kunot noo.

Umiwas din ako agad matapos makapagbayad, muntik ko na ring makalimutan ang pasalubong ko sa kambal mabuti na lamang at nakita agad ako ng waiter na paalis na.

Nagmamadali akong lumabas ng restaurant ngunit mas mabilis ang pagharang sa akin nang isa mga binata kanina.

"Hi beautiful? I'm Michael, Raphael's friend."

"Ah-hello," nakangiwing sagot ko. Bakit ba ako nito nilalapitan. Papansin!

"I need to know your name," aniya.

Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa saka tumingin ng deritso sa kanya. Inirapan ko lamang ito at umalis. Sino ba ito para sabihin ko ang pangalan ko. At wala akong akong pake kung sino man siya. Mukha naman itong playboy, kaya ekis siya sa akin.

NAKASIMANGOT na bumalik sa kinauupuan ng CINCO si Michael. Pabalibag itong umupo at inirapan si Raph. "What?" Nakangising tanong ni Raph.

"Nothing," inis nitong sagot.

"Feisty! I like her," sabad ni Gio habang hinahabol ng tingin ang dalaga.

"Back off!" Nagulat ang lahat nang biglang sumabad din si Raph. Nagkatinginan silang apat at nag uusap gamit ang mga mata nila at senyas.

"Aw—kay!"

Tinaas nilang apat ang mga kamay nila na tila bang sumusuko. Kilala na kasi nila si Raph, hindi maipagkakailang may gusto ito sa dalaga dahil napansin ng mga ito kanina ang pagnanakaw tingin sa pwesto ng dalaga. No kaya yun? Love at first sight?

Halos hindi na nga nito maalis ang kanyang mga mata rito.. Hindi rin nakaligtas sa kanila ang gulat at balisang itsura nito habang kumakain. Siguro dahil ito sa intensidad nang mga tingin na binabato sa kanya ni Raphael.

"Kwento ka na naman Raph kung paano mo iyon nakilala!" Nakangiting sabi ni Cael, short for Michael. Sinang ayunan naman ito nang tatlo ngunit wala silang natanggap na sagot. Umalis agad si Raph at iniwang nakatunganga ang mga kaibigan niya.

"I'm busy," tipid na sagot nito.

Mabilis na nagtungo si Raph sa sasakyan niya at sinundan ang dalaga. Nalaman kasi nito ang baho ng kanilang company at dahil ito ang nakipag usap sa kanya. Sa dalaga siya mag-uumpisa, mabuti na lamang at nadelete na niya ang video kagabi. Madali lang naman nitong nahack ang server ng kompanya na iyon, basic. He's the leader of CINCO, so he can do anything.

Tumigil siya mga ilang metro mula sa binabaan ng dalaga. Hinintay nitong makaalis ang sinakyang taxi bago niya pinaharurot ang sasakyat palapit at biglang nagpreno nang malapit na ito sa dalaga.

NAGULAT AKO nang marinig ang tunog ng humaharurot na sasakyan at mas lalo akong nagulat nang tumigil ito sa harapan ko. As in sa harap ko! Akala ko mabubundol na ako ng wala sa oras!

Lumabas sa sasakyan ang taong hindi ko inaasahan at mas lalong hindi ko gugustuhin makita. Si Sir Angeles!

He strides towards me knocking me on my senses. "S-sir," sobrang lapit nito sa mukha ko. "W-what are y-you doing h-here?" Buong tapang na tanong ko kahit nanginginig ang aking kalamnan.

"You—"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may nagsaboy sa kanya ng putik, nalagyan ang kotse nitong mamahalin. Mula sa likuran ay narinig ko ang hagikgik ng kambal. Nanlaki ang mga mata kong pabalik balik ang tingin sa dalawang chanak.

Nako naman! Ngayon lang ata ako nainis ng sobra sa ginawa nila, mabuti sana kung hindi kami enemy nitong binata na 'to.

"F*ck!"

"Bad po magmura!" Narinig kong pangaral ni Ren. Lumapit ang mga ito at humawak sa magkabilaang kamay ko.

"Oo nga po," nakangiti nang nakakaluko si Ron.

