Share

Chapter 3

Author: MissPresaia
last update Huling Na-update: 2025-01-06 08:47:10

NABULABOG ang napakahimbing kong pagtulog nang biglang may kalabog akong narinig, na siyang dahilan ng pagkaudlot nang aking beauty rest. Ano naman kayang kaguluhan iyon? Jusko, iyong mga kambal na naman siguro! Masasakal ko na talaga ang mga ito, perwisyo talaga sa buhay ko ngunit love ko pa rin ang mga ito. Hindi ko naman kasi kayang itakwil ang mga ito, baka multuhin ako nang mama nila.

Padabog kong inihagis ang kumot ko sa may paanan ko saka nakabusangot akong bumangon dahil hanggang sa pagtayo ko ay hindi pa rin natitigil ang mga naririnig kong kalabog sa bahay. Pumupungas-pungas pa akong lumabas ng kwarto habang nagmamadaling hanapin ang pinagmumulan ng ingay. Laking gulat ko ng may naglalakihang kalalakihan na naka all black sa pamamahay ko pero ang mas kinagulat ko ay ang mga kambal na ngayon ay nakikipagbatuhan ng pingpong ball sa mga lalaking naka itim.

"Jusko! San Pedro pakisundo na ang mga ito! UTANG NA LOOB HINDI PLAYGROUD ANG BAHAY KO!!!!" Nanggagalaiting sigaw ko, biglang uminit ang ulo ko. Gawin ba naman playgroud, eh, mas malawak pa nga ang playgroud sa may kanto kesa 'tong bahay namin! Aga-aga naha-highblood ako!

Napatigil naman sa ere ang mga ito, sa hindi sinasadyang pagkakataon may ligaw na bola na tumama sa isang binatang prenteng nakaupo lamang sa luma naming sofa. Mas naging awkward ang paligid, pinapakiramdaman namin ang isa't isa lalo ng mabilis magbago ang awra nito. Walang nagsasalita sa kanila habang ako ay pinipilit kong hindi bumungisngis ngunit hindi ako nagtagumpay. Patay galit na! Pero bakit ito magagalit, ako dapat iyong galit dito kasi pamamahay ko 'to tapos pumasok pa sila nang walang paalam.

"Hoy lalaki, wala kang karapatang magalit jan! Bakit kayo nandito sa bahay ko? Anong ginagawa niyo rito ha?" Pinagduduro ko ang mga ito habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa aking bewang. "Kayong dalawa! Mga chanak kayo, bakit kayo nagpapasok ng ibang tao? Paano na lamang kung bad apes ang mga iyan." Pagalit kong pinagsabihan ang dalawa na ngayon ay nakahalukipkip habang nakanguso.

"Sorry Mommy," unang nagsorry si Ron.

"Sorry rin po Mommy, sabi po kasi n'ong lalaki na iyon siya daw bago naming Daddy!" Imbis na maging malumanay ang boses ay naging excited ito, pumapalaklak pa ang bwesit!

"Anong bagong Daddy?" Naguguluhang tanong ko, tumingin ako kay Sir Angeles na ngayon ay titig na titig sa akin.

"I'm here for you and the kids."

"WHAT!???" Tang i**! Nabingi ata ako, bakit ?

"You're man left you, so I'm taking you." Huh? Ano daw, my man? Kailan pa ako nagkalalaki?

"I'm taking you ka jan! Bakit mo naman kami kukunin? Wala ka namang resposibilidad sa amin tsaka, I thought you're galit dahil sa nangyari noong nakaraan -- doon sa office mo. Isa pa tanggal na ako doon, huwag kang mangulit sa buhay ko." paliwanag ko.

Nanatiling nakatitig lamang sa siya sa akin hanggang sa inirapan ako at nagsalita. "The twins already pack your clothes, it's already on the car."

