LOGINNang matanggap ni Cindy ang fifty million pesos ay agad siyang nakipagkita sa kanyang tiyuhin at walang pag-aalinlangan na ibinigay rito ang pera kapalit ng kalayaan niya sa utang-na-loob niya sa kanya. Nagtaka ang tiyuhin niya kung saan siya kumuha ng ganoon kalaking halaga ng pera ngunit hindi niya ito sinagot. Hindi naman ito nagpumilit pang magtanong dahil mahalaga lamang sa dito ay ang maisalba ang palugi nitong kompanya.
Para makasiguro si Cindy na talagang tutuparin ng kanyang tiyuhin ang ipinangako nito tungkol sa kanyang utang-na-loob dito ay pinapirma niya ito ng kasulatan na nagpapatunay na wala na siyang utang-na-loob sa pamilya nito kapalit ng fifty million pesos na ibinigay niya. Parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib nito si Cindy nang sa wakas ay wala na siyang aalalahanin pang utang-na-loob sa pamilya ng tiyuhin niya. Agad siyang bumalik pag-aaral at nag-shift ng kanyang kurso from Business Management to Fine Arts major in Jewelry. Isang sikat at magaling na Jewelry designer ang kanyang ina noong nabubuhay pa ito at doon niya namana ang pagiging mahilig niyang mag-drawing ng mga alahas. At sa masaya siya na sa wakas ay masusunod na niya kung ano ang gusto ng puso niya, ang sumunof sa yapak ng kanyang ina. "I'm so glad naging magkaklase tayo sa lahat ng subject natin, Cindy," natutuwang komento ni Remi nang magkita sila sa loob ng classroom ng isa sa kanilang subjects. "Me too. Akala ko ay talagang wala nang pag-asa na matupad ang pangarap ko," sagot niya sa kaibigan, hanggang ngayoj ay hindi pa rin siya makapaniwala na nag-aaral na soya para maging isang ganap na jewelry designer. "Mukhang nakabuti sa'yo ang pagiging substitute bride ng walang hiya mong pinsan," biro nito. Hindi na niya nagawang sagutin ang sinabi nito dahil dumating na ang kanilang professor at agad nagsimula sa lesson nila sa araw na iyon. Pagkatapos ng klase nila ay dalawang oras pa bago ang susunod nilang klase kaya niyaya muna siya ni Remi na magtungo sa canteen at mag-snack na agad niyang pinaunlakan. Nagugutom na rin siya dahil hindi siya masyadong nakakain ng breakfast. Naiilang kasi siya sa mga tingin ni Adam. Hindi niya alam kung nagi-imagine lang ba siya ngunit parang napansin niya na nabawasan ang pagiging masungit sa kanya ni Adam lately. Iyon nga lang ay madalas niya itong nahuhuling nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito kaya pinili niyang iwasan na lamang ito. "So, kumusta naman ang buhay may-asawa? Did you and Adam consummate your marriage?" Biglang nabulunan si Cindy ng kinakain niyang burger nang marinig ang tanong sa kanya ng kaibigan niya. "Nagtatanong lang naman ako at ganyan na agad ang reaksiyon mo. Siguro totoo nga nag-sex na kayo ng asawa mo, right?" Mabilis na tinakpan niya ng kanyang palad ang bibig ng kaibigan niya matapos niyang makabawi sa pagkabigla. Kahit kailan ay napaka-bulgar ng kaibigan niyang ito. "Shut up!" Pinandilatan niya ito ng mga mata at pagkatapos ay tumingin sa paligid nila. Lihim siyang nagpasalamat na walang mga estudyante na nakaupo malapit sa mesa nila kaya walang nakarinig sa mga sinabi nito. "Bakit ks naman mahihiya gayong legal na mag-asawa naman kayo?" ani Remi matapos alisin ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito. Cindy couldn't