Share

CHAPTER 2

Author: Redpen
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-12 23:56:30

ANDREA'S POV

Nasa labas ako ngayon. It's 12:56 A.M.

Uminom ako ng gatas at nagpapahangin dahil para akong masu-suffocate sa loob ng kuwarto.

Maya-maya, nakita kong lumabas si Alexa at lumapit sa akin.

“Oh, hatinggabi na. Bakit gising ka pa rin? Nightmare?” tanong niya.

Umiling lang ako.

“Sa totoo lang, hindi pa ako makatulog.”

“Kasi nga may iniisip ka,” sabi niya.

Natahimik naman ako. Bakit nga ba hindi ko makalimutan ang aroganteng lalaking iyon? Anong mayroon sa kanya? Dahil ba pogi siya?

No! Hindi iyon.

Isa lang ang sigurado ako: may kakaiba akong naramdaman nang magtama ang mga mata namin.

“Ano ba ang iniisip mo?” tanong ulit ni Alexa sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya habang iniisip kung sasabihin ko ba ito o hindi.

“Kilala kita, Andy.”

Napabuntong-hininga ako bago nagsalita.

“May nakabangga akong lalaki sa mall. Mayaman, arogante, at may itsura.”

“Pogi,” singit ni Alexa.

“Mayaman kasi, kaya pogi tingnan,” sabi ko sabay irap.

Napangiti naman siya.

“Pogi nga,” sabi niya na parang siguradong-sigurado.

“So, ano'ng sumunod na nangyari?” tanong niya.

“Nalaglag kasi ang mga pinamili ko, pero hindi siya nag-sorry. As in! Instead of saying sorry, nag-offer siya ng pera, na para bang sinasabi niyang, ‘Kunin mo 'yan. Name your price.’ Ganoon!” inis kong sabi.

“Magkano ang in-offer niya?” tanong niya.

“Alexa!” inis kong tawag sa kanya.

“Okay, okay! Fine. So, ano'ng ginawa mo?” tanong niya ulit.

“Pinagsabihan ko siya. I educated him! Akala niya, lahat madadala niya sa pera. Sabi ko, kung gusto niyang lunukin ko ang pride ko, magbigay siya ng one million. Eh, mukhang hindi niya kaya, kaya ayun, nagsorry.”

Natawa naman si Alexa sa kuwento ko.

“One million? Para sa pagkakabangga lang sa iyo? Hahaha! Malay mo naman, hindi niya sinasadya 'yon. Grabe naman ang offer mo!”

“Alam mo, mababa na nga 'yon. Ganoon na lang ba kababa ang halaga ng pride kong lulunukin para sa kanya? Dapat nga, walang katumbas 'yon, eh!”

“Sabagay.”

Maya-maya, natahimik ako. Ganoon din siya.

“Eh, nagsorry naman pala. Bakit hindi mo pa rin makalimutan?” tanong niya sa akin.

“Natitigan ko siya sa mata. May kakaiba sa kanya, Lex. Hindi ko alam kung ano. Hindi ganoon ang naramdaman ko noong tiningnan ko ang ex kong si Adrian. Hindi ko maipaliwanag, pero parang nakita ko na dati ang ganoong tingin. Ewan ko. Iba, eh,” sabi ko habang naaalala ang mga mata niyang iyon.

Parang kilalang-kilala ko siya.

“Hindi kaya na-love at first sight ka sa kanya?” tanong ni Lex.

“What? No! No, no, no! Malabo! Ayoko nang ma-in love sa mga ganoong lalaki. Sa ganoon ang ugali, sigurado akong hindi siya seryoso. Pera-pera lang ang mahalaga sa kanya, hindi puso. Baka nga wala siyang puso, eh!”

“Grabe ka namang mang-judge, Andy! Kung husgahan mo ang tao, parang kilalang-kilala mo na siya. Malay mo naman, sa kabila ng ganoong side niya, mayroon siyang ginintuang puso.”

“Tsss! Malabo. One hundred percent sure ako!”

Napangiti naman si Alexa.

“Oh, siya. Pagkatapos mo diyan, matulog ka na, okay? Maaga ka pa bukas. Papasok na ako. Medyo inaantok na rin ako,” paalala ni Alexa.

Tumango naman ako at muling uminom ng gatas.