"WHAAAT??? DID YOU PLANNED THIS?" hindi makapaniwalang bulalas ko. Tumakbo ako sa kwarto para kumpermahin ang sinabi nito at nanghina ako ng makumpirma. Wala na nga ang mga damit ko pati mga undergarments ko wala! As in wala na! Paladesisyon siya, pati kambal nautusan niya? Ako ang naghirap na iluwal at nagpalaki sa kanila tapos sa hindi nila kadugo sila susunod? Pero jokey jokey lang iyong part na ako ang nagluwal, fake news iyon.

Mabibigat ang mga hakbang kong lumabas ng kwarto at kumuha ng isang hanger. "CHANAAAAAKKKK, mga peste!" labas ngala ngala kong sigaw, abot na hanggang kabilang kanto. Agad tumakbo sa likod ni Sir Angeles ang dalawa nang marinig ang sigaw ko at makitang nakahawak ako nang hanger, ito na lang kasi ang natira sa kabinet ko. "Ako nagpapakain sa inyo, ah, kaya dapat ako ang sinusunod niyo!"

"Daddy tulong, mama galit na!" Niyuyogyog ni Ren ang 'daddy' kuno niya.

"Pinakain din po kami kanina Mommy, kaya sunod kami kay Daddy." sagot naman ni Ron.

"ANO? -- Hoy anong pinakain mo sa mga anak ko, hah? Nilagyan mo siguro ng gayuma 'no? SAGOT!" Pinanlakihan ko nang mata si Sir Angeles, wala akong pakialam kung mayaman man ito o ano, masasakal ko talaga ang lalaking ito. Umiinit talaga ulo ko lalo na at bagong gising lamang ako.

"Tsk, don't mind your mother. She'll get over it. Let's go," Aba! Hindi ako pinansin, iyong kambal lamang ang kinausap niya. Hindi ako makapaniwala habang inaakay niya ang dalawa palabas ng bahay. Mas lalo akong nanlumo nang sumabit pa ang dalawa sa kanya at tuwang tuwa pa.

"You coming or not?" Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa akin.

"Hindi! Hindi ako sasama," para akong batang nagmamaktol, may papadyak padyak pa akong nalalaman. Kung mainit ulo ko kanina mas dumoble ngayon, sino ba siya para magdesisyon kung ano ang gagawin sa amin. Hindi ko naman siya asawa, mas lalong hindi ko naman ito kasintahan! Teka! Baka naman gusto kaming nasa poder niya para pahirapan kami? Galit pa rin kaya ito dahil sa ginawa namin? Ngunit mag-iisang linggo na mula nang mawalan ako ng trabaho, wala rin akong nahahanap na trabaho pa.

"Anong ipapakain mo sa mga anak mo? You don't have a work remember? Kinukuha ko kayo kasi doon ka sa akin magtratrabaho, now you get it Mrs. Gallegos? Oh, let me rephrase that, Mrs. Angeles." Ano raw? Sa dinami dami ng sinabi niya ay yung huli lang ang naintindihan ko. Anong Mrs? Tarantadong to!

Hinampas ko ito ng hanger na hawak ko dahil sa inis, "Anong Mrs.? Bwesit ka!" Ngunit sa kasamaang palad ay nasangga lamang niya. Inis kong hinila ang hanger sa kamay niya na agad naman niyang binitawan.

"Bakit-- Anong pake mo kung wala akong trabaho? Makakahanap naman ako," umiwas ako nang tingin.

"You're really dumb, are you? Tsk, lets go." Kanina niya ako sinasabihan ng masasamang words, ah, sarap itapon sa Pluto!

Biglang naramdaman ko ang isang kamay na sobrang higpit na humila sa akin palabas nang bahay. Hindi agad ako nakapagreact sa ginawa niya, halos hindi ko na marinig ang mga pinagsasabi ng kambal at mga hagikgik ng mga ito habang nakahawak sa akin ang binata. I suddenly can't understand myself, when he holds my hand-- para akong nakuryente at habang tinitignan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin ay biglang bumibilis ang tibok ng puso ko. Bigla-bigla ring uminit ang pakiramdam ko lalo na sa pisngi ko, feeling ko lahat nang dugo ko umakyat na sa mukha ko.

"Mommy is red!"

"Like a tomato!"