help but roll her eyes. "We are not a normal couple. Baka nakakalimutan mong substitute bride lamang ako ng tunay niyang asawa." "Pangalan mo ang nakasulat sa wedding invitation at pangalan mo rin ang nakasulat sa marriage certificate kaya kahit ano pa man ang sabihin mo ay legal kang asawa ni Adam Aldana, okay? Ang dapat mong gawin ay gamitin mo ang ganda mo at i-seduce ang asawa mo para mahulog ang loob niya sa'yo. Magsuot ka ng sexy lingerie at pasukin mo siya sa kanyang silid. Hindi naman siya makakatakbo dahil hindi siya nakakalakad," nakangising suhestiyon nito. Napailing na lamang siya sa kalokohang naisip nito at ipinagpatuloy ang pagkain sa in-order niyang burger at orange juice. Imposibleng ma-seduce niya si Adam. Baka pumasok pa lamang siya sa silid nito na na suot ang seksing damit ay binabato na siya nito ng lampshade. Buong maghapon ay naging topic ng usapan nila si Adam. Kapag break time ay wala bukam-bibig si Remi kundi kung paano mabilis na mapapaibig niya si Adam. Hanggang sa uwian ay hindi ayaw pa rin magpapigil ng bunganga nito. "Masakit na ang tainga ko sa pakikinig sa mga sinasabi mo, Remi. Bakit kaya hindi na lang ikaw ang maghubad sa harapan ni Adam at i-seduce siya?" hindi napigilang komento ni Cindy habang naglalakad sila palabas ng school. "I just want to help you, friend. At saka kapag maghubad ako sa harapan niya ay baka hindi lamang lampshade ang tumama sa ulo kundi bala ng baril," nakangiwing sagot nito. Natawa na lamang siya sa sinabi nito. Biglang nabura ang ngiti niya nang makita niyang makakasalubong nila si Luna kasama ang kaibigan nito. "Look who's here, Maggie. The subtitle bride ng ate ko," nakangising sabi ni Luna sa kaibigan nito ngunit kay Cindy naman nakatingin ang mga mata. "Mag-ingat, Cindy. May asong ulol na kumakahol. Bska biglang mangagat at magka-rabies pa tayo," hindi patatalong pasaring naman ni Remi sa pinsan ni Cindy. Inis na itinulak ni Luna si Remi. "Sino ang tinutukoy mong asong ulol?" "Ang aso ang tinutukoy ni Remi at hindi ikaw kaya bakit ikaw ang nag-react? Ulol na aso ka ba?" pang-iniis na tanong naman niya sa pinsan niya. Hindi na siya mangingiming labanan ito ngayon. Before, nag-aalangan siyang labanan ito kapag binu-bully siya. Ngunit ngayong wala na siyang utang-na-loob sa pamilya nito ay makikipagbasagan na siya ng mukha sa pinsan niya. "Siguro alam niyang asong ulol siya kaya bigla siyang nag-react," dagdag pang-asar ni Remi. Lalo lamang tuloy umusok ang ilong ng kanyang pinsan. "How dare you talk to me like that, Cindy! Sino ang ipinagmamalaki mo? Ang asawa mong baldado?" Biglang ngumisi ng nakakaloko si Luna. "Kapag bumalik na ang ate ko at siya na ang maging asawa ng baldado mong asawa ngayon ay tiyak sa bangketa ka pupulutin!" Hindi napigilan ni Cindy ang mapaismid sa sinabi ni Luna. "I know we might divorce one day, but not because of your sister. Sa tingin mo ba ay gugustuhin ni Adam ang isang babae na pinagsawaan na ng ibang lalaki? He couldn't walk but he is not stupid." Ang lakas ng loob naman ni Luna na magsalita ng ganoon. Kapag bumalik si Lucy at tinanggap ni Adam, I will surely look down at him. Walang kaalam-alam si Cindy na nasa likuran lamang niya sina Adam at Crispin at kanina pa nakikinig sa pinag-uusapan nila. Adam decided to visit the