LOGINKapansin-pansin ang pananahimik at pagiging matamlay ni Cindy hapag kumakain sila ni Adam ng hapunan. Iniisip kasi nito kung paano magagawang mag-invest si Adam nang hindi siya lalabas na masama sa paningin nito.
Gustong-gusto ni Cindy na makawala na siya sa utang-na-loob niya sa pamilya ng tito niya. Pakiramdam niya ay parang kadena na nakagapos sa kanyang leeg ang kanyang utang-na-loob. At ang tanging paraan para makawala sa kadenang iyon ay si Adam. "Don't you like the food on the table? Napapansin kong hindi ka na matakaw kumain at palagi kang walang sigla," usisa ni Adam kay Cindy nang mapansin nito na halos hindi magalaw ng kanyang asawa ang pagkain nito at tinititigan lamang. Batid ni Adam kung ano ang iniisip ni Cindy. Ilang araw nang ganoon ito. At parang hindi siya sanay na makitang tahimik ito at hindi nakangiti kahit na sinusungitan niya. Pagdating nito sa bahay matapos kausapin ang tito at tita nito ay naghintay siya na magsalita ito sa kanya tungkol sa investment. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabanggit kahit isang salita tungkol sa bagay na gumugulo sa isip nito. Hindi niya alam kung wala ba itong balak na makiusap sa kanya na mag-invest sa kompanya ng tito nito? Ayaw ba nitong maging malaya sa utang-na-loob nito? Pina-imbestigahan niya kay Crispin ang background ni Cindy at kung paano ang buhay nito habang nakatira sa bahay ng tito nito. Kung totoo ang rumors tungkol sa kanya ay hindi siya magda-dalawang isip na makipag-divorce kahit wala pang anim na buwan gaya ng una nilang usapan. Ngunit matapos niyang malaman ang naging buhay nito sa piling ng pamilya ng tito nito ay aaminin niya na medyo nag-iba ang tingin niya rito. Nalaman niyang ang mga naririnig na tsismis tungkol kay Cindy ay gawa-gawa lamang ng dalawang pinsan nito at tiyahin. Hindi rin ito buhay-prinsesa sa bahay ng tiyuhin kagaya ng pagkakaalam ng lahat dahil tumutulong ito sa mga gawaing-bahay kahit na may mga katulong naman sila. Nalaman din niya na lahat ng gamit nito ay puro pinaglumaan ng dalawang pinsan nito. She endured the bullying of her cousins and aunt because she was grateful to her uncle for raising her. "I'm sorry, Adam. Medyo masama lang ang pakiramdam ko nitong nakalipas na araw kaya madalas ay wala akong ganang gumain," pagsisinungaling ni Cindy. Bigla siyang napatitig sa mukha nito nang ma-realized ang sinabi nito. Ino-obserbahan ba siya ni Adam kaya napansin nito ang kakaibang kilos niya? Nagkakaroon na ba ito ng interes sa kanya? Mariing ipinilig ni Cindy ang kanyang ulo. Hindi siya dapat mag-isip ng ganoon. Paano naman magkakagusto sa kanya si Adam sa loob lamang ng ilang araw? Madalas nga siyang hindi nito kinakausap kapag nagkikita sila sa bahay. "Pagkatapos mong kumain ay pumasok ka sa silid ko," seryoso ang mukha na sabi ni Adam sa kanya. Napaisip siya kung ano ang binabalak gawin ni Adam at nais nitong pumasok siya sa silid nito. Gusto ba nitong i-consummate nila ang kanilang marriage? Biglang itinakip niya sa kanyang dibdib ang dalawang braso. Hindi naman siguro siya pipilitin ni Adam na makipag-sex sa kanya kung ayaw niya. "A-Anong gagawin ko sa loob ng silid mo?" napapalunok na tanong ni Cindy kay Adam. Biglang naningkit ang mga mata ni Adam na tila ba nabasa nito ang iniisip ni Cindy. "Just come to my room later. Don't worry because I'm not interested with you like-a-child body," nakasimangot na sagot ni Adam bago pinagulong ang wheelchair nito patungo sa silid nito. Wala sa loob na bumaba ang tingin ni Cindy sa kanyang dibdib. Parang bata raw ang katawan niya? Bulag ba si Adam at hindi nito nakikita na nasa tamang proportion ang katawan niya? Para sa kanya ay tama lamang ang laki ng dibdib niya. Ayaw niya iyong sobrang laki ng dibdib na halos pumantay na sa kanyang baba. Pero baka mga ganoong klaseng babae ang type ni Adam. Naglaho ang kaba at pag-aalala sa dibdib ni Cindy sa nalamang hindi siya ang tipo ng babae ang gusto ni Adam. Mas mabuti na hindi sila magkagustuhan para walang maging problema kapag kailangan na nilang mag-divorce. Kahit wala siyang ganang kumain ay pinilit niyang maubos ang pagkain sa pinggan niya. At pagkatapos niyang kumain ay agad na siyang nagtungo sa silid ni Adam. "Ano ito?" nakakunot ang noo na tanong niya kay Adam nang bigyan siya nito ng mahabang papel pagkapasok niya sa silid niya. "Look at it." Inginuso nito ang hawak niyang papel. