Share

Chapter 4

Sanay gumising ng maaga si Cindy kaya maaga siyang lumabas ng kanyang silid at nagtungo sa sala. My second floor ang malaking bahay ni Adam ngunit nasa ibaba ang kanyang silid. Tiyak na nasa ibaba rin ang kuwarto nito para hindi ito mahirapan sa pagpunta sa silid nito.

Pasalamat siya na magkaiba sila ng silid ni Adam dahil kung nagkataong magkatabi sila sa kama ay tiyak na hindi siya makakatulog buong magdamag. Hindi naman kasi siya sanay na may katabing lalaki sa kanyang pagtulog. At baka bigla na lamang siyang magising na sinasakal nito. Mahirap na. Mahal niya ang buhay niya sa kahit anong bagay sa mundo.

Pagdating niya sa sala ay nakangiting sinalubong siya ng maid na si Nana Dayay. Mukha itong mabait kaya tiyak na makakasundo niya ito.

"Good morning, Ma'am Cindy. Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" nakangiting bati nito sa kanya.

"Opo, Nana Dayay. Nakatulog naman ako ng mahimbing kahit na nasa ibang bahay ako at wala sa aking silid sa bahay ng aking Tito. Hindi naman ako dinalaw ng masamang panaginip kahit na ang huling mukha na nakita ko bago ko natulog ay mukha ng masungit na Adam na iyon. At saka huwag niyo na po akong tawaging Ma'am Cindy. Cindy na lamang po,," nakangiting sagot niy sa mabait na katulong. Wala siyng pakialam kahit na iparating nito kay Adam na sinabihan niya itong masungit dahil totoo naman ang kanyang sinabi. Baldado na nga ay msungit pa ito. No wonder ang mga magulang nito ng maghahanap ng babaeng mapapangasawa nito dahil walang magkakagusto rito na babae kung ganoon ito kasungit palagi.

"Naku, Cindy. Pagpasensiyahan mo na ang asawa mo. Masungit lamang siya dahil sa kanyang kalagayan," paumanhin ni Dayay kay Cindy para sa alaga nito. "Sanggol pa lamang iyang si Adam ay ako na ang yaya niya kaya alam na alam ko ang ugali niya. At sinasabi ko sa'yo na hindi naman talaga ganyan ang ugali niya noon. Kahit na palagi siyang seryosong tingnan ngunit hindi siya nagsusungit. Pero pagkatapos ng aksidente t hindi na siya nakalakad pang muli ay biglang nag-iba ang ugali niya. Mas lalo siyang naging seryoso at naging mainitin ang kanyang ulo," pagkukuwento ni Dayay kay Cindy sa dahilan ng pagiging masungit ni Adam.

"Huwag po kayong mag-alala, Nana Dayay. Mahaba naman po ang pasensiy ko kaya tiyak na matagal na mauubos ni Adam," nakangiting biro ni Cindy sa matanda.

Naiintindihan ni Cindy ang sitwasyon ni Adam. Kahit na sino man ang nasa kalagayan nito ngayon ay tiyak na magbabago ang ugali.

Tinulungan ni Cindy si Nana Dayay na mghanda ng almusal ni Adam at Crispin. Napag-alaman niya na sa bahay na iyon din pala si Crispin na siyang secretary at driver ni Adam.

Kape at french toast bread lang naman ang inihanda nila dahil hindi raw kumakain ng kanin si Adam kapag umaga at ganoon din si Crispin. Tamang-tama na naihanda na nila sa mesa ang almusal nang bumaba si Crispin. Nasa itaas kasi ang kuwarto nito dahil ang isa pang kuwarto sa ibaba ay si Nana Dayay ang natutulog.

"Ang aga mong nagising, Cindy. Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" tanong ni Crisoin nang lumapit ito kina Cindy at Nana Dayay.

Mahinang natawa si Cindy nang marinig ang tanong ni Crispin. "Iyan din ang itinanong sa akin ni Nana Dayay. Inaasahan niyo yata na hindi ako makakatulog sa unang gabi," nangingiting wika niya rito.

