LOGINASHER'S POVCLARENCE RESTOBAR"Tama na 'yan. Nakakarami ka na."Pangungumpiska sa akin ni Karl ng bote ng alak."Hindi ko alam kung paano nakuha ni Andrea 'yung recording na 'yon. Kasi kung siya 'yon, hindi siya magagalit nang ganoon. Putol 'yong pare, putol 'yong-""Alam ko, pero wala eh. Hindi naman puwedeng ako, kasi buong maghapon mo akong kasama."Napatingin naman ako kay Rafael. Napatigil ito sa pag-inom ng alak at tumingin sa akin."Alam mo, kung ako 'yon, hindi ako haharap sa'yo! Saka kung totoo man 'yung recording na pinakinggan ni Andrea, eh deserve mo 'yung nangyayari sa'yo. Puro ka kasi paglalaro."Napatayo ako at kinuwelyuhan siya."Anong sinabi mo? Ganyan ka na ba kating-kati na maagaw si Andrea? Bakit? Dahil mas pinipili niya ako? Nagtataka ka pa, eh, di ba ako naman lagi ang pinipili?"Mas lalong sumama ang tingin ni Rafael at hinawakan na rin ako sa kuwelyo. Tumayo naman si Karl at umawat sa amin."Pwede ba? Tumigil nga kayo!"Maya-maya, dumating si Clarence."What's
ANDREA'S POVMaaga akong nag-asikaso upang makapunta sa office at rest house ng client na kailangan kong papirmahan. Siguro naman, magkakaroon na siya ng time ngayon. Habang inaayos ko ang buhok ko, may kumatok agad sa pinto ng kwarto ko."Sandali lang!"Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako nang makita si Asher."Ash? Anong ginagawa mo dito?""Gusto lang kitang puntahan. May lakad ka?"Napatango naman ako."Oo. Kailangan ko kasing papirmahan ito sa client ng kaibigan ko."Napatingin naman siya sa folder na hawak ko."Pwede ko bang buksan?""Sure," sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko.Tumango naman siya matapos silipin ang laman nito."So, tara na?"Tanong niya. Nagtaka naman ako."Anong tara? Sinong nagsabing isasama kita?""Wala, but I insist."Napatawa naman ako nang mapakla."Baliw ka na. Ang aga-aga mo pa lang, gusto mo na akong bwisitin. Sige na, tatawagan na lang kita mamaya. May lakad ako."Sumunod naman siya sa akin paglabas ng pinto. Pero nagulat ako nang kunin niya ang mga
ANDREA'S POVJapanese RestaurantDito namin naisipang kumain. Ito kasi ang napili ni Asher, kaya hinayaan ko na lang. Wala rin naman akong maisip na ibang restaurant na puwedeng puntahan.Marami siyang inorder na pagkain na hindi pamilyar sa akin. May mga pagkaing ngayon ko lang nakita, pero hindi naman ako nabigo dahil masarap pala ang mga iyon. Mukhang magaling din talaga siyang pumili ng pagkain.Habang abala ako sa pagkain, napansin kong may dalawang babae sa kabilang mesa na kanina pa palihim na nakatingin kay Asher. Paminsan-minsan ay nagbubulungan pa sila at sabay na ngumingiti sa direksiyon niya.Napailing na lang ako. Hindi naman nakapagtataka. Gwapo naman talaga ang lalaking ito, kaya hindi nakapagtataka kung maraming babaeng magkakainteres sa kaniya."Don't mind them nag seselos ka ba?"Napatingin naman ako sa kanya at napairap."Saan mo naman nakuha yung idea na iyan? Kahit kailan talaga ang presko mo""At least hindi ako denial,"Napatigil naman ako sa pagkain at napating
ANDREA'S POVNasa tabing-dagat ako ngayon. It's already 5:46 p.m. Habang papalapit ang hapon, mas lumalamig ang simoy ng hangin sa tabing-dagat. Mas magandang pagmasdan ang dagat sa ganitong oras kaysa sa umaga. Minsan, dito ko masisilayan ang paborito kong tanawin tuwing pumupunta ako sa dagat.Hindi ko alam kung bakit, pero parang iba ang pakiramdam ko kapag nakakakita ako ng magagandang tanawin sa kalikasan. Siguro, ito na talaga ang personality ko. Mahilig ako sa magagandang tanawin, at kung magaling lang siguro akong magpinta, ipipinta ko ang lahat ng makikita ko. Hindi naman araw-araw ay may pagkakataon akong makita ang ganitong kagandahan, kaya inilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan ito ng litrato.Masaya akong pinagmasdan ang litratong kuha ko sa dagat. Aaminin ko, kahit mag-isa lang ako rito, minsan ay napapaisip ako kung paano ako mag-e-enjoy nang walang kasama. Pero kung minsan, ang pagiging mag-isa ay nagbibigay sa atin ng kapayapaan ng isip para mas makapag-isip nang m
ASHER'S POVIkalawang araw na ngayon namin sa Bora. Saglit akong nag-surfing at nag-sunbathing. Wala si Karl. Tulog pa yata ang loko. Grabe kasing magpuyat 'yon. Pero mas okay na rin ito. Walang magulang na kasama at walang makulit na kaibigan.Habang nag-sunbathing ako, may lumapit sa akin na isang seksing babae."Hi! Pwede mo ba akong lagyan ng lotion sa likod? Sorry, hindi ko kasi maabot."Malagkit ang tingin niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya bago tumango at nilagyan siya ng lotion.Bukod sa kanya, may iba pang mga babaeng katabi kong nag-su-sunbathing. Isa na rin doon ang babaeng nakatakip ang mukha ng sombrero. Maganda ang katawan niya, at mukhang tulog kaya hindi ko makita ang mukha.Samantala, ipinagpatuloy ko naman ang paglalagay ng lotion sa babae."Ahmm... Pwede bang pati legs?"Napailing na lang ako. Alam ko na ang mga ganitong babae."Ang galing mo naman maglagay ng lotion."Habang ginagawa ko iyon, halos umungol na ang babae sa simpleng paglalagay ko lang ng lot
ASHER'S POVMahaba pa ang araw, kaya naglakad-lakad muna ako habang pinagmamasdan ang magandang tanawin ng dagat. Napaka-relaxing talaga nitong pagmasdan. Nakakagaan ng pakiramdam ang simoy ng hangin at ang marahang paghampas ng mga alon sa dalampasigan.Maya-maya, tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang screen, nakita ko ang pangalan ni Karl na tumatawag. Agad ko itong sinagot."Oh?""Ash! Balita ko, nandito ka raw sa Bora. Saan ka? Here?"Napangiti ako nang mapakla. Mangungulit na naman ang isang 'to. Alam kong invited din siya sa party dahil kaibigan namin si Clarence."Nasa parte ng Bora kung saan malayo sa'yo.""What? Ikaw, napaghahalataan kita! Lagi mo akong iniiwasan. Parang hindi tayo magpinsan!""Well, wala naman akong choice."Pang-aasar ko sa kanya.Maya-maya, nakita ko siyang papalapit sa direksiyon ko. Mukhang nakita na rin niya ako dahil kumaway pa siya na para bang ilang taon kaming hindi nagkita.Ito na naman ang makulit na 'to!Binaba niya ang tawag nang tuluyan