Nanlaki ang mga mata ko, ano raw? Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang dalawa na pinupuna ang mukha ko. Masyadong bang halata na nagblush ako? Bakit yong iba hindi naman namumula kapag kinikilig? Naiiyak na tanong ko sa sarili.

"Don't mind her, Mommy is angry." Narinig kong sagot ni Sir. "By the way don't call me Sir Angeles, just Raphael." Bumaling ito sa akin, naging mas mabilis ang pagwawala nang aking puso lalo na at deretso itong nakatingin sa akin.

"O-Okay? Si- Raphael," sinamaan niya ako tingin nang muntik na akong magkamali anng pagtawag sa kanya. "Wait! You said magwowork ako sayo diba, dapat I'll call you Sir Ange-"

"No! Your work is to be my good wife."

"WHATTTT!!!!" Shit! Nakakarami na ako nang sigaw, kanina pa ako nagugulat sa mga ito. "Wife? Asawa? Teka--"

"Shut up," binuksan nito ang passenger seat sa tabi niya at tinulak siya nito papasok.

"ARAY NAMAN! Pwede namang hindi manulak eh!" angal ko. Ang sakit kaya sa kamay yung mahila ka tapos ibalibag ka ba sa loob ng kotse tapos muntik pang mapasubsub sa kambyo ng kotse. Sino hindi magagalit, 'diba? Buti sana kung sa kambyo niy-- ay mali! Bawal 'yon! Anong ba 'tong naiisip ko.

"Mommy malaki bahay Daddy?" biglang tanong sa akin ni Ron.

"Aba malay ko, hindi ko naman alam. Tanungin niyo yang demonyong yan, kasi hindi ko masasagot yan." umingos ako. Malamang malaki ang bahay nito dahil mayaman naman siya pero hindi naman sigurado kung gaano kalaki ang bahay nito.

"Daddy malaki bahay natin?" Bumaling ito sa 'Daddy' niya kuno. Tinignan lamang siya nito sa rearview mirror saka tumango. Nag-inat lang ito ng ilang minuto bago niya pinaandar ang kotse saka umalis na sa bahay namin.

Sh*t! Bigla akong natauhan nang medyo makalayo layo kami, nasa malayo na kami saka lamang gumana ang utak ko. Iyong bahay namin paano na iyon? Hindi naman sa amin iyon pero madami kaming memories doon ng mga magulang ko pati ang kapatid ko na si Ate Misha, ang tunay na ina ng kambal. "Paano na iyong memories namin doon--"bulong ko ngunit narinig ni Raph ang sinabi ko.

"Tsk, memories," tipid na komento nito.

"Marami naman talaga kaming memories doon lalo na ang pamilya ko." Umirap ako, nanatiling nakadungaw ako sa bintana ng kotse habang pinapanood ang mga bahay na nadadaanan namin.

I heard him let a frustrated sigh but I didn't mind him until we entered a villa. Sobrang lawak nito at nasa limang bahay lamang ang nakikita kong nakatayo rito. Mahal siguro ang bayad dito kaya iyong mga mayayaman talaga ang nakaka-afford manirahan sa ganito. Magkakalayo rin ang limang bahay mga kalahating kilometro siguro, sobrang lawak nang mga bakuran nito at halos magkakasinglaki at lawak nang bahay- ay este mansion pala. Medyo malaki lamang tignan ang dalawang bahay sa pwesto nito, may pagka sloppy kasi ang lupang kinatatayuan ng mga ito.

Isa sa mga bahay na nasa mataas na lugar ang hinintuan ng sasakyan. Wala man lang itong kabakod-bakod, basta na lamang nitong pinarada ang sasakyan sa harapan ang bahay.

"Wow lakiiii!!!" Masayang sambit ng kambal habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Hindi na rin nakapaghintay ang dalawa at sila na ang nagbukas ng pintuan sa tapat nila. Agad dumiretso ang kambal sa pintuan ng bahay, nagulat pa ako nang kusang bumukas ang pintuan. Napatingin tuloy ako sa katabi ko, may hawak itong maliit na remote, ito siguro ang ginamit niya para kusang bumukas ang pinto.

