Compartir

CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR
CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR
Autor: Huling Paraluman

KABANATA 1

last update Última actualización: 2025-08-03 03:22:21

“Ginang Lily, ito lang po ang collection natin nitong linggo. ‘Yong ibang clients po, kahit araw-arawin pa naming balikan, hindi talaga nagbibigay.”

May kabigatang sabi ko habang iniabot ang maliit na puting sobre. Nanginginig pa ang daliri ko habang hawak-hawak iyon. Hindi dahil sa kaba—sanay na ako sa responsibilidad—pero dahil sa bigat ng katotohanang kasamang nilalaman ng sobre ang natitirang pag-asa ko.

Kinuha iyon ni Ginang Lily, pagod ang mga mata n’yang tila pinilit pa lang magising. Isa-isa niyang binilang ang pera, bagamat alam kong kabisado na niya ang laman. Six thousand pesos. Sampung porsyento lang ng kinikita naming koleksyon taon-taon.

Sampung porsyento lang ng kinaya naming kitain dati, sa mga panahong ang tindahang ito’y buhay na buhay. Noon, punô ang bodega. Maingay ang show room. May tumatawang customers, may nag-aaway sa discount, may abalang pahinante. Pero ngayon, isang linggo, isang benta. Isang buwan, isang delivery.

Alam kong palugi na kami. Hindi lang ngayon, matagal na. Pero pilit pa rin akong umaasa. Umaasang baka may milagro. Umaasang baka makabawi pa.

Ako ang in-charge dito. Ako ang nagbabantay mula umaga hanggang sarado. Ako ang nagtutulungan ng kape ni Ginang Lily kapag dumadalaw siya. Ako ang nag-aayos ng delivery schedules, nagpapalista ng utang ng suki, umaasikaso ng supplier. Para ko nang bahay itong tindahan.

Kaya parang kinuyumos ang puso ko nang ibinalik ni Ginang Lily ang sobre sa aking palad.

“Ginang Lily…?”

Napakunot ang noo ko.

Ngunit dumiretso siya sa pagsasalita—mahina ang boses, pero matalim ang tama.

“Yan na ang sweldo mo ngayong kinsenas, Cordelia. At ‘yong sobra… separation f*e mo na lang. Pasens’ya ka na, hija, pero wala na akong ibang magagawa kundi ipasara ang tindahan. Araw-araw nalang akong nagdadagdag ng puhunan pero wala na talagang bumabalik.”

Napatitig ako sa kanya. Hindi ako agad nakakibo. Pakiramdam ko’y nawala ang gravity. Parang bigla na lang akong naitulak palayo sa sarili kong katawan.

“Ipasara mo na lang ‘to kay Raul. Pakisabi, ipadaan na lang niya sa bahay ang susi. Pasens’ya ka na talaga, Cordie. Alam kong may mapapasukan ka pang iba. Mabait kang bata, masipag, maasahan. Alam kong may kukuha sa’yo agad.”

Tumango lang ako kahit ramdam kong nanginginig na ang lalamunan ko sa pagpipigil ng emosyon.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Galit? Hindi. Lungkot? Oo. Pero higit pa roon, takot.

Takot na mawalan. Takot na wala nang ibang magbukas na pinto para sa’kin. Takot na… baka hanggang dito nalang talaga ang kaya ko.

Pag-uwi ko sa bahay, parang wala nang natira sa katawan kong lakas. Hindi ito simpleng pagod. Hindi dahil sa init ng araw o bigat ng katawan, kundi dahil sa bangin na pakiramdam ko'y hinila ako pababa.

Naubos yata lahat ng lakas ko.

Tahimik akong naupo sa sahig, sa harap ng pintuan, nakasandal sa pader. Pakiramdam ko'y para akong basahan na basta na lang isinampay kung saan.

Paano na ako?

Paano na ang mga bayarin? Paano na ang plano kong bumalik sa pag-aaral? Matagal ko nang gustong ipagpatuloy ‘yon, pero inuna ko ang trabaho, ang pangkabuhayan, ang responsibilidad. At ngayon, pati ‘yon nawala na rin.

Nakakatawa, pero habang iniisip ko kung pa’no na ako kikita, sumagi sa isip ko ang lotto.

Sana manalo ako sa 6/42, kahit ngayong linggo lang.

Pero napailing ako. Paano ka mananalo, Cordelia, kung ni minsan hindi ka pa tumaya?

Isinubsob ko ang mukha ko sa palad ko. Para na talaga akong bida sa isang teleserye. Lahat ng malas, sinasalubong ako. Lahat ng sakuna, sinusundan ako.

Pero wala rin naman akong choice kundi ang magpakatatag. Kailangan kong maghanap ng ibang paraan. Kailangan kong bumangon. Kahit sa dami ng sugat, kahit bitbit ko pa rin ang bigat ng pagkatalo.

“Oh, Cordie! Bakit nakasalampak ka lang d’yan?”

Bigla akong napatayo.

“Auntie, nandito po pala kayo.” Agad akong lumapit sa kanya at nagmano.