"Who are this kids? Is it yours?" Nangangalaiti nitong tanong.

"Oo bakit?" Gusto kong sabihin hindi ngunit ayaw ko namang magsinungaling, kasi mga anak ko ang mga ito sa papel.

"Who's the father? Is this how he discipline his kids?"

"Wala po kaming Daddy, bakit aaply ka po?" Napanganga ako sa sinabi ni Ren habang si Ron ay sinang ayunan ang kapatid. Mabilis pa sa alas kwatro kong tinakpan ang bibig ng kambal.

"Hoy mga chanak! Anong pinagsasabi niyo? Hindi niyo yan magiging Daddy, Mommy doesn't like him okay!" Singhal ko.

"Malay mo." "Malay natin," sabay na sagot ng kambal. Nako! Itong mga chanak na 'to, tutubuan talaga ako ng uban. Anong pinagsasabi nang mga itong malay-malay! At ang lalakas na rin, madali lang nilang naalis ang kamay ko sa mga bibig nila.

"Tumahimik kayo! Pasok sa bahay dali!" Pinapasok ko na ang mga ito, mabuti na lamang at sumunod ang nga ito pero humagikgik na naman ang mga ito.

Hinarap ko agad ang binata nang makapasok ang dalawa. "Sir, I'm sorry. Pasok po kayo? May extra pong damit sa loob," mahinang turan ko.

"Your lover's clothes?"

"Huh? Hindi ah! Mahilig ako sa panglalaking damit pag nasa bahay ako! Ayuko pang magkachanak." Pinahina ko ang boses ko sa huling sinabi ko. Hindi lamang ako sigurado kung narinig ba niya ang huling sinabi ko. "Pumasok ka na lang, peace offering ko dahil jan sa ginawa sayo ni Gairen at Gairon."

Pumasok na ako sa bahay bahala siya kung ayaw niyang pumasok basta iniwan ko na lamang na nakabukas ang pintuan. Kung bakit ba naman niya ako sinundan dito, prankters pa man din ang kambal lalo na at nakita nang mga itong masama ang tingin sa akin kanina. Teka? Sinundan ba ako nito para pagbayarin sa ginawa ko kahapon? Hindi ko naman iyon sinasadya, kasalanan iyon ng amo ako. Siya nag utos sa akin, sumusunod lamang ako.

"Your employer must be paying you good, huh?" komento nito nang makapasok ng bahay, akala niya hindi ito sumunod.

"Umm, hindi naman. Pera ng magulang ko pinambili ng mga iyan, except for the boy's toys." sagot ko. "Ren! Ron! May dala pala akong pagkain, kunin niyo at kainin niyo na doon sa mesa dali!" Tawag ko sa kambal, kumaripas agad ng takbo ang dalawa at muntik ng mag agawan pero agad ko itong sinita. "Careful!!! Mahal 'yan," sikmat ko.

"Thank you, mommy!" Masayang tumango ang mga ito at nagpunta na sa kusina.

Nakangiti ko silang pinanood hanggang hindi ko na sila nahagilap. Natauhan ako nang maramdaman na naman ang titig niya sa likod ko. Hinarap ko agad ito, "ah-- saglit ikukuha pa pala kita nang damit." Nahihiyang tumakbo din ako sa kwarto ko at naghalughog ng mga damit na malaki sa akin at hindi pa gamit. Nakakahiya naman kung iyong luma na ang ibigay ko.

Nakapili rin ako sa wakas, kulay blue ito at XXL na ata ang laki. Kasya naman siguro sa kanya ito. Lumabas na ako at binigay sa kanya ang damit, hindi ko na ito binigyan ng shorts dahil paniguradong walang kakasya sa kanya.

"Senya ka na sir, wala akong shorts na malaki. Huwag kang mag-alala bago yan!" Inunahan ko na ito baka kung anong sabihin, nakita ko rin kasi ang titig nito sa iniaabot kung damit.

Inagaw naman niya ito at nagtungo sa kwarto ko, "wait! hindi jan!" Pigil ko.

"Then where?" singhal nito. Ituturo ko sana ang kabilang kwarto ngunit nakapasok na ito at nilock pa ang pinto.