Natawa rin si Crispin nang malaman na pareho sila ni Nana Dayay ng itinanong kay Cindy. "Hindi naman sa ganoon na nga. Nakita ko kasi si Adam na galing sa silid mo kagabi kaya naisip ko na baka rumatsada na naman ang pagkamasungit ng boss ko at sinungiyan ka niya."

"Well, tama ka diyan. Sinungitan nga niya ako kagabi."

"Mabuti at hindi ka binangungot? Minsan kasi kapag sinusungitan ako ni Boss sa gabi ay binabangungot ako sa kanya," nakatawang biro pa ni Crispin. Natawa na lang din sina Cindy at Nana Dayay sa kakulitan ni nito.

Lihim namang natutuwa si Cindy dahil kahit na may pagkamasungit si Adam ay mababait naman t kasundo niya ang mga taong nakatira sa bahay nito maliban siyempre sa kanya mismo.

Nagtatawanan sila nang makarinig sila ng mahinang pagtikhim sa may bungad ng kusina. Paglingon nila ay nakita nilang naroon si Adam at seryosong nakatingin sa kanila lalo na kay Cindy.

"Good morning," nakangiting bati ni Cindy kay Adam.

"Gusto kitang makausap. Follow me inside my room," seryoso pa rin ang mukha na wika ni Adam sa halip na gantihan ang ginawang pagbati ni Cindy rito. Magtatanong sana si Cindy kung ano ang kailangan nito ngunit ibubuka pa lamang niya ang kanyang bibig ay nakatalikod na sa kanila si Adam at pinagulong ang wheelchair pabalik sa silid nito.

"Anong problema ng Boss ninyo ang aga-aga ampalaya ang mukha?" nagtatakang tanong ni Cindy sa dalawang kaharap.

Nagkibit ng balikat lamang si Crispin na ang ibig sabihin ay hindi nito alam kung bakit tila hindi maganda ang mood ng boss nito sa umagang iyon.

"Ikaw talaga, Cindy. Huwag na huwag mong ipaparinig sa kanya iyang mga sinasabi mo at baka maging pinigang ampalaya ka," napapailing na wika ni Nana Dayay kay Cindy. Natatawang napakamot na lamang si Cindy sa kanyang ulo bago naglakad papunta sa silid ni Adam.

Hindi na kumatok si Cindy sa pintuan ng kuwarto ni Adam dahil nakabukas na iyon habang ito naman ay nakaharap sa pintuan at nakalarawan ng pagkainip sa mukha.

"Get inside and close the door," utos ni Adam kay Cindy.

Hindi sinunod ni Cindy ang iniuutos ni Adam sa halip ay tinapunan niya ng nagdududang tingin ang kanyng asawa.

"Bakit kailangan ko pang isara ang pintuan? May binabalak kang masama laban sa akin, 'no?"

"What the hell are you thinking, woman? Sa tingin mo ba ay makakagawa ako ng masama laban sa'yo with this condition?" inis ang boses na tanong ni Adam.

Saglit na nag-isip si Cindy. Oo nga naman. Hindi nga siya magagawan nito ng masama dahil hindi nga pala nito kayang tumayo. Kaya isinarado na niya ang pintuan at pagkatapos ay umupo sa gilid ng kama nito.

"Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin t kailangan pa nating magtago sa silid mo?"

Sa halip na sumagot ay initsa ni Adam ng puting folder kay Cindy na hawak nito. "That's our contract agreement. I want you to sign it now."

"Contract agreement? Para saan?"

"Read it and you will know kung para saan ang contract agreement na iyan," seryoso ang mukha na sagot ni Adam.

Binuksan ni Cindy ang folder at mabilis na binasa ang nilalaman. Ang nilalaman pala ng contract agreement ay tungkol sa kanilang dalawa. Nakapaloob sa contract na pagkatapos ng anim na buwan ay kusang makikipghiwalay si Cindy kay Adam sa kadahilanang gusto nitong magkaanak ngunit naman ng huli. Nakasaad din sa agreement na kapag maghiwalay sila ay walang makukuha maski singkong duling si Cindy mula kay Adam.

