“Ho? Nanny po ako?” bulalas ko, halos mabulunan sa sariling laway.
Okay naman sa akin ang trabaho na iyon—marangal ‘yon, stable pa siguro ang sweldo—pero hello, si Señorito Cassian Romano? Seriously? Bakit kailangan pa talagang sa kanya? Eh napaka-antipatiko ng lalaking iyon. Kung makatingin parang laging galit sa mundo. Kung ngumiti, parang kasalanan mo. Pero in fairness, ilang taon na rin mula nang huli ko siyang makita. Siguro naman… siguro lang… ngayong Gobernador na siya, baka naman mas naging tao na siya kaysa bato?
Or baka naging bato pa lalo. At may trono na.
“Sunggaban mo na lang habang wala ka pang matinong trabaho,” ani Auntie Teresa habang abala sa pagbubukas ng dala niyang tupperware. “Atsaka, Cordie, feel kong magkakasundo kayo ng anak niya—pareho kayong pilya.”
“Auntie naman! Tsismis lang ‘yon na pilya ako,” mabilis kong depensa.
Napailing na lang si Auntie na parang sinabihan ko siya ng joke ng taon. “Mag-impake ka na dahil maaga tayong aalis bukas. Ako na ang magliligpit dito.”
Habang nilalabhan ko sa utak ang mga possibilities ng pagiging babysitter ng batang Romano, dumampot na ako ng maleta. Hindi ko na tiniklop ang damit—basta siksik dito, siksik doon. Bahala na si Batman.
Naalala kong hindi pa ako nakakapagpaalam sa tropang sabog, kaya agad kong dinukot ang phone ko at nag-send ng group text.
To: Melody, Roanne, Jules
Napahagikhik ako. Classic Cordie.
Di nagtagal, sumagot agad ang laging walang filter na si Roanne:
From: Roanne
Dream on, CORDIE ROMANO. Gumising ka na sa kahibangan mo, hoy! Florida! Maynila pa nga lang hirap ka na sa pamasahe. Tse.
Grabe ‘to, emphasized pa talaga ang kahirapan ko. Walang patawad.
To: Roanne
Aalis na nga ako. Mamasukan akong nanny sa mga Romano.
From: Melody
Ang dakilang ambisyosa. Nangangarap na naman ng gising. Itagay na lang natin ‘yan. Ano?
Oy, magandang idea ‘yan ah! Alas-nuwebe pa lang. Sakto, hindi pa tulog si Auntie. Pwede pang sumaglit.
Minadali ko ang pag-iimpake, nag-half bath ng wala sa oras, saka nagpalit ng damit. Paglabas ko, nakita kong mahimbing nang natutulog si Auntie sa plastic na papag. Wala nang pre-approval, naglakad na ako palabas.
Pagdating ko sa bahay nila Jules, ayun na nga sila—kompleto ang tropa. At syempre, may lambanog sa gitna ng mesa.
“Oh, nandito na pala ang mahal na reyna,” bungad agad ni Roanne.
Napangisi ako. Familiar scene, familiar friends, familiar inuman. Instant comfort.
Umupo ako sa tabi ni Melody. Inabot agad ni Roanne ang baso. “Sa’yo na ‘to, halatang uhaw ka sa alak,” sabi pa niya habang nangingislap ang mga mata sa kasiyahan.
I-straight ko agad ang tagay. Tangina, ang sipa ng lambanog! Parang may uppercut. Pero masarap. Lasang mga panahong akala mong wala nang pag-asa pero biglang may ngiti ang tropa.
“So, ano nga ‘yong chika mo kanina? Mamasukan kang nanny?” tanong ni Melody.
Tumango ako. “Babysitter ako ng anak ni Señorito Cassian Romano.”
“Talaga?” singit ni Roanne. “Rinig ko maldita raw ang batang ‘yon. ‘Di ba ‘yong anak ni Ginang Lily naging yaya din dun tapos dalawang araw lang, nag-resign? Pinahabol daw sa aso.”
“Duda akong magtatagal ka,” sabi ni Jules habang nagbubukas ng chichiria. “Gov. Romano plus malditang anak = cordie on the run.”
“Temporary lang naman. Hangga’t wala pa akong matinong mapasukang trabaho,” depensa ko.