"Ayo--'

"Jusko lord! Ngayon ko kailangan ang kambal pero ayaw ko naman silang isturbuhin," gigil ko. Ilang beses kong inambahan ng suntok ang pintuan pero agad ko rin pinigilan ang sarili. Nakadikit pa ang tenga ko sa pinto, baka kung anong ginagawa na nito sa loob. Sobrang tagal kasi nito, eh, magpapalit lang naman. Hindi naman siguro ito pagnanakaw? Ngunit mayaman na ito bakit pa siya magnanakaw? Baka naghahalughog na iyon ng mga gamit ko! huwag naman sana.

Diin na diin ang tenga ko sa pinto hanggang sa narinig ko ang pagpihit niya sa pinto. Aalis na sana ako ngunit bigla akong nawalan ng balanse at napasubsub ako sa kanya. Mas nabigla pa ako nang hindi ako sa pinto napasubsub kundi sa private part niya! Sa lakas nang pagkakahila niya ng pintuan ay napasubsob ako kaya ganoon ang ending ng bagsak ko!

Naramdaman kung tumama ang ari niya sa mukha ko lalo na at nakaboxer lang pala ito! Para akong sinampal nung ano niya! Galit yan? Sh*t!

"Ouch! Nakaarmor ba 'yan?" Inis na tumayo ako saka inirapan siya.

"You already have kids, you should know how monstrous our thing is." Nakangising sagot nito.

"Anong kids-kids ka 'jan, bakit ba kasi ang lakas nang pagbukas mo ng pintuan." Depensa ko.

"Why are you eavesdropping?" Pakikipagtalo nito.

"W-what? Hindi ah!" Umiwas ako ng tingin, hindi ako guilty! Hindi!

"Oh really?" Nanghahamong tanong nito habang panay ang ngisi nito.

"Oo nga! Tss!" Nagwalk out na ako at nagtungo sa kusina kung saan lumalamon ang mga chanak ngunit ng makarating ako ay wala na sila doon tanging pinagkainan na lamang ang nandoon.

"Nako naman, hindi na naman naghugas ang mga chanak!" Nanggigigil kong bulong habang nagliligpit ng pinagkainan nila. Alam lang nilang andito ako, eh, kapag naman wala ako hindi naman nag iiwan nang hugasin ang mga ito.

Nang matapos na akong maghugas ay nakarinig ako ng kalabog sa sala at matinis na hagikgik nang isa sa mga kambal. Ngunit mas nangingibabaw sa pandinig ko ang pagmumura ng binata na iniwan ko kanina.

Hindi na katakatakang pinagtri-tripan na naman siya nang kambal. Kahit kailan talaga! Buti nga sa kanya, sungit! Hindi muna ako nagpakita sa kanila, sinilip ko lamang ang mga ito sa may siwang ng pinto.

Unang bumungad sa aking paningin ang nakakunot noong mukha ni Sir Raph at sa magkabilang gilid nito at may nakakapit na dalawang chanak-- este bata na puno nang putik pati mukha. Panay ang yugyog nito at pilit inaalis ang kambal na nakapulupot sa kanya. Tuloy lamang pag hagikgik ng dalawa dahil hindi sila kayang alisin ng binata.

"Pfffft--" pigil tawa ko.

"Don't just stand there, idiot! Help me get this things off!" Pagalit nitong sigaw nang makita niya ako at marinig ang mahinang hagikgik ko.

"Ayuko nga, tinawag mo kung idiot eh!" umirap ako.

"Grrr-- just help me. B--beautiful?"

Nagulat ako sa tinuran nito, ngunit din akong nakabawi nang nag-iba ang ekspresyon sa mga mata nito, nagmamakaawa. Hayyst! Hindi rin lamang ako nakatiis ay tinulungan ko na siya. "Tama na yan mga chanak, kakapalit lang ng damit niyan." Agad naman sumunod ang dalawa at lumabas ng bahay, paniguradong itutuloy na naman nilang maglaro.

