Mabibigat ang mga yabag ko habang bumabalik sa loob ng mansion. Para akong bagyong dumaan sa flowerbed—literal at emosyonal. Nakakairita kasi talaga ang batang ‘yon. Masyado siyang matabil. Ang sarap kurutin sa singit. ‘Yung may kirot. Yung tipong di na makapag-princess-princessan.
Aist! Mamayang gabi talaga, maghahanap na ako ng ibang trabaho online. Kahit anong raket sa Maynila, kahit street magician pa, basta lang makalayo sa demonyita ng batang ‘yon. Kung hindi ko siya matitiis, baka ako pa ang makulong sa attempted homicide.
Nasa porch pa lang ako ng mansion nang sumalubong si Aunty Julie, bitbit ang gusot na mukha at masamang tingin na parang may utang akong pitong buwan ng tubig at kuryente.
“Cordie, ano bang ginawa mo kay Lorraine? Naku kang bata ka, kahit kailan talaga napaka-isip bata mo! Pati pitong taong gulang na bata pinatulan mo!” sermon niya, sabay dampi ng mahina pero madiing palo sa braso ko—‘yong tipong palo with feelings.
“Aunty, naman… wala akong ginawa sa bubwit na ‘yon—”
“Ya heard that, Daddy? Ya heard that? She named me a bubwit!”
Nag-freeze ang kaluluwa ko. Oh no. No no no.
Napalingon ako paakyat ng hagdan at nakita ko ang maliit na multo—ay este, si Lorraine—nakasungaw mula sa taas. At hindi siya mag-isa. Nakapulupot siya sa braso ng isang lalaking mas nakaka-istorbo pa sa tahimik kong puso kaysa sa wais na anak niya.
Gov. Cassian Romano. Señorito Cassian in the flesh, ladies and gentlemen.
Bigla akong napatunganga. Grabe. Sa mahigit pitong taon na hindi ko siya nakita, parang binuhusan siya ng mas maraming kagwapuhan. Noon mukha na siyang modelo ng luxury men brand—ngayon, mukha na siyang exclusive cover ng GQ Magazine na may pa-feature na "Hottest Single Dad of the Decade." Pero gaya noon, matalim pa rin ang aura. Yung tipong kahit ngumiti, parang may hinahamon sa suntukan.
Twenty-nine na siya ngayon, I think, pero mukha lang siyang twenty-eight.
Ako? Mukha pa rin akong twenty-twenty… twenty-pagod.
“She was the beggar who ruined my bed of roses, Daddy, and she even said that she’s prettier than me raw! Daddy, it’s not true, right? Tell her! Na ako lang ang pretty dito!” litanya ni Lorraine habang inuuga-uga ang kamay ng ama niya na parang gusto talagang mag-wish sa genie.
Okay, calm down, Cordie. Huwag mo nang patulan. Baka sa kulungan ang bagsak mo.
Tumingin ako kay Señorito Cassian. Seryoso ang titig. Walang emosyon. Walang hello. Wala ring smile. Parang ni-reset ang facial features niya sa default: Governador Mode On.
I gulped—softly—at binalik ko ang tingin kay Lorraine. Nag-iinit pa rin ang ulo ko pero hindi pwedeng bumitaw ang sarcasm. “Ah… Nene, sorry na nga kasi. Hindi ko naman sinasad—”
“Dad oh! She called me Nene na naman! Kanina bubwit, ngayon Nene! Daddy, please ask Luther to snack her! Pretty please!”
Wow. Artistahin ang delivery ni Aling Maliit ah. Susunod 'to sa yapak ni Barbie Forteza. Galing umarte. Puwede na ang bibig ng batang 'to panangga sa mga atake ng Hapunes sa Pulang-araw.
“Señorito, ako na po ang hihingi ng paumanhin sa nagawa ni Cordie,” sabat agad ni Auntie, trying to save the family name. “Sadyang isip-bata talaga ang pamangkin ko at minsan nawawala sa katinuan.”
Napairap ako nang very discreetly—kaso, nahuli ni Cassian. Ayos! I-straighten agad ang face. Walang emote, Cordie. Compose. Pakitang walang atraso.
“Lorraine, hija, pagpasens’yahan mo na itong Ate Cordie mo ha?” dagdag pa ni Aunty, ever the peace ambassador. “Huwag kang mag-alala, mabait naman ‘yan. Magkakasundo rin kayo.”
Hah! In your dreams, Nanay Julie.
“Nanay Julie, she’s not going to be my Ate. Inaasar niya ako! And I hate her name! Almada? Eww. That was recognized, I think, noon pang nineteen-forgotten!” She rolled her eyes with so much disdain it could kill plants.
Wow. Binastos pa talaga ang pangalan ko. Almada na nga, ginawa pang pamada. Gusto ko siyang sabunutan pero bawal ang child abuse, unfortunately.
“Lorraine, enough.” Singhal ni Cassian. At last! The Gobernador speaks!