“Kung sabagay… pero marami rin daw bonal doon sa probinsya nila. Malay mo, doon mo pa mahanap ang true love mo.” singit ni Roanne, sabay kindat.
Napangiti ako. Sana nga.
Naalala ko tuloy ang mga biro sa akin ng mga ‘to—na baka raw mamatay akong birhen. Pero twenty-four na ako, bes. Wala pa rin ni halik. Laplapan, halik sa noo, kahit sa hangin—wala.
“Naalala n’yo ba si Franklin Sebio?” tanong ni Jules. “‘Yung heartthrob sa St. James? Taga doon ‘yon!”
“Ayoko dun, masyadong mabait. Parang kapag nag-sex kami, hindi ungol ang lalabas kundi Bible verse,” sabi ko, sabay tawa naming lahat.
8:00 AM – Arrival at the Mansion
Hulas pa ang katawan ko, may kaunting hangover, at parang anytime, sasabog ang tiyan ko. Pero grabe ang mansion. Kung may textbook ang karangyaan, ito ‘yon. Lahat ng tanawin, parang edited. Walang sabit. Walang aberya.
Pagbaba namin ni Auntie, sinalubong kami ni Doña Astrid Romano.
“Jules, nakabalik ka na pala,” masiglang bati. Tapos lumingon siya sa akin. “At ito na ba ang pamangkin mo? Si Cordie? God, you grew up a very beautiful woman, hija.”
“Salamat po, Doña Astrid. Kayo rin po—parang tayo lang po magka-edad,” biro ko, pero truth be told, parang wala siyang wrinkles.
“Ikaw talaga, palabiro pa rin!”
Pero hindi ko na kinaya ang hilo. Kailangan ko ng hangin. Nagpaalam ako sandali.
Sa likod ng mansion, sa gitna ng hardin na parang kinuha pa mula sa catalog ng mga royal estate sa Europe, doon ako napadpad—at doon ko rin naiduwal ang lahat ng laman ng sikmura ko. Hindi na ako nakaabot sa gilid man lang ng pathway. Diretso sa gitna ng flowerbed. Yung parang pinapahalagahan pa ng gardener kaysa sa buhay ng interns.
“Sorry, florals…” usal ko habang nakayuko, hinihimas-himas ang sikmura kong parang nilamukos.
At hindi pa ako nakaka-recover, may biglang dumagundong na boses mula sa likod ko.
“Oh my God, lady! What did you just do to my flowers?!”
Napapitlag ako sa gulat at agad na napatayo, kahit pa nahihilo pa ako sa pinaghalo-halong kahihiyan, suka, at gutom. Paglingon ko, isang batang babae ang nakatayo ro’n—nakataas ang isang kilay, naka-cross arms, at nakatitig sa akin na parang ako ang kontrabida sa Disney channel. Isa lang ang naisip ko: Aba, anak-mayaman nga.
“A-ah… Nene, sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Nahilo lang ako, tapos—”
“What? Did you just call me? Nene?” Umirap siya nang parang sanay na sanay. “You moron woman! I am not a Nene! That’s disgusting.”
Whoops. Sensitive pala si Aling Maliit.
Bigla akong napatigil. Wait lang. Parang may pamilyar sa itsura niya. Huwag mo’ng sabihing ito na ‘yung…
Ito na ang anak ni Governor Cassian Romano na ipapasubaybay sa akin?
Lord, kung siya nga ‘to… kukunin ko pa ba ‘tong trabaho?
“Sorry na talaga, Aling Maliit. Lilinisin ko ‘to, swear. Hihingi rin ako ng tawad sa gardener—”
“Shut up, beggar!” singhal niya, sabay talikod with flair, parang may invisible wind machine. “I’ll tell Daddy! He’s going to make you pay! Ipapalapa ka niya kay Luther!”
Sinong Luther? Driver? Yung Doberman? Hitman? Hindi ko na alam kung matatawa ako o matatakot.
Umikot ang mata ko, parang nag-exorcism lang sa tindi ng linya na narinig ko. May horror element na, may regal delusion pa. Lord, anong klaseng bata ‘to?
“Hoy, bubwit! Bumalik ka rito!” sigaw ko habang sumusunod siya ng ilang hakbang.
Biglang huminto siya at lumingon na parang sinasapian. “Kanina Nene, ngayon bubwit? Ugh! Isusumbong na talaga kita!”