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang tseke pala ang papel na iniabot sa kanya ni Adam. At fifty million pesos ang nakasulat na halaga rito. "A-Ano ito?" ulit niyang tanong. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit siya binigyan nito ng ganoon kahalagang pera. Makikipag-divorce na ba ito sa kanya at ang fifty million pesos na iyon ay ang kanyang divorce settlement? "Don't you know what it is? Tseke iyan. Ngayon ka lang ba nakakita ng tseke?" yamot ang boses na wika ni Adam. Cindy rolled her eyes. "Alam ko na tseke iyan, Mister Aldana. Ang ibig kong sabihin ay bakit mo ako binibigyan ng ganito kalaking pera? Makikipag-divorce ka na ba sa akin?" "Of course not," agad na sagot nito. "Just consider it as a down payment for the one hundred million I promised to give after we divorce," paliwanag nito. Saglit na hindi nagsalita si Cindy. Hindi naman siguro iispin ni Adam na mukha siyang pera kapag tinanggap niya ang perang iyon. Advance payment iyon sa kanya ni Adam para sa role niya bilang fake wife nito. At isa pa, puwede niyang ibigay ang perang iyon sa kanyang tiyuhin bilang kabayaran ng lahat ng utang-na-loob niya sa pamilya nito gaya ng sinabi nito. Magiging malaya na siya sa utang-na-loob niya sa kanya. "Okay. Tatanggapin ko itong pera bilang advance payment mo sa akin," sabi niya nang sa wakas ay nakapagdesisyon na siya. Ngayon pa lang ay nai-imagine na niya na makakapag-aral siya sa school na gusto niya at sa kurso na gusto rin niya nang hindi isinasaalang-alang ang iisipin ng kanyang tiyuhin. "Thank you for this fifty million, Mr. Aldana. Huwag kang mag-alala dahil magiging mabuting fake wife ako sa'yo hanggang maghiwalay tayo," nakangiting dugtong niya bago nagmamadaling lumabas sa silid nito. Hindi naman napigilan ni Adam ang mapasimangot habang tinatanaw ang likuran ng palabas na dalaga. Nagtataka siya sa kanyang sarili kung bakit tila nakaramdam siya ng inis nang makitang parang balewala lamang kay Cindy ang fake marriage nila. At mukhang masaya ito at hindi na makapaghintay na dumating ang araw na magdi-divorce sila.Nang matanggap ni Cindy ang fifty million pesos ay agad siyang nakipagkita sa kanyang tiyuhin at walang pag-aalinlangan na ibinigay rito ang pera kapalit ng kalayaan niya sa utang-na-loob niya sa kanya. Nagtaka ang tiyuhin niya kung saan siya kumuha ng ganoon kalaking halaga ng pera ngunit hindi niya ito sinagot. Hindi naman ito nagpumilit pang magtanong dahil mahalaga lamang sa dito ay ang maisalba ang palugi nitong kompanya. Para makasiguro si Cindy na talagang tutuparin ng kanyang tiyuhin ang ipinangako nito tungkol sa kanyang utang-na-loob dito ay pinapirma niya ito ng kasulatan na nagpapatunay na wala na siyang utang-na-loob sa pamilya nito kapalit ng fifty million pesos na ibinigay niya. Parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib nito si Cindy nang sa wakas ay wala na siyang aalalahanin pang utang-na-loob sa pamilya ng tiyuhin niya. Agad siyang bumalik pag-aaral at nag-shift ng kanyang kurso from Business Management to Fine Arts major in Jewelry.Isang sikat at magaling na J
Kapansin-pansin ang pananahimik at pagiging matamlay ni Cindy hapag kumakain sila ni Adam ng hapunan. Iniisip kasi nito kung paano magagawang mag-invest si Adam nang hindi siya lalabas na masama sa paningin nito. Gustong-gusto ni Cindy na makawala na siya sa utang-na-loob niya sa pamilya ng tito niya. Pakiramdam niya ay parang kadena na nakagapos sa kanyang leeg ang kanyang utang-na-loob. At ang tanging paraan para makawala sa kadenang iyon ay si Adam. "Don't you like the food on the table? Napapansin kong hindi ka na matakaw kumain at palagi kang walang sigla," usisa ni Adam kay Cindy nang mapansin nito na halos hindi magalaw ng kanyang asawa ang pagkain nito at tinititigan lamang.Batid ni Adam kung ano ang iniisip ni Cindy. Ilang araw nang ganoon ito. At parang hindi siya sanay na makitang tahimik ito at hindi nakangiti kahit na sinusungitan niya. Pagdating nito sa bahay matapos kausapin ang tito at tita nito ay naghintay siya na magsalita ito sa kanya tungkol sa investment. Ngu