Bakit nga ba ganoon? Tila may gayuma ang mga titig niya.

No way! Pambata lang ang love at first sight.

---

ASHER'S POV

WEDNESDAY — 7:16 A.M.

Maaga akong gumising dahil igagala ko ang mga fur babies ko na sina Summer, Poola, at Hunter. Tatlo ang aso ko, at anak ang turing ko sa kanila.

Kakagala ko lang kay Hunter noong nakaraan, kaya si Poola naman ang isasama ko ngayon. Mukhang tinatamad si Summer na umalis.

Magjo-jogging na rin ako dahil medyo matagal-tagal na rin mula noong huli akong mag-jogging. Masyado na akong naging busy sa company.

---

PARK

Habang nagjo-jogging ako, nakawala naman sa tali ang aso kong si Poola kaya tumakbo siya palayo.

“Poola, come here!”

Humabol ako at sinundan siya.

Napatigil ako nang makita kong huminto si Poola sa harap ng isang babaeng nakaupo. Halatang nag-jogging din ito. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil naka-sumbrero siya.

“Hi! Ang cute mo naman! Nasaan ang amo mo?” sabi nito habang hinihimas ang ulo ni Poola.

Kitang-kita ko kay Poola na gusto niya ang babae.

“Hey! Come back here, Poola! Baby, Poola! How dare you disturb this pretty lady right here?” sabi ko.

Napatingin naman sa akin ang babae, na siyang ikinagulat ko.

Ang ganda niya!

Nakita kong biglang nagbago ang ngiti niya.

“Ikaw?” sabi niya.

Doon ko naalala na ang babaeng nasa harap ko ay ang babaeng nakabangga ko sa mall.

“Sinusundan mo ba ako?” tanong niya.

“Bakit naman kita susundan?” sagot ko.

Napangiti ako nang bahagya at napangisi. Natahimik naman siya.

“Sabi ko sa iyo, magkikita pa tayo, eh.”

“Syempre, stalker ka, eh! Talagang makikita mo ako. Baka nga paandar mo lang ang cute na doggie na 'yan, eh. Di ba, doggie? Huwag kang gagaya sa amo mo, ah! Dapat ikaw, may ugaling tao kahit doggie ka!”

Iyon ang sabi niya kay Poola.

“Malakas ka ring mang-asar, no?” sabi ko.

Umirap naman siya saka umalis.

Ganoon ba talaga ka-attitude ang babaeng iyon?

Sa lahat ng babaeng nagpapacute sa akin at nagkakandarapang makuha ang atensyon ko, mayroon palang isang babaeng halos ibasura ako kapag nakikita niya.

Nakakainis, pero nakaka-thrill.

Sinusubok niya ang pasensya ko. Pero maganda siya, at iyon ang sigurado ako.

Ano kaya ang pangalan niya?

---

ANDREA'S POV

Nagpunta nga ako rito para kalimutan ang lalaking iyon, tapos dito ko pa siya makikita.

Ganito na ba talaga ang mundo para sa aming dalawa?

Napatigil ako sa pagjo-jogging nang maalala ko ulit ang mga mata niya at ang ngiti niya.

No! Ayoko na. This is the last time na papayag pa akong makita siya. Sa susunod, hindi na ako papayag na makaharap siya.

Maya-maya, sumakit ang ulo ko at nahilo ako kaya napapikit ako.

“I love you,” sabi ng isang lalaking hindi ko maaninag ang mukha.

Napadilat ako.

Sino iyon? Sino siya?

Napatigil ako nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko.

Pagtingin ko, nakita kong tumatawag si Alexa. Huminga ako nang malalim bago ko sinagot ang tawag.

“Alexa?”

“Girl, nasaan ka? Kanina pa raw kasi tumatawag si Auntie Tisha sa iyo. Hindi raw makakapasok si Lorena ngayon sa flower shop dahil masama ang pakiramdam niya, kaya maaga kang papasok today. Ako naman, hindi puwede dahil walang kasama si Lizzy sa recognition niya. Siguro, maaga ka namang uuwi. Pero from now on, kailangan ka ni Auntie Tisha nang maaga sa shop. Kaya ba? Saka nasaan ka na? Ang aga mong umalis kanina!” sunod-sunod na tanong niya.