"Ron! Ren! Hoy, hindi niyo iyan bahay. Huwag kayong basta basta pumapasok," sigaw ko nang makitang tumakbo ang kambal sa loob, ilang segundo lamang nang sumigaw ako ay lumabas din sila. Mabuti naman at nakinig ang mga ito.

Magkasabay kaming lumabas nang kotse ni Raph ngunit hindi ko siya pinansin nang sinara ko na ang pinto ng kotse. Sumunod ding tumigil ang isang malaking truck, ngayon ko lamang napansin na may truck pala na nakasunod sa amin. Malamang dito nilagay ang mga gamit namin.

"Don't stop them, it's their home now and yours too."

"Kahit na, dapat iyong may bahay pa rin ang unang pumapasok tapos papasukin mo kami, ganoon!" pairap kong sagot.

Nagkibit balikat na lamang ito at nilampasan ako saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Inakay nito ang dalawa samantalang ako ay hindi man lamang ako tinawag. Favoritism yan? Napasimangot tuloy ako, kukunin kunin kami tapos iyong kambal lamang ang pinapansin. Unfair!

Naramdaman siguro nito na hindi ako sumusunod sa kanila, "Come, now!" Nakunot noong untag nito. Umingos lamang ako saka mabibigat ang aking hakbang na sumunod sa kanila sa loob ng bahay niya.

Kung ano ang ikinaganda ng labas nang bahay nito ay siya ring ikinaganda ng loob. May naglalakihang paintings sa sala nito, isang malaking chandelier at mga figurines from smallest to biggest. I thought his house would be plain, kasi ganoon naman ang alam kong gusto ng isang lalaki. Ngunit ngayon ay nagkamali ako sa hinala ko, hindi lahat ay pare-pareho ng taste sa interior ng bahay nila.

"Daddy ganda bahay!" Magkasabay na bulalas nang dalawa, kita sa mukha ng mga ito ang pagkamangha at kagalakan.

"How about, ipapakita ko na sa inyo ang room niyo?" Shit! Bakit ang seksi nang boses niya pag nagtatagalog kagaya kanina, hindi ko lamang iyon agad napuna. Slow ko kasi, marami akong nare-realized ngayong nandito na kami.

Mabilis tumango ang kambal nang marinig ang sinabi nito. Talagang pinagplanuhan niya ito, aminin man niya o hindi, halata naman kasi siya. Kung hindi ako nagkakamali ay may dalawang maliliit na sasakyan sa gilid kanina, iyong kagaya ng laruan ni Stormi yung anak ni Kylie Jenner. Sa nakikita ko naman ay wala naman itong kasamang bata o iba sa bahay kundi mga lalaking nakaitim at mga kasambahay niya. Kaya napaka imposibleng hindi ito para sa kambal, assuming man pakinggan ngunit ganoon talaga ang pumapasok sa isip ko.

"Ma'am hatid ko na po kayo sa kwarto niyo," may lumapit sa aking matanda, napansin siguro nito marahil ang pagtunganga ko sa sala habang pinapanood ang tatlo paakyat sa ikalawang palapag.

"A-ah Salamat po--" ngumiti ako nang may nagtatanong na mata.

"Bina, Manang Bina." Ngitian din niya ako. "Ikaw Ma'am."

"Thamara po, Tham na lamang po for short. Huwag niyo rin po akong tawaging Ma'am, hindi po kasi ako sanay Manang." mahinghing sabi ko.

"Napakaganda naman nang iyong pangalan, singganda mo at sige kung iyan ang gustong itawag ko sayo." aniya habang mabagal na naglalakad. Hindi na ako sumagot pa ngumiti na lamang ako at sinundan ang matanda.

Nang makarating kami sa pangalawang palapag ay inihatid ako ni manang sa pinakadulong pinto sa kanan. "Dito raw ang magiging kwarto mo sabi ni Sir Raph, maiwan na kita rito, hah? May intercom sa loob, tawagin mo na lamang ako gamit iyon kapag may kailangan ka." mahabang bilin nito.

