Share

CHAPTER 4

Author: Redpen
last update publish date: 2026-10-12 23:57:30

ANDREA POV

Maaga akong pumasok sa shop kasi wala naman akong gagawin sa bahay. Wala rin si Alexa dahil namasyal sila ng mga pamangkin niya sa Pampanga. Maaga rin naman akong nagising, kaya naisipan kong pumasok na lang nang maaga.

Habang naglalakad ako, may nadaanan akong magjowa sa daan. Mukhang monthsary nila dahil inabutan ni boy ng flowers si girl, at niyakap naman siya nito. Halatang masayang-masaya si ate girl.

Maya-maya, naalala ko ang aroganteng lalaking iyon. Nag-flashback sa utak ko ang pag-abot niya sa akin ng bulaklak.

Bakit ba parang ngayon lang ako kinilig sa ganoon?

Teka, naisip ko bang kinilig ako?

NOOOO WAY!

Napailing na lang ako. Bukod doon, parang nakokonsensiya rin ako. Bakit ba tuwing nakikita ko siya, hindi ko maiwasang magsungit? Siguro dahil alam ko sa sarili kong ayokong mapalapit sa kanya. Ayoko nang magkaroon ng pagkakataon ang mga lalaking ganoon na makapasok sa puso ko dahil alam kong puwede akong masaktan.

Pagdating ko sa flower shop ng tita ko, itinaas ko ang roll-up door ng shop. Nang tuluyan ko na itong maiangat, inilabas ko ang susi para buksan ang p***o. Habang hinahanap ko ang susi, may aninong humarang sa kandado.

Pagtingin ko sa kanya, ang aroganteng lalaki nga!

"Ang aga mo namang maghanap ng bulaklak? Palibhasa, maraming girlfriend. O siya, wait lang, sir, ha? Magse-set up lang ako ng shop pagkatapos kong buksan," sabi ko sabay ngiti—ngiting pilit.

"Ang ganda mo namang ngumiti."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Ang lakas namang mambola!

Napairap na lang ako.

Hindi ko namalayang hindi ko pala na-lock ang roll-up door sa taas, kaya dahan-dahan itong bumaba.

"Watch out!" sigaw niya.

Hindi ko agad napansin ang nangyayari, pero naiiwas niya ako bago tuluyang bumagsak ang roll-up door. Ang problema lang, nawalan siya ng balanse dahil sa akin.

Dahil sa kaba, napapikit na lang ako. Alam kong baka kung saan kami tumama, pero hindi naman ako nasaktan.

Pagdilat ko, sinalubong ako ng mga mata niyang kahit noong una pa lang ay hindi nabigong mang-akit sa akin. Sobrang lapit namin sa isa't isa, pero bakit nahihirapan akong umiwas?

Sino ka ba talaga?

"Are you okay?" tanong niya.

Agad akong natauhan at lumayo sa pagkakatayo namin.

"Ah, oo. Thank you."

"Wow! Finally, nagta-thank you ka na at hindi ka na nagsusungit," sabi niya na may kasamang mapanuksong ngiti.

"Anyway, let me do this," sabi niya sabay ayos sa roll-up door. Ni-lock niya iyon at sinigurong hindi na muling babagsak.

"Ayan, okay na. Mag-ingat ka sa susunod. Paano kung wala ako? Edi sana, wala nang titigan nang matagal," sabi niya.

"Alam mo, okay na sana, eh. Kaso ang lakas mong mang-bully. Ang hangin-hangin mo! Anyway, ise-set up ko lang ang shop para makabili ka na," sagot ko.

"Hindi ako nagpunta rito para sa bulaklak. Nagpunta ako rito para sa'yo."

Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit ka naman nagpunta rito para paglaanan ako ng oras? Ano, sasabihin mo rin bang nanghihingi ako ng attention sa'yo?" sagot ko.

Natahimik siya.

"Pwede bang huwag mo na lang i-question? Hindi ba puwedeng iyon na lang ang payment sa pagliligtas ko sa'yo, sa pagbagsak ng roll-up door ninyo? Aside from that, maaga pa. Kumain muna tayo."

