Home / Romance / SHE'S DATING THE PLAYBOY / THE TORPE HEARTBREAKER

Share

THE TORPE HEARTBREAKER

Author: Redpen
last update publish date: 2026-10-31 13:23:08

ASHER'S POV

Mahaba pa ang araw, kaya naglakad-lakad muna ako habang pinagmamasdan ang magandang tanawin ng dagat. Napaka-relaxing talaga nitong pagmasdan. Nakakagaan ng pakiramdam ang simoy ng hangin at ang marahang paghampas ng mga alon sa dalampasigan.

Maya-maya, tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang screen, nakita ko ang pangalan ni Karl na tumatawag. Agad ko itong sinagot.

"Oh?"

"Ash! Balita ko, nandito ka raw sa Bora. Saan ka? Here?"

Napangiti ako nang mapakla. Mangungulit na naman
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • SHE'S DATING THE PLAYBOY    A HEART FULL OF SECRETS

    ANDREA'S POVSakay ako ng sasakyan ni Asher habang magkahawak ang aming mga kamay. Hinahatid niya na ako pauwi matapos ang buong araw naming magkasama."Sana nag-enjoy ka sa tour natin sa bahay ko... sa magiging bahay natin," nakangiting sambit niya habang nakatuon ang paningin sa daan.Napailing ako nang kunwari ay naiinis at napatawa."Ang bilis mo naman! Ilang araw pa lang tayong magkasintahan, may bahay na agad tayong pinaplano."Napatawa rin siya sa sinabi ko."Of course! Dapat smooth lang ako. Hindi puwedeng bara-bara pagdating sa future natin.""Yabang talaga!""Kidding aside, sana nag-enjoy ka talaga. Sa mga susunod na araw, dadalhin naman kita sa company, sa condo ko, at sa iba ko pang properties. Gusto kong makita mo ang lahat ng bagay na bumubuo sa buhay ko."Habang nagsasalita siya ay nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa kalsada, ngunit paminsan-minsan ay sumusulyap din siya sa akin at ngumingiti."Kailangan pa ba talaga iyon? Okay na ako sa mga nakita ko ngayon.""Kai

  • SHE'S DATING THE PLAYBOY    WELCOME TO MY WORLD

    ASHER'S POV."Hon, saan ba talaga tayo pupunta?"Napangiti ako habang nakatuon ang paningin sa kalsada. Kanina pa ako kinukulit ni Andrea tungkol sa pupuntahan namin, pero hindi ko pa rin sinasabi sa kaniya."Surprise, sweetheart. Konting pasensya lang.""Kanina mo pa sinasabi 'yan. Hindi mo man lang ako bigyan ng clue."Napatawa ako sa mukha niyang halatang naiinip na."Just trust me, baby. I'm sure you'll love it."Inabot ko ang kamay niya at marahang hinalikan iyon bago muling ibinalik ang atensiyon sa pagmamaneho.Makalipas ang ilang minuto ay huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking bakal na gate. May dalawang security guard na agad na lumapit sa amin. Nang makilala nila ako ay sabay silang yumuko bilang pagbati."Good afternoon, Sir Asher.""Good afternoon."Agad na bumukas ang malaking gate at dahan-dahan kong pinaandar ang sasakyan papasok.Napatingin sa akin si Andrea."Asher, saan tayo?"Ngumiti ako."Welcome to my home, sweetheart."Nanlaki ang mga mata niya nang

  • SHE'S DATING THE PLAYBOY    A FRIENDS GREATEST SIN

    NARRATOR'S POVPagkababa pa lamang ni Alexa sa kotse, agad siyang napatingin sa coffee shop kung saan naghihintay ang lalaking kailangan niyang makausap.Mayaman ang dating nito sa suot na mamahaling damit at relo. Nakaupo ito sa isang mesa sa sulok, habang abala sa pag-inom ng kape. Ngunit nang mapansin ang pagdating ni Alexa, agad nitong ibinaba ang tasa at sinundan siya ng tingin.Paglapit ng dalaga, bahagya itong tumango at itinuro ang bakanteng upuan sa harap niya."Take a seat."Walang emosyon ang mukha ng binata. Maging ang tono ng pananalita nito ay nagpapahiwatig na wala itong balak mag-aksaya ng oras.Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Alexa. Umupo siya at agad na nagsalita."Diretsuhin mo na ako para hindi na tayo magtagal dito."Natigilan ang binata sa pag-inom ng kape. Dahan-dahan nitong ibinaba ang tasa bago itinuon ang seryosong tingin sa dalaga."Si Emerald."Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa."What about her?""Kailan ba sila nagkikita ni Asher?