Malakas na kumatok sa pintuan si Cindy bago binuksan iyon binuksan. Pumasok siya sa loob ng silid ni Adam at nakitang nakaupo ito sa wheelchair nito habang abala sa pagbabasa ng mga papeles. "What do you need?" malamig ang boses na tanong nito sa kanya."Hindi ka raw nag-lunch kaya dinalhan kita ng pagkain." Inilapag niya sa mesa ang tray ng pagkain at lumapit sa wheelchair. Walang paalam na itinulak niya iyon papunta sa harapan ng mesa. "What are you doing? Did I tell you push me? I'm busy with my work. I have no time to eat," mariing tutol ni Adam, medyo yamot pa ang tono nito. Halatadong hindi ito sanay na pinangungunahan sa desisyon nito."Nandiyan lang ang trabaho mong iyan, Mr. Aldana. Pero ang pagkain kapag pinaghintay mo ay baka magtampo sa'yo. Hindi mo ba alam na hindi magandang pinaghihintay ang pagkain? At paano kapag magkasakit ka at mamamatay? Gusto mo bang mapunta sa akin ang lahat ng mga pinaghirapan mong ipundar?" nakangiting wika ni Cindy kay Adam. "How dare you
Sanay gumising ng maaga si Cindy kaya maaga siyang lumabas ng kanyang silid at nagtungo sa sala. My second floor ang malaking bahay ni Adam ngunit nasa ibaba ang kanyang silid. Tiyak na nasa ibaba rin ang kuwarto nito para hindi ito mahirapan sa pagpunta sa silid nito.Pasalamat siya na magkaiba sila ng silid ni Adam dahil kung nagkataong magkatabi sila sa kama ay tiyak na hindi siya makakatulog buong magdamag. Hindi naman kasi siya sanay na may katabing lalaki sa kanyang pagtulog. At baka bigla na lamang siyang magising na sinasakal nito. Mahirap na. Mahal niya ang buhay niya sa kahit anong bagay sa mundo.Pagdating niya sa sala ay nakangiting sinalubong siya ng maid na si Nana Dayay. Mukha itong mabait kaya tiyak na makakasundo niya ito."Good morning, Ma'am Cindy. Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" nakangiting bati nito sa kanya."Opo, Nana Dayay. Nakatulog naman ako ng mahimbing kahit na nasa ibang bahay ako at wala sa aking silid sa bahay ng aking Tito. Hindi naman ako dinalaw ng
What a small world. Hanep talaga magbiro ang tadhana.Iyan ang nasa isip ni Cindy habang nakatitig sa mukha ng lalaking masungit na nakausap niya noon na walang iba kundi ang dapat ay groom ni Lucy na ngayon ay magiging groom na niya. Si Adam Aldana ng Aldana Group. Kilala ni Cindy sa pangalan ang CEO ng Aldana Group ngunit kahit kailan ay hindi pa niya ito nakikita. At maging si Lucy ay hindi pa rin nakita ang mukha ni Adam. Kung nakita kaya ng pinsan niya ang mukha ni Adam at nakita nitong napakaguwapo at umaapaw ang sex appeal ng groom niya kahit na nakaupo lamang ito sa wheelchair, papayag kaya siyang pakasalan ang binata?"So it's you," boses ni Adam ang biglang pumukaw sa pagkakatulala ni Cindy."Yes, it's me," mahinang sagot ni Cindy na tila hindi pa rin makabawi sa pagkabigla."What's the meaning of this, Lando and Aurora? Akala ko ba ang ikakasal sa anak ko ay ang anak mong si Lucy?" galit na sita ng ama ni Adam, ang Chairman ng Aldana Group."Calm down, Joaquin. I think we ha
Walang nagawa ang pagtutol ni Lucy sa nais ng ama nito kaya pagkatapos ng anim na buwan ay naitakda ang kasal ng mga ito. Hindi nagkaroon ng engagement party dahil nasa ibang bansa pa naman si Adam. At balitang hindi naging successful ang operasyon nito sa paa kaya mananatili itong nakatali sa wheelchair. Dumating ang araw ng kasal nina Lucy at Adam. Ang venue ay sa malawak na bakuran ng sariling bahay ni Adam. Maliban kasi sa malaking bahay ng mga magulang nito ay may sarili din itong malaking bahay.Kung naka-wedding dress si Lucy ay ganoon din ang suot ni Cindy. Isa kasi siya sa mga bridesmaid ni Lucy at sabi ng pinsan niya ay lahat ng mga bridesmaid nito ay nakasuot din ng wedding dress. Nagtataka man kung bakit siya kinuhang isa sa mga bridesmaid gayobg hindi naman sila close sa isa't isa ay hindi na lamang siya nag-usisa pa. Tiyak na bubungangaan lamang siya ni Lucy kapag magtanong pa siya."Lucy, puwede bang simpleng white dress na lang ang isuot ko? Nakakailang masyado itong