Nakasimangot na inilapg ni Cindy sa ibabaw ng kama ng folder at hinarap si Adam. "Gusto mong ako ang makipaghiwalay sa'yo para ako ang sisihin ng mga magulang mo at maging masama sa mata ng ibang tao, ganoon? Kung gusto mo talaga na maghiwalay tayo after six months ay ikaw ang bahalang gumawa ng paraan at hindi ako, okay?"

"I will give two million pesos kapag ikaw ang unang makipaghiwalay sa akin."

"Okay, fine," mabilis pa sa alas-kuwatro na sagot ni Cindy. Kapag maghiwalay sila ni Adam at may malaki siyang pera ay hindi na niya kailangan pang bumalik sa bahay ng kanyang Tito Lando. Maipagpapatuloy niya ang pag-aaral niya sa kolehiyo at sa kursong gusto niya gamit ang pera na ibibigay sa kanya ni Adam.

"Lumabas din ng tunay mong kulay. Pera ko nga talaga ang dahilan kung bakit ka pumayag na magpakasal sa akin kahit na alam mo ang kapansanan ko. Mukha ka talagang pera," mariin ang boses na wika ni Adam.

"Hep! Teka lang. Una, hindi ako nanghingi ng pera sa'yo, okay? Ikaw itong nag-offer ng pera tapos ngayon ay pagbibintangan mo akong mukhang pera? Hindi naman yata tama iyon. At saka katulad mo ay napilitan lang din akong pakasalan ka. So ano? Ikaw ang makikipaghiwalay sa akin pagkatapos ng anim na buwan?"

"No. I will give you the money and after I gave you the money don't appear in my life again," mabilis na sagot ni Adam.

Lihim na nagdiwang ang kalooban ni Cindy. May magandang benefits naman pala ang pagpapakasal niya kay Adam. After six months ay magiging malaya na siya. Malaya mula sa buhay may-asawa at sa asawa ng kanyang tito at mga anak.

Gamit ang intercom na nasa loob ng kuwarto ni Adam ay tinawag nito si Crispin at ipina-revised ang nakasulat sa contract agreement. Nagtataka man ay sumunod na lamang si Crispin at hindi na nagtanong pa.

Pagkatapos ma-revised ang nilalaman ng contract ay pareho ng pumirma sina Adam at Cindy.

"Happy six months collaboration as husband nd wife, Mr. Adam Aldana," nakangiting wika ni Cindy pagkatapos ay iniabot niya ang kamay niya kay Adam para makipag-kamay rito. Ngunit tinabig lamang nito ang kanyang kamay.

"I'm warning you, Cindy. Don't fall in love with me within six months. Dahil nasisigurado ko sa'yo na masasaktan ka lamang. Never akong magkakagusto sa isang babaeng mukhang pera."

Tumaas ang kilay na Cindy nang marinig ang sinabi ni Adam. Sa halip na patulan ang pangja-judge nito sa kanya ay nakangiting sinapo ng dalawang palad niya ang mukha ni Adam at pinilit na maiharap sa kanya

"Baka ikaw ang ma-in love sa akin, Mr. Aldana," matamis ang pagkakangiting wika ni Cindy. Bumaba ang isang kamay niya at itinapat sa didbib nito. "At baka hindi mo mamalayan na bumibilis na pal ang tibok ng puso mo kapag nakikita mo ako," dugtong pa niy sa tonong nanunukso.

"Nonsense! It will never happen," sagot ni Adam matapos alisin ang mga kamay ni Cindy sa kanyang pisngi at tapat ng dibdib pagkatapos ay pinagulong ang kanyang wheelchair papunta sa salamin na dingding ng kanyang silid.

Napangiti na lamang si Cindy sa reaksiyon ni Adam at pagkatapos ay walang paalam na naglakad palabas ng nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status