Tahimik agad si bata. Pero syempre, may parting irap. Ganda ng attitude, pang-Villains Academy.
“You can go back to the kitchen, Manang Julie. Kakausapin ko na lang ang pamangkin mo tungkol sa magiging trabaho niya sa akin,” utos niya kay Aunty, pero tingin niya, nasa akin lang. Intense.
“Sige po, Señorito,” ani Aunty, sabay bigay ng mag-behave-ka-o-patayin-kita-sa-tingin look bago tumalilis.
“Go to your granny, princess. Kakausapin ko lang siya.”
“Okay, but you have to promise me you’ll get rid of Almada. Okay, Daddy?” ani Lorraine, eyes sparkling like evil glitter.
Cassian nodded.
Ayos lang. Wala rin akong balak magtagal dito.
Bago tuluyang umalis, huminto pa ang batang impakta sa tabi ko. Tinupi ang maliliit niyang braso at binagsakan ako ng killer stare.
Girl, kaya kitang i-bungee jump sa kanto eh.
“Stop bullying my daughter inside your brain, Ma. Cordie! C’mon, follow me up this way.”
Whoa, he remembers my full name? May memory card pa pala si sir!
Sumunod ako kay Cassian papunta sa ikalawang palapag—sa library. Tahimik. Malamig. Maaliwalas. Amoy mamahaling libro at subtle tension.
“Sit down,” utos niya, sabay turo sa solo couch across from him. I sat like an obedient child na pinatawag ng principal.
Awkward. Ang weird ng energy. Parang may babasagin. Parang ako ‘yon.
“About your job description,” panimula niya. “Ang magiging trabaho mo lang ay tutukan ang lahat ng galaw ng anak ko.”
“Lang?” Naangat ang kilay ko. As in full-time CCTV level?
“Yeah. Why? What’s wrong with my daughter, Cordie?” Cold stare. Sharp tone.
Marami kayang mali sa anak mo. Pero syempre, tinimpla ko ang sagot. “Ah… wala. Wala naman.”
Ayusin mo, Cordie. Baka i-ban ka pa sa buong probinsya.
He moved slightly and adjusted his posture. Gosh. Yung aura niya? Intimidating. Yung boses niya? Commanding. Yung porma? Pang-politiko na ginawang cover boy.
Ewan ko lang kung siya ba’y halal dahil sa galing o dahil sa dimples.
“You’ll move in with us this afternoon. You’ll have to stay in our house sa Cameo. Doon kami nakatira ni Lorraine. So to put it simply… hindi ka dito sa mansion titira.”
Oh great. I’m moving in with the devil’s spawn and her walking Greek god of a dad.
Day one pa lang ‘to. Pero bakit parang season finale na agad ng buhay ko?
"WHAT THE FUCK YOU'RE DOING?""Gov. mali po iyong iniisip n'yo. Nagkakamali ho kayo, promise! Wala pong malaswang nangyari doon sa kusina kanina." Gusto ko nang mapapadyak sa inis dahil kahit anong paliwanag ko'y hindi talaga naniniwala sa akin si Cassian.Ang tigas talaga ng puso n'ya!Napahilot ito sa kanyang sentido at hindi makatingin sa akin nang diretso. Nandito na naman ako sa opisina n'ya para pagalitan. Para s'yang disciplinary counselor at ako ang makasalanang student.Hay buhay!"Stop denying, Maria Cordelia Humbañez! I saw what you two were doing back there. Pati kusinero ko, hindi mo talaga pinalagpas? Anong klaseng babae ka? Wala ka bang delikadesa sa katawan, huh?" Umyak nito ulit na lalong nagpasikip sa aking dibdib.Cassian is Cassian talaga! Makitid ang utak! Pinuputok talaga ng tumbong n'ya iyong naantalang gagawin ni Ronnie.Hindi ko na magawang magsalita dahil parang may bumara na kung ano sa aking lalamunan. Gusto ko pang mangatuwiran ngunit sadyang sarado ang ut
Kabado ako habang nakasunod sa bulto ni Gov. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako nang ganito. Galit ba iyon dahil iniistorbo ko ang mga bodyguard n'ya? Napaka naman n'ya kung gano'n! Parang nakikipag-kaibigan lang naman iyong tao.Kung makaasta kasi para akong isang A&F na gusto s'yang patalsikin sa puwesto n'ya.Tsk!Pumasok na s'ya sa opisina n'ya kuno at iniwang bukas ang pinto para sa akin. Tahimik akong pumasok. Si Cassian Romano ay nakaupo na sa swivel chair nito at nag-aabang na sa pagdating ko.Matalim na titig ang sinalubong n'ya pagkapasok ko."Gov.—" Uunahan ko na sana s'ya para magpaliwanag pero agaran naman n'yang pinutol ang aking sasabihin."Dito sa pamamahay ko ay hindi kita pinahihintulutan na kausapin ang mga tauhan ko. Except of course if that's a matter of life and death! Kung gusto mong umalembong sa mga tauhan ko, you can ask a day off at sa labas kayo mag-usap. Nagkakaintindihan ba tayo?" Matigas n'yang sabi habang ako'y tangang nakatitig lang sa kanya.Uma
