LOGINANDREA POVMaraming painting ng iba't ibang tanawin ang nasa harapan ko. Ang gandang pagmasdan, sabi ko sa sarili ko habang aliw na aliw akong tumitingin sa mga ito."Mas maganda ka pa sa mga painting na ikaw mismo ang gumawa, mahal."Napangiti naman ako sa nagsalita. Ngunit nang humarap ako sa kanya, isang nakakatakot na pangyayari ang bumungad sa akin.Hindi ko siya maaninag. Para siyang nababalot ng usok mula ulo hanggang paa. Unti-unti rin siyang lumalayo sa akin, habang ang nag-e-echo niyang boses ay bumabalot sa buong pagkatao ko, na nagdudulot ng matinding takot."ANDY! ANDY!"Nagising ako na pawis na pawis at nakita ko sa harapan ko si Alexa, na halatang alalang-alala."Binabangungot ka. Buti na nga lang, hindi mo nilolock ang pintuan ng kwarto mo," paliwanag nito."Alexa, wala ba talaga akong taong nakalimutan?"Napayuko siya at napabuntong-hininga. Napansin kong medyo natagalan siya bago magsalita, kaya muli ko siyang tinanong."Sabihin mo sa akin ang totoo," sabi ko habang
ASHER POVMaaga akong pumunta sa school na pinuntahan ko kahapon, umaasang makita ang batang pinag-iwanan ko ng ID ko. Hindi lang kasi basta ID ang nawala sa akin. Nandoon ang sticker na nagpapatunay ng pagiging VIP board member ko, at nagkakahalaga ng 800 million ang bawat sticker.Kaya ko namang bumili ng bago, pero aabutin pa ng isang buwan bago ma-release ang ganoong sticker. I can't wait that long. Marami akong mahahalagang kailangang gawin, kaya wala na akong oras para maghintay.Sakay ng Lamborghini ko, hindi ko pa rin maaninag ang bata mula sa loob ng sasakyan. Kaya pinapunta ko ang isa sa mga guard ko sa guard na nagbabantay sa school para alamin ang impormasyon tungkol sa little boy na nakita ko kahapon.Maya-maya, bumalik ang guard ko at lumapit sa akin."Sir, hindi raw po sila puwedeng magbigay ng impormasyon tungkol sa mga estudyante, maliban na lang kung sa mismong principal kayo lalapit at magbibigay ng dahilan," sabi nito sa akin.Tiningnan ko ang relo ko. May oras pa
ANDREA POVNasa flower shop ako nang tumawag si Alexa."Hello, Lex. Napatawag ka?" tanong ko."Andy, si Shawn..."Sa boses pa lang niya, alam kong may hindi magandang nangyari."Bakit? Ano'ng nangyari?" tanong ko."Tumawag kasi ako kay Kuya Nestor at sinabi kong siya muna ang magbantay sa mga bata dahil male-late ako. Pero tumawag siya sa akin at sinabi niyang kasama niya raw si Shawn, tapos bigla na lang itong nawala sa tabi niya. Hindi niya raw makita hanggang ngayon. Nandito na rin ako sa school. Si Lizzy lang ang kasama ko, pero hindi pa rin namin nakikita si Shawn," paliwanag niya."Ano?! Paano naman mawawala si Shawn kung magkasama sila ni Kuya Nestor?" tanong ko."Hindi ko rin alam. Naguguluhan na ako, Andy. Nag-aalala ako," sabi niya.Napabuntong-hininga naman ako."Relax, okay? Magpapaalam lang ako rito. Pupunta ako diyan.""Okay, okay. Tumawag ka, ha?" sabi niya.Agad akong nagpaalam kay Auntie Tisha at sinabi ko rin sa kanya ang nangyari. Pumayag naman siya at hinayaan akon
ANDREA POVMaaga akong gumising para mag-prepare ng mga pagkain ng mga bata dahil makakauwi na sina Alexa at ang mga pamangkin niya mula sa Pampanga.Maya-maya, lumabas na si Alexa na naka-uniform na."Wow! Ang bango talaga ng luto ng chef namin!" papuri niya."Sus! Ham, bacon, egg, at hotdog lang 'yan," sabi ko.Napangiti pa rin siya.Maya-maya, bumaba na rin ang dalawang bata, sina Shawn at Lizzy."Good morning, Tita Andy!" sabi ni Shawn na nakangiti."Hmm, ang bango naman ng ham, Tita!" sabi ni Lizzy."Kayo talaga! O siya, kumain na kayo at may pasok pa kayo," sabi ko."Hindi ka ba sasabay sa amin, Andy?" tanong ni Alexa."Hindi pa kasi ako nagugutom. Baka mag-coffee na lang muna ako," sagot ko."Nga pala, kids, doon ko pa rin kayo susunduin sa malapit sa police station, ha? Medyo male-late lang si Tita, okay?" sabi ni Alexa.Tumango naman ang dalawa.Maya-maya, sabay-sabay na silang umalis para pumasok. Ako naman ang laging nahuhuli dahil ako ang nag-aasikaso ng mga naiwan. Tangha
ANDREA POVMaaga akong pumasok sa shop kasi wala naman akong gagawin sa bahay. Wala rin si Alexa dahil namasyal sila ng mga pamangkin niya sa Pampanga. Maaga rin naman akong nagising, kaya naisipan kong pumasok na lang nang maaga.Habang naglalakad ako, may nadaanan akong magjowa sa daan. Mukhang monthsary nila dahil inabutan ni boy ng flowers si girl, at niyakap naman siya nito. Halatang masayang-masaya si ate girl.Maya-maya, naalala ko ang aroganteng lalaking iyon. Nag-flashback sa utak ko ang pag-abot niya sa akin ng bulaklak.Bakit ba parang ngayon lang ako kinilig sa ganoon?Teka, naisip ko bang kinilig ako?NOOOO WAY!Napailing na lang ako. Bukod doon, parang nakokonsensiya rin ako. Bakit ba tuwing nakikita ko siya, hindi ko maiwasang magsungit? Siguro dahil alam ko sa sarili kong ayokong mapalapit sa kanya. Ayoko nang magkaroon ng pagkakataon ang mga lalaking ganoon na makapasok sa puso ko dahil alam kong puwede akong masaktan.Pagdating ko sa flower shop ng tita ko, itinaas k
ASHER'S POVMaaga akong pupunta sa kompanya dahil may meeting ako with the board members. May itatayo kasi kaming bagong resort at hotel sa bandang Makati. Siyempre, pag-uusapan namin kung ano ang mas makakabuti para sa kompanya at sa bago naming plano.Habang nasa biyahe ako, nakita kong tumatawag ang pinsan kong si Karl.“Yes, hello?”“Kuya Asher! I'm glad you answered my call. How are you? It's been a while since we last saw each other. So, what's your plan for today?” sabi niya.“Today?”“Yes, today! Don't tell me you forgot it's Auntie's birthday!”“Si Mommy?”“Oh my God, Asher! Have you really been that busy that you forgot your own mom's birthday?”Napabuntong-hininga naman ako.“Sorry. I really forgot.”“As usual. Anyway, Auntie's having a party later, from 3 PM to 9 PM. If you're busy, you can just drop by for a while. At least, she gets to see you. And don't forget to buy her some flowers. You know her favorite ones. See you there, coz!”Sabay niyang ibinaba ang tawag.AFTER