“Ah, oo. Kaya naman. Ah, nasa park lang ako. Maaga akong nag-jogging. Medyo sumakit lang ang ulo ko at nahilo ako, pero pabalik na ako.”

“Huh? You sure? Are you okay?” tanong ulit niya.

“Oo, okay lang ako. Sige na, ite-text ko na lang si Auntie Tisha,” sabi ko.

“Okay. Sabi mo, eh. Ingat ka!”

“Okay.”

Call ended.

Muli kong naisip ang lalaking nag-flashback sa utak ko.

Sino kaya siya?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • CLAIMED BY THE BILLIONAIRE TWINS    CHAPTER 7

    ASHER POVMaaga akong pumunta sa school na pinuntahan ko kahapon, umaasang makita ang batang pinag-iwanan ko ng ID ko. Hindi lang kasi basta ID ang nawala sa akin. Nandoon ang sticker na nagpapatunay ng pagiging VIP board member ko, at nagkakahalaga ng 800 million ang bawat sticker.Kaya ko namang bumili ng bago, pero aabutin pa ng isang buwan bago ma-release ang ganoong sticker. I can't wait that long. Marami akong mahahalagang kailangang gawin, kaya wala na akong oras para maghintay.Sakay ng Lamborghini ko, hindi ko pa rin maaninag ang bata mula sa loob ng sasakyan. Kaya pinapunta ko ang isa sa mga guard ko sa guard na nagbabantay sa school para alamin ang impormasyon tungkol sa little boy na nakita ko kahapon.Maya-maya, bumalik ang guard ko at lumapit sa akin."Sir, hindi raw po sila puwedeng magbigay ng impormasyon tungkol sa mga estudyante, maliban na lang kung sa mismong principal kayo lalapit at magbibigay ng dahilan," sabi nito sa akin.Tiningnan ko ang relo ko. May oras pa

  • CLAIMED BY THE BILLIONAIRE TWINS    CHAPTER 6

    ANDREA POVNasa flower shop ako nang tumawag si Alexa."Hello, Lex. Napatawag ka?" tanong ko."Andy, si Shawn..."Sa boses pa lang niya, alam kong may hindi magandang nangyari."Bakit? Ano'ng nangyari?" tanong ko."Tumawag kasi ako kay Kuya Nestor at sinabi kong siya muna ang magbantay sa mga bata dahil male-late ako. Pero tumawag siya sa akin at sinabi niyang kasama niya raw si Shawn, tapos bigla na lang itong nawala sa tabi niya. Hindi niya raw makita hanggang ngayon. Nandito na rin ako sa school. Si Lizzy lang ang kasama ko, pero hindi pa rin namin nakikita si Shawn," paliwanag niya."Ano?! Paano naman mawawala si Shawn kung magkasama sila ni Kuya Nestor?" tanong ko."Hindi ko rin alam. Naguguluhan na ako, Andy. Nag-aalala ako," sabi niya.Napabuntong-hininga naman ako."Relax, okay? Magpapaalam lang ako rito. Pupunta ako diyan.""Okay, okay. Tumawag ka, ha?" sabi niya.Agad akong nagpaalam kay Auntie Tisha at sinabi ko rin sa kanya ang nangyari. Pumayag naman siya at hinayaan akon

  • CLAIMED BY THE BILLIONAIRE TWINS    CHAPTER 5

    ANDREA POVMaaga akong gumising para mag-prepare ng mga pagkain ng mga bata dahil makakauwi na sina Alexa at ang mga pamangkin niya mula sa Pampanga.Maya-maya, lumabas na si Alexa na naka-uniform na."Wow! Ang bango talaga ng luto ng chef namin!" papuri niya."Sus! Ham, bacon, egg, at hotdog lang 'yan," sabi ko.Napangiti pa rin siya.Maya-maya, bumaba na rin ang dalawang bata, sina Shawn at Lizzy."Good morning, Tita Andy!" sabi ni Shawn na nakangiti."Hmm, ang bango naman ng ham, Tita!" sabi ni Lizzy."Kayo talaga! O siya, kumain na kayo at may pasok pa kayo," sabi ko."Hindi ka ba sasabay sa amin, Andy?" tanong ni Alexa."Hindi pa kasi ako nagugutom. Baka mag-coffee na lang muna ako," sagot ko."Nga pala, kids, doon ko pa rin kayo susunduin sa malapit sa police station, ha? Medyo male-late lang si Tita, okay?" sabi ni Alexa.Tumango naman ang dalawa.Maya-maya, sabay-sabay na silang umalis para pumasok. Ako naman ang laging nahuhuli dahil ako ang nag-aasikaso ng mga naiwan. Tangha