"At bakit naman ako sasama sa'yo?" sagot ko.

"Kasi nga, iyon ang payment sa pagliligtas ko sa'yo. Utang na loob mo iyon."

Napanganga ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Tara na."

Agad ko namang tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Teka nga! Ayoko ngang sumama sa'yo. Busog ako at ayoko kang makasamang kumain. Saka baka mamaya, may biglang manabunot sa akin diyan—girlfriend mo o, worst, asawa mo. Ayokong ma-involve sa ganyan!" sabi ko sabay talikod.

Pero muli niya akong hinatak.

"Look, wala akong girlfriend o asawa. Single ako. SINGLE! Sa akin, grabe ka namang umiwas," sabi niya.

"Aba, malay ko sa'yo kung nagsasabi ka ng totoo. Basta, huwag mo akong isama-sama sa mga kalokohan mo. Saka hindi tayo close, okay?"

"Kailangan ba close tayo?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko lang siya bago bumalik sa ginagawa ko.

"Fine," sagot niya.

Nang tuluyan kong mabuksan ang shop, agad akong nagpunta sa cashier area para ayusin iyon. Pagkatapos, bumalik ako sa labas para ilabas ang iba pang mga bulaklak at i-display ang mga iyon.

Hindi ko na napansin ang lalaki. Baka umalis na.

Habang nagdi-display ako, nagulat ako nang may mga bulaklak na nakaangat mula sa loob. Paglingon ko, nakita ko siyang buhat-buhat ang mga iyon.

Nagulat ako dahil bigla siyang lumusot sa likuran ko.

"Anak ng pusang walang jowa naman, oh!"

Pagtingin ko sa kanya, nakangiti pa siya.

"Grabe ka naman sa pusa!"

"Bakit ka ba nanggugulat? Saka bakit nandito ka pa rin?"

"Sabi mo, kailangan close tayo para sumama ka sa akin kumain. Kaya heto, nakikipag-close na ako."

Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya.

Ano ba talaga ang trip nito? Bakit ayaw niyang tumigil?

Nilapitan ko siya at kinausap.

"Please, tumigil ka na. Ano ba talagang gusto mo? Bakit ayaw mo akong tigilan?" tanong ko.

Napatigil siya sa ginagawa niya at tiningnan ako.

"Gusto kong kumain kasama ka. Gusto kong malaman kung ano ang pangalan mo."

"Paano kung ayoko at hindi ako pumayag?"

"Hindi ako titigil," sagot niya.

Umirap lang ako.

Ayaw mong tumigil? Fine! Tingnan natin kung sino sa atin ang hindi susuko.

Nakita kong ipinagpatuloy niya ang ginagawa niya, kaya umiling na lang ako.

Maya-maya, may lumapit na dalawang dalaga sa kanya.

"My God! Ang pogi ni Kuya! Tara!" aya ng isa sa kasama niya. Halatang kilig na kilig ito.

"Hi, miss! Naghahanap ba kayo ng bulaklak?" tanong niya sa dalawa.

Nagkatinginan naman ang dalawang dalaga na halatang-halatang kinikilig.

"Oh, ito, bilhin n'yo na. Bagay sa ganda n'yo," sabi niya.

Agad namang bumili ang dalawa.

"Thank you, Miss Beautiful," sabi niya na may kasamang ngiti.

Maya-maya, may lumapit na binata.

"Kuya, ano po ang magandang ibigay sa nililigawan?"

Agad naman siyang pumili at iniabot ang red roses.

"Ito. Common man, pero it's a symbol of love. Nasa sa'yo na lang kung paano ka aamin. Dahil kahit ano pa ang bilhin mo, walang halaga iyon kung hindi ka niya kayang bigyan ng halaga. Tandaan mo, ipakita mo lang kung gaano siya kahalaga sa'yo, pero hindi mo kailangang sukatin iyon sa mga bagay na maibibigay mo sa kanya. Walang bagay sa mundo ang makapapantay sa tunay na pagmamahal."