"Sorry ulit Sir, ganoon talaga ang kambal. Masasanay ka d-- uhh--- I mean-- basta sorry." Nahihiyang sabi ko. Halos sumabog ako sa sobrang init at pula nang mukha ko dahil sa sobrang hiya. Magsosorry lang naman dapat ako, bakit ko pa nasabi na masasanay din siya. Hindi naman ito manliligaw or something! Ang bobo ko! Assuming pa!

"Good idea, why not?"

Huh? Ano daw? Hindi agad maproseso ng brain cells ko ang sagot niya, huli na nang medyo ma-gets ko ang ibig niyang sabihin dahil wala na ito sa harapan ko. Narinig ko na lamang ang malulutong nitong mura bago umugong ang sasakyan nito na nasa labas. Pagtingin ko ay binabato nang kambal ang kotse niya kahit pinaharurot na niya ito palayo.

Ibang klase talaga mangtrip ako mga ito grabe! Sana lang hindi ako nito pagbayarin sa ipang car wash n'on. Wala pa man din akong trabaho, in short walang pera!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CINCO:Raphael Angelo   Chapter 15

    "JOHNSON, PWEDE ba kitang makausap?" Thamara tried not no fidget in front of Johnson, after the revelation a while ago she can't stop thinking about the possible outcome of it. "Alone," she added. "Sure," sagot ng binata. Iniwan nila ang iba sa sala, aangal sana si Raph pero pinigil niya ang kanyang sarili. Iniisip niya na desisyon ito ni Tham at ayaw niyang makisawsaw sa pag uusapan nila. Sigurado naman siya sa sarili niya na walang masamang gagawin si Tham. Hindi niya alam kung kailan niya nagawang pagkatiwalaan ang dalaga ngunit iyon siguro ang kagustuhan ng tadhana. Ang pagkatiwalaan ag taong mahal mo, oo mahal na niya si Tham. He was sure of it, wala naman sigurong mangyayaring milagro kung hindi niya mahal ang dalaga. He sees Tham as his future wife not just a fling or anything. Asan na kaya ang mapaghiganting Raphael? Parang naglaho na lamang na parang bula. Paano kaya kung ito ang magiging suliranin ng relasyon nila kapag pinagsigawan niya na mahal niya ang dalaga? Sigu

  • CINCO:Raphael Angelo   Chapter 14

    SA KABILANG BANDA, sa eksaktong oras ng pagtatalik nina Tham at Raph. Masasaksihan ang isang karumal dumal na pangyayari. Mahigit limampung bata ang na-rescue sa isang operasyon ng isang organisasyon. Ang mga nailigtas ay nasa edad lima hanggang sampong taong gulang."You are safe now, may mga magulang pa ba kayo?" Tanong isa sa mga nagligtas sa mga bata. Isang matangkad at may kaputian na binata, nakasuot ito ng shades kaya hindi masyadong makita ang kanyang bata. Hindi naman nakakatakot ang boses nito sapagkat hindi naman natakot sa kanya ang mga bata. Dalawa sa limampu't mahigit na bata ang nagtaas ng kanilang kamay, marahil ang iba ay wala ng pamilya kaya naman napunterya ang mga ito. Samantalang ang dalawa ay may pamilya dahil nakataas ang mga kamay ng mga ito. Lumapit ang dalawang bata sa binata, nagulat ang binata nang makita ang mukha ng dalawang bata."Twins?" Hindi makapaniwalang bulalas nito, nakaramdam ang binata nang bugso ng damdamin. Nagpalipat-lipat ang tingin sa dala

  • CINCO:Raphael Angelo   Chapter 13

    WARNING : SPG MATAPOS MAKASAGAP ng hangin ay napagpasyahan ni Thamara na pumasok na sa loob ng bahay, malapit na ring lumubog ang araw. Ngunit hindi na niya hinintay ang paglubog nito dahil alam niya na kahit lumubog man ito ay wala pa rin ang kambal. Humingang malalim at malungkot na naglakad papasok, sa hindi inaasahan bumungad sa kanya ang mukha ni Raph. Sumidhi ang kanyang damdamin matapos siyang yakapin ng binata. Hindi sinasadyang mahulog niya ang hawak na litrato. Sumakto ito sa paanan ni Jonathan. "W-who-- is she your friend," nanginginig na boses na tanong nito. Para itong nabuhusan ng malamig na tubig, nakatitig lamang ito sa litrato na para bang nakakita ng multo. Nabaling ang atensyon sa kanya ni Thamara pati na rin ang iba pang kalalakihan doon. "No, s-she's my sister. K-kilala mo siya?" Panunuri nito. Lumunok muna ito bago sumagot, "Yeah." "How? Wala namang pinakilala sa akin si ate, 'ni kaibigang lalaki wala." Hindi makapaniwalang tanong nito. Inagaw naman ni Raph