"Sige po Manang Bina, marami pong salamat." Pagpapasalamat ko, ngumiti naman ang matanda at iniwan na ako sa tapat ng malaking pinto.

Hindi na ako nag-abalang kumatok sa pinto dahil sabi naman ni Manang ay rito daw ang kwarto ko kaya dere-deretso akong pumasok sa loob ng kwarto. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla akong nabilaukan sa sarili kong laway. Fu*k! My eyes! MY SO NOT VIRGIN EYES NA!!! Akala ko ba kwarto ko ito? Bakit may naghuhubad na lalaki sa harap ng kama? Oo naghuhubad talaga, pati pang baba nito ay inaalis habang ako ay natulos sa kinatatayuan ko, hawak hawak ko pa rin ang handle ng pinto.

"AAAHHHHHHHHHHHHHHH! LIVE BOLD!!!!!" Tili ko habang ang isa kong kamay ay nakaturo sa likod ng lalaki-- sa harap niya pala dahil bigla itong humarap nang marinig ang tili ko.

SPOILER: ABANGAN ANG CINCO BROTHERS BARDAGULAN WITH THE TWINS!!!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • CINCO:Raphael Angelo   Epilogue

    15 years ago... THE RHYTHMIC rise and fall of the waves can calm my strained nerves as I continue to watch its mesmerizing actions. The smell of the ocean is like a therapy to my brain. The familiarity, I miss this. I love Ilocos, this is were I was born. Being out of the outskirts of Manila is like freedom have been received. Watching the setting sun in this area gives a mesmerizing and amazing scenery. Hindi ako nagsasawang panoorin ito, sa Manila hindi ko ito masyadong napagtutuunan ng pansin pero ngayong nakabalik na kami ay muli ko na namang napagmasdan ang ganda ng paglubog ng araw. They say, the sunset or the end of the day represents the end of a journey but when the sunrise came in represents rebirth. So no matter how a journey ends, there are still new beginnings ahead of us to try on. I'm still thirteen pero para akong matandang binata sa lalim ng iniisip ko. Nandito ako sa aming resthouse para magrelax hindi mag isip ng kung anu-ano. Hindi pa naman lumulubog ang araw

  • CINCO:Raphael Angelo   Chapter 30: Gender Reveal

    5 months later... UP THROUGH the darkness offered by the night, the moon shares its lights to the earth. There's the wind on the heath despite the sun being out, submerging into blindness leaving the moon takes itself to shine and parade its beauty. Two lovers intertwined their hands while leaning to each other. Watching the moon shimmer to its glory. Sitting on a mat and exchanging flirty glances to each other. Instead of the buzzing noise from cars in the distance, calm splashing sounds were heard. The calm breeze intoxicates their nostrils. "It's good to be back where we first met. Don't you think, love?" he smiled to his wife while caressing his wife's womb. "Oo, nakakarelax, and it's like a deja vu!" she chimed. "Bumabalik ang iba kung alala at maraming salamat sayo at sa kambal ko." "You're welcome, love." A little silence walk passed them, but their eyes said otherwise. They got into a staring contest for a while before it was cut by a cough. "Huwag kayong painggi

  • CINCO:Raphael Angelo   Chapter 29: Confession

    SPRING. Full joys of spring sprang from the depths of my heart. Para akong nasa alapaap, napakagaan ng pakiramdam ko. Matapos ang pag uusap namin ni Celistine, nakikinita ko ang pagbabago niya. Akala ko noong una ay pipigilan niya akong umalis ngunit nagkamali ako. Masaya akong umalis sa mansion. Gusto ko pa sanang makasama siya ngunit dumidilim na ang paligid. Tiyak kong hinahanap na ako ng asawa ko at nag aalala na iyon. Hindi pa naman ako nagpaalam na pupuntahan ko ang kambal ko. Naging mabagal ang pagpapatakbo ko ng maabutan ako nang trapiko, rush hour na rin kasi kaya siksikan ang mga sasakyan. Mabuti na lamang at hindi ako gaanong nagtagal sa highway. Madilim na madilim na ng makabalik ako sa villa. Malayo pa lamang ako sa bahay ay kita ko na agad ang nakapamewang na bulto ng isang tao. Hindi kita ang mukha nito ngunit nasisiguro kong ang asawa ko ito lalo na't may dalawang chanak sa gilid niya at nakapamewang din. Pusta ko, nalukot na naman ang mga mukha ng mga ito. "Go