Tumango naman ang binata at bumili ng mga rosas.

In fairness, may mindset din ang mokong na 'to.

NARRATOR'S POV

Mula sa malayo, may tatlong guard na nasa loob ng sasakyan at nakatingin kina Asher at Andrea.

"Si Boss ba 'yon?" tanong ng isa.

"Pangatlong balik na niya riyan," sagot ng isa pa.

"Ngayon lang niya ginawa 'yan. May gusto ba siya sa babae?"

"Maraming babae si Boss, pero ngayon lang siya nag-effort nang ganyan."

"Baka naman natigil lang siya."

"Posible. Hindi naman naseseryoso ni Boss ang mga babae. Baka sinusubok lang niya ang pasensya niyan."

ANDREA POV

KINAGABIHAN

Hindi rin nagtagal ang aroganteng lalaki. Bandang alas-kuwatro ng hapon, may tumawag sa kanya kaya nagmamadali rin siyang umalis.

Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya o kung ano ang trabaho niya. Hindi rin naman ako interesado.

Medyo maraming tao dahil Sabado ngayon, kaya alas-dose na ng hatinggabi nang tuluyan kong maisara ang shop. Marami pa kasi akong kailangang ayusin at ligpitin, at ako lang ang nagbabantay ngayon.

Medyo malayo rin ang sakayan mula rito, at kaunti na lang ang mga taong nasa paligid.

Habang naglalakad ako, may naramdaman akong parang may sumusunod sa akin. Pero nang lumingon ako, wala naman akong nakita.

Nagmadali na lang akong maglakad, pero pakiramdam ko ay may sumusunod talaga sa akin. Binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa napilitan na akong tumakbo dahil nakumpirma kong may sumusunod nga sa akin.

Nagmadali ako, pero naabutan pa rin ako ng lalaki. Hinawakan niya ako.

"Ibigay mo sa akin LAHAT ng meron ka!" sabi niya.

Tumango naman ako at ibinigay sa kanya ang lahat ng dala ko. Nang maibigay ko na ang lahat, akala ko ay aalis na siya.

Pero may dala-dala siyang kutsilyo na ginagamit niya para manakot. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Maganda ka," sabi niya sabay ngisi.

"Sumama ka sa akin," sabi niya sabay hila sa akin.

"Wag! Ayoko!" sigaw ko.

Ipinakita niya sa akin ang hawak niyang patalim.

"Subukan mong sumigaw. Hindi ka na aabutan ng bukas!" banta niya.

Nanginig ako sa takot at pumikit.

Ito na ba ang katapusan ko?

Habang hinihila niya ako papunta sa madilim na bahagi ng lugar, may narinig akong pamilyar na boses na nagbigay sa akin ng lakas ng loob.

"Bitawan mo siya!" sabi nito.

"Wag kang makikialam dito kung ayaw mong madamay!" sagot ng lalaki.

"Last warning. Bitawan mo siya!" banta ng pamilyar na boses.

"Talagang gusto mong madamay, ah!"

Binitiwan ako ng lalaki at saka sinugod ang aroganteng lalaking iyon.

Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. Basta, nanginginig pa rin ako sa takot.

Ang sumunod na nakita ko, nasa harap ko na siya at hawak ang dalawang kamay ko.

"It's okay. Tapos na. Ligtas ka na," sabi niya.

Nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat. Isa lang ang nagawa ko—niyakap ko siya.

Doon ko napagtantong may galos siya sa braso.

"May sugat ka!" sabi ko.

"It's okay, darling. Maliit lang 'yan," sagot niya.

"Sumama ka sa akin. Dadalhin kita sa clinic," sabi ko.

Tumango naman siya.

SA CLINIC

"Okay na siya. Buti nga at maliit na galos lang. Nabigyan na siya ng first aid. Ipagpatuloy na lang ang paglalagay ng gamot para hindi ma-infect," sabi ng doktor.

"Thank you, Doc," sagot ko.

Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti.

Paglapit ko sa kanya, agad ko siyang tinanong.

"Okay ka lang talaga?"