  • CINCO:Raphael Angelo   Chapter 12

    ANG BAKASYONG inaasam ay kasalukuyang natigil ng isang nakakagimbal na pangyayari. Hangad ng lahat ang kaligtasan ng kambal kaya naman napagpasyahan nilang putulin ang mapayapang pagtatagpong ito. Nauwi man sa hindi maganda ang bakasyon nila ay pinilit ng lahat na magpakatatag lalo sa dalagang si Thamara. Raphael sent his men to search the whereabouts of Hugo and the twins. His other men in the HQ try to traced the vehicle used to carry the twins. Nahagip lamang ng camera ang pagkuha sa mga bata ngunit hindi ang sasakyang ginamit kaya naman malaki at malawak ang sangay ng imbestigasyon nila. "R-raph, saan ka pupunta? Iiwan mo ba ako rito?" "Kailangan ko muling hanapin ang kambal," sagot nito habang naglalakad paalis nang bahay. "Sama mo ko please?" Nagmamakaawang sambit nito. "Tham, no. Take care, don't worry I'll find them for you--for us." Huling sabi nito bago tuluyang iniwan ang dalaga sa sala. RAMDAM KO ang pagiging mailap ni Raph sa kanya, magmula noong isang araw. Noong

  • CINCO:Raphael Angelo   Chapter 11

    THE OCEAN BREEZE CALM my nerves, tulala akong nakatanaw sa dulo ng baybayin. Ninanamnam ang bawat sandali, alam kong hindi ko na ito magagawa pa mamaya dahil magigising na kambal. Matapos naming makauwi kagabi ay sinalubong kami ng mga kaibigan ni Raph. Nakahanda na pala ang mga ito at hinihintay na lamang kami bumalik. Syempre hindi na kami masyadong nagtagal sa bahay, nilabas na namin ang mga kakailanganing gamit namin at bumyahe na kami patungo dito sa beach. Pag aari ito ni Raph.Dito na rin kami nagdinner kasama ang mga kaibigan dahil sa bukod sa kulang kami ng oras ay excited na rin ang mga itong magtampisaw sa dagat. Mas excited pa nga sila kesa sa mga kambal, jusko!Natigagal ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. "Good morning," narinig kong bulong nito, halata sa boses nito na kagigising lamang niya. Bakit ganoon? He sounds sexy with his morning voice!"Raph, bakit ka ba nanggugulat?" Nanghihinang tanong ko. Napakapit ako sa mga braso niyang nakapulupot sa a

  • CINCO:Raphael Angelo   Chapter 10

    WARNING: MEDYO SPG SOME PEOPLE adjust to their environment drastically, so am I. They also prefer being alone but sometimes when problems comes, they knew what they want-- they hate being alone at that point. Dumating na ako sa puntong ito nang dalawang beses, I just wish it won't happen again. "--my?" I was devastated the last time, I'd encountered that event in my life. Sobrang hirap, sobrang hirap mawalan ng pamilya. Noong mga panahong iyon ay wala man lang akong matakbuhan. Wala man lang ako makapitan kung 'di sarili ko na lamang. Simula nang namatay ang mga magulang namin ni ate ay lumipat na kami ng bahay sa kabilang bayan para buhayin ang sarili namin. "Mommy?" Life in the city was good, not until my sister got pregnant. Masaya naman akong magkaroon ng pamangkin ngunit hindi ko lamang in- expect na walang magpapakitang ama sa anak ni ate. How tragic, how painful is that! Napakawalang puso ng lalaking iyon! Maraming pagtitiis ang ginawa ng kapatid ko dahil sa pagbubuntis

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status