school where he donated a building for the students. At pagkatapos nilang mag-usap ng dean ay naisipan nitong puntahan si Cindy at isabay na lamang sa pag-uwi sa bahay nila. "Pagkatapos kang pakainin at pag-aralin ng dad ko ay magsasalita ka ng hindi maganda sa mga anak niya! You're an ungrateful bitch?" Nilapitan siya ni Luna at malakas na itinulak sa dibdib. Hindi niya iyon inaasahan kaya na-out balance siya at napaatras. Ngunit sa halip na ang matigas na semento ang sumalo sa kanya ay bumagsak siya sa lap ng isang lalaki na walang iba kundi si Adam.Nang matanggap ni Cindy ang fifty million pesos ay agad siyang nakipagkita sa kanyang tiyuhin at walang pag-aalinlangan na ibinigay rito ang pera kapalit ng kalayaan niya sa utang-na-loob niya sa kanya. Nagtaka ang tiyuhin niya kung saan siya kumuha ng ganoon kalaking halaga ng pera ngunit hindi niya ito sinagot. Hindi naman ito nagpumilit pang magtanong dahil mahalaga lamang sa dito ay ang maisalba ang palugi nitong kompanya. Para makasiguro si Cindy na talagang tutuparin ng kanyang tiyuhin ang ipinangako nito tungkol sa kanyang utang-na-loob dito ay pinapirma niya ito ng kasulatan na nagpapatunay na wala na siyang utang-na-loob sa pamilya nito kapalit ng fifty million pesos na ibinigay niya. Parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib nito si Cindy nang sa wakas ay wala na siyang aalalahanin pang utang-na-loob sa pamilya ng tiyuhin niya. Agad siyang bumalik pag-aaral at nag-shift ng kanyang kurso from Business Management to Fine Arts major in Jewelry.Isang sikat at magaling na J
Kapansin-pansin ang pananahimik at pagiging matamlay ni Cindy hapag kumakain sila ni Adam ng hapunan. Iniisip kasi nito kung paano magagawang mag-invest si Adam nang hindi siya lalabas na masama sa paningin nito. Gustong-gusto ni Cindy na makawala na siya sa utang-na-loob niya sa pamilya ng tito niya. Pakiramdam niya ay parang kadena na nakagapos sa kanyang leeg ang kanyang utang-na-loob. At ang tanging paraan para makawala sa kadenang iyon ay si Adam. "Don't you like the food on the table? Napapansin kong hindi ka na matakaw kumain at palagi kang walang sigla," usisa ni Adam kay Cindy nang mapansin nito na halos hindi magalaw ng kanyang asawa ang pagkain nito at tinititigan lamang.Batid ni Adam kung ano ang iniisip ni Cindy. Ilang araw nang ganoon ito. At parang hindi siya sanay na makitang tahimik ito at hindi nakangiti kahit na sinusungitan niya. Pagdating nito sa bahay matapos kausapin ang tito at tita nito ay naghintay siya na magsalita ito sa kanya tungkol sa investment. Ngu
Malakas na kumatok sa pintuan si Cindy bago binuksan iyon binuksan. Pumasok siya sa loob ng silid ni Adam at nakitang nakaupo ito sa wheelchair nito habang abala sa pagbabasa ng mga papeles. "What do you need?" malamig ang boses na tanong nito sa kanya."Hindi ka raw nag-lunch kaya dinalhan kita ng pagkain." Inilapag niya sa mesa ang tray ng pagkain at lumapit sa wheelchair. Walang paalam na itinulak niya iyon papunta sa harapan ng mesa. "What are you doing? Did I tell you push me? I'm busy with my work. I have no time to eat," mariing tutol ni Adam, medyo yamot pa ang tono nito. Halatadong hindi ito sanay na pinangungunahan sa desisyon nito."Nandiyan lang ang trabaho mong iyan, Mr. Aldana. Pero ang pagkain kapag pinaghintay mo ay baka magtampo sa'yo. Hindi mo ba alam na hindi magandang pinaghihintay ang pagkain? At paano kapag magkasakit ka at mamamatay? Gusto mo bang mapunta sa akin ang lahat ng mga pinaghirapan mong ipundar?" nakangiting wika ni Cindy kay Adam. "How dare you