At ayun na nga. Tuluyan na siyang umiyak. As in ‘yung iyak na pang-telebabad na may kasamang foot stomp at halong indignation ng isang spoiled empress.
“I hate you!” hikbi niya, sabay dabog ng paa. “Ako lang ang maganda rito! Daddy told me I’m the only princess here!”
Ay. So ito na nga talaga ‘yung anak ng Gobernador. Cute nga. Kung hindi lang mala-demonyita ang aura.
“Aww, cute na monster,” bulong ko habang pinipigil ang tawa. Mana nga sa ama. Sure na ‘ko.
Pero hindi ako nagpadaig. Hinawi ko ang buhok ko, nag-shoulder pop pa, tapos sabay smirk na parang artista sa shampoo commercial.
“E ‘di ikaw na. Ako? Hindi naman pretty. Beautiful agad.”
Nag-posing pa ako—‘yung tipong parang ina-award-an ng Miss Congeniality sa gitna ng flowerbed na nasukahan ko. Worth it.
She stared at me like I just invented insanity. “You are a crazy beggar,” sabi niya, deadpan. Tapos ayun—tumakbo na. Parang may halong takot, inis, at konting trauma sa wit ko.
First day ko pa lang ‘to. Literal. Wala pang 24 hours. At pakiramdam ko, andito na agad ako sa death row. Ang sarap, ‘di ba? Panalo. Welcome to hell—ang anak pala ni Senyorito Cassian ang mukhang demonyita mismo.
Tila napaisip ito saglit at sinipat ang oras mula sa Rolex wristwatch niya. “Four-thirty…”My forehead wrinkled dahil sa suhestyon niya. “Four o’clock, o palalayasin kita ngayon din?”“Okay, okay. Sabi ko nga gagawin ko na.” Pumwesto na siya sa harap ng computer at agad na pinangasiwaan ito.Pabalik na sana ako sa bedroom ko nang tawagin niya ulit ang atensyon ko.“Crush, teka lang! Hindi mo man lang ba ako tutulungan dito?”Hinarap ko siya nang may mapait na ekspresyon. “Kabayaran mo iyan sa pagpapasok ko sa’yo rito!”Presko niyang isinandal ang malapad na likod sa upuan, sabay tapik ng sapatos sa tiled floor. “Sure thing, pero maaari mo bang alukan ako kahit soda at sandwich man lang? At least be quite hospitable to your visitor.” Pumaling-paling pa ang makapal niyang kilay.Huminga ako ng malalim bago umirap. Bagsak ang balikat ko habang tumungo sa kitchen.“I want a fresh lettuce on my sandwich, please,” pahabol pa ng hinayupak.“Walang lettuce dito,” inis kong sigaw pabalik.“Kah
Alas tres na ng hapon at nagmumukmok pa rin ako rito sa loob ng condo. Simula nang magising ako, hindi ko inalis ang atensyon ko sa cellphone ko. Kahit maligtaan ko itong tingnan, hindi naman tatagal ng tatlong minuto. Maliban na lang noong naligo ako.Paulit-ulit ko pa ring binabasa ang text message mula kay Cassian na natanggap ko kaninang umaga.Aalis kami ni Lorraine ngayon. Better stay there and study your lessons. Huwag ka na lang muna umuwi ng Santayana.Iniyakan, tinawanan, at minura-mura ko na ang text message na iyon. Nakakagago lang, hindi ba? Iyong pakiramdam na mas excited ka pang umuwi tapos wala ka naman palang uuwian.Dang it!Ang mas masaklap pa noon ay hindi sinasagot ni Cassian ang mga tawag ko. Pihadong sasabog na ngayon ang kawawang cellphone niya sa dami ng ipinadala kong text messages at missed calls. Panay lang ang ring ng cellphone niya at naninikip ang dibdib ko sa tuwing sumasagi sa isip ko na baka iniiwasan niya ako.Ngunit ano namang rason niya? The last t