"Yes," sagot niya.

Tumango naman siya na may kasamang ngiti.

"Siguro naman, puwede na 'to para samahan mo akong mag-dinner? Nagutom ako dahil sa mamang 'yon," sabi niya na parang nagyayabang pa.

Napangiti naman ako at tumango.

"Fine," sagot ko.

Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko na alam kung ano ang maaaring nangyari sa akin. Utang ko sa kanya ang buhay ko.

Dinala niya ako sa isang restaurant na mukhang pangmayaman.

Iniabot niya sa akin ang menu.

"Orderin mo lang lahat ng gusto mo," sabi niya nang nakangiti.

Agad ko namang tiningnan ang menu. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga presyo.

"₱8,500 kada order?!" tanong ko sabay tingin sa kanya.

"Anong lobster ba ang gamit nila? Galing sa Jupiter?" sabi ko.

Nakita kong natawa siya.

"Don't mind the price. Sabihin mo lang lahat ng gusto mo," sagot niya.

Ibinaba ko ang menu.

"Ayoko rito."

"Why? Don't you like the food?" tanong niya.

"Hindi, hindi ganoon. Pero grabe naman ang presyo! Alam mo, may alam akong bukas nang 24 hours at masarap doon," sabi ko.

Napatingin siya sa akin at napangiti.

"Okay, fine. Basta ako ang magbabayad."

Ngumiti naman siya. Tumango ako.

Sumakay kami sa kotse niya at dinala niya ako sa lugar na itinuro ko. Kasama rin niya ang mga guard niya.

"Talaga bang kailangan mo ng pitong guard tuwing umaalis ka?" tanong ko.

"Minsan," sagot niya.

"Sobrang yaman mo siguro?"

"Yeah. Bilyonaryo ako," sagot niya.

Napanganga ako.

Tama lang ang desisyon kong dito ko siya pakainin. Hindi kaya siya masiraan ng bait sa mga presyo sa restaurant na pinuntahan namin kanina? Kaya pala roon niya ako dinala.

Pagkaupo niya, napatingin siya sa akin.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Kasi napapaisip lang ako. Marami ka naman palang guard na laging nakasunod sa'yo. Bakit ikaw mismo ang humarap sa mamang 'yon? Edi sana, hindi ka nasugatan."

"Ayokong nakikialam sila. Kumikilos lang sila kapag may inutos ako," sagot niya.

"Lagi ba silang nakasunod sa'yo?" tanong ko ulit.

Napatingin siya sa akin at tumango.

"May problema ba sa'yo kung ano ang estado ko? Kakaiba ka talaga. Maraming babae ang gustong-gusto ang yaman ng isang lalaki, pero ikaw, wala kang kahit anong interest sa akin," pagyayabang niya.

"Ayoko sa pag-ibig. Sinungaling ang pag-ibig," sagot ko.

Natahimik siya.

Napabuntong-hininga ako bago nagsalita.

"Orderan na kita. Orderan ko na rin ang mga guard mo."

Tumango naman siya.

Habang kumakain kami, napansin kong nagustuhan niya ang pagkain.

"Hmm, how much is this?" tanong niya habang punong-puno pa ang bibig.

"Ninety pesos per order. Gusto mo pa?" tanong ko.

Tumango naman siya.

"Masarap dito, Andrea," sabi niya.

Napatigil ako sa pagkain.

"Anong sinabi mo?" tanong ko.

Napatigil din siya at napatingin sa akin.

"Alin doon? 'Yung masarap dito?" tanong niya.

"Hindi 'yon."

Natahimik siya.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Napatigil siya sandali bago sumagot.

"Sa Auntie Tisha mo."

Tumango naman ako.

"Kailan kayo nagkita?"

"Palagi akong nagpupunta sa flower shop ninyo," paliwanag niya.

"Asher Gray Valdez," pagpapakilala niya.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Siguro naman, hindi na ako stranger sa'yo?"

Napatingin ako sa kanya at sa pagkakataong iyon, napangiti na niya ako.