  • CINCO:Raphael Angelo   Chapter 28: Twintuition

    THE CALMNESS OF THE SCENERY TODAY IS unwavering. Every plants and tress are dancing to the wind as birds play a soothing songs making it extra pleasant to hear and watch as they sing in harmony. As if there is nothing bad happened yesterday. I smiled as I placed the basket full flowers on her grave. "Hi? How are you ate?" I whisper. "Isa ka na ring tita. Iyong mga anak mo, ayon matigas pa rin ang mga ulo. Ate, I'm married now. Sana naroon ka pero wala, eh, malupit ang tadhana. Ate, alam mo ba na ang daming nangyari nitong mga nakaraang buwan? I found my twin, her name is Celistine. I also found out the real father of your sons." "Ate, ang dami kong tanong sayo, pero naisip kong pabayaan na lamang. I want you to be free from the discord of your past. Kahit hindi ko na alam ang lahat, ayos lang. I won't involve your name anymore. Please be happy, ate." I quickly wipe my tears. Nag uumpisa na naman akong maging emosyonal. I don't want to cry but I can't stop myself. Nagpunta akong ma

  • CINCO:Raphael Angelo   Chapter 27: Unexpected Guest

    THE RECEPTION ended fast at exactly 5 am in the morning. Hihirit pa sana ang mga magkakaibigan ngunit pinatigil na ito ni Raph dahil napapansin niyang bumibigat ang talukap ng mata ng kanyang asawa. Matapos ang nasabing reception ay nagsiuwian na rin ang apat ngunit mas nauna si Gio na umuwi. Hindi nila namalayan ang pag uwi nito kaya todo busangot si Michael saka bumubulong ng kung anu-ano sa isang tabi. Sina Jonanthan at Gabriel naman ay magkaakbay na umuwi dahil magkalapit ang bahay nila, sumunod lamang si Michael na hanggang sa daan ay hindi pa rin maipinta ang mukha. Matagal bago sila nakarating ng bahay nila dahil pa suray-suray na ang paglalakad ng tatlo. "Have seen how hot Thamara's twin is? Fuck! I can't like her-- you know what?" Humahagikgik na untag ni Gabriel. "What?" tanong ni Jonathan habang si Michael ay nakikinig lang. "Malamang kamukha ni Thamara, I feel like I'm dating Tham and broking the bro code." sagot nito sa balikong english niya. "May point! Oh pa'no rit

  • CINCO:Raphael Angelo   Chapter 26

    THE TENSION is unbearable as everyone wait for Raphael's answers. I am afraid what will he gonna say, my heart races like it wants to get off my chest. Matagal din ang pagpipigil ko ng aking paghinga na para bang kapag huminga ako may mangyayaring hindi kanais-nais.Namamawis na ang mga kamay ko habang pinapakinggan kanina ang sinasabi ng kakambal ko. "No! Ako ang magsasabi sa kanya!" Kinabahan ako ng marinig ko sakanya ito. Ano bang sekretong tinatago sa akin ni Raph? This secret might break me or hurt me emotionally.Humarap sa akin sa Raph habang si Celistine ay ibinaba ang hawak na baril. "Tham, I already know who you are bago ka pa nakauwi rito galing sa kakambal mo." pag uumpisa niya habang ako ay tulala lamang na naghihintay pa ng sasabihin niya. What did he mean by that? Na bago pa lamang kami nagkasama sa iisang bubong ay kilala na niya ako?"Just tell her already!" singit ni Celistine. Nakita ko pagkuyom ng kamao ni Raph mula sa gilid ng mata ko.Nakita ko rin ang pagtaas n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status