Si Auntie Teresa. Ang matandang dalagang pinsan ni Mama. Siya na ang tumayong tagapag-alaga ko nang pumanaw si Mama. Siya ang dahilan kung bakit kahit papaano, may tahanan pa rin akong inuuwian. Kahit luma, kahit tahimik, basta andito ang mga alaala.

Pero bihira lang kaming magkita. Isang beses sa isang buwan lang kung umuwi siya mula sa karatig probinsya. Doon kasi siya naninilbihan bilang mayordoma sa isang marangyang pamilya—ang mga Romano. Sikat ‘yon sa lugar nila. Luma at may dugong maykaya.

“Oo, pauwi lang ako. Pero bukas ng umaga, balik na rin ako sa mansion. Nasabi kasi sa’kin ni Malyn—‘yong kapitbahay nating kasamahan mo—na isasara na pala ang tindahan ni Ginang Lily?”

Tumango ako at umupo sa tabi niya habang inilalapag niya ang mga dala niyang pagkain sa lamesa.

“Kaya nga ho, Auntie. Wala na ako ulit trabaho. Pero okay lang. Maghahanap po ako ng bagong mapapasukan.”

Ang totoo, hindi niya alam ang tunay kong plano. Hindi ko pa kayang amining gusto kong ituloy ang pag-aaral. Kasi minsan ko na siyang binigo noon. Pinag-aral niya ako, sinayang ko lang.

Ngayon, gusto ko nang bumawi. Pero ayokong abalahin pa siya.

“Halika na, Cordie. Kumain na tayo. Nagdala ako ng adobo at kanin.”

Napangiti ako kahit papaano. Sa mga panahong ganito, kahit simpleng hapunan lang, parang grasya na.

Habang kumakain kami, bigla siyang nagsalita.

“S’ya nga pala, kung gusto mo… ipapasok na lang kita kay Señorito Cassian. Naghahanap siya ng mag-aalaga sa anak n’ya.”

Napatigil ako sa pagsubo.

“Ho?” halos mabulunan ako. “Nanny po ako?”

Napaismid ako nang bahagya. Hindi dahil sa tingin kong mababa ang trabaho—sa totoo lang, okay naman sa’kin iyon. Pero… kay Señorito Cassian?

Si Señorito Cassian Romano.

Hindi ko siya kilala ng personal, pero ang daming kwento tungkol sa kanya. Laging nakakunot-noo, laging galit sa mundo, laging tahimik. Isa siyang misteryosong lalaki na parang may itinatagong bangungot. Maginoo, oo, pero hindi mabiro. Antipatiko. Walang bahid ng kalambingan.

At ngayon, ako raw ang gusto niyang alaga sa anak niya?

Lord, bakit parang ang teleserye ng buhay ko ay parang ayaw ko nang ituloy pero may bagong twist na naman?

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR   KABANATA 44

    Tila napaisip ito saglit at sinipat ang oras mula sa Rolex wristwatch niya. “Four-thirty…”My forehead wrinkled dahil sa suhestyon niya. “Four o’clock, o palalayasin kita ngayon din?”“Okay, okay. Sabi ko nga gagawin ko na.” Pumwesto na siya sa harap ng computer at agad na pinangasiwaan ito.Pabalik na sana ako sa bedroom ko nang tawagin niya ulit ang atensyon ko.“Crush, teka lang! Hindi mo man lang ba ako tutulungan dito?”Hinarap ko siya nang may mapait na ekspresyon. “Kabayaran mo iyan sa pagpapasok ko sa’yo rito!”Presko niyang isinandal ang malapad na likod sa upuan, sabay tapik ng sapatos sa tiled floor. “Sure thing, pero maaari mo bang alukan ako kahit soda at sandwich man lang? At least be quite hospitable to your visitor.” Pumaling-paling pa ang makapal niyang kilay.Huminga ako ng malalim bago umirap. Bagsak ang balikat ko habang tumungo sa kitchen.“I want a fresh lettuce on my sandwich, please,” pahabol pa ng hinayupak.“Walang lettuce dito,” inis kong sigaw pabalik.“Kah

  • CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR   KABANATA 43

    Alas tres na ng hapon at nagmumukmok pa rin ako rito sa loob ng condo. Simula nang magising ako, hindi ko inalis ang atensyon ko sa cellphone ko. Kahit maligtaan ko itong tingnan, hindi naman tatagal ng tatlong minuto. Maliban na lang noong naligo ako.Paulit-ulit ko pa ring binabasa ang text message mula kay Cassian na natanggap ko kaninang umaga.Aalis kami ni Lorraine ngayon. Better stay there and study your lessons. Huwag ka na lang muna umuwi ng Santayana.Iniyakan, tinawanan, at minura-mura ko na ang text message na iyon. Nakakagago lang, hindi ba? Iyong pakiramdam na mas excited ka pang umuwi tapos wala ka naman palang uuwian.Dang it!Ang mas masaklap pa noon ay hindi sinasagot ni Cassian ang mga tawag ko. Pihadong sasabog na ngayon ang kawawang cellphone niya sa dami ng ipinadala kong text messages at missed calls. Panay lang ang ring ng cellphone niya at naninikip ang dibdib ko sa tuwing sumasagi sa isip ko na baka iniiwasan niya ako.Ngunit ano namang rason niya? The last t

  • CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR   KABANATA 42

    We have extensive coursework all throughout the semester, that’s why we need to be in a fast-track footing.”“You still look gorgeous even though you’re frowning, crush!”“So now, I’ll give you an activity to measure your capability and to improve your knowledge in Auto Computer-Aided Design.”“You’re too innocent while your mouth is shut. Nice hair, anyway. Night black and silky.”Ibig kong takpan ang aking mga tenga dahil parang magkakaroon ng depekto ang utak ko sa dalawang taong magkasabay na nagsasalita.Prof. Langhorne is discussing our first activity while this jerk beside me is showing up a testimony of how absurd and sick his brain is.Mula nang magsimula ang klase namin ay walang hinto rin ang pamemeste niya sa akin. Kung epal lang ako, kanina ko pa sana isinumbong kay Prof. Langhorne ang ugok na ’to.“Yoohoo! Stop pretending that you’re listening, I’m sure you are not.” Aniya at lalo pang tinikwas palapit sa akin ang ulo niya.“Will you stop pestering the hell out of me?” P

  • CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR   KABANATA 41

    My whole being is well pleased knowing that time absolutely steps so quickly. Friday na ngayon at excited na akong umuwi bukas.Can’t wait to see my baby girl and of course him-my hot Governor.Hindi ko na nga matandaan kung paano ko nagawang pakisamahan ang pananabik ko sa mga taong importante sa akin sa loob ng ilang araw. Basta ang alam ko’y makakauwi na rin ako bukas. Sa wakas!Nasa school cafeteria ako ngayon to get some snacks dahil may one-hour break naman ako before my last subject drop.Dahil nasa mood akong kumain ngayon, halos good for two persons ang in-order ko. Dala ko ang food tray at naghanap na ng mauupuan. Patungo na sana ako sa na-spot-an kong lamesa nang tumabi sa akin ang kamalasan at may hinayupak na bumunggo sa likod ko.“Fuck!”Nag-panic ang mga daga sa dibdib ko nang mawari kong matutumba iyong milkshake ko. Ngunit ang hinihintay kong pagtapon nito’y naudlot nang may alertong kamay ang pumigil sa pagkatumba nito.I let out a sigh of relief.Nanliliit ang aking

  • CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR   KABANATA 40

    To hell! I can't take it anymore. Nabaliw na ako sa kinatatayuan ko! Jusko po! Baka ma-paralyzed na utak ko sa sobrang kilig. Sisisihin ko talaga ang lalaking iyon. Makikita niya!Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng unit. Napagdesisyunan ko na sa school na lang kumain mamaya—ma-li-late na kasi ako kung ipagluluto ko pa ang sarili ko.“Magandang umaga sa future first lady ng Santayana!” Muntik ko nang masapak ang lalaking bumungad sa akin paglabas ko pa lamang ng pinto. Mabuti na lang at mas mabilis ang kamay niya at na-corner niya ang kamao ko.“Letse ka, Andrew! Huwag kang manggugulat!” singhal ko, at ibinaba ko na ang kamao ko.“Puwedeng mag-sorry? Bilis rin pala ng kamao mo, Cordie. Alam mo, puwede kang pumasa sa security team ni Gov.” Natatawa siya, at napakawag-kawag pa ang kilay.Tinaasan ko ang kilay. “Puwede rin, eh. Ako na ang papalit sa puwesto mo.”“Naku! Wala namang ganyanan, Cordie. Mahal ko kaya ang trabaho ko.”“O siya, anong ginagawa mo dito?” Pagtataray ko pa.“In

  • CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR   KABANATA 39

    “You’re just right here.” Simpleng kataga ni Cassian ngunit parang nakakakilabot ang dating nito sa pandinig ko.Sa akin ba ang mga salitang iyon, o sa lalaking bumunggo sa akin?Malakas ang instinct ko at sinasabi nito na hindi para sa akin ang sinabi ni Cassian. Kung para man sa akin iyon, hindi talaga ako magdadalawang-isip na sikmuraan siya.He’s scaring the hell out of me, for Leopard’s sake!Lumapit sa akin si Cassian, at ang kanyang muscled arm ay possessively na yumakap sa balikat ko, ngunit parang hindi lang balikat ang binabantayan niya—parang kaluluwa ko rin. “We have to go now, Cordie!” May awtoridad sa tono niya na nagpatindig ng balahibo ko.Ipinapakita niya ang kanyang maitim na governor’s presence, na nagdadala ng subtle tension sa paligid.What’s wrong with him? And him.“So the pretty woman’s name is Cordie.” Nabaling sa estranghero ang aking paningin. “A public promenade bordered with trees…” Patango-tangong sabi niya pa.Gumuhit sa labi ko ang isang ngiti nang mara

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status