Siya si Asher.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CLAIMED BY THE BILLIONAIRE TWINS    CHAPTER 7

    ASHER POVMaaga akong pumunta sa school na pinuntahan ko kahapon, umaasang makita ang batang pinag-iwanan ko ng ID ko. Hindi lang kasi basta ID ang nawala sa akin. Nandoon ang sticker na nagpapatunay ng pagiging VIP board member ko, at nagkakahalaga ng 800 million ang bawat sticker.Kaya ko namang bumili ng bago, pero aabutin pa ng isang buwan bago ma-release ang ganoong sticker. I can't wait that long. Marami akong mahahalagang kailangang gawin, kaya wala na akong oras para maghintay.Sakay ng Lamborghini ko, hindi ko pa rin maaninag ang bata mula sa loob ng sasakyan. Kaya pinapunta ko ang isa sa mga guard ko sa guard na nagbabantay sa school para alamin ang impormasyon tungkol sa little boy na nakita ko kahapon.Maya-maya, bumalik ang guard ko at lumapit sa akin."Sir, hindi raw po sila puwedeng magbigay ng impormasyon tungkol sa mga estudyante, maliban na lang kung sa mismong principal kayo lalapit at magbibigay ng dahilan," sabi nito sa akin.Tiningnan ko ang relo ko. May oras pa

  • CLAIMED BY THE BILLIONAIRE TWINS    CHAPTER 6

    ANDREA POVNasa flower shop ako nang tumawag si Alexa."Hello, Lex. Napatawag ka?" tanong ko."Andy, si Shawn..."Sa boses pa lang niya, alam kong may hindi magandang nangyari."Bakit? Ano'ng nangyari?" tanong ko."Tumawag kasi ako kay Kuya Nestor at sinabi kong siya muna ang magbantay sa mga bata dahil male-late ako. Pero tumawag siya sa akin at sinabi niyang kasama niya raw si Shawn, tapos bigla na lang itong nawala sa tabi niya. Hindi niya raw makita hanggang ngayon. Nandito na rin ako sa school. Si Lizzy lang ang kasama ko, pero hindi pa rin namin nakikita si Shawn," paliwanag niya."Ano?! Paano naman mawawala si Shawn kung magkasama sila ni Kuya Nestor?" tanong ko."Hindi ko rin alam. Naguguluhan na ako, Andy. Nag-aalala ako," sabi niya.Napabuntong-hininga naman ako."Relax, okay? Magpapaalam lang ako rito. Pupunta ako diyan.""Okay, okay. Tumawag ka, ha?" sabi niya.Agad akong nagpaalam kay Auntie Tisha at sinabi ko rin sa kanya ang nangyari. Pumayag naman siya at hinayaan akon

  • CLAIMED BY THE BILLIONAIRE TWINS    CHAPTER 5

    ANDREA POVMaaga akong gumising para mag-prepare ng mga pagkain ng mga bata dahil makakauwi na sina Alexa at ang mga pamangkin niya mula sa Pampanga.Maya-maya, lumabas na si Alexa na naka-uniform na."Wow! Ang bango talaga ng luto ng chef namin!" papuri niya."Sus! Ham, bacon, egg, at hotdog lang 'yan," sabi ko.Napangiti pa rin siya.Maya-maya, bumaba na rin ang dalawang bata, sina Shawn at Lizzy."Good morning, Tita Andy!" sabi ni Shawn na nakangiti."Hmm, ang bango naman ng ham, Tita!" sabi ni Lizzy."Kayo talaga! O siya, kumain na kayo at may pasok pa kayo," sabi ko."Hindi ka ba sasabay sa amin, Andy?" tanong ni Alexa."Hindi pa kasi ako nagugutom. Baka mag-coffee na lang muna ako," sagot ko."Nga pala, kids, doon ko pa rin kayo susunduin sa malapit sa police station, ha? Medyo male-late lang si Tita, okay?" sabi ni Alexa.Tumango naman ang dalawa.Maya-maya, sabay-sabay na silang umalis para pumasok. Ako naman ang laging nahuhuli dahil ako ang nag-aasikaso ng mga naiwan. Tangha