  • SHE'S DATING THE PLAYBOY    A NIGHT TO REMEMBER

    ANDREA'S POVMaaga akong nagising nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto ng kuwarto ko."Andrea! Gising ka na ba?"Napangiwi ako at napahawak sa unan. Sino naman ang mang-iistorbo sa akin nang ganito kaaga?"Sandali lang!" sigaw ko.Dahan-dahan akong bumangon at naglakad papunta sa pinto. Pagkabukas ko, bumungad sa akin si Alexa na nakahalukipkip at tila may gustong sabihin."Anong kailangan mo?" antok kong tanong."Nasa baba si Asher. Kanina ka pa hinihintay."Napakunot ang noo ko."Si Asher?""Oo. Hindi ko alam kung anong kailangan niya. Basta, nandiyan siya."May kung anong kakaiba sa tono niya, pero hindi ko na iyon pinansin."Okay. Magbibihis lang ako."Tumango siya bago tumalikod."Bilisan mo. Baka matagalan pa tayo rito."Hindi ko na siya pinigilan. Isinara ko ang pinto at agad na naghanap ng maisusuot.Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang marinig ang pangalan ni Asher.Simula nang magkaayos kami, mas naging madalas ang pag-uusap namin. Hindi na rin

  • SHE'S DATING THE PLAYBOY    MY HANDSOME MR FIX IT

    ASHER'S POVSakay ng aking sasakyan, nasa labas ako ngayon ng shop at hinihintay na lumabas si Andrea. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Kurt.Kung totoo man o hindi ang lahat ng iyon, kailangan kong malaman ang katotohanan. Ayokong basta na lang maghinala nang walang sapat na ebidensya. Kailangan kong makasiguro bago ako gumawa ng anumang hakbang.Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang numero ng kakilala kong investigator."Yes, may ipapagawa ako. Ise-send ko sa'yo ang buong pangalan, litrato, at iba pang details. Gusto kong malaman ang lahat tungkol sa taong ito. As in everything."Narinig ko ang pagsang-ayon niya mula sa kabilang linya bago ko tuluyang pinatay ang tawag.Maya-maya, kumatok sa bintana si Andrea habang nakangiti. Agad akong bumaba upang pagbuksan siya ng pinto."Kanina ka pa naghihintay?" tanong niya habang nakangiti."Hindi naman. Kararating ko lang."Pinagbuksan ko siya ng pinto upang makapasok sa sasakyan. Pagkaupo niya, i

  • SHE'S DATING THE PLAYBOY    HIS BROTHERS SHADOW

    ANDREA'S POVTHREE DAYS LATERThree days na ang nakalipas mula nang magbakasyon kami sa Boracay. Nakauwi na rin kami ni Asher at nakabalik sa kani-kaniya naming trabaho. Ngayong araw, ihahatid daw muna niya ako sa flower shop bago siya pumasok sa trabaho.Habang nagre-reply ako sa mga chat niya, napansin kong sinisilip iyon ni Alexa."Hmmm... May hinihintay siya? Sino 'yan? Siya ba 'yung guy na kasama mo noong nagbakasyon ka sa Zambales?" tanong niya nang may halong pang-uusisa.Napangiti na lang ako."Sabi na, eh! Siguro kasama mo rin siya sa Boracay? Bakit kasi hindi mo pa ipinapakilala sa akin?"Napaisip ako. Tutal, pupunta naman siya ngayon."Gusto mo ba siyang makilala?" tanong ko."Ay, malamang! Boyfriend siya ng kaibigan ko. Deserve kong makilala siya at mausisa nang kaunti.""Alexa, hindi ko siya boyfriend. Hindi pa.""Ano? Ilang bakasyon pa ba ang kailangan ninyo para maging kayo?"Napatigil ako sa pag-iisip."Eh, hindi pa naman siya nanliligaw. Oo, sinabi niyang gusto niya a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status