Sanay gumising ng maaga si Cindy kaya maaga siyang lumabas ng kanyang silid at nagtungo sa sala. My second floor ang malaking bahay ni Adam ngunit nasa ibaba ang kanyang silid. Tiyak na nasa ibaba rin ang kuwarto nito para hindi ito mahirapan sa pagpunta sa silid nito.Pasalamat siya na magkaiba sila ng silid ni Adam dahil kung nagkataong magkatabi sila sa kama ay tiyak na hindi siya makakatulog buong magdamag. Hindi naman kasi siya sanay na may katabing lalaki sa kanyang pagtulog. At baka bigla na lamang siyang magising na sinasakal nito. Mahirap na. Mahal niya ang buhay niya sa kahit anong bagay sa mundo.Pagdating niya sa sala ay nakangiting sinalubong siya ng maid na si Nana Dayay. Mukha itong mabait kaya tiyak na makakasundo niya ito."Good morning, Ma'am Cindy. Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" nakangiting bati nito sa kanya."Opo, Nana Dayay. Nakatulog naman ako ng mahimbing kahit na nasa ibang bahay ako at wala sa aking silid sa bahay ng aking Tito. Hindi naman ako dinalaw ng
What a small world. Hanep talaga magbiro ang tadhana.Iyan ang nasa isip ni Cindy habang nakatitig sa mukha ng lalaking masungit na nakausap niya noon na walang iba kundi ang dapat ay groom ni Lucy na ngayon ay magiging groom na niya. Si Adam Aldana ng Aldana Group. Kilala ni Cindy sa pangalan ang CEO ng Aldana Group ngunit kahit kailan ay hindi pa niya ito nakikita. At maging si Lucy ay hindi pa rin nakita ang mukha ni Adam. Kung nakita kaya ng pinsan niya ang mukha ni Adam at nakita nitong napakaguwapo at umaapaw ang sex appeal ng groom niya kahit na nakaupo lamang ito sa wheelchair, papayag kaya siyang pakasalan ang binata?"So it's you," boses ni Adam ang biglang pumukaw sa pagkakatulala ni Cindy."Yes, it's me," mahinang sagot ni Cindy na tila hindi pa rin makabawi sa pagkabigla."What's the meaning of this, Lando and Aurora? Akala ko ba ang ikakasal sa anak ko ay ang anak mong si Lucy?" galit na sita ng ama ni Adam, ang Chairman ng Aldana Group."Calm down, Joaquin. I think we ha
Walang nagawa ang pagtutol ni Lucy sa nais ng ama nito kaya pagkatapos ng anim na buwan ay naitakda ang kasal ng mga ito. Hindi nagkaroon ng engagement party dahil nasa ibang bansa pa naman si Adam. At balitang hindi naging successful ang operasyon nito sa paa kaya mananatili itong nakatali sa wheelchair. Dumating ang araw ng kasal nina Lucy at Adam. Ang venue ay sa malawak na bakuran ng sariling bahay ni Adam. Maliban kasi sa malaking bahay ng mga magulang nito ay may sarili din itong malaking bahay.Kung naka-wedding dress si Lucy ay ganoon din ang suot ni Cindy. Isa kasi siya sa mga bridesmaid ni Lucy at sabi ng pinsan niya ay lahat ng mga bridesmaid nito ay nakasuot din ng wedding dress. Nagtataka man kung bakit siya kinuhang isa sa mga bridesmaid gayobg hindi naman sila close sa isa't isa ay hindi na lamang siya nag-usisa pa. Tiyak na bubungangaan lamang siya ni Lucy kapag magtanong pa siya."Lucy, puwede bang simpleng white dress na lang ang isuot ko? Nakakailang masyado itong







