ANDREA POVMaaga akong gumising para mag-prepare ng mga pagkain ng mga bata dahil makakauwi na sina Alexa at ang mga pamangkin niya mula sa Pampanga.Maya-maya, lumabas na si Alexa na naka-uniform na."Wow! Ang bango talaga ng luto ng chef namin!" papuri niya."Sus! Ham, bacon, egg, at hotdog lang 'yan," sabi ko.Napangiti pa rin siya.Maya-maya, bumaba na rin ang dalawang bata, sina Shawn at Lizzy."Good morning, Tita Andy!" sabi ni Shawn na nakangiti."Hmm, ang bango naman ng ham, Tita!" sabi ni Lizzy."Kayo talaga! O siya, kumain na kayo at may pasok pa kayo," sabi ko."Hindi ka ba sasabay sa amin, Andy?" tanong ni Alexa."Hindi pa kasi ako nagugutom. Baka mag-coffee na lang muna ako," sagot ko."Nga pala, kids, doon ko pa rin kayo susunduin sa malapit sa police station, ha? Medyo male-late lang si Tita, okay?" sabi ni Alexa.Tumango naman ang dalawa.Maya-maya, sabay-sabay na silang umalis para pumasok. Ako naman ang laging nahuhuli dahil ako ang nag-aasikaso ng mga naiwan. Tangha
Last Updated : 2026-10-12 Read more