  • CLAIMED BY THE BILLIONAIRE TWINS    CHAPTER 4

    ANDREA POVMaaga akong pumasok sa shop kasi wala naman akong gagawin sa bahay. Wala rin si Alexa dahil namasyal sila ng mga pamangkin niya sa Pampanga. Maaga rin naman akong nagising, kaya naisipan kong pumasok na lang nang maaga.Habang naglalakad ako, may nadaanan akong magjowa sa daan. Mukhang monthsary nila dahil inabutan ni boy ng flowers si girl, at niyakap naman siya nito. Halatang masayang-masaya si ate girl.Maya-maya, naalala ko ang aroganteng lalaking iyon. Nag-flashback sa utak ko ang pag-abot niya sa akin ng bulaklak.Bakit ba parang ngayon lang ako kinilig sa ganoon?Teka, naisip ko bang kinilig ako?NOOOO WAY!Napailing na lang ako. Bukod doon, parang nakokonsensiya rin ako. Bakit ba tuwing nakikita ko siya, hindi ko maiwasang magsungit? Siguro dahil alam ko sa sarili kong ayokong mapalapit sa kanya. Ayoko nang magkaroon ng pagkakataon ang mga lalaking ganoon na makapasok sa puso ko dahil alam kong puwede akong masaktan.Pagdating ko sa flower shop ng tita ko, itinaas k

  • CLAIMED BY THE BILLIONAIRE TWINS    CHAPTER 3

    ASHER'S POVMaaga akong pupunta sa kompanya dahil may meeting ako with the board members. May itatayo kasi kaming bagong resort at hotel sa bandang Makati. Siyempre, pag-uusapan namin kung ano ang mas makakabuti para sa kompanya at sa bago naming plano.Habang nasa biyahe ako, nakita kong tumatawag ang pinsan kong si Karl.“Yes, hello?”“Kuya Asher! I'm glad you answered my call. How are you? It's been a while since we last saw each other. So, what's your plan for today?” sabi niya.“Today?”“Yes, today! Don't tell me you forgot it's Auntie's birthday!”“Si Mommy?”“Oh my God, Asher! Have you really been that busy that you forgot your own mom's birthday?”Napabuntong-hininga naman ako.“Sorry. I really forgot.”“As usual. Anyway, Auntie's having a party later, from 3 PM to 9 PM. If you're busy, you can just drop by for a while. At least, she gets to see you. And don't forget to buy her some flowers. You know her favorite ones. See you there, coz!”Sabay niyang ibinaba ang tawag.AFTER

  • CLAIMED BY THE BILLIONAIRE TWINS    CHAPTER 2

    ANDREA'S POVNasa labas ako ngayon. It's 12:56 A.M.Uminom ako ng gatas at nagpapahangin dahil para akong masu-suffocate sa loob ng kuwarto.Maya-maya, nakita kong lumabas si Alexa at lumapit sa akin.“Oh, hatinggabi na. Bakit gising ka pa rin? Nightmare?” tanong niya.Umiling lang ako.“Sa totoo lang, hindi pa ako makatulog.”“Kasi nga may iniisip ka,” sabi niya.Natahimik naman ako. Bakit nga ba hindi ko makalimutan ang aroganteng lalaking iyon? Anong mayroon sa kanya? Dahil ba pogi siya?No! Hindi iyon.Isa lang ang sigurado ako: may kakaiba akong naramdaman nang magtama ang mga mata namin.“Ano ba ang iniisip mo?” tanong ulit ni Alexa sa akin.Napatingin naman ako sa kanya habang iniisip kung sasabihin ko ba ito o hindi.“Kilala kita, Andy.”Napabuntong-hininga ako bago nagsalita.“May nakabangga akong lalaki sa mall. Mayaman, arogante, at may itsura.”“Pogi,” singit ni Alexa.“Mayaman kasi, kaya pogi tingnan,” sabi ko sabay irap.Napangiti naman siya.“Pogi nga,” sabi niya na par

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status