We have extensive coursework all throughout the semester, that’s why we need to be in a fast-track footing.”“You still look gorgeous even though you’re frowning, crush!”“So now, I’ll give you an activity to measure your capability and to improve your knowledge in Auto Computer-Aided Design.”“You’re too innocent while your mouth is shut. Nice hair, anyway. Night black and silky.”Ibig kong takpan ang aking mga tenga dahil parang magkakaroon ng depekto ang utak ko sa dalawang taong magkasabay na nagsasalita.Prof. Langhorne is discussing our first activity while this jerk beside me is showing up a testimony of how absurd and sick his brain is.Mula nang magsimula ang klase namin ay walang hinto rin ang pamemeste niya sa akin. Kung epal lang ako, kanina ko pa sana isinumbong kay Prof. Langhorne ang ugok na ’to.“Yoohoo! Stop pretending that you’re listening, I’m sure you are not.” Aniya at lalo pang tinikwas palapit sa akin ang ulo niya.“Will you stop pestering the hell out of me?” P
My whole being is well pleased knowing that time absolutely steps so quickly. Friday na ngayon at excited na akong umuwi bukas.Can’t wait to see my baby girl and of course him-my hot Governor.Hindi ko na nga matandaan kung paano ko nagawang pakisamahan ang pananabik ko sa mga taong importante sa akin sa loob ng ilang araw. Basta ang alam ko’y makakauwi na rin ako bukas. Sa wakas!Nasa school cafeteria ako ngayon to get some snacks dahil may one-hour break naman ako before my last subject drop.Dahil nasa mood akong kumain ngayon, halos good for two persons ang in-order ko. Dala ko ang food tray at naghanap na ng mauupuan. Patungo na sana ako sa na-spot-an kong lamesa nang tumabi sa akin ang kamalasan at may hinayupak na bumunggo sa likod ko.“Fuck!”Nag-panic ang mga daga sa dibdib ko nang mawari kong matutumba iyong milkshake ko. Ngunit ang hinihintay kong pagtapon nito’y naudlot nang may alertong kamay ang pumigil sa pagkatumba nito.I let out a sigh of relief.Nanliliit ang aking
To hell! I can't take it anymore. Nabaliw na ako sa kinatatayuan ko! Jusko po! Baka ma-paralyzed na utak ko sa sobrang kilig. Sisisihin ko talaga ang lalaking iyon. Makikita niya!Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng unit. Napagdesisyunan ko na sa school na lang kumain mamaya—ma-li-late na kasi ako kung ipagluluto ko pa ang sarili ko.“Magandang umaga sa future first lady ng Santayana!” Muntik ko nang masapak ang lalaking bumungad sa akin paglabas ko pa lamang ng pinto. Mabuti na lang at mas mabilis ang kamay niya at na-corner niya ang kamao ko.“Letse ka, Andrew! Huwag kang manggugulat!” singhal ko, at ibinaba ko na ang kamao ko.“Puwedeng mag-sorry? Bilis rin pala ng kamao mo, Cordie. Alam mo, puwede kang pumasa sa security team ni Gov.” Natatawa siya, at napakawag-kawag pa ang kilay.Tinaasan ko ang kilay. “Puwede rin, eh. Ako na ang papalit sa puwesto mo.”“Naku! Wala namang ganyanan, Cordie. Mahal ko kaya ang trabaho ko.”“O siya, anong ginagawa mo dito?” Pagtataray ko pa.“In
“You’re just right here.” Simpleng kataga ni Cassian ngunit parang nakakakilabot ang dating nito sa pandinig ko.Sa akin ba ang mga salitang iyon, o sa lalaking bumunggo sa akin?Malakas ang instinct ko at sinasabi nito na hindi para sa akin ang sinabi ni Cassian. Kung para man sa akin iyon, hindi talaga ako magdadalawang-isip na sikmuraan siya.He’s scaring the hell out of me, for Leopard’s sake!Lumapit sa akin si Cassian, at ang kanyang muscled arm ay possessively na yumakap sa balikat ko, ngunit parang hindi lang balikat ang binabantayan niya—parang kaluluwa ko rin. “We have to go now, Cordie!” May awtoridad sa tono niya na nagpatindig ng balahibo ko.Ipinapakita niya ang kanyang maitim na governor’s presence, na nagdadala ng subtle tension sa paligid.What’s wrong with him? And him.“So the pretty woman’s name is Cordie.” Nabaling sa estranghero ang aking paningin. “A public promenade bordered with trees…” Patango-tangong sabi niya pa.Gumuhit sa labi ko ang isang ngiti nang mara