Pagkaalis ni Ronnie, agad kong sinimulan ayusin ang mga gamit ko. Kaunti lang naman ang dala ko—isang maletang kasing laki ng pride ko, at isang backpack na punô ng mga gamit na hindi ko rin naman sure kung magagamit ko. May dala pa akong photo frame ng lola ko na parang patron saint ng disiplina—para lang may moral compass ako sa bahay na 'to.Habang inaayos ko ang mga damit sa closet, napatingin ako sa paligid.Maganda ang kuwarto. As in, maganda-magandang parang pang-model unit sa condo brochures. May minimalist vibe—puro black, white, at gray. Parang hindi pang tao. Pang display. Walang kalat, walang personality, walang laman. Parang puso ng ex kong si Lyle. Charot.May floor-to-ceiling window din sa gilid. Kitang-kita ko ang city lights ng Santayana, parang sinasabi ng mundo, “Welcome sa bagong yugto ng buhay mo, girl. Good luck, ha. Kasi mukhang kailangan mo.”Umupo ako sa kama. Malambot. Parang pwede na akong mag-dive papasok sa panibagong buhay kung saan kasama ko ang isang br
"Thought you’d forget what happened seven years ago. Why do you have to bring it up again?"Boom. Just like that.Nag-crash landing ang buong sistema ko. Parang nahulog ako sa bangin ng nakaraan na matagal ko nang tinakasan. I couldn’t even count how many times I’ve swallowed hard since he opened that damn topic. Kung may award sa pag-lunok ng laway, baka Hall of Famer na ako.Sure, nag-usap kami dati—pormal pa nga—na we’d let the past stay in the past. Pero excuse me, s’ya kaya ang una’ng nag-reminisce! Ako ba? Wala! I was minding my own business, pretending my life was trauma-free and emotionally stable!Napakunot ang noo ko habang tinitigan ko siya. As in maldita-girl stare na may halong “don’t test me, governor.” Gusto ko na sanang mag-face palm, kaso baka magmukha akong masyadong cute. Next time na lang, pag walang audience.“Gov,” simula ko, medyo hinaan ang boses para kunwari sweet ako. “Nakalimutan ko na 'yon. Ikaw lang naman ang umungkat no’n.”At doon ko nakita. That flicker
Sa harap n’ya?I mean... technically, hindi niya sinabi in exact words, “Cordie, maghubad ka in front of me.” Pero ano pa nga ba ang ibig sabihin no’n, ‘di ba?Napatingin ako sa kanya habang sinisimot niya ng tingin ang buong pagkatao ko—mula ulo hanggang talampakan—parang tindera sa ukay na sinusuri kung authentic ang Levis ko.Humagik-ik pa talaga ang hinayupak.“Cordie,” aniya, “don’t tell me maliligo ka nang naka-jacket at naka-maong?”Ay oo nga pala. Naka-layer ako ng jacket, t-shirt, at denim na para bang naglalakad ako sa Baguio kahit obvious namang summer dito.Sheez.Wala akong nasabi. Napalunok ako ng sariling hiya habang pinipilit itago ang kawalan ko ng preparedness. Parang ‘yung batang sumali sa PE na naka-jeans. Ako ‘yon.“Sige, mauna ka na! Susunod ako!” sabay tulak ko sa kanya, hoping he’d just take the hint and get lost—bago pa mag-react ‘yung hormones ko.But of course, like every dark, handsome, cocky man with Greek-god genetics, he didn’t make it easy.He smirked.
Flashback ContinuationMaghapon kong hindi nakita sa mansion si Cairo. Aaminin ko, kinilig talaga ako sa biro niyang iyon kagabi sa kuya niya, pero alam kong ang totoo’y nais lang talaga niyang asarin ang kapatid. Ay, kung anong kalupitan ng isang kuya sa kapatid, talaga namang pang-level ng telenovela.Nalaman ko rin mula sa kanya na hindi pala sila gaanong close ni Señorito Cassian — kaya naman ganoon na lang ang effort ni Cairo na makipag-bonding sa akin. Turing niya raw ako na parang kapatid na kahit kagabi pa lang kami nagkakilala. Awww, parang instant family ba?Siyempre ayos na rin sa akin iyon dahil mabait naman si Cairo. Guwapo pa! Hindi tulad ng kuya niyang si Cassian, na para bang may permanenteng blackout sa puso at mukha. Seriously, parang laging naka-default mode na “grumpy boss.” Hindi ko na rin itinatangging may crush ako kay Cairo. Ilang beses ka ba naman makakakita ng gwapong ganito? Kung crush na lang ‘yan, okay lang. Choosy pa ba ako, diba?Speaking of masungit...