  • CLAIMED BY THE BILLIONAIRE TWINS    CHAPTER 4

    ANDREA POVMaaga akong pumasok sa shop kasi wala naman akong gagawin sa bahay. Wala rin si Alexa dahil namasyal sila ng mga pamangkin niya sa Pampanga. Maaga rin naman akong nagising, kaya naisipan kong pumasok na lang nang maaga.Habang naglalakad ako, may nadaanan akong magjowa sa daan. Mukhang monthsary nila dahil inabutan ni boy ng flowers si girl, at niyakap naman siya nito. Halatang masayang-masaya si ate girl.Maya-maya, naalala ko ang aroganteng lalaking iyon. Nag-flashback sa utak ko ang pag-abot niya sa akin ng bulaklak.Bakit ba parang ngayon lang ako kinilig sa ganoon?Teka, naisip ko bang kinilig ako?NOOOO WAY!Napailing na lang ako. Bukod doon, parang nakokonsensiya rin ako. Bakit ba tuwing nakikita ko siya, hindi ko maiwasang magsungit? Siguro dahil alam ko sa sarili kong ayokong mapalapit sa kanya. Ayoko nang magkaroon ng pagkakataon ang mga lalaking ganoon na makapasok sa puso ko dahil alam kong puwede akong masaktan.Pagdating ko sa flower shop ng tita ko, itinaas k

  • CLAIMED BY THE BILLIONAIRE TWINS    CHAPTER 3

    ASHER'S POVMaaga akong pupunta sa kompanya dahil may meeting ako with the board members. May itatayo kasi kaming bagong resort at hotel sa bandang Makati. Siyempre, pag-uusapan namin kung ano ang mas makakabuti para sa kompanya at sa bago naming plano.Habang nasa biyahe ako, nakita kong tumatawag ang pinsan kong si Karl.“Yes, hello?”“Kuya Asher! I'm glad you answered my call. How are you? It's been a while since we last saw each other. So, what's your plan for today?” sabi niya.“Today?”“Yes, today! Don't tell me you forgot it's Auntie's birthday!”“Si Mommy?”“Oh my God, Asher! Have you really been that busy that you forgot your own mom's birthday?”Napabuntong-hininga naman ako.“Sorry. I really forgot.”“As usual. Anyway, Auntie's having a party later, from 3 PM to 9 PM. If you're busy, you can just drop by for a while. At least, she gets to see you. And don't forget to buy her some flowers. You know her favorite ones. See you there, coz!”Sabay niyang ibinaba ang tawag.AFTER

  • CLAIMED BY THE BILLIONAIRE TWINS    CHAPTER 2

    ANDREA'S POVNasa labas ako ngayon. It's 12:56 A.M.Uminom ako ng gatas at nagpapahangin dahil para akong masu-suffocate sa loob ng kuwarto.Maya-maya, nakita kong lumabas si Alexa at lumapit sa akin.“Oh, hatinggabi na. Bakit gising ka pa rin? Nightmare?” tanong niya.Umiling lang ako.“Sa totoo lang, hindi pa ako makatulog.”“Kasi nga may iniisip ka,” sabi niya.Natahimik naman ako. Bakit nga ba hindi ko makalimutan ang aroganteng lalaking iyon? Anong mayroon sa kanya? Dahil ba pogi siya?No! Hindi iyon.Isa lang ang sigurado ako: may kakaiba akong naramdaman nang magtama ang mga mata namin.“Ano ba ang iniisip mo?” tanong ulit ni Alexa sa akin.Napatingin naman ako sa kanya habang iniisip kung sasabihin ko ba ito o hindi.“Kilala kita, Andy.”Napabuntong-hininga ako bago nagsalita.“May nakabangga akong lalaki sa mall. Mayaman, arogante, at may itsura.”“Pogi,” singit ni Alexa.“Mayaman kasi, kaya pogi tingnan,” sabi ko sabay irap.Napangiti naman siya.“Pogi nga,” sabi niya na par

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status